1 Friday 1

Pagsasaka ang kabuhayan ng pamilya namin. Masagana naman ang ani sa nagdaang mga panahon ang kaso maraming pagbabago. Dahil sa tinatawag na climate change na aapektuhan ang pag ani ng palay at dahil narin mag tatag init na. Ang kalaban naming magsasaka ang El Niño. Sa panahong ganito matumal ang pag ani ng palay at mahirap kumita ng pera.

Ngayon na nag aaral ako sa kolehiyo at ang bunso kong kapatid ay tatlong taong gulang pa lang, kailangan kumayod ng mga magulang namin ng sobra. Sa community college ako ng kabilang bayan nag aaral. Dahil maliit ang lugar namin at kami ang pinaka dulo sa bundok kailangan pang tumawid papunta sa kabilang bayan. Sa kabilang bayan nan doon ang pamilihan at mga paaralang pampubliko. Isang community college na may kursong education at agricultural. Ang isa namang paaralan ay para sa elementarya at highschool.

Sa lugar namin ay puro taniman ng palay, mais at kagubatan. Madalas na mawalan ng kuryente samin kaya may gasera kami lagi. May 50 katao lang sa lugar namin at malayo ang bayan. Kailangan pang tumawid sa ilog at dumaan sa masukal na kagubatan. Karamihan sa lugar namin ay matatanda na.

"Redina! Tara at may salo salo sa bahay nina Inang Pasing. Balita ko pa ay may kalamay raw!" Sabi ng kaibigan kong si Neng.

Dahil kaunti lang kami dito magkakakilala kaming lahat at pamilya ang turing sa bawat isa. Ang mga kaedad ko ay kaibigan naming lahat ni Neng.

"Oo, Neng. Ako'y susunod naman roon maliligo lamang ako sandali." Dahil galing ako sa likuran at kumuha ng mga gulay na pwede ng lutuin sana. Kaso may salo salo baka ipang gabihan na lamang namin ito.

Pagkaalis ni Neng ako ay na ligo agad at nagbihis ng simpleng palda na mahaba at blusang puti. Laging sinasabi ng mga tao sa lugar namin na mukha raw akong amerikana. Maputi ang aking balat na parang gatas at kulay brown ang aking hanggang bewang na buhok na alon alon. Ako ay mana sa aking Nanay. Parehas na parehas kami ng mukha. Minsan naiinggit si Neng dahil ang kulay ng kanyang balat ay kayumanggi.

Wala namang masama sa kung ano ang kulay ng iyong balat. Tayo naman ay ginawa ng Diyos na maganda sa paningin nya.

Pagkarating ko sa kubo ni Inang Pasing ay naroon na pala ang lahat sa loob at kumakain. Ang bahay ni Inang Pasing ang pinakamalaki samin sa lugar na ito. Sya ang tinatawag naming kapitan ng lugar. Si Inang Pasing ay matandang dalaga kaya naman lahat kaming kabataan rito ay tinuring nyang anak.

"Ang aking paboritong si Redina! Tara rito at kumain ka narin. Pinagtabi kita ng kalamay na gusto mo." Nakikuha narin ako ng papel na plato.

"Si Inang Pasing talaga paboritong paborito si Redina. Ako'y nagtatampo, Inang." sambit ni Kuya Nelson na kilalang palabiro sa lugar namin.

Tumawa naman ang lahat dahil totoo iyon. Marahil na kikita ni Inang na parang sya ako nuong kabataan nya kaya ganito ang turing nya sa akin. Wala namang kaso iyon sa mga taga rito. Pantay pantay kami dito at talaga namang mababait ang mga tao.

"Alam mo Nelson na pakainggitin mo!" sabay tawanan na naman ng lahat sa sinabi ni Inang.

Habang ang mga tao ang nagkukwentuhan ako at si Neng nasa kusina ng bahay nila Inang at nagliligpit. Ganito talaga kami kapag may handaan.

"Redina, pakiabot." turo ni Neneng sa basong plastik na may lamang juice.

Inabot ko naman sa kanya at nilagay na sa malaking plastik ang mga pinagkainan ng mga tao. Mamaya bago kami umuwi itatapon namin ito malapit sa may gubat. Baka tumulong narin si Kikoy sa pagbubuhat lalo pat gusto lamang non makasilip kay Neng.

May humawak sa aking balikat dahilan para ako ay magulat ng sobra. "Naku pasensya na Redina hindi ko sinasadyang gulatin ka. Itatanong ko lamang sana kamusta ang pag aaral?" si Inang Pasing lamang pala. Akala ko kung ano na.

Binitiwan ko muna ang plastik bag at humarap kay Inang. "Inang naman! Wag naman po ganon aatakihin po ako sa puso eh!" tumawa lamang ng malakas si Neng at Inang saking sinabi.

Nagkwentuhan pa muna kami bago nagpasyang magsiuwian na ang mga tao. Uuna na raw ang Nanay sa bahay at aasikasuhin muna si Qiuro dahil inaantok na raw at ang Tatay naman makikiinom kila Mang Edie. Tanghaling tapat makikitagay na naman ang Tatay.

Bitbit ang plastik bag na malaki naglakad na kami papuntang gubat para itapon ito. Tag isa kami ni Neng ng hawak dahil mabigat habang kay Kikoy naman ay isang mas mabigat na plastik bag ang laman.

"Veveloves, ako na riyan sabi! Redina ako na nga eh! Kaya ko naman tag isang kamay. Mabigat yang inyo eh baka masugatan kamay mo, Veveloves!" Mga malalandi! Ako na naman thirdwheel dito.

Napairap na lamang ako ewan ko sa dalawang ito nagtataguan pa ata ng nararamdaman eh halata namang parehas nilang gusto ang isa't isa. Mas binilisan pa namin ni Neng ang lakad dahil hinahablot ni Kikoy ang plastik bag.

"Tulong!" sigaw ng isang lalaki.

Huminto kami sa lakad at ganon rin si Kikoy. Nagkatinginan kaming tatlo at biglang tumakbo sa may gitna ng gubat. May patibong kasi roon at baka may hindi na naman nakapansin at na hulog sa hukay.

Doon namin na kita ang lalaking may malaking katawan na hubad sa loob ng hukay. May mga tuyong dahon sa buhok. Maputi at makinis ang kutis na kagaya sa akin. Kahit may bahid ng lupa sa mukha ay mahahalata mong makinis. Batid ko'y malahi sya kaya kulay brown ang kanyang buhok na mahaba at ang mata nya ay kulay abo.

"Ina'y ko po hubad! Hala! bago ata yan dito satin." sabit ni Neng at napatakip ng mata pero na kasilip naman.

avataravatar
Next chapter