Webnovel

38 Chapter 37: Between The Two Of Them

Now playing: Hiling by Silent Sanctuary

Do not apologize just because you love someone else. You have no control over that. We have no control over who our hearts will beat again. We do not know who we will love next. - Sommer

Rae

Pasado alas sais na ng umaga kami nakarating ni Adriana sa isang Resort dito sa El Nido, kung saan naka stay ang kanyang mga kaibigan at pati na rin si Sommer.

I can't help but smile because of the beautiful scenery I see in these moments. The sky is blue as well as the sea in the distance. I really like it when I am on the beach. It makes my soul feel at ease.

Ang sabi sa akin ni Adriana, hindi naman daw talaga siya mapapadpad rito kung hindi dahil sa kakulitan nina Breeze at Lila. Dahil ang pakay lang naman talaga nito dito sa Palawan ay para bisitahin lamang ang ibang branch ng kanilang restaurant. Isa pa, namimiss na rin daw nito ang kanyang ina dahil sa may katagalan na silang hindi nagkikita. Hindi naman daw nito aakalain na sasama ang kanyang mga kaibigan, because they really like here in Palawan. Especially, Sommer.

Pagbaba namin sa sasakyan, agad na sinalubong kami nina Sarah at Breeze. Malawak at mayroong kahulugan ang mga ngiti na iginawad nila kay Adriana, dahilan upang tignan sila nito ng masama bago naman sila nagtawanan. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi parin ako masyadong kampante sa kanilang lahat. I mean, nahihiya ako dahil sa mga nangyayari, dahil sa nagawa ko sa kanilang kaibigan na si Adriana. Dahil nasaktan ko ito ng maraming beses.

"Kumusta naman ang biyahe?" Tanong ni Breeze habang tinutulungan ako sa pagbuhat ng aking mga gamit.

Alanganin na binigyan ko ito ng ngiti. "It was nice. We had a good trip." Sagot ko sa kanya.

Natawa siya ng mahina. Iyong tawa na alam mong mapang-asar. "Wala naman bang nangyari na hindi ka nais-nais sa daan?" Dagdag pa niya. Dahil doon ay agad na nang-init ang aking mukha bago napayuko upang hindi niya mahalata.

"Like, maalon." Sambit niya. Napakunot ang aking noo.

"Maalon?" Pag-uulit ko sa sinabi nito. Napatango siya.

"Yup! Maalon. Or let's just say malubak sa loob mismo ng sasakyan--"

"Stop it Breeze. Hindi ka na nakakatuwa." Putol sa kanya ni Adriana habang mayroong seryosong expression. Agad naman itong napakagat ng kanyang labi upang pigilan ang sarili sa pagtawa.

"Oh, okay." Wika niya habang dahan-dahan na humahakbang pabalik sa kung saan siya nang galing kanina. Kung nasaan naman naghihintay ang kanyang asawa.

"Sorry." Rinig ko na pag hingi nito ng paumanhin. Muli akong nagbaling ng aking paningin sa nahihiya at nakayukong mukha ni Adriana.

"Don't be." Tipid na sagot ko. Sa totoo lang wala naman talaga siyang dapat ihingi ng tawad dahil unang-una, hindi maaalis sa kanyang mga kaibigan ang mag-isip ng kung ano lalo na at magkasama kami sa buong magdamag. Isa pa, for all of them I am still her girlfriend. Right?

Marahan na inabot naman nito ang aking kanang kamay bago iyon pa simpleng piniga. "Thank you, Rae." Wika nito. Kanina nagsosorry siya, ngayon naman nagpapasalamat siya? Ano ba talaga?

"For what?" Walang ideya na tanong ko dahil sa totoo lang, nanghihina na ang mga tuhod ko sa kakatitig sa kulay berde niyang mga mata. It was as if they were hypnotizing me. The color of her eyes is so beautiful that you have nothing else to do but stare at it.

"Thanks for last night." Mahinang bigkas nito. Sapat lamang upang marinig ako.

"Thank you for even a moment, you let something happen to us. That we were happy, and most of all thank you for remembering some parts of our memory that have been erased from your mind." Buong puso na pagpapasalamat nito sa akin.

Sa bawat salitang binibigkas nito, parang tinutunaw ang puso ko. Hindi ako makapaniwala na minamahl ako ng isang katulad niya, at minamahal parin niya ako hanggang ngayon sa kabila ng nakalimutan ko siya.

I immediately blushed because our naked image came back to my mind while doing that thing inside the car. But nothing can change in my mind that being with Adriana last night, is one of the best things I want to go back and do with her all over again.

I knew in my heart and in my mind that being with her is all that I want. But I don't want to hurt Sommer, so I have to fix myself and make the right decision for all of us.

Naluluha na napayuko na lamang ako. Concern naman ang mukha na hinanap ni Adriana ang aking mga mata. Ngunit hindi ko na siya magawa pang tignan dahil anytime soon, tutulo na lang ng basta ang aking mga luha.

Kukunin pa sana nito mula sa akin ang maleta na aking hawak ngunit mabilis ko siyang pinigilan. "I got this." Wika ko bago siya nilagpasan na at tuloy-tuloy lamang ako sa aking pag hakbang hanggang sa makarating sa reception area.

Noon ko lamang din na isipan na hanapin si Sommer kaya mabilis na ikinalat ko ang aking paningin sa paligid, ngunit hindi ko siya makita. Naisipan ko na baka nasa tabi ito ng dagat, because one of the things Sommer likes to do is surf. Kaya noong makapag check-in na ako, at noong nasa aking kuwarto na ang lahat ng gamit ko ay agad na nagtungo ako sa may dalampasigan. Ngunit hindi kaagad ako nakarating dito, dahil may iilang staff pa ng resort ang nakipag selfie sa akin na tiyak na hindi ko matatanggihan.

At hindi nga ako nagkamali, agad na nakita ko si Sommer na masayang nakikipag kwentuhan sa iilang surfer habang naka upo sa may dalampasigan.

Mabilis na nagbaling ito ng tingin sa aking direksyon, dahilan upang mag kasalubong ang aming mga mata. Sommer was obviously surprised to see me and quickly stood up. She immediately approached me, then gave me a tight hug.

"I miss you." Bulong nito habang naka yakap parin sa akin ng mahigpit. Hindi kaagad ako nakasagot, ilang sandali pa akong natahimik bago tuluyang kumalas mula sa pag yakap at tinignan siya sa kanyang mga mata.

Hindi ko alam pero na guguilty ako. Nasasaktan ako dahil nagawa ko ang bagay na ito sa kanya. Sa kanilang dalawa ni Adriana. Pero kahit na ganoon, kahit na may nangyari man sa amin ni Adriana kagabi, bakit kahit konti eh parang wala akong pinagsisisihan?

Napalunok ako ng maraming beses. Hindi ko rin mapigilan ang makaramdam ng sobrang kaba. Bagay na agad naman na napansin ni Sommer dahil hindi ko na siya magawa pang tignan katulad ng aking naka sanayan.

"We need to talk, Som." Wika ko. "I-I have to talk to you." Dagdag ko pa.

Sandali itong natigilan habang nakatitig sa aking mukha. She was trying to read my mind but she can't.

"What is it? Did your memories back?" Iyon agad ang unang itinanong nito kaya mas lalo akong napalunok ng maraming beses. Tila ba may kung anong nakabara sa aking lalamunan at hirap na ako na muling makapag salita.

"Uhmmmm...n-never mind---"

"Did you remember her? A-Adriana?" Medyo napiyok pa ito sa huling sinabi. Napailing ako ng mabilis sabay hinga ng malalim.

Papaano ko ba ito sisimulan? Tanong ko sa aking sarili.

"No." Mabilis na sagot ko.

"What do you mean, no?" Kunot noo na tanong niya. Namumula na ang dulo ng kanyang ilong. It just means that she is already in pain and she is about to cry.

"No. I-I mean, I remember her but only a few memories. But Sommer...I...I don't know how to get back all my memories with her but in my heart, I know it's always been her. It's always been Adriana." Pag-amin ko sa kanya at lakas loob na muling sinalubong ang kanyang mga mata.

"That's why I'm really...really sorry." Dagdag ko pa habang naluluha na ang mga mata. Ayaw kong nakikita siyang ganito. Ayaw ko na ako pa mismo ang nakakasakit sa kanya ng ganito. Feeling ko ang sama-sama kong tao. Pero kailangan kong manindigan sa nararamdaman ko. Kailangan kong itama ang pagkakamali na nagawa ko kay Adriana.

Tama naman itong ginagawa ko, hindi ba?

"I know." Sagot nito habang napapa iling. "And I understand. And you don't have to apologize for what you feel or for breaking my heart with those words, Rae. I get it." Wika nito na halatang nasasaktan na ng sobra.

"And I know something happened between you two last night. The glow in your face now, the way you look and smile at her, it's different. It's more, alive." Sinasabi niya iyon habang naka ngiti. Naka ngiti ng may halong kalungkutan. "I saw you two talking earlier." Dagdag pa niya. Nagulat man sa sinabi nito, pilit na itinago ko iyon mula sa kanya.

"Doon pa lamang, masaya na ako para sayo, Rae. Alam kong nasa tamang tao ka na. Sa taong iingatan at hindi ka sasaktan." Sabi pa niya. "I'm just an ex and she is your future. Wala akong laban doon."

Hindi ko alam pero dahil sa mga sinabi nito, tuluyan ng tumulo at nag-unahan ang aking mga luha. Ang sweet niya, napaka bait pa. Hindi niya deserve ang ganito, but here I am, I am hurting her now.

"Pero alam kong nasasaktan kita." Nanginginig ang boses na sabi ko sa kanya. Nanlalabo na rin ang aking mga mata dahil sa pagluha.

Marahan na inabot nito ang aking pisnge, bago pinunasan ang aking luha na naroon.

"That's life Rae, people get hurt when they love. But I will be fine." Pagkatapos ay binigyan ako nito ng isang assurance smile, ngunit may luha naman na tumutulo mula sa kanyang mga mata. Iyong luha na alam mong hindi na niya kayang pigilan pa. Kaya mas lalo akong naiyak. I don't want to see her cry because of me.

"Matagal ko ng tanggap na hindi na ako, ako lang naman itong hindi parin napapagod na mahalin ka kahit na may mahal ka ng iba. Ganito na talaga siguro ako." Sabay punas ng kanyang sariling luha.

"Sommer..."

"I'm fine." Sabay muling ngiti nito. "Marahil marami talaga ang mga tulad ko na hindi natatapos magmahal sa isang tao." Dagdag pa niya bago napayuko sandali.

"Even if we are not destined for this world, maybe in our next life, you will see and love me as much as you love her, right? Baka doon magkaroon ng possible ang lahat ng imposibleng mangyari sa atin sa mundong ito." Lumuluha parin ito. Hindi ko magawang maibuka ang aking labi dahil wala akong masabi. Kung hindi ang nasasaktan lamang para sa kanya. I broke her heart.

"Sommer, I love you. But I can not love you the same way whatever I feel for her. I feel like...she's my everything. S-she's like a missing puzzle in my heart." Halos humagulgol na ako habang sinabi iyon. At dahil alam ko na iyon ang totoo.

"I'm happy for you. Really!" Bigkas niya. But this time, hindi na siya lumuluha katulad ng kanina. Buong lakas na pinigilan nito na muling maluha sa aking harapan. "I'm just hurt kasi umaasa ako kahit na sa 1% na baka magkaroon pa ng tayo. Pero, alam ko naman na darating ang araw na ito."

Mabilis na niyakap ko siya ng mahigpit. "I'm so sorry..." Muling paghingi ko ng tawad ngunit siya na rin mismo ang naglayo ng kanyang katawan mula sa akin.

"Please, stop saying sorry." Wika niya. "Do not apologize just because you love someone else. You have no control over that. We have no control over who our hearts will beat again. We do not know who we will love next. So don't apologize just because you loved Adriana."

Sa mga sandaling ito, alam kong tama si Sommer. Na hindi dapat ako humihingi ng tawad dahil lamang nagmahal ako ng iba. At nagkataon na pinsan niya ito, si Adriana.

"Uhmmm..guys?" Sabay at kapwa kami na napa punas ng aming mga luha at inayos ang sarili nang marinig ang paparating na boses ni Billy.

"Ow, sorry." Agad na pag hingi nito ng tawad noong makita ang mga itsura namin. "Naka istorbo ba ako? Babalik na lang siguro ako mamaya--"

"No/No!" Chorus namin ni Sommer. Napakamot naman siya sa kanyang batok.

"Okay? I would just like to say that Adriana is going back now in Manila." Pahayag nito habang naka tingin ng diretso sa mga mata ko. Na para bang sa akin niya talaga iyon gustong sabihin.

"What? Why?" Naguguluhan na tanong ko dahil ang buong akala ko eh pupuntahan pa niya ang kanyang ina.

"That is also the reason we do not know." Sagot nito. "She seemed anxious and restless." Dagdag pa niya bago kami muling tinalikuran.

"Just go, Rae." Rinig kong sabi ni Sommer sa aking tabi bago ito humakbang ng dalawang beses papalayo mula sa akin.

"What?" Kunot noo na tanong ko naman. Naka titig lamang ito sa aking mga mata.

"I said, just go! I'll be fine. I promise!" Muling sabi niya. "Hindi kita pipigilan. Kaya please, Rae. Huwag mo na akong pahirapan pa." Her eyes were very sad as she was crying again and it was obvious that she was about to break down.

"I will not coming back to you, Rae. Because I no longer own you. So if you are not able to chase Adriana now, maybe the two of us will be lost in your life forever."

I took one step closer to her but she stepped back further away before she quickly turned her back on me. Noon naman nag sink-in sa aking isipan ang sinabi niya. Kaya mabilis na pumihit ako sa kabilang direksyon para habulin at pigilan si Adriana.

I want to tell her that whether I have a memory or not, I will still choose her. And she is the only one I want to be with for the rest of my life.

Next chapter