1 Part 1

=Nathan point of view=

"What, dad?!" Naibulalas ko dito habang kausap si Dad sa phone. Naglalakad ako at sa lakas ng boses ko, ang daming nagsitinginan sakin. Nagmukha yata akong tanga. Ayos lang, basta marinig lang ni Dad na ayaw ko sa gusto niya.

"No, Dad! Ayoko. Please. Don't do this to me." Pagmamakaawa ko pa. Ayokong ikasal sa taong di ko mahal. Ni Hindi ko nga kilala 'yon eh.

"Sa ayaw at sa gusto mo, itutuloy ko 'to. Kung talagang ayaw mo ikasal sa iaarrange kong kasal, then show me your girl."

"Dad..."

"Come home on Sunday, let's talk about it." Magsasalita pa sana ako pero binabaan na niya ko.

Shit. Anong gagawin ko? Sinong babae ang ipapakilala ko? Si Maecy? Nah, kilala siya ng family ko dahil best friend niya ang tropa Kong si Alex. Hindi kapani-paniwala. Si Arlene kaya? Aish. Laging wala 'yon eh. Si Dizz kaya? Lagot naman ako kay Theo. Bullsht. Anong gagawin ko? Lord, help me, please. Huhu.

"Rutchelle, please. Stop being pathetic. Ayaw na nga sayo diba? Hindi ka ba makaintindi? Totoo nga sabi nila, maganda ka lang. Bobo naman." Rinig ko sa kung saan. Napalingon tuloy ako don sa may likod ng building. Sinilip ko 'yon. Meron doong isang lalaki at dalawang babae. 'Yong isang babae kapit na kapit sa braso ng lalaki. Halos idikit na 'yong dibdib niya don. 'Yong isa naman ay umiiyak. Kilala ko 'yong umiiyak dahil sikat rin siya sa school kagaya namin ng Bullets. Sikat siya dahil maganda siya at higit sa lahat, sa pagtataray at pagmamaldita niya. Ngayon ko lang nakita 'yong side niya na 'yon.

"No, please. Babe, sabihin mo mahal mo pa 'ko diba?" Pagmamakaawa pa niya sa lalaki. Para akong nanonood ngayon ng telenovela na live.

"I told you many times, Rutchelle. Di pa ba sapat para maintindihan mo? Ayoko na sayo. Higit sa lahat hindi naman talaga kita minahal eh, lahat 'yon purong kasinungalingan lang."

Lumapit naman 'yong Rutchelle sa lalaki saka hinawakan 'yong mukha ng lalaki hahalikan niya yata pero tinabig siya noong babae. Nakakaawa siya. Ganon ba siya ka-obssess. Wala namang maganda sa lalaking 'yon. Gwapo lang. Hindi na niya binigyan ng kahihiyan ang sarili niya. Mas gwapo pa ko don eh, tss.

"Wifey,"

Lahat sila napatingin sakin. Oo, ako nga.

Inakbayan ko si Rutchelle, saka pinunasan 'yong mga luha niya. "Ayos na 'yong pag-arte mo. Magaling kana. Pasok ka na, pwede ka na maging artista. Hahaha." Hindi ko intensyon na magbiro gusto ko lumabas na seryoso ako. Sana naman hindi maging epic.

Nagtatakha niya akong tinignan. "H-ha?" Mahinang sabi niya pero rinig ko siya dahil katabi ko siya at magkalapit ang mukha namin.

"Ang ganda, ganda mo parin kahit umiiyak ka."

"Talaga hubby?" Nakangiti ko naman siya ng tinanguan. Buti naman at naggets na niya. Slow din eh. Hays.

Pinakita ko 'yong phone ko. "I take a video on it and sasabihin kong ipasa ka na, you're really good at acting, wifey." Sabi ko pa saka ginulo ang buhok niya. Pero ang totoo, walang video.

Ngumiti siya sakin saka pinunasan 'yong mga natitira niyang luha sa pisngi. Nakisabay na rin siya sa daloy ng pakulo ko. "Yay! Thank you, hubby." Sabi niya saka hinalikan ako sa cheek. Shet. What did she do? Tumingin siya sa dalawa. "Sorry sa abala mga bes. Napag-utusan lang. Hehe. Peace!"

Gusto kong matawa sa sinabi niya pero ayoko masira ang pinaghirapan ko. Oo, ang hirap umarte. Jusko. Ngayon ko lang 'to ginawa sa buong buhay ko.

"Let's go hubby. Baka hinihintay na nila tayo." Sabi niya pa saka kumapit sa braso ko.

Habang naglalakad kami palayo binulungan ko siya. "Hindi libre ang pagtulong ko."

"Bakit, sinabi ko bang sumulpot ka?" Pabulong nareklamo niya.

"Kung wala ako don, nagmukha ka ng kawawa sa harap ng dalawang lovebirds na 'yon." Tinignan niya naman ako ng masama.

"Simple lang naman ang gusto ko." Nginisian ko siya. "Be my girlfriend."

avataravatar
Next chapter