webnovel

Chapter 13

Pabagsak na humiga ako sa aking kama, dahil sa pagod.

1 week na lang bago mag School Festival.

Naging busy na kaming lahat sa mga sari-sariling naming club.Bawat club kasi ay kailangang may pakulo or something.

Well sa club ko naman ay simple lang,mag be-bake lang naman kami and ibebenta namin sa School Festival.Pero sa ngayon ay nag pa-practice lang kami para maging perfect ang mga cookies and personalized cupcakes na ibebenta namin.

Nagpunta na ako sa banyo para maligo,bago ako tuluyang magpahinga.

Axle <3 is calling…

Napabangon ako sa gulat.

Omygosh.

Ilang buwan na kaming hindi nag-uusap!Ngayon ko lang na realize na buhay pa nga pala siya—charot!

"Hello?" Sagot ko.

"Rei!Namiss kita!"

Napangiti ako. "Namiss?Pero hindi mo agad ako tinawagan?"

Narinig ko ang pagtawa nito."Sorry, nasira cellphone ko.Kanina lang ako nakabili ng bago"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak, pero mukhang hindi ata kinaya.

"Umiiyak ka ba?" Alalang tanong niya.

Pinunasan ko ang mga luha ko at humikbi.

"Rei naman..okay ka lang ba diyan?"

"O-okay lang ako..namiss lang kita" Sagot ko habang lumuluha.

"Me too..'Wag kang mag-alala, magkikita na rin naman tayo"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko at tumigil na sa pag-iyak.

"Wala…kamusta na nga pala ang buhay mo 'jan?"

"Okay lang.May nahanap na akong mga tunay na kaibigan"

Natahimik ito.

"Axle..feeling ko, tunay na naman sila.Hindi sila katulad ng dati…Alam na rin nila ang past ko pero heto sila at nasa tabi ko pa din"

"Mabuti naman kung ganoon..Sana ay makilala ko rin sila"

"Oo!Ipapakilala kita sa kanila" Masayang sagot ko.

"Hindi mo ba ka-kamustahin ang mama mo?"

"Sira.Nag-uusap naman kami araw-araw.." Natatawang sagot ko.

"Mabuti naman kung ganun…Ah! Ba-bye na Rei, tinatawag na ako ni mama.Miss na kita hahaha"

"Haha miss na din kita baliw..bye!" Huling sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Napangiti naman ako.

It's been months since the last time we saw each other…

Nagpunta ako sa kusina para maghanap sana ng lulutuin nang biglang...

"Anak ng patatas!" Bulalas ko dahil biglang nawalan ng kuryente.

Ang dilim!!

Kinuha ko ang cellphone kong nasa bulsa ko at binuksan ang flashlight.

10% na lang pala ako..!!!

Mabilis na nagtungo ako palabas ng apartment nang maalala ko si Yuan.Knowing him, he's not a boy-scout.

Hindi na ako kumatok at pumasok na sa loob ng apartment niya.

Naabutan ko siyang nakaupo sa gaming chair niya.

Grabe wala man siyang kailaw-ilaw.

"Hoy" Lumapit ako sa kaniya at itinutok sa mukha niya ang flashlight ng cellphone ko.Napapikit naman siya dahil doon kaya't agad ko din namang iniwas ang flashlight.

"Wala ka bang flashlight 'jan?Where's your phone?" Tanong ko.

"Dead battery.."

Napabuga ako ng hangin.

See?He's not a boy-scout at all.

"Why are you here?"He asked.

"Wala lang.Just checking—" Agad na nasamid ako."Uh, tatanungin ko lang sana kung may powerbank ka." Pag-sisinungaling ko.

"Ah?Wala ding charge ang powerbank ko"

Tumayo siya at kinuha ang cellphone ko mula sa kamay ko.

"H-heyy—"

Napahakbang ako paatras nang inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"A-ano ba?" Mabuti na lamang at madilim dahil hindi niya nakikita ang namumula kong mukha.

"Wait here… May kukuhanin lang ako sa kwarto ko" Sabi niya at aalis na sana nang hilahin ko ang laylayan ng damit niya.

"Madilim.."

Natawa ito at hinawakan ang braso ko papalapit sa kaniya.Habang naglalakad ay dumadausdos ang kamay niya mula sa braso ko papunta sa kamay ko.

W-w-what the f-f-fudge..!!

Nanlaki ang mata ko nang namatay ang ilaw mula sa cellphone ko na hawak niya.

"u-uh..deadbatt" Sabi ko.

Ngayon ay mukha kaming ewan dahil nakatayo at nakatigil lang kami kung saan.Dahil sobrang dilim ng paligid.

Hinila niya ang kamay ko paalis doon.

Natawa ako ng marinig na para bang nabunggo siya sa isang bagay.

"Ah shi—" Daing niya.

"Saan mo ba ako dadalhin?"

"Living room tss" asar na sagot niya.

"Let's just wait until the electricity comes back" Sabi niya at naupo sa sofa kaya wala akong choice kung hindi ang maupo rin sa tabi niya.Masyadong madilim ang paligid.Wala rin kaming kailaw-ilaw dahil nga, deadbatt na ang mga cellphone namin.

I yawned.

"Are you sleepy?"Tanong niya.

"Hindi naman"

"Take a nap..I'll wake you up 'pag may kuryente na"

Pinigilan ko ang sariling mapanguso.

Why is he being like this?!!

Muli akong naghikab kaya't napag-pasiyahan ko na humiga muna sa sofa niya at natulog.

Nagising na lang ako dahil sa mga ingay na naririnig ko.

"U-uhh" Ungol ko sabay bangon at kusot ng mata.

Nakita ko si Yuan na nasa gaming chair niya at naglalaro.

Teka? May kuryente na?

"Bakit 'di mo sinabi na may kuryente na pala" I told him.

"Mahimbing ang tulog mo so i decided not to wake you up" Sagot niya na hindi inaalis ang tingin niya sa screen ng computer niya.

I sighed and aalis na sana nang may maalala kayo muli akong lumingon sa kaniya.

"Nakakain ka na ba?"

"Not yet"

"Samahan mo na ako kumain.."

Hindi niya ako pinansin kaya't asar ko siyang nilapitan.

"I heard you don't worry..but, i'll skip supper tonight"

I rolled my eyes and removed his headphone.

"You should eat.Look at you, ang payat payat mo."

"I don—"

"Yuan..!"

"Fine" Pag-suko niya at tsaka pinatay ang pc niya.

Hinawakan ko ang braso niya at pumunta na kami sa unit ko.

"Sit there" Turo ko sa upuan sa may kusina.

"Want me to help you?"

Nasamid ako sa tinanong niya at tumawa ng sarkastiko."Really?"

He rolled his eyes."What?"

"Bakit?Marunong ka bang mag-luto?"Pang-aasar ko.

"Yeah?" Muli niya akong inikutam ng mata kaya natawa ako ng malakas.

"Why are you laughing?" Asar na tanong niya.

"Wala hahaha!Umupo ka na lang 'jan, okay?" Ngumisi ako at muling bumalik sa pagluluto.

I cooked chicken adobo for our dinner.Buti na lang at mayroon pa akong mga karne sa ref ko.Hinubad ko ang apron at inilapag sa lamesa ang niluto ko.Nagulat naman ako nang tumayo siya at tinulungan ako sa paghahain.

"It smells good" Puri niya sa niluto ko kaya't ngumiti ako sa kaniya.

"Ako pa ba?charot..tikman mo dali" sabi ko na ginawa naman niya agad.

"Medyo maalat"

Napakunot ang noo ko at mabilis na inagaw ang kutsarang hawak niya at tinikman ang adobo na niluto ko.

"H-hindi naman ah!" Nakangusong sabi ko na ikinatawa niya.

"I was just joking..It's good" He smiled which almost made my heart skipped a beat.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

FRANXX_creators' thoughts
Next chapter