2 00 - Itim na Libro

Simula

"THE human fox resembles a lean, tall, and a young pale man with a white hair. His ears are undoubtedly similar to a white fox, bears a nine ivory-coloured tails, and is known for its golden eyes that gleam through the darkness. He usually sports a black garment and always walks barefoot," malakas na pagbasa ko nang tuluyan akong mapilit ng aking kapatid na basahin para sa kaniya ang librong ibinigay niya sa akin.

Parehas na inaatake na naman kaming dalawa ng insomnia ng huli kaya mabuti pa ngang basahan ko siya ng ilang pahina mula sa librong ito.

Besides, the book is rather fascinating. Malalalim ang mga nilalamang salita, pero nakakagulat dahil hindi 'yon nakaiinip basahin. Now, I'm slowly drowning into the story kahit na iilang pahina pa lamang ang nababasa namin.

Saan na naman kaya napulot ng kapatid ko ang librong 'to? Siguro ay pumuslit na namang ang batang ito sa bodega.

"The said nine-tailed human fox feared for his tremendous power and strong ability. He said to live only to slaughter those who would go against him, and also, to protect the forbidden forest." Pinigilan ko at pilit na itinago ang aking pamamaos.

This happens really often, aywan ko nga ba kung bakit madali akong mapaos. Siguro ay dahil na rin sa, sabi nila, ay natural na malamyos at namamaos ang aking boses.

Tahimik akong tumikhim habang inililipat ang susunod na pahina para makapagsimula nang muli sa pagbasa.

"There he stood in the middle of the fall. Brown dried leaves are cascading down to him as the strong bliss of wind's going to the east. He stood proudly, chin was held up high and eyes were opened alertly. In his waist lies his sharp sword. His golden eyes were slightly different from that moment, like every time he's furious or ready to go against a bloody fight ... his jet pupils go slit."

Pumalakpak ng malakas ang nakababata kong kapatid na si Isaiya, abot-tainga ang mga ngiti at nakasalumbaba nang matitigan ko siya.

"Ang astig niya, Ate! Gusto ko tuloy makilala ang taong-aso na nariyan sa kuwento!" natutuwang sabi nito. I could only see that little sparkles through his lively eyes.

'Tsaka ... Taong-aso?

"Isaiya, imagination lang ang bawat laman ng librong 'to. Huwag ka nang mangarap d'yan dahil imposible," sabi ko.

Itong kapatid ko talaga ay masyadong malawak ang imahinasyon at pati mga tauhan sa isang kuwento ay gusto niyang makilala sa personal.

Ngumuso siya dahil sa pagsalungat ko sa kaniyang sinabi, pero mayamaya lang ay muli itong tumitig sa akin ng napakainosente.

"Nga pala, Ate! Kanina ka pa basa nang basa riyan pero ni minsan, wala kang nabanggit na pangalan niyong taong-aso." Napalabi ako sa tinuran ng kapatid ko at patango-tangong ibinabalik ang bawat pahinang nabasa ko na kanina.

Ngayon ko nga lang napansin. Tama nga siya, ni minsan ay hindi nabanggit ang pangalan ng nilalang na 'yon dito sa libro. It's pretty odd. The story was written into third person's point of view; the main character was that odd creature. Palaging ito ang nilalaman ng mga nagdaang senaryo, pero ni isang beses ay walang nabanggit na ngalan nito.

"Well, what can we do? Baka naman, wala talaga siyang pangalan," anas ko.

Kung sino man ang awtor ng librong 'to, malamang na gusto niyang maging misteryoso ang karakter ng taong-aso sa kaniyang k'wento.

Wait ... taong-aso? Ano ba naman 'yan, pati tuloy ako ay nagagaya na rin kay Isaiya.

"Kawawa naman siya," nakangusong sabi ng aking kapatid, pagkatapos, bigla na lang ngumiti.

"Kapag nagkita kami, tapos, naging close kami? Papangalanan ko siya!" excited na sikmat nito, gumulong-gulong pa siya sa 'king kama. Natawa na lang ulit ako dahil sa klase ng pag-iisip nito.

"Pero ang pinag-uusapan natin dito ay hindi naman talaga aso, at mas lalong imposibleng mapaamo. Narinig mo naman ang binasa ko, 'di ba? He's wild," tugon ko bago isinara nang tuluyan ang makapal na libro at ipinatong 'yon sa nightstand na nasa tabi ng aking tulugan.

"Sige na. Bukas na lang ulit natin itutuloy 'tong kuwento, okay? Now, go to your room and have a sound sleep. Ayaw ko nang kung anu-ano pa ang gagawin mo, Isaiya. Pilitin mo nang matulog," I stated as I gave him a peck on his smooth cheek. "Good night."

"Okay! Goodnight din, Ate! Ikaw rin, matulog ka na!" masiglang paalam nito bago padausdos na bumaba ng aking kama at patalon-talong lumabas ng aking kuwarto.

I sighed and open the lamp on the nightstand, I stood and turned the lights off. Noong makabalik ako ay pabagsak akong nahiga sa malambot kong tulugan.

An image of a tall young man with odd ears and tails wearing a black clothes showed at the back of my eyelids the moment I closed my eyes. Smoking golden eyes with slitted pupils were piercing through my soul as they glared at me.

They were killing me from a distance.

Kaagad kong naimulat ang mga mata ko at napailing. Madilim na kisame ang kaagad na bumungad sa mga paningin ko. Sobrang lakas ng dagundong sa 'king dibdib.

"What was that?" pugto ang hiningang naibulong ko sa 'king sarili.

Lumalawak na rin yata ang imahinasyon ko at pati ang mga karakter sa isang kuwento ay malinaw kong nakikita sa 'king diwa.

Gayon pa man ay wala sa sariling napatingin ako sa makapal na itim na librong nakapatong sa nightstand.

A nine-tailed human fox ... huh?

avataravatar
Next chapter