webnovel

The Four Powerful Element [Tagalog]

KishJaneCy261928 · Fantasy
Not enough ratings
23 Chs

Return

Franscene Point Of Views

Magkakasama kaming lahat ngayon at nasa harap na kami ng portal. Kong saan makaka balik na kami sa totoong mundo namin.

"Remember our plan, please." Tumango naman sila sa akin. I hope this mission won't fail.

"Let's go," pumasok na kami sa portal. Hindi ko alam kong saan kaming lugar mapupunta pero sana 'wag muna sa charhelm.

*****

Nagising ang diwa ko ng bumagsak ako sa tubig. Gosh!

Napatingin naman ako sa mga kasama ko. Good thing magkakasama pa rin kami. Bumagsak kami sa gitna ng dagat.

Tuwang tuwa si Wayne and Hiro. Paano naman kaming tatlo?

"Wayne, we can't breath. Can you help us?" Mukhang narinig n'ya naman ang sinabi ko. After ko kasing sabihin 'yun nagkaroon ng space.

Nag adjust 'yung dagat sa amin. Like sa moana. Kaya naman naka paglakad kami ng maayos.

"Saan tayo pupunta? Hindi natin alam kong saan tayong lugar."

"Don't worry hindi naman kailangang agad-agad pumunta tayo don. Hindi natin sure kong magiging succesful ang plano natin." Sagot naman ni Hiro. Nanahimik na lang ako.

Nakarating na rin kami sa pang-pang. Napakalayo ng nilakad namin para makarating lang dito. Kong pwede naman sabihin ni Wayne sa dagat na dalhin kami agad sa pang-pang. Kaso hindi, e.

"Dito na muna tayo mag palipas ng gabi." John Ford suggested. Hapon na rin kasi.

Wala ring ibang mga nilalang na nandito. Sobrang tahimik. Tapos 'yong mga puno nalalanta na.

Mukhang itong lugar na napuntahan namin ang nag-iisang maliwanag lang. Nasa isang isla kami.

"Napansin ko lang bakit naiiba 'tong isla na 'to?"

"Napansin ko rin." Sa lahat kasi siya 'yong nag-iisang green pa ang mga puno at halaman. Siya rin ang nag-iisang maliwag sa lahat ng dito.

Yong mga kabundukan kasi na natatanaw ko sa kalayuan color brown na. Tapos napaka kulimlim dun. Itong isla na 'to nagliliwanag siya.

"Hindi kaya may kakaiba sa isla na 'to. Mukhang hindi siya agad na tablan ng reality warping. Tsaka ang mga puno dito palanta palang. Years na ang nakalipas pero bago pa lang nalalanta."

"You're right, kailangan nating mag-ingat kong ganon." Nang tuluyan ng nilamon ng dilim ang kalangitan gumawa ako ng apoy. Para mag liwanag ang paligid.

"Gutom na ba kayo?"

"Hindi pa naman. Hwag nalang siguro tayong kumain."

"We need to. Kailangan nating mag palakas. Mukhang wala na kasing isdang makukuha sa karagatan." Nakakalungkot lang isipin dahil nalason lahat ng mga naninirahan sa dagat.

"Maghahanap na lang kami ng prutas."

"Kong saan gabi na tsaka n'yo pa naisipan?"

"Oo, dito lang kayong tatlo." Tumango nalang kami sa kanilang dalawa.

Kailangan nga talaga namin kumain para sa paglalakbay bukas papunta ng Charhelm.

"Kanina habang naka tingin ako sa paligid nito. May nakita akong liwanag. Kaso nawala din agad." Napatigil naman ako sa sinabi ni Leigh.

"Mukhang may kakaiba nga sa isla na 'to." Tumingin ako sa paligid ng isla. Kailangan kong talasan ang mga mata ko.

May mga naririnig na rin kaming kakaiba na mga tunog at parang nagtatakbuhan.

"Geez!" Napatayo naman kaming tatlo ng narinig namin 'yon.

"Paano kong napahamak na 'yong dalawa?" Umiling naman ako.

"They have their own ability kaya 'di sila mapapahamak ng ganon-ganon na lang." Sagot ko kay Wayne.

"Yeah right. Kong sumunod kaya tayo sa kanila?"

"Nope, we don't need to. Iba ang dapat nating puntahan." Napatingin naman sila sa aking dalawa. Halata sa mukha nila ang pag-aalangan pero sumunod pa rin sila.

"Sumunod kayo sa akin."

*******

Windy Point Of View

Nasa veranda ako ng Palasyo at naka tanaw sa paligid.

"Nakakamis," napatingin ako kay Jake ng sabihin n'ya yan.

"Ang alin?" Halata sa mga mata n'ya ang lungkot.

"Yong dati, naiinis din ako sa sarili ko kasi wala akong nagawa." Bakit parang may kakaiba sa kanya ngayon?

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Tumingin naman siya sa akin.

"Because you don't remember anything. Pero ako I remember everything."

"But-"

"Yeah, I lied to you. I'm so fucking coward that's why! I want to protect this world but I can't. Kong magkataon man nag-iisa na lang akong lalaban para dito at alam kong talo." Tumingin ako sa kapaligiran ulit at mararamdaman mo kong gaano kalungkot ang paligid.

"Hindi ka naman nag-iisang lalaban. Nandito naman ako. Yon nga lang 'di ko alam kong anong ipaglalaban ko. Wala akong matandaan. Gustong gusto ko ng maalala ang lahat pero wala."

"Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo na maalala mo. Inaasahan ko na lang ngayon kong buhay pa ba sila."

"Sinong sila?" Naiinis na naman ako sa sarili ko dahil wala talaga akong matandaan. I hope na matandaan ko na ang lahat. Nahihirapan na rin ako. Nararamdaman ko rin ang hirap ng mga nasasakupan ng mga namumuno dito. Ginagawa silang alipin na hindi naman dapat. Kailangan din nilang mamuhay ng normal.

"Someday you will remember them." Akma na siyang aalis.

"Jake.. please tell me who they are. Baka kapag sinabi mo kong sino sila matandaan ko sila. Please give me a name or a clue para naman hindi ako clueless."

"Fire, Water and Earth. I hope you will remember them Windy." Bago umalis na siya ng tuluyan.

Naka tulala lang ako at 'di ko pa rin nag si-sink-in sa utak ko ang mga sinabi n'ya.

"Fire, water and earth?" They are familiar to me but my fucking mind not listening to me!

Umalis na ako at nag libot dito sa buong palasyo. Baka kasi sumakit lang ang ulo ko sa sobrang pag-iisip.

Napatigil ako ng makasalubong ko si Lloyd. May kakaiba talaga sa kanya.

"Jess Lloyd," napaka cold ng mga titig n'ya.

"Any problem?" Pero kasi may nararamdaman ako sa kanyang kakaiba. Parang may alam siya.

"Can you give me a clue." Hindi ko alam kong maiintindihan n'ya ang ibig kong sabihin.

"Amina.." Bago umalis na rin siya.

Napa tigil ulit ako.. He knows everything but why the fuck I am not!

Why this world could be this unfair to me?!

Bakit wala akong maalala kahit isa.

"Mahal na Prinsesa mag handa na po kayo para mamaya." Nagtaka naman ako sa sinabi ng isang utusan dito sa palasyo.

"Mag handa para saan?"

"Mamaya pong pag patak ng hating gabi magaganap ang seremonya. Magiging ganap na po na Black Enchated si Queen Harley." Isang beses ko palang na meet si Queen Harley at sobrang bait n'ya pero makikita mo sa mga mata n'ya ang lungkot.

******

Wayne Point Of Views

Hindi ko alam kong saan ba kami patungo. Basta sumunod lang kami kay Ilesha.

"Sure ka ba sa pupuntahan natin? Baka hinahanap na tayo ng dalawa."

"Just don't mind them." Sagot ni Ilesha. Sinusundan n'ya kasi 'yong sound ng parang mga hayop dito. Feeling ko nga naka masid sila sa amin.

Nakakatakot 'yong huni sa totoo lang pero sa ganitong oras dapat 'di pinapairal ang takot.

Parang sobrang layo na ng napuntahan namin hanggang sa may natanaw kaming may maliit na nagliliwanag.

Pero habang palapit kami ng palapit lumaki na ang liwanag nito.

Huminto kami ng nag liwanag ang buong paligid.

Nag labasan din 'yong mga tumutunog kanina na mga naka masid sa amin.

Actually di ko ma explain ang itsura nila parang kangaroo na parang tarsier ganon.

Napakadami nila at pinalibutan kami.

Handang handa na nga silang sunugin ni Ilesha.

"Just chill Ilesha. Hindi makakatulong ang init. Ikaw din mismo ang nag dala dito sa amin." Sabi ko sa kanya. Agad naman n'yang pinatay ang apoy na lumabas sa mga kamay n'ya.

Napansin ko ring parang may nagliliwanag sa may unahan.

"Napansin n'yo ba 'yong nakikita ko. Parang isa siyang crystal na nagliliwang."

"Oo mukhang may kakaiba doon at binabantayan nila iyon." Mukhang nag-uusap rin sila pero 'di namin sila maintindihan.

"Kailangan natin mag double ingat. Maging handa tayo pero 'wag tayong susugod agad. Hindi natin alam kong ano sila."

Nagtaka naman kami ng nag takbuhan silang lahat.

"Guys, ready!" Sabay-sabay naming nilabas ang ability naming tatlo ng lumabas ang isang babae.

Pero nag form lang siya ng sheild at lumaki ng lumaki ang sheild na nag p-protekta sa kanya.

"We can't fight with her!" Sigaw ko bago napaupo kaming tatlo. Halos manghina ako sa lakas ng impact sa amin.

Nawala na rin ang liwanag sa paligid. Lumitaw sa amin ang isang babae. White ang hair n'ya. Halos same sila ng kasuotan ni Miya ng sa mobile legends. Basta ganon. Ang ganda n'ya rin pero parang nakita ko na siya...

Teka saglit.. I know her!

Pumatak ang mga luha ko ng mapagtanto ko kong sino talaga siya.

"Wayne," pinigilan ako ni Leigh ng tumayo ako. Umiling naman ako sa kanya at binitawan n'ya naman ako.

Lumapit ako sa kanya at pinag masdan siya. Naka titig lang din siya sa akin.

"Hindi n'yo po ba ako natatandaan?" Hindi siya sumagot at naka titig pa rin siya sa akin.

"I guess you don't remember me." Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko ng niyakap n'ya ako.

"I can't remember you, but my heart remember you." Niyakap ko rin siya.

"Akala ko hindi na kita makikita pa. Akala ko 'di na kita mayayakap pa. Akala ko wala ng pag-asa para dito. Sobrang saya ko kasi nakita kita at nayakap. Kong panaginip man 'to ayoko ng magising pa." Hindi pa rin ako bumibitaw sa pagkaka yakap sa kanya.

*****

Leigh Point Of Views

She's the mother of Wayne. I'm so happy for her kasi buhay pa ang parents n'ya at nakasama n'ya. Sana ako mapag bigyan din na makita ang totoong parents ko at makita sila.

At malaman kong sino ang kapatid ko...

"Thank you Ilesha, kong 'di dahil sayo 'di ko makikita ang ina ko."

"No need to thank me. Hindi ko rin alam na makikita siya at nakinig lang ako sa instinct ko."

"Lumapit kayo dito." Sumunod naman kaming tatlo sa ina ni Wayne.

Namangha kami ng lumitaw sa harapan namin ang naka lutang na bow. Ang arrow n'ya naman nawawala ito na parang hangin.

"That arrow of reality restoration." Halos 'di ako maka paniwala dahil sa wakas natagpuan na namin ang reality restoration.

"Kong mapapatay n'yo si Venum gamit ang arrow na 'yan babalik ang lahat sa normal."

"Sinong gagamit n'yan?" Hinawakan n'ya ang bow na nakalutang.

"Kong sinong may ability sa inyo ng hangin. Siya lamang ang makakahawak nito dahil ito ay nagiging invisible."

"Pero hindi naman hangin ang ability mo paanong nahawakan mo?" Tanong ko, ngumiti naman sa akin ang ina ni Wayne.

"Ako ang inutusan ni Errinaya na mag bantay nito bago siya nawala. Siya ang nawala hindi ako." Si Errinaya ang ina ni Windy. Nakakalungkot man isipin pero alam kong umaasa dati si Windy na makita n'ya ang kanyang ina. Pero hindi n'ya na pala ito makikita pa.

"Pero alam kong nandito pa siya nararamdaman ko mula sa mga hangin." Oh? Mukhang may pag-asa pa nga silang magkita.

"May magaganap na pagdiriwang mamayang hating gabi. Gusto ko lang sabihin sa inyo na gawin n'yo na ang dapat ngayon din. Tuluyan ng magiging Black Enchanted si Harley mamaya. Gusto kong tulungan n'yo siya."

"Paano mo nalaman ang mga bagay na ito?"

"Nakikita ng mga mata ko ang mga nangyayari. I can foresee what's happening now in the Palace. Pero hindi ako makakasama sa laban na ito. Oras na tumapak ako sa Palasyo maglalaho akong parang bula. Yon ang sumpa sa akin. Alam kong isinumpa rin si Errinaya gaya sa akin pero hindi ko alam kong ano 'yun. Hindi rin ako na apektuhan sa ginawa ni Venum dahil reality restoration protect me."

"Kapag kinuha namin 'tong reality restoration maapektuhan ka na ba?" Agad naman siyang tumango. Oh My Gosh we don't want to risk with this.

Napatingin naman ako kay Wayne at ang lungkot sa mga mata n'ya.

"No need to be sad my dear daughter. If you all succeed then no need to be worry. Babalik sa dati ang lahat at maaaring makita na rin natin si Errinaya." Tumingin naman siya sa Bow na nakalutang ngayon sa gitna naming lahat.

"Reality Restoration find your true owner, the daughter of Errinaya." Then in a blink of eye nawala ang bow na kanina nasa harapan namin.

Unti-unti na ring nawala sa paningin namin ang ina ni Wayne.

*****

Notes: Btw guys sorry kong may mali man or what. Kasi naman di ko pa talaga binasa ulit 'yong story 'di ko alam kong na lagyan ko na ba dati ng name 'yong ina ni Windy. Basta kong na lagyan ko man dati papalitan ko na lang yang Errinaya. Pakisabi din kong na lagyan ko na. Thank You very much...