Webnovel

39 Chapter 38: Memories

Now playing: I'll always love you

Rae

"Where is she?" Agad na tanong ko noong makita ang nag-uusap na mag-asawang sina Lila at Sarah.

Sabay silang napalingon sa akin bago napaturo sa kawalan. "What? Where?" Naguguluhan na tanong ko.

Sarah looked at me as if she meant something.

"She already left." Lila said. Kusang bumilis ang pagtibok ng aking puso noong marinig ang sinabi nito. Napa iling ako at muling inihakbang ang aking mga paa upang sundan ito, kahit na hindi ko alam kung papaano, kahit na hindi ko alam kung maaabutan ko pa ba ito.

Kadarating lamang namin dito sa El Nido, bumiyahe pa siya ng ilang oras para lamang sunduin ako, tapos ngayon aalis na naman siya without telling me any words? She's so unfair! She does not want to hear what I want to say? Ayaw ba niyang malaman na kinailangan kong saktan ang iba para lang sa kanya? Dahil kahit na anong mangyari siya parin ang gusto kong makasama?

Hindi ko alam na nakalabas na pala ako ng Resort. Ngayon, paano ko siya hahabulin gamit lamang ang aking mga paa. Naka kotse siya at ako heto, naglalakad at hindi pa alam kung saan ba talaga patungo.

Suddenly a car stopped in front of me.

"Come on, get in!" It's Sommer.

I was dumbfounded for a moment because I did not know how to react to her. Is she really serious? After what I did to her, she's still willing to help to chase the person I chose more than her?

"What? Will you just stare there for the rest of your life? Adriana is already far away. We need to chase her for you to have a happy ending." Wika pa niya na hindi ko alam eh kung nagbibiro lamang ba siya or she's just being sarcastic.

Ngunit isinantabi ko na muna iyon. Dahil tama siya, kailangan naming habulin at maabutan si Adriana. Kaya mabilis na sumakay ako sa kotse nito at agad niya rin iyon na muling sinasibad papalayo.

"Sommer---"

"Just don't." Pigil nito sa akin habang sa kalsada lamang nakatutok ang kanyang mga mata.

Napalunok ako, magpapasalamat lamang sana ako sa kanya dahil napaka buti parin nito sa kabila ng mga nagawa kong pananakit sa puso niya.

"Thank you." Hindi ko parin napigilan na sabihin 'yun sa kanya. At least nagawa ko paring magpasalamat, hindi ba?

Hindi na siya muling nagsalita pa kaya nagpatuloy ako.

"For everything." Dagdag ko pa. "Hindi mo ako iniwan simula noon, hanggang ngayon. Palagi kang nasa tabi ko, rescue ko sa lahat ng bagay. Kaya hayaan mo akong magpasalamat."

Pagkatapos kong sabihin iyon, mabilis na napaiwas na lamang ako ng tingin sa kanyang mukha at itinutok ang mga mata sa kalsada. Alam kong masakit parin para sa kanya ang lahat.

"I will always love you, Rae. No matter who is destined for you, no matter who is in your heart, I will always love you. And you will never be erased from my heart. I'm not just your ex-lover, I am also your best friend, Rae. Kaya asahan mo na palagi lang akong nasa tabi mo, at palagi kitang ibabalik sa taong para talaga sayo." Sinasabi niya iyon habang naka tingin lamang sa kanyang dinadaan.

"And there she is." Dagdag pa niya pagkatapos ay napalingon sa akin.

Habang ako naman ay awtomatikong napa tingin sa unahan ng sasakyan, kung saan nandoon nga sa aming unahan ang kotse na gamit ni Adriana sa pag sundo sa akin.

Mas binilisan pa ni Sommer ang kanyang pagpapatakbo hanggang sa maka over take ito sa sinasakyang kotse ni Adriana upang harangan ito.

Sabay sila halos sa mabilis na pag preno. Agad na ini-unlocked ko ang aking seat belt at bababa na sana ng sasakyan, noong bigla at mabilis akong mahawakan ni Sommer sa aking braso.

Napapikit ako ng mariin noong maglapat ang labi nito sa aking noo. "I want you to be happy. And you deserve to be happy with her." This time, naka tingin na ang kanyang dalawang mata sa akin. Ramdam ko ang sinseridad sa mga salitang binitiwan nito.

"Sommer..."

"Now, get out." Sambit nito. "She's waiting for you." Dagdag pa niya. Napatango ako at tuluyan na ngang bumaba ng sasakyan.

Habang inihahakabang ko ang aking mga paa papalapit sa sinasakyan ni Adriana, muling pinasibad naman si Sommer ang kotse pabalik sa resort.

Magkahalong kaba at excitement naman ang aking nararamdaman ngayon habang nakatingin sa kotse, lalo na noong dahan-dahan na bumukas ang driver seat kung saan iniluwa noon ang napaka gandang si Adriana. Napahinto ako.

"Rae..." Pag bigkas nito sa pangalan ko habang naka titig lamang sa aking mukha. "Are you trying to kill yourself again?!" Biglang singhal niya dahilan upang mapa singhap ako.

Hindi ko mapigilan ang matawa. She's so cute!

"Yan lang ba ang sasabihin mo?" Wika ko habang humahakbang muli papalapit sa kanya.

"And you? Are you completely out of your mind? Pagkatapos ng lahat, iiiwan mo lang ako dito sa isang islang ito ng walang sasabihin na kahit na ano? Pagkatapos mong ipa realize sa akin ang lahat? Pagkatapos mong guluhin ang puso ko at isipan? Aalis ka lang basta at babalik ng Manila?!" Singhal ko rin sa kanya pabalik.

Napalunok ito ng maraming beses. "Hindi ba namili kana?" Tanong niya.

"Yes."

"Nakapag desisyon kana, hindi ba?" Dagdag na tanong pa niya.

"Yes, Adriana---"

"Then why are you here? Just to hurt me more?" Putol nito sa akin. "Para ipamukha sa akin na si Sommer na ang pinipili mo at hindi ako?" Natawa ako ng mapakla sa sinabi nito. She's unbelievable.

"No, idiot! Bakit pa ako magsasayang ng oras at mag eeffort na habulin ka kung hindi ikaw ang pinipili ko!" Sigaw ko. Nag-uunahan sa pagtaas baba ang aking dibdib. Natigilan rin ito at gulat ang mga mata na mas lalong napatitig sa akin.

"W-what do you mean..."

"Ikaw ang pinipili ko, Adriana. Pipiliin kita sa lahat ng tao. Hindi si Sommer o kahit na sino, ikaw!" Wika ko. I don't know, pero kusa na lamang nag-unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha nang lumapit sa akin, at hinawakan ako ng marahan sa aking pisnge.

"Really?" Tanong nito bago napa singhot.

Napatango ako. "I did not know that I would still hear those words from you. You made me the happiest person in the world, Rae." Lumuluhang sabi nito. "I love you! I love you so much! At hinding-hindi ako magsasawang sabihin at iparamdam 'yan sayo."

Nang marinig ko ang mga salitang iyon mula kay Adriana, bigla na lamang akong napatulala. Noon naman bumuhos bigla ang malakas na ulan. Pero ang weird lang dahil wala akong maramdaman, hindi ko maramdaman ang lamig at ang bawat patak nito sa mga balat ko.

Naririnig kong may sinasabi si Adriana pero wala sa mga sinasabi nito ang atensyon ko...

A clear memory came back to my mind, from the first time Adriana and I met on the rooftop of my penthouse.

When I found out what her favorite flower was...and that was daisy. Noong pinaldahan ko siya ng naparaming daisy sa baylight, noong hinarana ko siya sa harap ng maraming tao kahit na ang kapalit noon ay ang kasiraan ng pangalan ko, binalewala ko parin para sa kanya.

When I found out she and Sommer were cousins. And our first kiss inside her office, because of her stubbornness so I kissed her. That day I kidnapped her and we were on a cruise ship until we stayed in Thailand for a week.

Noong dinala niya ako sa kanilang mansyon, at doon ko rin nalaman ang lahat ng tungkol kay Chesca. Tungkol sa kanilang dalawa at kung ano ang mga nangyari.

The first time something happened to us because she was jealous of Sommer. But then, she gave me a reward because I was not as drunk as expected because Sommer just messing with her.

I even promise Chesca that I will take care of Adriana. That I will love her more than the love she gave her. That she does not have to worry anymore for Adriana because there is someone she will be with until she grows old. That I will make her happy and keep her more than anything in this world.

Lahat ng iyon, naaalala ko na. Naalala ko na kung paano tumibok ang puso ko kapag nasa tabi ko siya. Naaalala ko na kung paano ako kumanta kapag ang mukha nito ang nasa isipan ko. Naaalala ko na kung gaano ko siya ka mahal na mahal.

Even when we became official, we were in the middle of the heavy rain then when she asked me to be her girlfriend.

It was one of the happiest days I will ever forget in my entire life, but I still forgot. Because I have an amnesia. But because of Adriana's love, with or without my memory, my heart still feels that I love her. At hindi nga nagkamali, patuloy ko parin siyang pinipili lalo na ng puso ko, kahit na hindi pa siya completely naaalala ng isipan ko.

Pero ngayon...na naaalala ko na ang lahat, parang gusto kong sumabog sa saya. Gustong sumabog na parang fireworks para isigaw kung gaano ko siya ka mahal.

And without saying anything to her, I grabbed her face and pressed my lips to hers. This is one of the things I always want to do when I am with her, to kiss her and let her know how much I love her.

Halatang nagulat ito sa ginawa ko, pero hindi ko ito pinansin. Sa halip ay mas nilaliman ko pa ang halik na ibinibigay ko sa kanya.

It all feels like a de javu to me now, we are under the rain and we are both soaking wet as our lips touch. Naramdaman ko ang lihim na pag ngiti nito sa pagitan ng aming mga labi bago ito gumanti sa halik, ngunit hindi iyon nagtagal nang muling paghiwalayin ko ang aming mga labi.

Hinihingal at marahan na ipinagdikit ko ang aming mga noo.

"It was always been you, Adriana. And I will always love you." Sabi ko bago napatingin ng diretso sa kanyang mga mata. "I love you, from the very first time I saw you." Dagdag ko pa.

Natigilan naman ito habang nakakunot ang noo. Halatang naguguluhan sa aking sinabi. Isang malawak at matamis na ngiti naman ang gumihit sa kanyang labi pagkatapos ng ilang sandali.

"N-Naaalala ko na?" Masaya na tanong nito. Mabilis na napatango ako bilang sagot.

"Yes, hon. I remember everything." Pag-amin ko rito na halos kulang nalang eh, tumalon ang puso sa saya. "I remember how a kid like me fell in love with you." Dagdag ko pa bago napa ngisi rito dahilan upang mamula ang ilong niya sa sinabi ko.

Agad na niyakap ako nito ng mahigpit. "Thank you...thank you!" Umiiyak na pag papasalamat nito.

"I'm so sorry..." Naiyak na rin ako ng tuluyan. Hindi dahil sa malungkot ako kung hindi dahil masaya ako.

"I'm sorry kung nagawa kong kalimutan ka. I'm sorry sa bawat salitang binibitiwan ko kapag pinupuntahan mo ako sa hospital. I'm sorry, kung pag mulat ng mga mata ko, hindi ikaw ang unang hinanap ko. I'm really, really sorry, hon. I'm so sorry dahil hinayaan kong mawala ka ang mga alaala natin---"

"Sshh." She place her index finger on my lip to stop me.

"Wala kang kasalanan doon, okay? You do not have to blame yourself, because whether you have a memory or not, nothing has changed in my love for you Rae." Wika nito dahilan upang lalong matunaw ang puso ko sa galak at saya.

"I love you." Sabi ko sa kanya.

Inilayo niya ng konti ang kayang katawan mula sa akin bago napa tingala sa langit.

"God knows how much I love you, Rae." Wika niya at muling ibinalik sa akin ang mga mata. Pagkatapos ay muli nitong sinakop ang aking mga labi, na malugod ko naman itong tinaggap at ginantihan.

Next chapter