Webnovel

44 F I N A L E

Adriana

"Ikuha mo ako ng tubig, hon please. Samahan mo na rin ng green apple." Utos nito sa akin kaya agad ko namang sinunod dahil kanina pa siya nahihilo.

Pagbalik ko sa sala, mayroon na akong hawak na green apple at isang basong tubig.

"Here." Sabay lapag ko ng hinihingi nito sa akin sa lamesa. "Are you sure you're okay?" Nag-aalala na tanong ko pa. Napatango siya habang nakatitig sa inilapag ko sa ibabaw ng lamesa.

"Ayoko na pala niyan, that's ewww. Lika, labas nalang tayo. I want sushi. Please!" Bago nagpacute pa sa akin with matching puppy eyes.

She's always like that. Hihingi ng isang bagay at kapag ibinigay ko na, hindi na niya magugustuhan. Ganoon ba talaga kapag buntis? Bukod sa stubborn eh napaka mood swings? Argh!

Iiling-iling naman na inalalayan ko siya sa kanyang pagtayo. Limang buwan na ang kanyang pagbubuntis, pero hanggang ngayon ang lakas niya parin sa paglilihi. Bakit hindi nalang ako ang paglihian niya? Bakit kailangan ibang bagay pa at mga pagkain.

Pasakay na kami pareho ng sasakyan nang makita kong bigla siyang sinikmura.

"Why? What's wrong?" I asked with a worried expression.

"Ang baho naman ng perfume mo. Pwede bang magpalit ka ng damit mo at maligo ka ulit doon?!" Inis na utos nito sa akin.

Hindi ko mapigilan ang mapamura sa aking sarili bago napahinga ng malalim. "Hon, it's my favorite perfume. No one has yet said that it does not smell good, but you." Pagdadahilan ko naman dahil nakakaubos na siya ng pasensya.

"Fine, then we will not leave. I will just let your child go hungry." Bago ito napa cross arms at padabog na muling naglakad papasok sa bahay.

"Alright, mag sshower na ho ulit." Walang nagawa na pagpayag ko sa kanya. Mabilis naman sa alas kwatro na muling pumihit ito paharap sa akin ng naka ngiti na.

My goodness. She's unbelievable!

Pagdating namin sa isang Japanese restaurant kung saan sikat ang kaninang sushi, ay agad na tumungin ako sa menu.

"I want chicken, pizza, and white spaghetti." Wika nito habang naka tingin lamang sa aking mukha.

"I thought you wanted sushi, so here we are." Bago ako napa ngiti sa kanya ngunit sa totoo lang, malapit na akong sumabog. Jusko! Isa pa, hindi siya pweding pagala-gala ngayong nagbubuntis siya, kaliwa't kanan kaya ang mga paparazzi dyan na anytime pwede siyang pagkaguluhan.

Mabilis na napailing ito. "Hindi na." Tipid na sagot niya na halatang naiinis na rin sa akin. Hindi na ako muling kumibo pa at naghanap na lamang sa menu ng mga gusto niya ngunit wala ang mga ito roon.

"No chicken, pizza or white spaghetti here on their menu." Sabi ko sa kanya.

"So let's find a restaurant that has." Bago ito padabog na tumayo na at agad ko namang sinundan.

This is our life as a couple now. Hindi mo pweding palakihin ang maliliit na bagay, kailangan mahaba ang pasensya lalo na at nagdadalang tao siya. Kailangan kong maging supportive, dahil kung hindi, ako rin ang mahihirapang manuyo.

Alam kong matatapos din ang stage ng paglilihi ni Rae. Kahit na medyo nahihirapang i-handle siya, masaya parin ako. Dahil siya ang babaeng kasama ko ngayon, bumubuo ng sariling pamilya at mas kinikilala ang isa't isa.

Alam kong hindi matatapos ang mga problema, normal iyon para sa dalawang mag-asawa. Normal iyon para sa dalawang taong nagsasama. Pero alam kong malalampasan naming dalawa iyon, para sa magiging anak namin, at para sa aming dalawa na habambuhay na magmamahalan dahil iyon ang ipinangako namin sa isa't isa harap ng altar.

Rae

I am happy with Adriana. She provides the things our child and I need. At least once, I notice that she is also exhausted.

Hindi ko naman siya masisisi, kung ako naman ang nasa sitwasyon niya, tiyak na ganoon din ang mararamdaman ko. Pero hindi ko naman kasi kontrolado itong mga cravings at pagdedemand ko.

Those were the cravings of the child I was carrying. Our child, not me.

Kaya kapag tulog na ito minsan, hindi ko na siya ginigising pa. Iyon lamang kasi ang oras na nakakapag pahinga siya mula sa mga pag dedemand ko sa kanya. Sa halip ay kinakausap ko na lamang ito habang tulog, nagpapasalamat sa lahat ng kabutihan niya at sa lahat ng ginagawa nito para sa amin.

She has been on hand to take care of me. Ayaw niya na napapabayaan ako. Gusto nito ang palaging nasa tabi ko, ayaw niyang nawawala ako sa paningin niya. Kapag kailangan niyang pumunta sa restaurant o sa Baylight mahaba na ang dalawang oras, pagkatapos ay babalik na ito sa akin.

I was very lucky because Adriana became my wife. I did not make the mistake of loving and choosing her to be with me forever, because I know for sure, she will not only be a good wife but also a good mother for our child.

Kaya naman mas lalong akong napapamahal sa kanya sa araw-araw. Mas nakikita ko ang magandnag kalooban nito. Mas nagiging excited ako sa magiging pamilya naming dalawa, na alam kong hinding-hindi matutumbasan ng ano mang yaman sa mundo. Dahil si Adriana at ang magiging anak namin, ang magiging kayamanan ko na hindi makukuha ng iba.

- The End -

-Love always comes in a mysterious way. No one would know and be able to say this except the two people destined for each other.