Chapter 57

☞THALIA'S POINT OF VIEW

KUMALMA KA SELF hindi ito ang oras para ipakitang apektado ka sa mga sinasabi niya. Remember sa mga sinabi niya sa iyo lately walang makakapalit sa posisyon ni Princess. Huwag ka maging marupok.

"MANIWALA ka mahal kita." simula ng umuwi kami hanggang ngayon pababa ako ng kotse ay wala siyang ibang sinasabi kung hindi 'Mahal niya ko.'

Ano nga ba trip ng lalaking ito? Kung trip niya ko sana huwag na lang ako. Mahirap na naman umasa at isa pa may Daryll na, may Daryll ng handa akong pakasalan.

"Papasok na ako sa loob salamat sa paghatid, good night." nagmadali itong bumaba para pagbuksan ako ng pinto pagkaraan ay ibinaba ang mga gamit ko.

"Ako na magpapasok sa loob mauna ka na masyado ng gabi." nakatitig lamang ito at tila may ninanais pangsabihin.

"Thalia."

"Drew," buntong-hininga ko. "Tapos na tayo masaya na ako kay Daryll."

"Nakakapagtakang nakamove-on ka kaagad."

"Mas nakakapagtakang mahal mo na ako kaagad."

Natulala saka hinawakan kamay ko, "Thalia, walang paliwanag basta mahal kita iyon ang totoo."

"Kung ganoon kailan ka magagalit sa akin at ipamumukhang…walang makakapalit kay Prinsesa?"

"Nabigla lang ako noon please paniwalaan mo ako."

"Kahit pa maniwala ako wala na rin naman halaga itong pagtatapat mo. Ikakasal na kami at bubuo ng masayang pamilya. Sana kung ano man 'yang nararamdaman mo mawawaglit din 'yan kaagad."

"Bakit ba ipinagtatabuyan mo ko sa buhay mo?"

"Hindi naman sa ganoon kasi mali nang lumapit ka pa at sabihin mahal mo ako. Tandaan mo si Daryll na kaibigan mo mapapangasawa ko. Isa pa, si Prinsesa pa rin naman di ba? Kung nakokonsensya ka sa mga nagawa mo sa akin huwag kang mag-alala maluwag sa loob kong tatanggapin na hanggang doon na lang tayo."

"Thalia, please." pilit hahawakan muli kamay ko pero ako na mismo lumayo.

"Good night, Andrew." tahimik kong ipinasok ang gamit saka isinara ang pintuan.

Nandoon pa sa sala si Tita Jade nanunuod ng tv.

"Hindi mo na ba talaga gusto si Andrew, Thalia?"

"Tita." tumayo ito at tinulungan akong mag-ayos ng ibang gamit.

"Alam mo ng malaman namin magkarelasyon kayo ni Drew hindi kami nagdalawang-isip na sumang-ayon kasi hindi talaga nalalayo sa atin ang batang 'yon pero bakit nga ba ayaw mo na sa kanya?"

"Hindi po ako ang umayaw sa kanya masakit lang masabihan na walang makakapalit sa posisyon ni Princess."

"Nasaktan ka."

"Ganoon na nga po."

"Pero mahal mo?" ilang segundo yata itinagal bago ko tumango, "Kung mahal mo ipaglaban mo."

"Pero tita tama na siguro 'yon isa pa ikakasal na kami ni Daryll." ipinakita ko ang daliring may singsing hinawakan niya ito na may ngiti sa labi.

"Masaya ako para sa iyo pero kung ikaw ang tatanungin masaya ka ba?"

"O-opo."

"Nagsisinungaling ka. Thalia, kilala na kita simula pa lang pagkabata magkakasama na kayo nila Princess at Jak kilala ko ang ugali mo kung kailan ka nagsasabi ng totoo o hindi."

"Mahal ko naman po si Andrew pero kung pagbibigyan ko itong puso ko may isang taong masasaktan dahil sa pagbibigay pag-asa ko. Tita, I'm sorry pero mahalaga sa akin si Daryll at ayokong masaktan siya."

"Kung ganoon ayos lang sa iyo na masaktan si Andrew?" umiling ako, "Eh sino ba talaga ang dapat piliin, ang like o love?"

"Depende po sa sitwasyon."

Nakangiti itong kinuha ang album binuklat niya hanggang sa makita namin larawan nilang mag-anak, at hindi mawala ang ngiti nito habang pinagmamasdan.

"Dumaan din ako sa ganyang punto pero alam mo mas pinili ko ang love kaysa sa like. Ang like kasi pansamantala lang 'yan pero ang love panghabam-buhay. Si tito mo mahal na mahal ko kaya kahit may gustong-gusto akong tao bago siya mas nangibabaw pa rin ang love."

Kuha ko naman kung ano ang ibig sabihin ni tita pero ayoko lang talaga masaktan si Daryll, iba kasi siya mag-effort ito 'yong tipo na playboy pero gagawin lahat mapasaya ka lang, at ayoko siyang makitang malungkot.

Tuluyan na akong nagpaalam sa kanya para magpahinga. Lahat nang nasa isip ko kanina ay tuluyang naglaho ng itulog ko ito pero sa paggising ng umaga ay may luhang kaakibat. Nasasaktan pa rin pala ako sa mga nangyari. Akala ko ay ayos pa ako pero hindi pala.

Naging duwag nga ba ako? Duwag dahil pilit kong itinago ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko siya oo pero sapat na bang ipaalam ko pa kung sa huli ipamumukha sa akin na hindi ako karapat-dapat.

Mahal niya ako siguro pero gaanong mahal nga ba? Mahal niya nga ba ako dahil nakokonsensya siya o mahal niya ako dahil iyon ang sabi ng puso niya?

Kung minsan wala kang mapagkatiwalaan sa mga sinasabi ng tao.

Kapag sinabing mahal ka niya ayaw mo maniwala pero kung sinabi nitong hindi ka na mahal ayaw mo pa rin maniwala dahil sa mga matatag niyong samahan. Ang gulo di ba kaya lang kahit magulo minsan ang puso mismo nakasasagot sa mga katanungang mahirap sagutin.

"Good morning." halos sabay namin dating ni Bob sa venue.

"Good morning, ahh sorry for what happened."

"Kung ikaw ang hihingi ng paumanhin ay matatanggap ko dahil wala kang kasalanan pero kung si Andrew magiging mababa baka magdalawang-isip pa ako."

"Sorry sa mga nagawa niya alam kong hindi 'yon hihingi ng tawad kaya ako na kumusang magsabi."

"Okay pero sa susunod…"

"Sana wala nang susunod." sambit ko habang nagtatanguan kami.

"Hi Ma'am Thalia may nagpapabigay po ng flowers." abot ng lalaki.

"Kanino galing?" nakita kong may nakapangalan at mula nga ito kay Daryll. Kaagad nagpaalam si Bob pero nanatiling nakatabi sa akin ang isang modelo.

"Ang sweet ng boyfriend mo sana may magbigay din sa akin."

"Magkakaroon ka rin sa ganda mong 'yan."

"Wala nga akong boyfriend, eh."

"Malay mo naman magkaroon ka na."

Natigilan ito sa pagsiyasat sa bulaklak na hawak ko nang makita si Andrew.

"Malayo pa naman ang Valentine's day pero bakit may mga bulaklak mga lalaki ngayon? Look si Mr. Azun na kakambal ni Sir Alex lalo siya naging guwapo sa dalang bulaklak at kanino kaya niya ibibigay 'yon? Ugh, ang swerte naman ng babae."

Nakatanaw sa puwesto namin si Andrew hanggang sa lumalapit ito sa amin.

"Sa atin siya papunta huwag mo sabihin——"

"Good morning," walang emosyon bati ni Drew nakatingin sa akin at sa hawak kong bouquet.

"Good morning." ganti ko.

"Good morning, Sir Andrew!" masigasig na bati ng modelo. Saglit itong tumingin pagkatapos ay muling tiningnan ang bouquet na hawak nito.

"Sa iyo na lang." Kunot-noo ibinigay niya ang bouquet na hawak sa modelong kasama namin at walang ganang nilayasan kami.

"Oh my…oh my nakita mo 'yon? Ibinigay niya sa akin ang bulaklak! Hindi kaya may gusto siya sa akin? Oh my dapat malaman ito ng mga kasama natin!" nagmamadaling tumakbo patungo kung saan.

Naiinis ako.

Sinundan ko si Drew nang maabutan ay kaagad kong kinompronta.

"Bakit mo binigyan ng bulaklak ang modelong iyon?!" naiinis pa rin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Bakit mo nga siya binigyan! Hindi mo kilala ang taong 'yon at hindi kayo close kaya bakit mo siya binigyan ng bulaklak!"

"Tsk, bakit ikaw lang ba may karapatan magkaroon ng bulaklak? Hindi mo katulad si…" tila nagulat sa sinabi at kaagad akong iniwan na tulala.

"Katulad ni Princess... tama ka hindi ako tulad ni Princess na sabay-sabay makakatanggap ng bulaklak hindi kasi ako katulad niya." kinakapusan ako ng hininga. Sa inis inihagis ko ang bouquet na bigay ni Daryll sa basurahan at umalis sa lugar na 'yon.

PANAY ang tawag ni Alex sa cellphone ko pero ayoko na muna may kausap. Sakit na naman dito sa pusong ihantulad sa babaeng patay na. Oo nga, maganda talaga ang pinsan ko napakarami nilang nagmahal sa kanya special nga eh pero masakit sa akin pa ihantulad. Magkaiba kami sobrang laki ng pagkakaiba.

"Plano mo?" naupo sa tabi ko, "Nandito ka lang pala hindi ka sumasagot sa mga tawag ko, ah."

"Nagsisimula na ba kayo?"

"Kanina pa, ano balak mo pa ba sumalang?"

"Bakit nag-aalala ka riyan hindi ikaw ang photographer ko."

"Kanina pa nagagalit si Bob kaya minabuti kong ako mismo makahanap sa iyo baka ano pa magawa sa iyo."

"Hayaan mo…"

"Pagod ka na? May ilang araw pa tayo para sa shoot."

"Kayang-kaya pa."

"Eh iyong makita siya araw-araw hindi ba masyadong mahirap para sa iyo?"

"Sino?"

"Kilala mo kung sino tinutukoy ko."

"Si Andrew, hindi."

"Eh di hindi."

"Excited akong makita si Daryll iyon ang totoo."

"Daryll? Wala nambabae na 'yon!" natatawang binatukan ko.

"Nangako siyang magbabago kaya hindi niya ako bibiguin saka mas mainam pa nga siyang kausap kaysa sa iba riyan."

"Si kambal…sus, maarte lang 'yon pero sa totoo lang naguguluhan ako sa iniisip niya."

"Maski ako,"

"Unawain mo na lang…"

"Eh ano pa nga ba pero minsan hindi ko alam kung saan siya nagsasabi ng totoo. Mahal na raw niya ako pero bakit ganoon palagi inihahambing sa akin si Princess."

"Talaga?" I nodded, "Alam mo hindi ko masisisi si kambal pero mali yatang harap-harapan niyang sabihin 'yon."

"Ayos na sa akin ganito kaysa manghula ako sa mga ginagawa niya."

"Ayos lang sa iyong masaktan?"

"Sanay na ako kung siya ang dahilan." but deep inside masakit pa rin ayaw lang tanggapin ng kaloob-looban kong may isang Andrew na sinasaktan ako.

Mabuti pa si Princess never nasaktan at kung nangyari man iyon isang beses lang. Saksi ako kung gaano niya minahal at nirespeto si Cess kaya ngayong sa pinakikita niya napatunayang walang makakapalit sa posisyon ni cousin. Tanggap kong hanggang dito lang ako sa buhay niya.

"May isang bagay lang ako hiling sa kambal ko."

"Ano?"

"Maging masaya nang tuluyan."

"Kung magpapakatino na siya at magiging totoo sa sarili."

"Bakit hindi pa ba?"

"Anong alam mo?" naguguluhan kong usisa.

"Mahal ka ni Andrew."

Umiwas ako nang tingin, "Sinasabi mo lang 'yan dahil ayaw mong nakikita akong nalulungkot."

"Puwede ba ko humingi ng pabor? Puwede ba mahalin mo na rin siyang muli? Pareho lang kasi kayo ng nararamdaman at pareho kayong matiisin. Kung si kambal nagawa niyang itago ang nararamdaman kay Prinsesa sa mahabang panahon eh ikaw na itago mo ang buong katotohanan kahit ikaw pa ang madalas maging third wheel nilang dalawa. Minahal mo siya kahit hindi naghihintay ng kapalit dahil ayaw mong makasira ng relasyon pero this time nakikita mo naman 'di ba? Ang tadhana na nagbibigay sa inyo ng pagkakataon para magsama tapos aayaw ka pa?"

Ang tagal kong nag-isip.

Naguguluhan ako sa totoong nangyayari masyado na ba akong praning o takot lang ako sa bagong kahaharapin.

"Kung prinoproblema mo si Daryll alam mo madali lang tumanggap 'yong tao na 'yon move on lang saglit pagkatapos tapos na! Ganoon lang."

"Paano kung masaktan ko siya?"

"Natural mahal ka nang playboy na 'yon pero at least naging totoo ka sa sarili mo."

"Pag-iisipan ko."

"Matagal mo na dapat pinag-isipan 'yan ikaw na lang ang hindi nakararamdam."

"Bigyan mo ako nang ilang araw para mag-isip."

"Ikaw ang bahala,"

"Sinasabi ko na nga ba at kayo ang magkasama," sabay namin hinarap si Bob na tila naiinis.

"Be professional, Alex. Why do you have to hide the model when I am in a hurry to finish it?"

"Excuse me?" lalapit sana si Alex ng pigilan ko.

"Walang kinalaman dito si Alex umalis ako sandali para magpahangin masama ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko.

"We have a private nurse here why do you have to stay away? Tandaan mo ako ang personal photographer mo do you understand?" I nodded na lang.

"Personal photographer ka lang naman huwag masyadong obvious na papansin ka."

"Alex," awat ko sa diretsahan nitong sambit.

"May problema ka ba, Alex?"

"Wala naman pero hayaan mo ang mga model na maging malaya. Hindi porque masama pakiramdam nurse kaagad ang tatawagin syempre kailangan nila ng peace of mind."

"Peace of mind? Bakit Thalia may problema ba?" lumapit ito bago ako hawakan sa magkabilang-balikat.

"Anong problema puwede kitang tulungan."

"Tsk, huwag na baka lalo ka lang makagulo."  pinandilatan ko nang mata si Alex ayaw itigil ang bunganga.

"Come to my room if you need to sleep go ahead do it." sabay piga sa kamay ko pero kaagad inalis ni Alex ang kamay nito sa akin.

"She has a room and I will take care of her. I will trust myself more than the new person." bago magsalita si Bob na hatak na ako ni Alex papalayo.

Sinamahan niya akong pumasok sa kuwarto hanggang sa iwan akong mag-isa. May mga modelo pa kasi hindi nasasalang para sa araw na iyon at pagkatapos ay babalikan daw niya ako para kumain. Nakatulog ako sandali bago tingnan ang cellphone na puno nang missed calls mula kay Daryll.

Tinawagan ko ito, "Masama raw pakiramdam mo?" kabungad-bungad nito.

"Ayos lang."

"Nag-aalala ako kaya pinapunta ko riyan si Alex para dalhan ka na lang ng pagkain pero kung hindi mo kaya umuwi ka."

"Nakatulog ako kaya sa palagay ko magiging ayos na," sandali nanahimik ito, "Daryll, huwag ka masyado mag-alala."

"Wala ako sa tabi mo hindi kita mababantayan."

"Uuwi na ka rin naman 'di ba?"

"Pero mas maganda sana kung nandiyan ako para alagaan ka. Sorry, Babe."

"Wala 'yon kahit miss kita…" napakagat ako sa labi. Nagsisinungaling na naman ako kahit sa phone ko lang kausap.

"Kahit?"

"Miss na kita," sige Thalia lasunin mo ang isip niyang siya talaga minamahal mo.

"Don't worry mayari lang itong ginagawa ko uuwi kaagad ako."

"Sumabay ka kina Nathan."

"Kailangan nila mag-solo sa panahong ito kaya hayaan mo at malay mo naman bigla akong mauwi na hindi mo inaasahan." nakaramdam ako ng lungkot. Bakit kasi sinabi ko pang miss ko siya kahit sa totoo lang gusto kong nasa malayo ito para makasama ko si Andrew.

Kaagad kami nagpaalamanan lumabas ako dahil nakaramdam ng gutom. Dedma kahit marami kumakausap kailangan ko kumain para may lakas panigurado ipipilit ni Bob sumalang ako kahit alanganing oras.

"Puwede makiupo?" usisa ko kay Andrew saka wala akong choice dahil iyon lang ang table na nakaayos dahil tapos na silang lahat kumain ngunit tumango lamang ito.

Tahimik kong inubos ang pagkain pagkatapos bumalik sa mga nakahilerang food para kumuha muli at pagkabalik ko masamang titig ang ginagawa ni Drew sa akin.

"Iyong figure mo."

"Gutom ako bakit ba?"

"Bahala ka nga,"

"Katawan ko ito, eh. Madali lang akong pumayat kung gugustuhin ko."

"Okay." iniligpit ang plato saka iniwan akong nag-iisa.

"Ang gulo nang utak ng lalaking 'yon. Hay, ano ba Drew sabi mo mahal mo ako bakit ganyan ka? Ano pinaglalaruan mo na naman ba ako ha?" bubulong-bulong kong inis.

"Ano na naman problema mo?"

"Ay, butete!" hawak ko sa dibdib, "Ano ba Alex?" irap ko.

"Ano rin nabaliw ka kinakausap ang sarili?" tabi nito.

"Nag-aasaran na naman kayo ni twinny ano?"

"Baliw siya."

"Baka ikaw ang baliw," sinamaan ko nang tingin. "Kung naiinis sa kanya bakit hindi mo sabihin kaysa sumabog dibdib mo sa inis."

"Hahaba lang ang diskusyon."

"Siguro mas mainam bago mo siya balikan ayusin mo muna ang sa inyo ni Daryll."

"Aba, nagbigay ng advice pero palpak naman saka ano kamo bago ko balikan eh siya nga itong biglang nang iwan sa ere saka bakit ako ang gagawa ng paraan para ayusin ang matagal nang magulo."

"Negative. Tsk, ano balak mo? Alalahanin mo Thalia pagkauwi ni Daryll aayusin na ninyo ang kasal. Thalia, kasal niyo, hahayaan mong maitali ka sa taong hindi mo mahal?" nawalan ako nang kibo at nag-isip. "Bago mahuli ang lahat at mahirap magsisi sa huli. Hindi sa ayoko kay Daryll for you kaya lang bumabase kasi ako sa nararamdaman mo para kay Andrew. Hindi na kayo mga bata para magpabebe pa sa nararamdaman. Haller, matatanda na tayo ibang level naman dapat ang mayroon sa inyo tama na maging childish."

"Hindi ako childish." busangot ko.

"Eh di patunayan mo. Ayusin ang dapat ayusin kung mayroon gustong balikan saka ano kung siya itong nang iwan sa ere at nanggamit? Remember mahal ka na ngayon ng kambal ko huwag kang pabebe riyan mainis mo ko, eh."

Lalo akong bumusangot ng mukha at tinanaw ang lalaking mahal ko. Napapabuntong-hininga ako sa inis dapat kasi si Andrew gumawa ng paraan eh bakit ako ang pinapayuhan ni Alex sa bagay na ito?

Ako ang iniwan, ako ang niloko, at ang ikinukumpara sa iba kaya dapat ako ang suyuin dito. Ako kaya ang babae, di ba ako ang babae kaya dapat i-treat niya ako like a princess.

avataravatar
Next chapter