Chapter 59 * THE END *

☞ANDREW'S POINT OF VIEW

NANGINGINIG ang kamao kong tamaan sa panga ni Bob wala siyang karapatan babuyin ang pag-aari ko at lalong wala siyang karapatan para gawin ito.

Nagmamadaling sinuotan ni Alex si Thalia ng malaking jacket bago alalayan isakay sa jetski. Mayroon din nakasunod sa amin na mga pulis para dakipin si Bob.

BAGO namin sundan sina Thalia sa island na ito lumapit sa akin si Alex na magkasama raw ang dalawa. Nagtataka man ay tumawag ako ng mga pulis dahil iba ang kutob ko. Ni wala raw sinasabi si Bob na doon nila gagawin ang shoot ni Thalia.

At nakita namin ang hayop na Bob na 'yon pagsasamantalahanan si Thalia. Kahit wala pa ang pangpang tinalon ko ito at kaagad sinuntok sa panga. Hayop talaga. Nanggigigil pa rin ako.

Sa pangalawang pagkakataon sinikmuraan ko ito hanggang sa nakaluhod sa harap ko.

"P-patawad…"

"Tawad? Sinong gago patatawarin ka sa krimeng gagawin na kung hindi kami dumating—— hayop ka talaga mabubulok ka sa bilangguan!"

"Sige na posasan na 'yan." utos ng isang pulis sa dalawang kasama. Pagkatapos ay may binabanggit itong salita na madalas sabihin ng mga pulis.

"Mabubulok ka sisiguraduhin ko." ibig ko pa sana sapakin inawat lang ako ni Alex. Pareho namin tiningnan si Thalia sa jetski na tahimik at umiiyak.

"Ako nang bahala sumabay sa mga pulis." I nodded sa sinabi nito bago lapitan si Thalia at yakapin ng masakay sa jetski.

"I'm sorry, love." nangingiyak kong sambit.

"G-gusto ko nang umuwi." nagulat ako sa sinabi nito ngunit tama sigurong iuwi ko siya dahil sa nangyari.

Sinimulan kong paandarin ang jetski hanggang sa inayos namin ang gamit para umuwi na ng bahay. Ibinilin ko na lang sa mga kasama ang trabaho. Nakasakay kami sa kotse ng magsalita.

"Sa bahay kita ihahatid." Tahimik itong nakayakap sa sariling tuhod.

Hindi na ako nagsalita pa narating namin ang bahay hinatid ko ito sa kuwarto ko at pinahiga.

"Magpahinga ka muna." nakatayo kong pinagmasdan ito pero dahil ayaw niya magsalita nagtalukbong ito ng kumot.

"Love, sabihin mo sa akin kung ano nararamdaman mo." ngunit bigo akong makatanggap ng kung anong salita.

"Nandito lang ako sasamahan kita." marahan kong niyakap matapos kong tumabi.

"Natatakot ako." sambit nito at humarap sa akin. "Natatakot ako, Andrew."

"Huwag mo alalahanin makukulong si Bob." malungkot itong yumuko. "Alam kong nakatatakot ang nangyari pero magpakatatag ka." sabay kami pumikit para kalimutan ang masamang nangyari.

NAGISING akong wala na siya sa tabi ko. Alas-nuebe ng gabi na sobrang tagal ng itinulog ko kaya naman pala kumakalam ang sikmura. Lumabas ako para magluto I'm sure gutom na rin si Thalia pero nasaan nga ba siya?

Nadaan ako sa table mayroon nang pagkain kaagad kong hinagilap sa kabuuan ng bahay at sa mini garden ko ito nakita may kausap ito sa cellphone.

⟦ Yes, ayos na ako. Yes, huwag ka masyado mag-alala magiging okay din ang lahat at gaya nang sabi ni Drew makukulong si Bob. Sige, papasok na ako sa loob salamat sa pag-aalala. ⟧

Naabutan niya kong nakatingin at nakikinig. Mayroon itong ngiti sa labi at tila hindi dumaan sa matinding pagsubok. Yumakap ito at humalik sa labi ko.

"Gutom ka na ba? Nagluto ako ng hapunan natin, sorry kung hindi kita ginising plano ko talaga ipagluto ka." hinatak ako papasok sa loob. "Sanay na ako magluto ng favorite mo." pinaupo ako sa upuan.

"Ayos ka na ba?" nag-aalala kong usisa.

"Huwag na natin isipin 'yon maayos na ako iisipin ko na lang na dapat tayong magmove-on."

I approached her to hug and kiss her on the lips. Then we happily shared a late dinner. I do not have all that happened today it is important that she is in my house and I will sleep with her now.

MADALING ARAW NG alas-tres nang maalimpungan ako. Mayroon dumating chat mula kay Daryll. Nakikiusap itong bumili raw ako ng maraming bulaklak para ibigay kay Thalia at pagkatapos dalhin ko sa lugar kung saan pinareserve niya. Pinaayos na niya ang location bulaklak na lang daw ang kulang para ibigay.

Pagsikat pa lamang ng araw kaagad akong nagpaalam sa kanya na aalis ako pero sabi nito ay uuwi muna siya sa bahay nila Tita Jade para kumuha ng gamit.

Sa location kung saan gaganapin ang request nito ay inaayos na ng mga taong binayaran parang special ang mangyayari ngayong araw pero ano kaya iyon?

Mayroon tumawag mula sa restaurant may kailangan daw akong makausap pero dahil importante ay inutusan ko na lang si Alex na bumili ng mga bulaklak at idiretso sa venue. Pagkaraan kumausap ng mga bisita sa restaurant kinausap ko sa phone si Thalia na magpunta sa lugar na 'yon. Sana ay mauna akong dumating.

PAGPASOK sa loob ng venue maayos na. Nandito na rin ang mga bulaklak na binili ni Alex. Dinampot ko ang bulaklak para siyasatin nang tawagin ni Thalia ang ngalan ko.

"Napakaganda…para sa akin ba itong ginawa mo?" nakangiti rin nitong tiningnan ang bulaklak na hawak ko. "Para sa akin ba 'yan?" I nodded. "Kung ganoon bakit hindi mo pa ibigay?"

"Ang totoo—"

"THALIA, nagustuhan mo ba ang sorpresa ko?" pareho kami nagulat sa pagpasok ni Daryll.

"D-daryll..." sambit nito.

"Tinatanong kita kung nagustuhan mo ba sabi ko sa iyo ay susurprisahin kita." kaagad itong yumakap at hinalikan sa noo. "Maayos ka na ba?"

Pasimpleng tumingin ang dalawa sa akin lumapit ako kaagad binigay ang bulaklak sa kaibigan ko, at kitang-kita ko sa mukha niya ang saya.

"Maiwan ko na kayo goodluck." habang humahakbang ang mga paa ko unti-unti naman nabibiyak ang puso ko.

Mahal talaga ni Daryll ang babaeng mahal na mahal ko.

"Drew, salamat." I nodded kahit di nakatingin sa dalawa.

"Daryll, mayroon sana akong sasabihin——" Dinig ko pero hindi itinuloy ni Thalia ang sasabihin.

"Gusto mo ba mag-usap tayo nandito si Andrew?"

"Hindi sa ganoon pero—"

"Ayos lang para marinig niya ang dapat niyang malaman." nasa tinig ni Daryll na pinamumukhang kanya ang mahal ko.

"Last time…." hindi ko binalak marinig ang sasabihin ni Thalia kaya lumabas ako pero may kung anong nag-uutos makinig kahit nandito sa likod ng pintuan.

"Last time we talked right? I said tell me the truth." tinig ni Daryll.

"I don't want to hurt you Daryll but I do not intend to make you look stupid. You love me so much I know that but I hope you understand I did everything just because it still didn't work out. Please forgive me for what I did."

"I know, I just knew he was still in your heart. I made your proposal because I wanted you to be real but I was wrong, why, why did you agree to sin against me when you loved him so much?"

"Ayokong masaktan kita, Daryll."

"Nasaktan mo na ako at patuloy pang nasasaktan pero mahal pa rin kita."

"I will agree to marry you." Ano?! Si Thalia, bakit gagawin niyang magpakasal kay Daryll. Akala ko ba sa akin, akala ko ba ako ang bubuo ng mga pangarap niya? Isinuot ko sa kanya ang singsing—

Pero teka kanina nang makita ko ang daliri nito walang singsing na suot kahit na singsing galing kay Daryll. Ano bang nasa isip niya?

"Nakikiusap akong huwag mo gagawin ang bagay na 'yan para lang ipakitang nag-aalala ka sa kalagayan ko. Noon pa man alam kong ako ang magiging talo. Simula ngayon palalayain na kita walang samaan nang loob, at walang magbabago."

"I'm sorry, Daryll." dinig kong hagulgol nito. "Mahal na mahal ko talaga ang kaibigan mo hindi ko alam anong gagawin kung mawala siya sa akin. Pakiramdam ko kapag wala siya sa tabi ko nalalapit ako sa panganib. Please, Daryll huwag mo sisihin ang kaibigan mo."

"Bakit ko gagawin 'yon, eh alam kong pareho niyong mahal ang isa't-isa. Isa pa, baka bugbugin ako nang nakikinig sa usapan natin."

Bahagya akong umatras dahil bumukas ang pinto ng kuwarto.

"Chismoso ka talaga," muling sambit nito. "Nakikinig ka sa usapan ng ibang tao." may pang-aasar.

"Hindi ako nakikinig." buwelo ko.

"Chismoso, so ngayon alam mo na?"

Natigilan kami sa pag-uusap ng tumunog ang cellphone ni Thalia. Humingi ito ng paumanhin para sagutin at kaagad lumabas ng room. Ako naman ang hinatak sa kuwelyo ni Daryll papasok.

"Napaka chismoso mo hindi man lang hinintay na mag-usap tayo." matapos magsalita nito ay kusang lumayo. "Siguro naman ay alam mo na."

"Mahal mo siya hindi ba at pakakasalan mo siya?" naghahanap ako ng sagot mula rito.

"Mahal ko siya tama ka at pakakasalan tama ka rin pero naisip ko kung gagawin ko ang dalawang bagay na 'yan sino kaya ang magiging masaya? Malamang ako lang pero ang babaeng mamahalin ko at pakakasalan hindi dahil alam natin ikaw ang gusto niyang makasama habambuhay."

"Paano ang singsing at paano ang mga sinabi mo noon inaya mo siyang pakasalan?"

"Sus, wala na 'yon balewala na 'yon kapag ikaw ang pinili niya at kung sabagay ikaw talaga pinili ni Thalia masaya ako para sa inyo. Ipinapaubaya ko na sa iyo ang lahat."

"Ayokong makonsensya."

"Eh bakit, dapat nga ay masaya ka dahil ibinibigay ko ang babaeng pinag-aagawan natin."

"Nasasaktan ka."

"Panandalian lang 'yon sinasabi ko sa iyo."

"Sabagay madali ka lang magpalit ng babae,"

"Pero iba sina Princess at Thalia kung mayroon man dumating gaya nila hindi ko na pakakawalan."

"Ano ka ba naman ikaw pa ba Daryll alam kong sa Eye catchers ikaw ang pinaka playboy kahit alam nilang ganoon ka ay nilalapitan ka pa rin. Napaka imposible wala ka mahanap ng pakakasalan."

"May Anton pa dadamay sa akin."

"Pareho kayo magdamayan. Ang guguwapo walang matinong lovelife."

"Aba, sino nagsabi?"

"Mayroon ka na ba bago mo ipaubaya sa akin si Thalia?"

"Wala pa,"

"Sa ngayon wala pa pero soon mayroon na."

"May na banggit sa iyo si Anton?"

"Na?"

"Mayroon pinakilala sa kanya ang mommy at daddy nito sobrang yaman gusto raw nila ang isa't-isa kaya sa lalo madaling panahon magaganap ang kasal ng kaibigan natin."

"Hindi ko yata alam 'yon."

"Masyado ka kasi abala sa buhay mo."

"Sige pauunahin ko nang ikasal ang pinaka mayaman sa atin."

"Eh ako? Ako, ako ba ang mahuhuling ikasal?"

"Magbago ka na kasi,"

"Susubukan ko," may halong ngisi.

"Kaya nanghihinala rin ako kung puro ba pagmamahal mo kay Thalia kaagad mo kasi siyang pinakawalan."

"Hoy, huwag mo ko husgahan. Isinaalang-alang ko ang pagkakaibigan natin tapos ganyan ka magsalita."

"Hindi naman sa ganoon…"

"Gusto mo mag-away tayo at kainisan ng mga sumusubaybay sa atin?"

"Sumusubaybay?"

"Ah, wala."

"Well, sabi mo nga. Salamat, salamat dahil hindi mo ko pinahirapan."

"Plano ko sana pahirapan ka kaya lang tinamad na ako."

Hindi ko siya makausap ng matino. Alam kong nasasaktan siya pero dinadaan lamang sa biro.

"Sorry ang daming sinabi ni boss pinapapunta ako today office." balik ni Thalia.

"IHATID NA KITA." halos sabay wika namin ni Daryll.

"Ihahatid ka na niya." dugtong ko.

"Hindi ihahatid ka na niya." buwelo ni Daryll.

"Ayos lang ako ng mag-isang pupunta ng office." nagsenyasan kami ni Daryll.

"IHAHATID ka na namin." sabay muli namin ng kaibigan ko. Natatawang tumango na lang si love sa ginagawa namin.

KOTSE ko ang ginamit. Ang lakas loob mag-aya ni Daryll ihahatid si Thalia samantalang wala pala itong dala na kotse. Sa office naghintay kami ng isang oras bago lumabas si Thalia. Marami raw nagsampa ng kaso kay Bob dahil mayroon ibang model na hindi pumapasok ang binastos nito.

Walang-hiyang Bob na 'yon kunwari masungit may pagkamanyak din pala.

"Saan tayo pupunta?" usisa nito may hawak na sobre.

"Kahit saan teka ano 'yan?" walang pakundangan kinuha ni Daryll sa kamay ni Thalia. "Uh, teka nagresign ka na pero bakit?" matapos basahin ang loob nito.

"Gusto ko nang mag-quit sa pagmomodel pagod na ako." malungkot nitong pag-amin.

"Baka inaalala mo ang nangyari huwag kang mag-alala sa dami ng kaso ni Bob hinding-hindi na siya makakalaya." sabi ko.

"Mula sa puso kong tinanggap ang katotohanan na pagod akong magmodelo. Sa katunayan ay pabor si mommy sa desisyon ko mas mainam malayo ako sa mga issue. Ah, oo nga pala nasa bahay si mommy gusto kang makita."

"Ako?" singit ni Daryll.

"Ako raw huwag kang epal."

"Ah akala ko talaga ako na eh magbabago na isip kong ipaubaya sa iyo si Thalia."

"Para kayong mga ewan diyan ano na? Saan tayo sayang ang outfit ko kung uuwi kaagad eh mamayang gabi pa makakauwi ang mommy."

"Punta tayo sa shop nila Elaine may kaonting salu-salo raw ang tagal na hindi na kompleto ang eye catchers."

"ANDREW, Thalia, Daryll akala ko talaga ay hindi makokompleto ang eye catchers." bungad ni Agatha.

"Kailan pa kayo umuwi?" usisa ko ng makita si Nathan.

"Kahapon lang sabay ni Daryll."

"Kahapon pa pero bakit hindi namin alam?"

"Nag-stay pa kami sa isang hotel para magpahinga saka sabi ni Daryll may plano raw siya para kay Thalia  kaya tingin ko naging maayos ang nangyari." tingin nito kay Daryll na ngayon ay nakikipagtawanan kina Alex.

"Hindi ako sure."

"Bakit?"

"Mahal niya si Thalia pero ipinaubaya niya sa akin."

"Nararamdaman ko kung ano pakiramdam niya. Ang magpaubaya ng minamahal ay talagang napakahirap lalo kung buong buhay mo sa kanya lang umikot pero dahil nga masyadong makapangyarihan darating at darating ang taong nakalaan sa hindi inaasahang pagkakataon."

"Tingin ko nga ay masaya ka sa pagsasama ninyo ni Charie."

"Oo, mahal at lalong pakamamahalin ko siya."

"Natutuwa akong marinig na masaya ka sa kabila nang lahat."

"Hangad ko rin ang kaligayahan ninyo ni Thalia."

"Alam mo na?"

"Magkasama pa lang kami ni Daryll abroad plano na talaga niyang bitiwan si Thalia at gaya ng payo ko mas mainam 'yon para maging malaya siya. Masarap maging malaya lalo kung hindi mo iniisip ang mga malulungkot na sandali."

"Believe na talaga ako sa iyo."

"Believe rin ako para sa iyo. Sana ay mahalin mo siya ng buong puso."

"Oo naman alang-alang sa namatay kong asawa pakamamahalin ko ang kanyang pinsan."

"KUMAIN na kayo tama na ang usapang puso sa puso." pareho kami lumingon sa puwesto nila ng magsalita si Alex. Lahat ay natatawa nang lumalapit kami.

"Akala ko ba tapos na isyu sa inyong dalawa?" Carl asked.

"Matagal nang tapos binibigyan ko lang ng advice pero mukhang alam kong tama ang ginawa niya."

"Ganoon ba? So, paano sino mauuna sa inyong tatlo ang susunod ikasal?" turo ni Kevin sa amin nila Anton, at Daryll.

"Give way ko muna si Anton." ani ko.

"Oo nga huhunting pa ako ng panibagong mamahalin." Komento ni Daryll.

"At ikaw?" usisa ni Elaine sa akin.

"Hayaan ko muna makasal ang dalawang ito bago namin planuhin ang happy ending namin ni Thalia." hawak ko sa kamay ng girlfriend ko.

"Ayieeee…" Anton.

"Huwag na sana patagalin sayang ang araw at buwan." Carl.

"Oo nga ganoon din naman hindi na kayo bata tumatanda na tayo at umiikli ang buhay!" Nathan.

"Siya nga after ikasal nitong si Anton sunod na kayo hayaan niyo muna si Daryll maghanap dahil tiyak matatagalan pa." Alex.

"Naku, ako na naman ang topic hayaan niyo at bukas na bukas may ipapakilala ako sa inyong foreigner, grabe mga pre, ang ganda at sexy walang-wala si Thalia roon."

Nalingon ako kay Thalia na tawang-tawa sa sinasabi ni Daryll nahuli niya kong nakatitig at ningitian ko ito at pasimpleng nag-heart finger.

"Kayo ba ay sure na ha?" singit ni Agatha sa senyasan namin ni Thalia.

"Sure na sure na." may ngiting inalayan ko ng bulaklak ang mahal ko.

"Sana nga sure na 'yan napaka habang panahon na."

"Mahal na mahal ko ito."

"Ihh…kakilig naman. Naku, mabuti pa bantayan niyo muna anak namin para masanay na kayo." bungisngisan ang lahat sa banggit ni Agatha.

"ANONG plano mo ngayong umalis ka na sa trabaho?" usisa ko habang bantay namin ang mga anak nila.

"Ayoko na muna mag-isip ng ibang trabaho gusto ko mag-staycation."

"Deserve mo 'yan."

"Ikaw din, love deserve mo mabigyan ng isang bakasyon sa sipag mo kasi."

"Puwede naman, love if you want magbakasyon tayo?"

"Eh saan? Go, ako kung saan mo plano magpunta."

"Gusto mo sa labas ng bansa?"

"Ayoko."

"Dito na lang sa Pilipinas, okay. Hahanap ako ng mas magandang bakasyunan good for one week."

"Okay gusto ko 'yan!"

THREE days later we were together and both held the helmet.

"Sure na ba tayong magmomotor lang?" tila nag-aalala.

"Oo." kinuha ko ang hawak nitong helmet bago ipatong sa motor. Nilabas ko ang isang kuwintas at isinuot sa kanya.

"Para saan ito?" Masayang hawak matapos kong maisuot sa kanyang leeg.

"Gift ko dahil araw-araw mo akong napapasaya."

"Sweet naman…"

"Mahal kita."

May ngiti sa labing humarap, "Mahal din kita at araw-araw din akong masaya dahil sa iyo."

"Promise mo magpapakasal ka sa akin, ha?"

"Walang dahilan para takbuhan ka."

"Malay kung magbago isip mo at iwan mo ako."

"Walang dahilan, love. Isa pa, hindi na ako maghahanap ng ibang lalaki dahil sa iyo pa lang nakikita ko ang future ko. Ang ganda ng necklace saan mo binili ito?"

"Ang totoo matagal ko ng ibinili 'yan para sa iyo pero dahil sa dami ng nangyari noon hindi ko na ibigay."

"Matagal na? Buhay pa si Princess??"

"Oo, gift ko sana noong new year siguro kaya di matuloy-tuloy maibigay dahil ito ang right time makuha mo."

"Eh di thank you sayang wala akong maibibigay sa iyo hilig mo kasi gumawa nang bagay na nakagugulat."

"Hindi na bale wala kang bigay ang importante kasama kitang magpapakasaya ngayon."

"Tandaan mo ito Andrew," kinuha ang helmet at isinuot sa ulo ko. "Sa akin ka lang at pagkauwi natin pakakasalan kita." may ngising isinuot ko ang helmet.

"Sabi ko naman kasi sa iyo ikakasal tayo kaagad-agad, eh."

"Ah basta pagkauwi pakasalan mo ako."

"Eh teka dapat yata ako magsabi niyan."

"Kahit na sino importante matuloy ang kasal hindi na ako makapaghintay magbuntis kasama ka at lumaki ang pamilya natin. Alam mo 'yon…"

"Mamaya na natin pag-usapan ang bagay na 'yan tara na." pigil ko at kaagad namin sinakyan ang motor.

ILANG oras kami nasa biyahe parang ganito rin nangyari sa amin ni Princess noong namasyal kami iyon nga lang mas masaya yata ito pero hindi ko sinasabi o binabalewala wala lahat nang ala-ala ni Prinsesa dahil saksi ang araw at buwan sa tunay na pagmamahal ko sa kanya pero dahil wala na siya kailangan ko muli maging malaya at masaya dahil kay Thalia.

"Baka mayroon ibang daan bukod sa tulay na 'yan." nag-aalala kong sabi nang marating namin ang lugar sa antipolo kung saan maglalakad sa tulay para marating ang pinakadulo roon na maaari mong matanaw ang magandang view.

"Wala ito lang ang dapat daanan."

"Hindi nga?"

"Oo nga, ano takot ka maglakad sa tulay na ito?"

"Medyo."

"Subukan mo akala ko ba ay mahal mo ako?" nguso niya.

"Pero hindi dapat iquestion ang nararamdaman ko sa dapat kong gawin dahil takot ako."

"Ano ba 'yan kalalaking tao…" bumusangot at nagpatuloy maglakad sa tulay.

"Thalia, tara na rito."

"Hindi mo siguro ako mahal." patuloy naglakad pero dinig ko ang boses.

"Ano ka ba naman Thalia."

"Magkita na lang tayo mamaya."

"Thalia, bumalik ka nga rito. Thalia, hoy!" isang hakbang ng paa ko umuuga kaagad. Ugh, kainis.

"Ano Andrew hindi ka ba talaga pupunta rito? Hindi mo talaga ako mahal ano?"

"Mahal kita syempre mahal na mahal kaya kong isugal ang buhay ko para lamang sa iyo."

"Kung ganoon…" sumenyas na samahan ko siya maglakad sa tulay.

"Pero ibang usapan kung sa ganitong paraan."

"Akala ko ba handa mong isugal ang buhay mo para sa akin kapag ba itong tulay na falling down wala kang gagawin para mailigtas ako?" nagtatatalon dahilan para mauga ang tulay.

"Thalia, ano ba, bawal 'yang ginagawa mo!"

"Kung ganoon, Andrew sige nga kung talagang mahal mo ako kahit takot na takot ka sasamahan mo ako hanggang sa marating natin iyooon…" turo sa pinakadulo. "Isipin mong malapit na tayo sa happy ending at iyon ang ibase mo."

Pumikit ako at dahan-dahan nilakad ang tulay. Be careful Andrew huwag kang gagalaw kung ayaw mong malula. Dumilat ako pero kaagad din muling pumikit.

"Kalalaking tao mo takot na takot ka…" di ko alam kung ako ang lumapit sa kanya o siya basta dinig na dinig ko boses niya sa harapan ko.

"Dumilat ka na nasa gitna tayo ng tulay subukan mo lang tingnan at harapin ang kinatatakutan mo."

Tama harapin ang takot kasama ang taong mahal. Bakit ba napaka duwag ko eh nandito ang babaeng dahilan kung bakit nagiging matapang ako sa hamon nang buhay. Siya ang ilaw at tanglaw ko sa dilim na kahit anong mangyari hahanap-hanapin.

"A-ang lakas nang hangin dito."

"Mas masaya sana kung idilat mo ang iyong mga mata. Tandaan mo, Drew ibinigay ni Princess ang matang 'yan para muli kang makakita."

Dinilat ko ang mata lakas kasi makakonsensya ng babaeng ito. Ningitian niya ako itinaas ang dalawang braso.

"Ang ganda nang tanawin, love. Mapresko ang hangin, pagkatapos ay kasama pa kita. Talagang wala na akong mahihiling."

She would have looked at me when I kissed her on the lips. Even though I was a little scared because the bridge was moving, I was happy with what I was doing. Who doesn't? we are here in the middle of the bridge surrounded by beautiful scenery, fresh air. I certainly have nothing to ask for if I am not removed from this bridge because it is already scary. Nakakatawa pero iyon ang totoo. Funny.

PABABA na ang araw ng maisipan kong iwan siya para maghanap ng tent. Gusto ko siyang surpresahin kaya ng makahanap ako ng tent kaagad din akong nakabili ng pulang rosas. Ilang oras yata akong nagkabit ng tent at ikalat ang mga petals ng rosas sa sapin namin. Pagkatapos gumawa ako ng apoy para magsilbing liwanag nang inupahan namin na viewing.

Ang ganda kasi rito tapos mahangin, at tahimik. I'm sure hindi 'yon maiinip dahil mayroon siyang mga kasamang namamasyal sa tabi-tabi, at nang saktong tapos na sinundo ko siya.

"Anong gagawin natin?" hawak kamay namin tinungo ang lugar.

"Gusto kita masolo, love."

"Kanina pa nga, eh." sabay kami nahinto dahil sa hitsura ng ginawa ko.

Ang tent na binili ko, ang mga petals lumitaw lalo sa ganda dahil sa apoy na ginawa ko shit, ang ganda mukhang pati ako ay namangha sa ginawa ko effort yata masyado pero sana siya rin masaya.

"Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita nang ganitong set-up."

"Actually hindi na bago itong gawain madalas ganito nangyayari sa mga palabas."

"Alam ko pero kapag ikaw na pala ang nasa sitwasyon na 'yon talagang hahanga ka. Ibang klase at bihira ka lang makakatagpo ng lalaking mag-e-effort para lang dito."

"Ginawa ko ito dahil mahal kita."

"Thank you, Andrew!" mahigpit niya kong niyakap. Mangiyak-ngiyak niyang isinubsob ang mukha sa dibdib ko.

"Eh bakit ka umiiyak?"

"Masaya kasi ako kasi…kasi may isang Andrew na tulad mo. Hindi ko maimagine ang mga araw na magdadaan na wala ka sa akin parang hindi ko na kakayanin."

"Hindi ako mawawala sa iyo kaya huwag mo isipin ang bagay na 'yon… at kung mangyari man mawala ako hinding-hindi ka magsisisi dahil ibibigay ko lahat nang mga nais mo."

"Nais ko lang naman ay makasama ka, bumuo ng pamilya."

"Ganyan na ganyan din ang pangarap ni Princess pero kahit ganoon pa man ay nagpapasalamat ako dahil naging parte siya ng buhay ko. Ngayon, ikaw na ang buhay ko, buhay kong hindi pababayaan kailanman."

NAKAUPO ako habang siya at nakahiga sa hita ko.

"Gusto kong maranasan makatabi ka lalo kung ginaginaw ako yayakapin mo ako, gusto ko rin kahit mainit ipipilit mong yumakap. Nais ko rin magalak kapag nakita kong two lines sa pregnancy test, pagkatapos nais kong maranasan lumaki ang tiyan, maglihi, iyong tipo kahit hating-gabi paghahanapin kita ng pinaglalawayan kong pagkain. Gusto ko pagkalabas ni baby natin pareho tayong puyat sa pag-aalaga sa kanya tapos habang dumarami ang mga anak natin at lumalaki lalo tayo nagiging masaya. Ang sarap mangarap, Drew."

"Bakit kailangan mangarap pa kung nandito naman na ako at handa kitang samahan sa lahat ng pangarap mo." haplos ko sa buhok.

"Ikaw, ano ba pangarap mo??"

"Ako? Syempre, kung anong pangarap mo ay pangarap ko rin. Wala na akong sasabihin dahil nasabi mo na."

"Salamat, Drew."

"Salamat din, Thalia."

"Ayokong mawala ka, Drew."

"Hindi ko rin gustong mawala ka, Thalia."

"Mahal na mahal kita, Drew."

"Mahal na mahal din kita, Thalia!!" pasigaw kong tugon.

"HOY INGAY MO!" pareho kami nagkatinginan dahil isa-isang nagsulputan ang mga kaibigan kong sina Carl, Kevin, Nathan, Anton, Alex, Daryll.

Epal talaga itong kapatid ko kahit na kailan.

"Anong ginagawa niyo rito?" nagtataka kong usisa habang bumabangon si Thalia pero nanatili kaming nakaupo.

"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, ending na alangan wala kami sa ending kaya nga 'The Eye Catchers' ang pamagat ng kuwento dahil tayo ang bida rito."

"Teka kasama ka ba Alex sa mga bida?" supalpal ni Thalia.

"Eh ano?! Eye catchers nga ako di ba di ba?!"

"Nagtatanong lang naman nagagalit kaagad."

Humarap sila, naupo at inilabas ang mga dalang pagkain at inumin. Mga boy scout nga mga ito dahil mga handa. Habang abala namin binubuksan ang mga food lumitaw sa madilim na langit ang mga fireworks na colorful.

"Ang ganda!" sigaw namin lahat.

"Magsawa kayo hanggang sa gusto ninyo twenty five thousand na fireworks ang binili ko plus 'yong binayad sa mga taong nag-aassist sa ibaba." bulaslas ni Anton.

"Twenty five thousand???" nanlalaki mata ni Thalia at kaagad kong inakbayan.

"Gulat na gulat ka pa nakalimutan mo 'yatang siya pinakamayaman sa amin." wika ko.

"Guys, isang buwan ng delayed si Charie." singit ni Nathan.

"Isang buwan? Wala pang isang buwan kayo na ikakasal, ah?" nagtatakang tanong ni Carl.

"Syempre, inuna muna niyang putukan bago pakasalan!" hagalpak nang tawa si Alex.

"Eh di congrats may baby na kayo." sabi ko.

"Mga pre damay niyo na ko sa babatiin ninyo." Singit ni Kevin sabay-sabay kami tumingin dito. "Buntis ulit si Elaine."

Whoooo.

"Si Elaine rin??" gulat na usisa ni Carl dito.

"Huwag mo sabihin pati si Agatha ganoon din?" Anton asked.

"Ganoon na nga buntis na siya excited na kami para sa new baby!"

"Eh kung buntisan na lang pala usapan sige aaminin ko nang buntis muli si Bella! HAHAHA." Masayang-masaya pag-amin ni Alex.

"Sira-ulo huwag mo nga kami niloloko!" batok ni Kevin.

"Ano ba akala mo sa akin ha? Oo, joker ako pero kailan ba ako nagsinungaling sa inyo, buntis nga si Bella!" lahat kami na tahimik.

"Congratulations, ang tindi mo talaga." asar ko rito.

"Ah, oo nga pala——"

"Huwag mo sabihin na buntis mo rin ang babaeng pakakasalan mo, Anton?" si Carl na mismo pumigil dito.

"No way! Hindi ko gagawin 'yon gusto ko lang sabihin na dapat walang mawawalang eye catchers sa araw ng kasal ko kung hindi walang tig-iisang car mga anak niyo sa araw ng pasko, HAHA." lahat kami yumakap at tila inaamo-amo.

"TOY CAR lang naman 'yon kayo talaga nagpapakaamo pa." sa inis namin sabay-sabay namin siyang binatukan. Kawawang Anton.

"Pero mga pre gusto ko sana malaman ninyong mayroo——"

"HOOOP! HUWAG MO NANG ITULOY ALAM NAMIN BABAERO KA." walang sumablay isa man sa amin nang sabay-sabay kami nagsalita laban sa kanya.

"Grabe kayo gusto ko lang naman ipakilala ang babaeng pakakasalan ko soon." busangot niya.

"Luh, asa ka." ismid ko.

"Wow, Andrew ganyanan na ba?"

"Hindi naman kasi ayaw mong magseryoso."

"Seryoso na talaga ito—— Hoyy makinig naman kayooo…" dahil ayaw namin maniwala kanya-kanya kami tingala para tingnan ang mga fireworks.

"Sa palagay ko lahat ng asawa natin sabay-sabay maglalakihan ang tiyan." komento ni Kevin.

"Ganoon na nga." Carl said.

"Ikaw Thalia hindi ka ba makikiuso sa kanila??" Isa-isang binatukan nila si Alex. "Ano bang masama? Masaya nga 'yon kukuha tayo ng private hospital para lang sa anim na babae sa buhay natin."

"Oh teka bakit naman kasi anim, eh pito tayo ohh!" ngalngal ni Daryll.

"Ungas, mangarap ka."

"Tingnan mo, Alex mas magiging ungas ka kapag may dinala akong babaeng buntis na."

"See, bubuntisin lang pero hindi pakakasalan."

"Eh di pakakasalan muna bago buntisin! Akala mo talaga ka!"

"HAHAHA!" at naghabulan ang mga daga.

"ANG SAYA NG EYE CATCHERS HINDI KO INAKALANG MAKAKASAMA KO KAYONG LAHAT." dinig kong sambit ni Thalia na panay tawa simula nang dumating ang anim.

"Ngayon hindi lang basta panaginip o pangarap, love at lalong hindi pa ending dahil nagsisimula pa lang tayo sa talagang wagas na pag-ibig."

"Ha? Ang cheesy naman."

"Alam mo bang ikaw ang tinapay na hinahanap-hanap ko?"

"Ha? Tinapay? Bakit?"

"Sabi mo cheesy ko kaya ikaw ang tinapay na kapag pinagsama MASARAP, perfect couple ayieee kinikilig na 'yan."

Kahit madilim at tanging liwanag ng fireworks kitang-kita ko ang pamumula nang pisngi niya.

"I LOVE YOU, THALIA BUSTAMANTE."

               ⁂THE END⁂

avataravatar