webnovel

The Struggle is Real

"Kailan ka ba mag-aasawa?"

If there was a question in the world that I really didn't like to hear, that was it. Palagi 'yang tinatanong ni Mommy na parang malapit na ang deadline ko to have a husband.

"Di ka pa ba pakakasalan ni Justin?"

And if there was another question that I didn't want to answer, like . . . never? That was it.

"Mom, do I look like I need a husband?"

My mother's 61st birthday was last week, and I bought her a cake. She questioned why it was mocha flavored. As if namang kakain si Daddy ng triple choco. Nag-promise kasi si Justin na siya ang bibili ng cake kaso talk shit siya, so I bought one and sinabi ko na lang na naghati kami ng pambili ng boyfriend ko. She asked bakit hindi expenses lahat ni Jus. Nangatwiran na lang tuloy ako na I insisted. My Dad just tsk-ed on me and said ang tigas daw ng ulo ko at sobra na ang pride ko.

Kasalanan ko pa tuloy na talk shit ang boyfriend kong botong-boto sila. Wow. Just wow.

Hindi naman sa nagpapaka-bitter pero kasi hindi maganda ang status ng love life ko ngayon. Actually, two years nang hindi maganda ang status ng love life ko at sinasabi ng lahat na kasalanan ko 'yon. At kung may dapat man akong isipin ngayon, 'yon malamang yung schedule naming dalawa ng boyfriend ko. Kung kailan ko naman inilaan lahat ng oras ko kay Justin, saka naman siya nawalan ng time sa 'kin. Like . . . what the fuck did that suppose to mean, huh? Tapos gusto nilang magpakasal na kami? E ni hindi nga ako mabati ng good morning sa call ng magaling kong boyfriend, magpakasal pa kaya?

Imagine, taken ka pero sobrang bitter mo sa ibang naka-in a relationship. Sounds so stupid. And I couldn't drop a "Wala kasing poreber!" line kina Daddy 'cause they'd been with each other for almost four decades. Mom always said ang issue sa love ngayon masyadong mababaw.

Hindi lang nakapag-reply sa chat, breakup.

Hindi lang nakasagot ng call, breakup.

Then she would follow that up with "Si Daddy mo nga, nagbabayad ng pagkamahal-mahal sa telegrama kahit umabot pa ng isang buwan, naghiwalay ba kami?"

She was right. Unfortunately, she was talking with the wrong generation of kids. Or . . . she was talking to the wrong kid lang talaga.

Our eldest ate lived with her partner sa Alabang. Working naman siya as HR manager sa isang call center company sa Pasay. She was so spoiled noon pa man kaya hinayaan na siya nina Daddy roon—kahit nga nagkaiyakan na sa bahay dahil gusto na niyang sumama kay Harvey. Emotional pa naman si Daddy pagdating sa amin. Gusto na niyang bumukod at hindi 'yon matanggap nina Mommy. Pero wala naman na silang magagawa. Masyado nang matanda si Ate Agatha para ikulong pa rin nila sa bahay.

Si Kuya Gary, nasa mining site sa Zambales. Minsan, umuuwi siya para i-manage ang family business namin. He dated girls . . . a lot. Pero di naman siya pressured magkapamilya since hectic ang schedule niya. But I doubt na single siya ngayon. Alam na alam nina Daddy kung ilang babae ang naghahabol sa kanya at nagsasabing inanakan niya sa Olongapo.

Si Kuya Patrick, nakikita ko na lang sa mga Facebook post. Ipinagmamalaki ng alma mater niya kasi chef sa cruise ship. For all they know, kahit magaling siyang magluto, tagasaing, tagaprito, tagalaga lang ang karamihan sa trabaho niya roon. Pero ang importante raw, di niya gugutumin yung asawa niya—si Angelica—pag-uwi niya sa Pilipinas.

At ako? I was the boss of my own life.

"E hanggang kailan mo balak maging tambay, ha, Eunice?"

I really didn't get why they underestimated the freelance works.

My home was my office at nasa kabilang bahay lang ang so-called opisina ko. Katabi lang din ng bahay nina Mommy ang akin. I bought the house and lot with my "own" money in my "own" bank account and they still called me tambay. That was frustrating at nakaka-pressure in unexplainable level.

Malamang, dahil nandito ako sa bahay nina Mommy at nakikialmusal. Ako kaya ang nagluto ng bacon saka gumawa ng egg salad ni Daddy, duh! Paid nga dapat ang services ko. Yung katulong nga, binabayaran ng minimum wage e puro lang naman telebabad ang ginagawa.

Palaging kino-connect ni Mommy ang pag-aasawa sa trabaho. Na kapag wala kang trabaho, mag-asawa ka na lang. My gosh, as if namang ikayayaman ko kapag nag-asawa ako agad. Unless, I get a chance to marry a Consunji or a Tan. But that was far from reality. At sasakalin ako ng ina ko kapag ipinagpalit ko sa iba si Justin. Kung alam lang nila ang issue between us.

I sipped a little sa tinimpla kong chocolate drink and checked the clock on my phone. Half past eight na. And to hell with Justin, hindi man lang nag-text ng good morning. Humanda siya sa 'kin mamaya. Talk shit na siya masyado.

Next chapter