Chapter 55

☞ANDREW'S POINT OF VIEW

"IMAGINE sinigawan mo at pinagbintangang gumawa sino hindi iiyak?" naiinis na wika ni Carl habang naglalaro ng billard.

"At ipinamukha mong wala makakapalit sa posisyon ni Princess. Pre, girlfriend mo 'yong sinabihan mo." dagdag ni Kevin.

"Kasalanan ko." naguguluhan kong pag-amin.

"Talagang kasalanan mo kabago-bago lang away kaagad. Hindi ka marunong humawak nang relasyon." natigilan ako sa sinabi ni Daryll.

"Anong sabi mo?" lumapit ako pero kaagad umawat ang dalawa.

"Huminahon nga kayo," seryosong utos ni Anton. "Ang dapat mong gawin kung paano hihingi ng despensa. Nasaktan mo ang feelings ng girlfriend mo."

"Paano pa hihingi ng despensa kung nasaktan na nga. Hindi madaling paamuhin si Thalia dapat kasi bago mo pinairal ang init nang ulo inalam mo muna ang totoo." kinuwelyuhan ko si Daryll.

"Ano ba tama na nga 'yan mag-aaway lang talaga kayo dahil sa babae?" komento ni Nathan.

"Wow, Nate coming from you, ah. Hindi ba minsan na kayong nag-away ni Drew dahil kay Princess kaya huwag ka magmalinis diyan." ano ba problema nitong si Daryll pagkatapos akong awayin si Nathan naman.

"Inaawat na nga kayo ikaw pa umuungkat ng nakaraan." pinigilan namin si Nathan na huwag makalapit kay Daryll.

"Daryll, puwede ba huwag idaan sa sisihan ang lahat? Hindi nakatutulong 'yang paninisi mo sa iba." awat ni Kevin.

"Ewan ko lang kung tanga o nagbubulag-bulagan lang kayo. Ginagamit niya si Thalia para makatakas sa nakaraan hindi deserve ni Thalia na paglaruan ng katulad niya!" padabog na lumayas si Daryll at sinundan siya nila Carl at Anton.

"Totoo ba?" hindi makapaniwalang usisa ni Kevin.

"Andrew, totoo ba?" ulit ni Nathan.

"Kami lamang ni Thalia ang nakakaalam ng totoo."

"Pero totoo ginamit mo siya?"

"Kevin, kilala mo ako."

"Pero bakit hindi mo masagot ng diretso ang tanong namin? Ginamit mo nga lang ba si Thalia para makamove-on kay Princess??"

Buntong-hininga kong pinagmasdan ang dalawa.

"Hindi naman sa ganoon ang sitwasyon."

"Eh ano?"

"Girlfriend ko siya dahil gusto ko siya."

"Gusto lang…" bulong ni Nate.

"Kahit na ako ay magagalit sa iyo." inilapag ni Kevin ang bola ng billard saka umalis na walang sinabi.

Nakatitig lamang si Nathan habang ako nililigpit ang kalat ng iba.

"Hiwalayan mo na siya," masamang tingin nito. "Mas makabubuti sa kanyang maging malaya kaysa umasa na walang kapalit. Andrew, this is not right para makatakas sa nakaraan, mauna na ako."

Naiinis ako, mali ba ginawa ko? Tama naman di ba? Naging totoo ako gusto ko siya pero hindi ganoong sobra ngunit tama nga bang ginamit ko lamang siya?

NAGPUNTA ako sa flower shop ni Elaine para bumili ng bulaklak ibibigay ko ito kay Thalia.

"Sweet boyfriend, peace offering ba 'yan?"

"Nope, freedom offering."

"Freedom offering? Bakit?"

"Sa akin ang may problema masyado akong naging kampante na hindi ko siya masasaktan mas mainam na sigurong palayain siya kaysa araw-araw kong nasasaktan."

May lungkot itong inabot ang bulaklak.

"Sana tama 'yang desisyon mo, Drew. Alam kong si Princess pa rin pero hanggang kailan ka ganyan? Habang-buhay ka na ba magkukulong sa hindi nag-e-exist na pagmamahal?"

"Kaya nga ibibigay ko sa kanya ang kalayaan. Hindi pa ako handa at sorry kung nasaktan ko si Thalia."

"No, hindi ka dapat sa akin humingi ng sorry dapat sa kanya."

"Tama ka, alis na ako pupuntahan ko siya sa trabaho." She nodded bago ko iwan.

KAAGAD kong nakita si Thalia abalang inaayusan ng mga personal assistant. Nakita niya ako, oo nakita niya pero dedma hanggang sa lapitan ako nang isang babakla-baklang personal assistant.

"Pogi, sino hanap?"

"Gusto kong makausap si Thalia."

"Ah si Thalia?" lingon namin pareho sa puwesto nito. "Sorry ha busy, eh."

"Hihintayin ko siya."

"Naku, huwag ka nang umasa after nitong event may iba pang location na pupuntahan kaya hindi mo talaga siya makakausap."

"Kahit na saglit?"

"Oo, eh." natingin sa bulaklak na hawak ko. "Para ba sa kanya 'yan? Ako na magbibigay." kaagad kuha nito. "Bumalik ka sa mga susunod na araw, salamat pogi." wala akong nagawa kung hindi panuorin si Thalia habang kausap ng personal assistant nito.

Ni hindi tiningnan o hinawakan ang bulaklak bagkus ay ibinaba lang ng P. A ito sa mga lamesang may mga pagkain. Pinanuod ko muna itomh maglakad sa stage baka sakaling after nito makausap ko siya ng madalian lamang pero bigo, after non ay hindi ko na siya nakita, mukhang umalis na.

NANG mga sumunod na araw ganoon din ang dinahilan sa akin ng personal assistant. Gaya noong nauna ay ibinaba lamang ang bulaklak kung saan at bumalik sa trabaho. Binabalewala niya lahat ng effort ko.

ISANG gabi nilakasan ko ang loob na tawagan siya baka sakaling dito magkaroon ng pagkakataon na makausap kahit na saglit lang. Ngunit bigo, bigo kong makausap. Mukhang wala itong balak makipag-ayos.

{ Kausapin mo ako } sabi ko sa text. Maya-maya may reply ito.

{ Kung ano man ang pag-uusapan natin puwede kalimutan na? Ayos na ako tutal malaya na ako sa iyo. }

{ Sino nagsabi sa iyong…}

{ Daryll. }

{ Gusto kita makausap ng personal. Gusto ko humingi ng tawad sa ginawa ko. }

{ It's okay, Andrew. Pinatawad na kita kaya sana tumigil ka na. Hanapin mo na lang ang sarili mo baka sakaling mahanap mo sa ibang tao. God bless. }

{ Hindi ito madali para sa iyo kaya please kahit na sandali. }

Ngunit bigo na akong makatanggap ng reply mula sa kanya.

NAGKAROON ako nang pagkakataon makita siya kasama ni Alex. Inihatid ito sa bahay nila Mommy Jade. Kaagad ko silang sinundan sa gate pa lamang.

"Thalia, please mag-usap tayo." nahawakan ko ito sa braso pero pilit ipinasok ni Alex ito sa loob saka sinara ang pinto.

"Umalis ka na lang."

"Ano ba ginagawa mo?" iritable kong tanong.

"Umalis ka na lang, Andrew." nakaharang sa pintuan.

"Alam ba ni Bella na ginagawa mo ito kay Thalia ha?!"

"Oo dahil sila mismo nagsabi sa akin na ilayo ko si Thalia sa iyo!" sabay tulak sa akin.

"Ano ba problema ninyo ha? Alex kapatid kita akala ko ba okay sa iyong ganito kami maging ayos kami?" hindi mawala inis ko.

"Sinabi kong lumingon ka sa paligid mo pero hindi ko iniutos na manggamit ka ng iba para makalimot. Andrew, tingnan mo nga 'yang sarili mo ni hindi ka na nagkukusang mag-ayos ng sarili. Pinababayaan mo ang buhay dahil sa taong kailanman hindi na babalik!" kinuwelyuhan ko.

"Huwag na huwag ka magsasalita nang ganyan, Alex." gigil ko.

Puwersahang inalis ang kamay ko, "Mahal ko si Thalia, mahal ni Daryll si Thalia pero alam mo kung sino mahal niya? IKAW. Ikaw na walang ibang ginawa kung hindi saktan siya! Gago ka!" nagdilim paningin ko at na sapak ko siya.

Hindi ko inakalang aabot kami sa ganitong sitwasyon. Hawak nito ang labi na dumudugo.

"Pagod na siya, pagod nang umasa. Akala mo magiging maayos pa kayo?" umiiling. "Hinding-hindi na Drew. Kalimutan mo na lang siya…ah…hindi siya nga pala dapat makalimot sa iyo dahil siya lang naman ang nagmahal. Ikaw, maging malaya ka sa gagawin mo. Gusto mo maging miserable buhay? Go, hindi na kami makikialam at kalimutan mo na rin may kapatid ka." padabog niyang isinara ang pinto ng makapasok sa loob.

Parang dito pa lang ako na tauhan sa ginawa ko unti-unti silang nawala. Ang laki nang kasalanan ko bakit ko ba ginawa ito na hindi nag-iisip. Ang tanga mo, Andrew, ang tanga mo.

"BIGYAN MO ako ng pinaka matapang na alak." utos ko sa waiter.

"Andrew, idadaan mo sa matapang na alak ang problema mo?" usisa ni Carl.

"Hayaan mo siya," dugtong ni Kevin. "Kailangan niya 'yan para tumapang-tapang."

"Tsk, unbelievable."

"Wala tayong pinapanigan dahil nandito tayo para ituwid bawat isa sa kanila." dinig kong wika ni Kevin dito.

"Mukhang dito pa lang tayo magkakawatak-watak. Akalain mong si Princess din naging dahilan ng away natin pero kahit paano umayos at sunod nga kay Thalia."

"Maayos din ito nasa simula pa lang naman tayo hindi ba, Drew?"

"Ewan ko." inis kong nilagok ang alak na kadarating lang. Gumuguhit ito sa aking lalamunan.

"Alam mo ba kung bakit hindi ka makamove-on?" pinagmasdan ko maigi mukha ni Carl habang nagsasalita. "Dahil nakakulong ka sa mga masasayang ala-ala ni Prinsesa."

"Ang kailangan mo gawin lumabas ka at magsimula sa panibago." dugtong ni Kevin.

"Maayos naman si Thalia, mabait, maganda, minsan nga lang talagang maldita pero tingin ko magkakasundo kayo. Hindi mo kasi malaman mahal mo siya dahil wala kayong masasayang ala-ala." saglit akong natigilan at pagkaraan ay nilagok ang sumunod na alak.

"Walang makatutulong sa akin." padabog kong baba sa baso.

"Walang makatutulong o ayaw mo lang tanggapin na mayroon nang pilit nagbubukas sa panibago mong yugto?"

"Tama si Carl maaaring ayaw mo lang tanggapin ang mga nangyayari." dugtong ni Kevin.

"Dahil ayoko pa pinipilit ko kaso ayoko pa talaga."

"Drew, kung nabubuhay kaya si Prinsesa sa palagay mo masaya kaya niyang nakikitang nagkakaganyan ka? Tingnan mo sarili mo sa salamin malayong-malayo ang hitsura mo noong nabubuhay pa siya. Ngayon, ay ewan ko na lang kahit na mag-ahit hindi mo ginagawa kaya mukha kang ermitanyo."

Sinipat-sipat ko ang kabuuan ng mukha ko. Ngayon ko lang din na pansin nagpabaya ako nang husto sa sarili.

"Wala na kasi dahilan para mag-ayos," komento ko.

"Nagmukha ka tuloy matanda." natatawang wika ni Kevin.

"Oo nga! Mag-ayos ka!"

"Magpagupit at mag-ahit hindi ka talaga lalapitan ng mga chicks kapag di mo kami sinunod."

"Bukas na bukas," muli kong lagok. "Pero ngayon magpapakalasing ako nang husto."

Sabay umiling ang dalawa na tila naubusan ng pag-asa.

"Ay ewan na lang kung saan ka pupulutin."

"Kaya kong maggupit sa sarili ano ba akala niyo sa akin?"

"Bahala ka na nga tara magpakalasing tayo." humalakhak nang tawa ang dalawa matapos magsalita ni Kevin.

PAGGISING may hand-over pa. Kinuha ko sa pinakatago-tagong cabinet ang razor. Inumpisahan kong tabasan ang buhok sa ulo saka sinunod ang bigote, at balbas.

Pakiramdam ko walang bigat sa mukha ko at maaliwalas na muli. Dito lang yata ako na tauhan at handa na akong magsimula muli sa panibagong kabanata. Hindi na ito its a prank totoo na talaga.

"GOOD MOR—— woow Chef Andrew ang guwapo mo na muli, ah!" Bungad ng manager.

"Panibagong simula." una't-huli kong sabi bago pumasok sa loob ng office.

Pinagmasdan ko ang mukha sa salamin saka inikot ang kabuuan ng office maya-maya lang sinimulan kong alisin lahat nang ala-ala ng asawa ko, at simula sa larawan, at iba pang kagamitan.

Hindi raw ako makakamove-on kung hindi ko tutulungan ang sarili. Kahit sa simpleng pamamaraan gagawin ko ito alang-alang sa panibagong buhay, medyo mahirap pero kakayanin, sasanayin kong mag-isa na lang akong mabubuhay.

Tinapos ko ito ng kalahating oras bago mamahinga. Wala pa gaanong tao kaya check ko muna inventory ng restaurant. Maya-maya may kumakatok bumukas ito at si manager ang pumasok.

"Chef, may naghahanap––"

"Si Thalia??" nabigla ako sa pagkakatayo.

"Ah, hindi po si Ma'am Charie." nakaramdam ako nang lungkot pero kaagad kong iutusan papasukin si Charie sa opisina.

"Hulaan ko iba nasa isip mo magpupunta rito."

"Maupo ka."

"Nagpunta lang ako rito para humingi ng sorry. Sorry dahil naging sinungaling ako. Sorry kung–—"

"It's okay, masaya ako para sa iyong dalawa ni Nathan."

"Salamat," pinagmasdan mukha ko. "Guwapo nga talaga kapag walang bigote, at balbas bumata ka ng ilang taon."

"Ah," hawak ko sa baba, "Gusto ko magsimula sa umpisa parang pagod na rin akong ikulong ang sarili sa nakaraan na pilit kong inuungkat." hawak ko sa sintido.

"Uminom daw kayo nila Carl, at Kevin. Alam mo na ba nangyari kay Daryll?"

Natigilan ako sa paghawak sa sintido, "Nangyari? Bakit anong nangyari kay Daryll??"

"Napaaway daw kagabi sa bar pero kaagad naman na tulungan nila Carl, at Kevin hindi mo alam?"

"Magkakasama kami kagabi pero wala akong matandaan na nagkita sila at tinulungan si Daryll."

"HAHA baka dahil sa sobrang kalasingan mo wala kang malay."

Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi pero wala akong matandaan. Nagising na nga lang ako kaninang umaga na sobrang sakit ng ulo pasahanggang ngayon.

"Huwag kang mag-alala nagpapahinga ngayon 'yon sa apartment." I nodded bago pagdesisyunang puntahan ito.

"SI DARYLL?"

"Nasa kuwarto niya." tugon ni Anton. I nodded bago puntahan sa kuwarto.

"Papasok…" pagkaraan ng ilang katok pinasok ko ang kuwarto niya. Naabutan ko itong nakaupo at may benda sa ulo.

"Kumusta?"

"Ayos naman."

"Sinabi lang sa akin ni Charie nangyari sa iyo."

"Are you serious? do you not remember what happened?"

"I tried to remember but nothing."

"Kung sabagay lasing na lasing ka."

"Ano ba nangyari?"

"Next time kung maghahanap ka nang away sana 'yong kaya mong kalabanin kaso tinulugan mo kung pinabayaan ka namin baka habang-buhay ka nang tulog. Magpasalamat ka sa amin dahil kahit ganyan ugali mo inalala pa rin namin ang pagkakaibigan natin."

Ginawa ko ba talaga ang bagay na 'yon? Sa sobrang kalasingan nga ba? Natatawa ako sa sarili. Ang lakas pala ng tama nang hard drinks. Next time hindi ko na gagawin 'yon kung isa sa mga kaibigan ko ang mapapahamak.

"Pero ayos ka na ba? Sina Carl, at Kevin ganyan din lagay?"

"Malamang hinatid ka muna ng dalawa sa kotse kaya pagbalik nila bugbog sarado na ako. Malay ba namin gang ang hinamon mo ng away. Mabuti sa huli napakiusapan ni Nathan na asweltuhin kaysa umabot sa patayan."

"Pasensiya na sa gulong ibinigay ko."

"That time may na realize ako na hindi natin hawak ang buhay natin na kahit anong oras kukunin ng Dios kung gugustuhin niya. Akala ko talaga mamamatay na ako kaya isinusumpa ko hinding-hindi na ako makikipaglaro sa pag-ibig magiging seryoso na talaga ako!"  pareho kami natawa.

"Good to hear, sana hindi hanggang salita lang 'yan."

"Gusto ko sana humingi ng kasagutan sa iyo. Hindi mo ba talaga mahal si Thalia kasi kung hindi, puwede ba ipaubaya mo na lang siya sa akin? Once she becomes mine I will never hurt her feelings. I will never let her be as foolish as I am to other women."

"Kung 'yan ang gusto mo."

He smirked, "Hindi mo pa nga sinasagot tanong ko. Do you loved her?"

"Mahirap magsalita nang tapos pero ipinauubaya ko na siya sa iyo. Alam kong hindi niya deserved masaktan para lang sa akin."

"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo pero salamat, pre."

I nodded kasabay nun ang matinding pagbunot ng hininga at pagpapakawala ng lumabas ako sa loob ng kuwarto.

Tama lamang ang ginawa ko ayoko maging makasarili. Hindi porque alam kong mahal ako ni Thalia ay gagawin kong ipagdamot siya sa iba. Desisyon ng bawat isa amin kung sino pipiliin niya pero ngayon isa lang naiisip ko hinding-hindi na ako pipiliin niya dahil nasaktan ko siya ng sobra.

PAGKARAAN nang ilang linggo nakikita kong hinahatid-sundo ni Daryll si Thalia sa trabaho mukhang sinimulan na niya ang dapat noon pa at masaya ako para sa kanilang dalawa.

"Bukas ang ating restaurant for catering kaya kung may kilala kayong naghahanap offer niyo ang resto at akong bahala mag-asikaso para roon." sabi ko kay manager ng magkausap kami.

"Tamang-tama marami nagtatanong kung may catering tayo since napaka sarap daw ng mga putahe natin. Siguro naman ay lalong lalago ang negosyo mo, chef."

"Basta sipag at tiyaga lang at ipauubaya ko sa iyo ang restaurant na ito. Sa isang branch alam kong kayang-kaya ni Alex pamahalaan 'yon."

"Salamat chef hinding-hindi kayo magsisisi at hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay mo sa akin."

"Dapat lang." masaya kong wika.

Sa loob nang isang linggo mayroon ng naka line-up sa catering. Kumbaga inihahanda ko na lang ang sarili sa bakbakang trabaho. Nakiusap ako kay Daryll, at Carl na sila ang puwede ko isama sa ganitong sitwasyon. Kahit abala si Carl sa kumpanya nila Prinsesa ay ayos lang din ito kay mommy. Habang si Daryll lumago ang negosyo niya sa mga motor kaya mayroon na siyang na hired na manager to assist all apartment.

"NAKAKAPAGOD pero ang saya." sabi ni Daryll habang ibinababa ang mga ginamit kanina sa event.

"Another experience." wika rito ni Carl.

"Oo nga, ngayon alam ko na kung ano pakiramdam maraming raket like you." sabi ko.

"Mababatak talaga katawan mo at mainam ito para makapag-ipon." Daryll.

"Ipon? para saan?"

"Aayain ko na nang kasal si Thalia as soon as possible."

"Talaga?" pasimpleng tingin ni Carl sa akin. "Masaya kami para sa inyong dalawa hindi ba, Drew?"

"Oo." kaagad akong lumayo para hindi mawala sa konsentrasyon.

"Kumbaga itutuloy lang naman ang mga natigil naming ligawan. Sa totoo lang nagpapasalamat ako sa kanya dahil palagi niya akong tinatawagan kapag kailangan niya. Mamaya lang magkikita kami nagpapasama siya sa isang event kahit madaling araw kami makauwi ay ayos lang basta para sa kanya."

Kirot.

Ewan ko kung bakit ganito nararamdaman ko. Nakangiti pero parang may parteng naiinis. Mukhang kailangan ko nang magpacheck-up sa puso.

"May mga pangyayari talaga sa buhay ng tao kung minsan ilalayo ka sa taong mahal mo pero sabi nila kung talagang kayo ipipihit pa rin ng panahong bumalik ang dating sinimulan."

"Mahal na mahal ko talaga si Thalia mabuti na lang pinatunayan ni Drew na ako ang nararapat para rito."

"Mahal na mahal pa rin niya si Prinsesa at hindi pa rin handang ipagpalit. So, balik tayo sa iyong dalawa kailan mo balak mag-propose?"

"Sasabihan ko kayo kung kailan basta kailangan nandoon kayong lahat."

"Sure kaagad mo sabihin, ah."

"Oo naman."

Hindi ko na kinaya ang usapan kaya pumasok na ako sa kotse at binuksan ang radio.

ABALA kami mag-ayos ng restaurant ko dahil dito na pili ni Daryll ayain ng kasal si Thalia. Wala ibang tao maliban sa aming lahat at ang dinahilan ay i-cecelebrate ang kasal nila Nathan para hindi gaanong halata.

"Nandiyan na sa labas si Thalia ano mang oras magsasalita si Daryll bakit hindi ka pa lumabas?" pasok nila Agatha at ni Elaine sa opisina.

"Tinatapos ko lang itong mga schedule para sa event." tugon ko kay Elaine.

"May oras para riyan mas importante ang proposal ni Daryll sa pinsan mo." kapwa na upo ang dalawa sa upuan.

"May bumabagabag ba riyan sa puso mo?" duda ni Agatha.

"Bumabagabag? at bakit?"

"Drew, alam namin ang tagal mong ikinulong ang sarili sa mga ala-ala ni Pir kung ayaw mong makita ang mangyayari mamaya dahil sa medyo nakakainggit nga naman ay sige sabihin mo lang aalis kaagad kami rito at hahayaan ka."

"Sino nagsabing na iinggit ako?" nagkatinginan ang dalawa. "Walang inggit, abala lang talaga ako rito."

"Kung hindi ko sana maiisip ito baka kako nagseselos ka dahil si Daryll ang pakakasalanan niya." natatawang sabi ni Elaine pero sinamaan ko lang ng tingin.

"Fine lalabas ako para hindi niyo isipin na iinggit o nagseselos ako."

"Ayos!" nag-apiran ang dalawa saka naunang lumabas.

At ako nanatili pa rin tulala sa salamin habang inayos ang suot na polo umuntong-hininga at lumabas nang tuluyan.

Naabutan ko ang tagpong nakaluhod si Daryll, may hawak na bulaklak si Thalia. Mga nagsisigawan mga kaibigan namin. Ang lahat ay masasaya ang lahat excited marinig ang salitang bibitiwan ni Thalia.

Nasa puntong biglang rumehistro sa isip ko ang pangyayari na ako ang nakaluhod hawak ang singsing at nagtatanong ng "Will you marry me?" sa babaeng may hawak nang bulaklak.

Bumalik lamang sa realidad na nandito ako nakikinuod. Pilit ngumingiti at tinatanggap ang mga susunod na mangyayari. Nasasaktan ako, ngayon alam kong nasasaktan ako sa alam kong dahilan. Nasasaktan ako dahil hindi lang pagkagusto ito kung hindi ayoko na siyang mawala sa piling ko.

"ANDREW, ano ba nangyayari na naman sa iyo? pinasara mo ngayong araw ang restaurant para lamang sa maghapon kang iinom ng alak?" Naiinis na usisa ni Kevin.

"Hayaan mo lang ako."

"Si Prinsesa na naman ba? hay, Andrew wala na tayong magagawa roon. Wala na siya, wala na siya sa mundong ginagalawan natin, ano ka ba?"

Napapahilamos ako sa inis, ayokong marinig ang bagay na sinasabi niya kahit hindi iyon ang dahilan lalo akong naiinis dahil ni isa sa kanila walang nakaaalam ng totoo kong nararamdaman.

"Hayaan mo na lang ako puwede ba?!" padabog kong baba sa baso.

"Walang makakaunawa sa iyo kung sasarilihin mo lang ang nararamdaman mo. Ikaw nagpapakaluksa riyan habang ang mga kaibigan natin masaya dahil mamaya na kasal ni Nathan."

"Hindi ako pupunta."

"Seryoso ka ba diyan??"

"Mukha ba akong hindi seryoso?" titig ko rito.

"Kasal ni Nathan ito!"

"Tsk, hindi ba matutuloy ang kasal kung wala ako? Ako ba ang pari na magkakasal sa kanila ha?!"

"Dios ko, ewan ko sa iyo Andrew patapon na yata ang buhay mo!"

"S-ige…s-sige…itapon niyo na lang ako kung saan ninyo gusto sawang-sawa na rin naman akong masaktan."

"Andrew, nasasaktan ka dahil ikaw mismo pumipili niyan."

"Wala ka kasing alam!"

"Ano ba kasi?!"

"Wala umalis ka na."

"Hindi kita iiwan rito."

"Tang-ina naman, Andrew! Alalahanin mong ako na lang ang nagtitiyaga sa ugali mo. Ako na lang na bestfriend mo at hahayaan mo ba na pati ako magsawa na?!"

"Ahh…bestfriend, bestfriend kita pero hindi mo alam, hindi mo alam ang pinagdaraan ko. Bestfriend kita pero hindi ka marunong makiramdam sa nangyayari. Wala kang kuwentang bestfriend!"

"Kung wala akong kuwenta bakit nandito ako?" malungkot nitong tanong.

"Kasi naaawa ka sa akin ayaw mo na sa buong eye catchers, miserable ang buhay, tama ba ako?"

"Hindi totoo 'yan."

"Kevin—" hindi ko na pigilan humagulgol nang iyak. "K-EVIN——"

"Kaya mo 'yan hindi kita iiwan kaya mo 'yan." akap sa akin dinig kong umiiyak na rin ito.

NAGISING akong nakahiga sa kama ng opisina ko nasa sofa si Kevin abalang may kinakalikot sa laptop nito. Ganoon pa rin ang suot kahapon nakabarong at halatang di pa natutulog.

"Gising ka na pala." pansin nito nang bumangon ako.

"Pasensiya na kahapon."

"Ayos lang," todo ngiti na parang di galing sa malungkot na sandali. "Nakausap ko si Nathan gusto niya tayong makausap bago umalis para sa honeymoon nila."

"Sige maliligo lang ako." pasok ko sa banyo. Paglabas bagong ligo rin ito marahil doon siya naligo sa comfort room ng kusina.

AKALA ko ay kami lang ni Kevin ang  kauusapin since kami lang di  nakapunta sa kasal pero kasama lahat pati mga asawa nila.

"SA SINGAPORE kami magha-honeymoon dalawang linggo lang pero sana bago ako umalis puwede ba magsama-sama tayong lahat?"

"Eh ano pa nga ba?" bulaslas ni Alex.

"Isasama ko si Daryll."

"HAHA akala ko ba honeymoon bakit may asungot?"

"Alex, umiral na naman 'yang ugali mo!" bulyaw ni Bella.

"Asungot pala pero don't worry pagbalik aasikasuhin ko na kasal namin ni Thalia." akbay nito sa girlfriend.

"Hay, lahat happy ending na baka naman, Anton at Andrew ikasal na kayo." Komento ni Carl.

"Kami talaga ang ikakasal??" gulat na tanong ni Anton.

"Dios ko po naging bobo na." hirit na naman muli ni Alex.

"Tumigil ka nga!" batok ni Bella.

"Huwag na kayong umasa sa akin," siyang tingin ni Anton, "Baka si Andrew may palihim ng girlfriend."

Malungkot na tiningnan ako ni Kevin. Alam niya kung gaano ako nasasaktan ngayon dahil brokenhearted ako. Pero sabi nga huwag ipahalatang may pinagdaraanan ng hindi kaawaan.

"Anyway balik tayo, Andrew at Kevin may kasalanan pa kayo sa akin pagbalik ko dapat may magandang dahilan kayo."

"Bakit hindi pa ngayon? Ano ba dahilan bakit hindi kayo nakapunta sa kasal?" usisa ni Anton.

"May tinulungan kami." Kevin said.

"Aksidente?" dugtong ni Elaine.

"Hindi may nangangailangan ng tulong emosyonal."

"Natulungan naman ba?"

"Hindi pa nga pero umaasa akong babalik din siya sa dati." pasimpleng tingin pa rin sa akin ni Kevin.

"Eh kung ganoon sana iyang pinagkaabalahan ninyo ay magtagumpay. Ah, Thalia, ayaw mo ba talaga sumama kay Daryll?"

"Marami akong trabaho." hindi nakatingin sa amin bagkus abala nitong hinahalo ng straw ang latte.

"Hayaa mo na Nate pagbalik ko sabay namin aayusin itong kasal namin." komento ni Daryll na nakayakap.

"Alam ko na kung bakit todo iyak ka kagabi." bulong ni Kevin sa akin. "Mahal mo ba siya?"

"Anong sinasabi mo riyan?"

"Huwag mo ko pagtaguan ng feelings, Drew."

"Anong pinagbubulungan ninyong dalawa riyan?" sabat ni Carl.

"Wala." sabay tugon namin ni Kevin.

Pero…tama nga siya ng nararamdaman mahal ko na nga talaga si Thalia, wala na itong halong biro, minamahal ko na nga talaga siya.

avataravatar
Next chapter