Chapter 56

☞ANDREW'S POINT OF VIEW

"GOOD MORNING, chef mayroon po gustong magpabook ng catering natin." abot sa akin ni manager ng mga pipirmahang kontrata para sa ibang business matters.

"Sige ayusin mo na."

"Pero chef puno na schedule natin."

"Kailan ba nagpapabook?"

"This week po."

"Ilang araw lang naman siguro baka maisingit." abala ko pa rin sa pagpirma.

"Kaya lang our schedule is full this week." pangungulit nito.

Buntong-hininga ko siyang tiningnan, "Sabihin mo puno na."

"Ah sige po kaya lang ito 'yong kumpanya ng kapatid mo."

"Si Alex?"

"Opo."

"Bakit hindi mo kaagad sinabi…sige delete all appointments to other bookers."

"H-ho?"

"May problema ba sa inuutos ko?"

"Some bookers have already paid and others have paid downpayment immediately. Hindi natin puwede basta-basta ipa-cancel 'yon."

"Alam mo na siguro ang gagawin, right?"

Kaagad nag-isip, "Ah okay, chef. Ako nang bahala sa ibang gamit natin. Bigyan niyo po ako ng ilang oras para maayos itong sa kumpanya ng kapatid mo."

"You are wrong, continue the previous bookers and I will take care of my brother's company."

Kaagad itong tumawa sa sinabi ko.

"Oo nga po pala pasensiya na."

"You said I would give you some time to do this right?"

"You made a mistake when I finished fixing the previous bookings as if only your brother should fix it. Maybe I'll just help you fix it soon."

Tumayo ako, "Hindi na iuutos ko na lang sa iba basta focus ka lang sa trabaho. Balitaan mo ako kapag may nangyaring hindi maganda." palabas na sana ako ng opisina ng magsalita ulit ito.

"Mas mainam po siguro kung balitaan kita kahit walang masamang mangyari, hehe." nangiti ako dahil mukhang kanina pa ako binabara.

"Kung saan ka mas masaya." pagtatapos ko sa usapan namin.

Ang dapat kong gawin today ay asikasuhin ang mga kakailanganin. I will check appointment at doon ko nakita bukas na pala 'yong event na gagawin nila Alex. I'm sure nandoon si Thalia.

KINABUKASAN maaga pa lamang ay pinapunta ko na ang team sa venue nila Alex. Pagkakasabi sa akin may gagawin daw na commercial ang ibang modelo pero I'm not sure kung kasama si Thalia. Pagkaraan ng limang oras tumawag sa akin ang isa kong tauhan lahat daw ay nasa ayos na at nakapuwesto na sila sa kanilang nakatokang gagawin.

Sumunod ako roon pagkaraan ng ilang minuto na paghihintay sa reply ni Alex. May usapan kami na magkikita pero dahil abala raw siya at nasa set na ako na lang din ang mag-isang magpupunta. Wala akong ideya sa takbo ng kanilang gagawin basta kung ano request nilang menu today iyon ang pinaluto ko.

Chineck ko ang mga kagamitan lahat ay nasa maayos. Maging ang mga tao ko ay hindi mawala ang ngiti sa labi dahil siguro sa mga nakikitang nagguwaguwapuhan at naggagandahang babae. Tsk, enjoy na enjoy sila.

"Lights, camera, action!" dinig kong sigaw, ngunit hindi ko mahanap si Thalia.

Hindi kaya siya kasama sa commercial na gagawin? Imposibleng hindi para sa akin siya ang pinaka maganda at sexy na modelong nakita ko sa kumpanya nila.

"Hi I'm Janice, and you are?" lapit sa akin ng modelo.

"Andrew, Andrew Azun."

"Really?" tumingin sa puwesto ng mga pagkain. "Ikaw ang may-ari ng catering?"

"Oo."

"Nice, guwapo na business minded pa." hagikgikan ang ibang kasama nitong modelo sa gilid.

"Salamat."

"Ang gaganda nang mga model ano?"

"Ayos lang,"

"Ang tipid mong magsalita siguro may natitipuhan kang modelo rito sabihin mo nga sa akin o kaya sabihin mong ako 'yon, ayiieee."

Natawa ako ng bahagya, "Sorry, nandito ako para magtrabaho, sige maiwan na kita mukhang ikaw ang tinatawag na susunod isalang sa camera galingan mo." hindi ko na hinintay magsalita basta bumalik ako sa puwesto ng mga tauhan ko.

"Chef, kung naiinip kayo mayroon ditong cabin na puwede mo pagpahingahan."

"Tawagan niyo na lang ako kapag kailangan ng tulong." sabay-sabay silang tumango at hinanap ko ang cabin na sinasabi nila.

Sa paglalakad nakasalubong ko si Thalia, ang ganda niya, at sexy sa suot nitong bikini. Napapalunok ako sa sobrang pagkahanga. Kung bakit ngayon ko lang na pansin ito, iba nga talaga siya. Hindi ko nga namalayan tumigil ako sa paglalakad.

"Ako nagsabi sa big boss namin na catering mo ang kunin." nagsasalita kahit di ko tinatanong.

"Salamat." yuko sabay lakad.

"Sandali…" sinundan niya ko saka lumahad na parang nakikipagbati. "Friends?"

Friends?

Ugh, matagal na kami magkaibigan pero bakit tinatanong kung puwede ba kami maging magkaibigan. Kalokohan.

"Ayaw mo na ba ako maging kaibigan? Oh sige, kahit pinsan na lang walang problema." nanatiling nakataas ang kamay para makipagkamay.

Gusto kong tanggapin ang kamay niya hindi dahil pumapayag ako sa nais nito kung hindi gusto kong mahawakan ang malalambot nitong kamay.

"Hindi na ayos lang, friends, or cousin walang problema."

"Okay," inayos nito ang pagkakatali ng kanyang undies pero tinulungan ko. "Ako na." I nodded.

"Ayos ka na ba?"

"Ayos? Bakit kailan ba ako hindi naging maayos?"

"Last time…"

"Ah, iyon ba? Wala 'yon."

"Congrats nga pala malapit na kayong ikasal ni Daryll masaya ako para sa inyong dalawa hangad ko ang masaya at maayos na pagbubuo ng pamilya." She nodded only. "Thalia…"

"Uhm?"

Please sabihin mo sa akin mahal mo pa ako at hindi si Daryll kasi kung ngayon maririnig ko yan ipaglalaban kita hindi ako susuko sa pagmamahal ko para sa iyo kaya please, huwag ka maniniwala sa masasakit kong salita kung mayroon man akong nasabi.

"May gusto ka pa ba sabihin?"

"Ah, wala, wala na baka ikaw may gustong sabihin."

Nakangiti ito, "Wala tapos na tayo 'di ba?" natigilan ako. "Hindi ko alam kung naging tayo nga ba pero tapos na tayo. Sapat nang malaman kong walang makakapalit sa posisyon ni Princess iba kasi si pinsan sa lahat ng babaeng nakilala mo pero huwag kang mag-alala masaya na ako ngayon dahil tinulungan ako ni Daryll noong panahong wasak na wasak ako."

Hindi ito ang gusto kong marinig lam kong mahal mo pa ako dahil nakikita ko sa mga mata mo kung paano ka pa nasasaktan nang dahil sa akin.

"I have to go." pinigilan ko, "Bakit?"

Naghuhulihan kami ng tingin hinahanap ko ang gusto kong mahanap sa kanyang mga mata at hindi ako nagkamali. Ang lungkot, sobrang lungkot. Gusto kong ipamukha sa kanyang mahal ko na siya pero kapag sinabi ko paano makasisigurong hindi pa rin siya masasaktan?

"Saan ang comfort room dito?" naiinis kong tanong at ayokong ipahalata.

"Sa gawing kaliwa makikita mo kaagad." I nodded sa tugon nito saka tumalikod. Mga ilang hakbang pa lang bumalik ako sa pagkakaharap pero wala na siya. Wala na siya.

Nakuha kong maghilamos gusto kong lunurin na lang ang sarili sa kagaguhan kong ito. Deserve ko ba mangyari ito dahil ba sa sinaktan ko siya noong una.

"BREAK-TIME!" dinig kong sigaw ng isang lalaki.

Lahat ng modelo ay nagkanya-kanyang lapit sa puwesto namin para kumuha ng makakain, mayroon pailan-ilan nagpapacute pero dedma, at mayroon kung todo pili ng pagkain tapos gusto ipagseserve ko sila.

Si Thalia na ang nasa pila nakikipagtawanan ito sa mga kasama ng matapat sa puwesto ko kaagad ngumiti sa akin na kaagad kong tinangunan.

"Kumain ka lang ng sapat." wika ko rito.

"Ehem, kilala mo?" sutsot ng isang modelo.

"Salamat." dedma nito sa katabi at sa akin lang nakatingin.

"Pogi ako ba hindi mo paaalalahanan?" kumurap-kurap ang mga mata nito.

"Iwasan mo kumurap sa tapat ng pagkain baka malaglag yang eyelashes mo." dinig kong nagtawanan ang ibang modelo kasama na roon si Thalia. Bumusangot ang mukha ng babae saka ako inirapan.

"Kapag kay Thalia ang amo-amo pero pagdating sa akin ang sungit?" sabay layas.

Ang sumunod na mga babae panay ang hagikgikan.

"Kuya, ang guwapo mo naman may girlfriend ka na ba?" Umiling ako habang naglalagay ng pagkain sa plato nito.

"Seryoso wala ka pang girlfriend??" sabat ng isa na nagpapalagay ng ulam.

"Girls, tigilan ninyo na 'yan may asawa na siya." Seryosong awat ni Thalia. Kaagad kong nahuli ang bawat tingin ni Thalia sa kinaroroonan ko.

Matapos ang lunch bumalik sila sa ginagawa, mga ilang oras lang din bago mag-alas kuwatro ng hapon ay tapos na. Nilapitan ko siya sa kanyang upuan at inabutan ng softdrinks, at hindi ako na pahiya at inabot din naman.

"Bakit sinabi mo may asawa na ako?" tabi ko rito.

"Bakit totoo naman, ah?"

I choked, "Oo nga pala."

"Pero patay na kaya may laya kang makahanap ng bagong aasawahin."

"Tama ka."

"Ang dami rito puwede kang mamili." pinagtuturo ang mga tao ng pigilan ko ang kamay.

"Itigil mo na 'yan hindi rin ako interesado sa kanila." bitiw ko.

"Eh di hindi." tungga sa softdrinks.

"Malakas din makataba 'yang iniinom mo."

"Bakit binigay mo kung nag-aalala ka?"

"Malungkot ka kasi…siguro namimiss mo si Daryll pero huwag kang mag-alala…" nandito naman ako, "Uuwi rin 'yon."

"Dalawang linggo siyang wala ngayon pa nga lang ay miss ko na." naka sideview ito kita ko ang matangos na ilong plus mahahabang pilikmata.

"Paano kung gusto ko na muli maging masaya? Kailangan ba ihanda ko ang sarili na masaktan muli?" hindi ko na pigilang tanong.

"Ikaw ang makasasagot niyan dahil para sa akin nangyari na. Tingnan mo si Daryll mahal na mahal niya ako ni minsan hindi ko hinangad o magmakaawa sa kanya. Ganoon sana pero hindi ka ganoon dati."

"Paano kung…paano kung bumalik ako sa iyo?" may ngiti itong umiiling. "Ayaw mo na ba talaga? Suko ka na?"

"Puso ko ang mismong sumuko hindi na kung anong parte sa katawan ko."

"Kahit na kaonti ayaw mo na ba?"

"Hmm…may gusto ka ba sabihin?"

"Wala." pagkatapos kabahan ay may tumawag sa pangalan ni Thalia. Nagpaalam ito saka umalis.

"Ano drew torpe na naman ba?" bulong ko sa sarili.

NAGLALAKAD-LAKAD ako ng may makasalubong na babae.

"Kung hindi ako nagkakamali ikaw ang kambal ni Alex Azun, right?"

"Yeah,"

"Sabi na nga ba magkamukha kasi kayo iyon nga lang mas guwapo ka lalo kung tititigan."

"Thanks,"

"Ah, hinahanap mo ba?"

"Oo, kanina ko pa hindi nakikita."

"Nandoon 'yon sa likod may ibang ginagawang commercial." turo sa kung saan.

"Ah sige pupuntahan ko."

"Diretso lang tapos makikita mo kaagad."

I nodded, "Okay, thank you."

"Ikaw pala 'yong namatayan ng asawa," na tigilan ako. "Kumusta ka na?"

"Ayos naman." walang gana ko pa rin tugon. Pansin yata kaya nagpaalam kaagad na may gagawin.

Sinunod ko ang sinabi nito saka ko nakita si Alex na abalang may kinukuhaan ng litrato. Napaka abala ng kapatid ko sana ay maalala niyang nandito ako para makapag-usap kami ng maayos.

Naupo ako sa bakanteng upuan para panuorin ang ginagawa nito at maya-maya kinalabit siya ng lalaki sabay lingon sa puwesto ko, He nodded bago iwan ang ginagawa saka lumapit dito.

"Nakita mo na ba si Thalia?" seryosong tanong. I nodded, "Maya na lang tayo mag-usap may gagawin pa kami." I nodded again bago iwan. Pinanuod ko sila hanggang sa matapos.

Bumalik muli ito sa puwesto ko habang inaabot ang juice.

"Masasarap daw ang putaheng niluto niyo mukhang nagustuhan din ng big boss namin." siyang tabi nito habang inuubos ang inumin.

"Masasarap magluto mga chef ko."

"Kung hindi dahil sa mga secret ingredient mo."

"Pero totoo naman magagaling sila kahit walang secret ingredient." komento ko pa.

He nodded pero hindi nakatingin sa akin ng diretso.

"Sorry sa mga nangyari." kabado kong hingi ng tawad.

"Wala eh nangyari na."

"Kaya nga sorry dahil pati ikaw na galit."

"Hayaan mo na ganoon talaga, eh."

"May gusto sana akong sabihin."

"Ano?"

"Uhmmm…huwag na lang."

"Huwag mo sabihin mahal mo na siya?" natatawa niyang hula.

"Paano nga kung iyon sasabihin ko ano sa palagay mo?" nawalan ng ngiti sabay nag-isip ng malalim.

"Twinny, hindi na puwede, eh. Alam mong hindi na puwede dahil ikakasal na sila ni Daryll."

"Ang tanong pareho ba sila ng feelings? Paano kung si Daryll lang o kaya kung si Thalia lamang?"

"Parang hindi mo kilala si Daryll nakalimutan mo na ba dati? Never daw siya ikakasal o magkakaanak at kung mangyari man iyon ay dahil seryoso na siya. Drew, seryoso na ang kaibigan natin gusto mo pa rin ba silang guluhin?"

"Eh paano kung mahal pa ako ni Thalia?"

"Siya lang makakasagot niyan."

"Natatakot akong magtanong dahil takot akong ibalik sa akin ang karma. Nasaktan ko siya at tingin ko halos isumpa niya ko. Sino ba kasi matutuwang sabihan na walang makapapalit sa posisyon ni Princess."

"Ngayon payo ko sa iyo itigil mo na lang 'yan hanggat hindi pa lumalalim," hawak sa balikat ko. "Tama mga narinig mo sa akin mahal ko si Thalia pero alam mo ba sa tuwing na iisip ko ang mag-ina ko bigla na lang 'yon nawawala ibig sabihin mas mahal ko ang pamilya kaysa sa kanya."

"Kausapin ko na lang kaya si Daryll sabihin kong minamahal ko si Thalia."

"Gusto mo mag-away lalo kayo?" malungkot niyang tingin. "Hanggat hindi pa malalim itigil mo na."

"Basehan ba 'yon sa lalim o babaw ng nararamdaman? Ang mahalaga sa akin pareho namin gusto ang isa't-isa."

"Isaalang-alang mo pagkakaibigan ninyo ni Daryll."

Nailing ako, "Parang hindi ko na kayang magtago pa, Alex. Gusto ko ng umamin sa kanya."

"Drew."

"Mahal ko na talaga siya at hindi ko kayang mawala siya tulad ni Prinsesa."

"Ang gulo mo rin kung kailan komplekado na ang sitwasyon saka mo mararamdaman ang totoo. Hay, Andrew Azun."

"Kahit ito pa ang pinaka komplekadong sitwasyon ipaglalaban ko ang nararamdaman ko para sa kanya."

"Paano ka makikipaglaban kung wala kang laban? Hawak ni Daryll ang puso ni Thalia. Drew, naman huwag mo sabihin magkakagulo na naman ang eye catchers ng dahil sa iyo."

"Aayusin ko ito, akong bahala basta suportahan mo ako bilang kapatid mo. Last na 'to, Alex, last na talaga ito at pagkatapos pakakasalan ko siya. Ibibigay ko ang lahat para sa kanya." malungkot kong sabi.

Dinig ko ang malakas na buntong-hininga nito.

"Ikaw ang bahala, sana this time huwag mo ng sasaktan ang damdamin niya. Madali makaramdam ng sakit ang mga babae at kung paulit-ulit mangyari 'yong sakit na 'yon sila na mismo kusang lalayo."

"Nauunawaan ko, suporta mo lang ang nais kong makita sa mga oras na kailangan ko ng tulong, maaari ba?"

He nodded, "Sige, pareho ko kayong kaibigan ni Daryll kung saan na lang papanig si Thalia doon na lang."

"Kapatid mo ako."

"Hindi one hundred percent kitang susuportahan kasi may mali ka rin ginawa."

"Nauunawaan ko."

Tumayo na ito, "Pero kung ikaw ang pipiliin niya magiging masaya ako para sa inyong dalawa. Minsan ko na rin siyang minahal at inalagaan kaya sana higitan mo kung anong mayroon ako na ginawa para sa kanya."

"Nauunawaan ko." paulit-ulit ko lamang sambit.

"Hindi kita papakialaman kung anong gagawin mo basta huwag na huwag ka gagawa ng bagay na alam mong ikagagalit ni Daryll. Mas maganda nga sana kung kausapin mo kaagad baka sakaling maging maayos pero...hindi ko masasabing one hundred percent papayag ang taong 'yon ibigay si Thalia."

"Salamat, bro."

"Hangad ko mahanap mo ang iyong kaligayahan, at ito na ang pagkakataon para sumaya ka muli."

"Salamat." He nodded bago ako iwan mag-isa.

PABABA NA ANG ARAW nang makaligpit kami ng gamit. Nauna na silang umuwi habang ako ay naghihintay sa gate para isabay si Thalia. Nagmamadali kong kinuha ang gamit niya para bitbitin.

"Sorry, Andrew pero may dinner kami ni Thalia if you want ikaw na maghatid ng gamit niya sa bahay?" walang modong utos ni Bob.

"Hindi na akong bahala sa gamit ko. Alam kong pagod na rin si Andrew." awat ni Thalia sa kamay ko.

"Mas magiging magaan kung wala kang alalahanin na gamit ihahatid naman kita pauwi ng bahay niyo."

"Pero iniisip ko maiistorbo si Andrew pagod din 'yan sa trabaho."

"Siya ba? Mukhang hindi naman kaya siya na utusan mong gumawa niyan."

Nagkatinginan kami ni Thalia pinipigilan ko lang ang sarili dahil nakakaawa kung tatama itong kamao ko sa mukha niya.

"Para mas okay sasama akong kumain ng dinner pagkatapos akong bahala maghatid sa bahay since mas alam ko ang bahay niya dahil naging bahay din 'yon ng asawa ko." pagmamalaki ko sa mayabang na Bob.

"Tsk, may magandang pag-uusapan kami mauna ka na umuwi."

"Pero mas maganda kung maririnig ko." nakangisi kong layo sa dalawa para ilagay ang gamit ni Thalia sa kotse ko.

"Kotse ko ang gagamitin." buwelo ni Bob.

"Mayroon din akong kotse." banat ko.

"Iyong sa akin na lang gamitin."

"Sa akin." pamimilit ko.

"Mas mainam sa akin ka na lang sumabay, Thalia." hawak nito sa beywang na kaagad kong tinapik para makabitaw.

"Hinay-hinay ka sa paghawak may boyfriend 'yan baka gusto mong mabura mukha mo?" hamon ko.

"Eh kung umasta ka nga parang ikaw ang boyfriend samantalang pinsan ka lang niya."

"Boyfriend o pinsan wala kang pakialam. Sa akin sasabay si Thalia sa ayaw ninyo o gusto." hatak ko kay Thalia papasok ng kotse.

Tahimik namin sinundan si Bob kung saan man gusto nitong kumain.

"Huwag ka basta-basta magtitiwala sa taong 'yan." sambit ko.

"Alam ko naman 'yon."

"Hindi mo pa kilala ugali baka masama hangarin non sa iyo."

"Alam ko rin saka palagi akong minomonitor ni Daryll." I nodded saka nanahimik na lang.

HABANG KUMAKAIN kami panay ang hawak ni Bob sa kamay ni Thalia. Sinasamaan ko lamang ng tingin ang dalawa kaya nakukuhang ilayo ni Thalia ang kamay at umuusad papalayo sa puwesto ng lalaking mayabang.

"Sayang may boyfriend ka na kaagad."

"Oo saka gusto namin ang isa't-isa, eh."

"Kung wala ka sigurong boyfriend baka na ligawan na kita at ako ang naging boyfriend mo."

"Hindi rin." sapaw ko, "Sa ganda ni Thalia hindi 'yan nauubusan ng manliligaw kaya pupusta akong hindi ka kasama sa list niyang may pag-asang sasagutin."

Padabog binaba ni Bob ang baso, "Alam mo kanina ka pa!" nagtinginan ang tao kaagad na taranta si Thalia.

"Guys, kumalma nga kayo." pilit pinauupo si Bob.

"Ito, eh." tila naghihintay na kampihan siya. "Hoy, pinsan ka lang kaya huwag ka umasta na akala mo kung sinong may gusto sa kanya!" duro sa akin malapit sa mukha.

"Tumigil ka na Bob." awat nito.

Tumayo ako saka hinawak ang daliring nakaturo.

"For your information hindi niya ako pinsan dahil ang namatay kong asawa ang kamag-anak niya."

"So anong ibig mong sabihin ha?!" pabulyaw pa rin ang tinig.

"Mas mataas pa rin ang tantiya na may karapatan ako maging boyfriend niya." nawalan ng kibo ang lalaking ito habang si Thalia ay tulalang nakatitig sa akin.

Galit na galit ang loko kaya ayon tuluyang nilayasan kami.

"Bakit mo naman sinabi na ganoon." feeling ko naiinis siya.

"Dahil iyon ang totoo."

"Boss ko 'yon, eh."

"Kahit na siya ang nagpapasweldo sa iyo wala akong pakialam."

"Bakit ka ba nagkakaganyan ha!"  dampot niya ang bag at tuluyang lumabas. Sinundan ko siya at hinatak ang braso.

"Saglit lang." seryoso kaming nagkatitigan.

"Sa palagay ko wala ka nang ginawang maganda sa buhay ko, Andrew pagkatapos mo akong saktan ito na naman."

"Wala akong ginagawa."

"Talaga wala?"

"Oo, ang alam ko lang nasaktan kita pero hindi ibig sabihin non wala na akong karapatan magbago."

"At ano gusto mong sabihin ha? Magsosorry ka? Di ba nga ayos na tayo?"

"Tama ka ayos na tayo pero itong…itong nararamdaman ko sa iyo ay hindi ayos. Thalia, mahal kita, mahal na kita."

"Anong——"

"Hindi ka man maniwala pero iyon ang totoo mahal na kita hindi bilang pinsan ng dati kong asawa kung hindi mahal kita dahil iyon ang sabi ng puso ko. Mahal kita, Thalia. Minamahal na talaga kita."

To be continued...

avataravatar
Next chapter