Chapter 54

☞THALIA'S POINT OF VIEW

TODAY mayroong gaganapin fashion week iig sabihin kada linggo rarampa kami sa entablado. One week straight kumbaga ibabase sa performance ng model ang kanilang tip, and salary.

"Thalia, galingan mo alam kong kayang-kaya mo." sigaw ni Bob. Yes, ayaw niya magpatawag ng Sir or Boss dahil same lang din kami ordinaryong tao.

"Okay, Bob." tugon ko habang mayroon taga-ayos sa buhok, at taga-ayos ng damit ko.

"Thalia, nandiyan si kambal." lapit ni Alex hawak ang kanyang pinakamamahal na camera.

"Nasaan?" sabay kami lumingon sa entrance ng room. Nagpaalam ako sa mga kasamahan kong lalabas lang sandali pagkaraan ay hinatak ko si Andrew sa wala gaanong tao.

Isang mahigpit na yakap ang binungad ko rito at samantala ito ay humalik sa noo ko.

"Bakit nandito ka panunuorin mo ba ako?"

"Oo." bumaba ang tingin sa suot kong halos kita dibdib.

"Sorry, conservative ka nga pala. Sorry noon ko pa trabaho ito, eh"

"Huwag mo alalahanin masasanay din ako. After mo rito umuwi tayo sa bahay ipagluluto kita ng dinner."

"Talaga? Ang sweet naman ng boyfriend ko." muli kong yakap. "Bakit parang hindi ka happy?" pansin kong ngumiti kaagad.

"Na miss kita."

"Oh seryoso na ba talaga 'yan?"

"Eh sa na miss kita."

"Okay basta sabihin mo lang kung mahal mo na ako ha?" He nodded at maya-maya nagtatawag na ang floor director na mag-ayos kami sa opening.

"Panunuorin kita."

"Naku, kinabahan ako." hawak ko sa dibdib.

"Bakit naman para ako lang ang manunuod kakabahan ka na."

"Syempre, for the first time panunuorin ako ng lalaking mahal ko."

"Ikaw talaga. Sige na bumalik ka na roon baka kagalitan ka pa." himas sa ulo ko.

"Uy, huwag mo guluhin."

"Ay, sorry." humalakhak ito ng malakas bago ako iwan nang malambot na halik sa noo.

Gusto pa rin niya ako pero hindi mahal.

Sign kapag hinalikan ako sa lips ibig sabihin tunay itong nararamdaman niya para sa akin at kung sa noo pagkagusto pa lamang.

Eh mag-eenarte pa ba ako importante nasa akin na siya. Subukan lang may lumandi sa kanya kung hindi lagot sila.

As soon as I stepped on the stage, people shouted. Maybe they already know me in the field of modeling. They admire my perfect body, even brunette. Many have said I am beautiful even though the color is brown. This is said to be proof that I am a Filipino.

Proud ako maging Filipino.

Hindi ko ugaling kabahan sa pagrampa pero nang makita ko si Drew nanunuod sa di kalayuan, tahimik at seryosong nakatingin sa palagay ko unti-onting nawawalan nang lakas ang mga tuhod ko para umusad pa sa mga susunod na step.

Ugh, relax Thalia si Andrew lang 'yan ang lalaking mahal na mahal mo noon pa man.

Huwag mo hayaan mapahiya sa maraming tao. Go, girl ngayon mo patunayan sa kanyang ikaw ang deserve piliin. Kapili-pili ang ganda mo kaya laban lang.

Chin up akong nagpatuloy sa paglakad. Fierce kung fierce since iyon talaga ang dapat pero sa bawat galaw ko yata lahat tinitigan nito. Oh my…ganito nga ba talaga pakiramdam na panuorin ng nagugustuhan mo? Makakaramdam ka nang matinding hiya?

"ATENG, lalo ka yata gumaling sa pagrampa iyon ba ay dahil sa nanunuod mong boyfriend?" salubong kaagad ng chismosa kong kasama.

"Of course, kailangan mo rin magpakitang gilas."

"Baka sa susunod buntis ka na."

"Kaagad? Halik nga hindi pa namin nagagawa tapos ang pagbubuntis ko na hulaan mo." tawa na may halong pang-aasar.

"Akala ko ba ay wala kang boyfriend?"

"Ay Bob," inayos ko ang pagkakatayo. "Naging kami four days after."

"Ah matagal nanligaw sa iyo?"

"Opo," sabi ko na lang. Isa pa hindi ko ugali makipagplastikan sa kanya. Actually, napilitan lang ako sumama sa kanya noon paghatid niya sa team building. May ugali rin kasi itong hindi ko gusto. Ang pagiging masungit at maniyak.

"Aayain sana kita kumain ng dinner pero mukhang sabay niyong gagawin ng boyfriend mo."

"Ganoon na nga."

"Next time."

"Yes, next time."

Kaagad na itong umalis dahil susunod na raw namin irarampa ang ibang damit.

"Mag-iingat ka roon." bulong ng chismosang kasama ko. "Balita ko kaya siya na tanggal sa ibang kumpanya dahil may ginahasang modelo tingin ko type ka."

Natakot ako sa mga sinabi nito, huwag naman sana saka sana huwag talaga.

NAKATAPOS kami sa tatlong set na pagmomodelo at pagkaraan ay kanya-kanya nang uwian.

"Tired?"

"Hindi sanay na."

"Dala ko ang kotse tara na." siya nagkusang magbitbit ng mga gamit ko. "Bukas maghapon ka lang matulog para pagdating ng event may energy ka."

"Sige ng makabawi ng tulog sa mga susunod na linggo out of town kami."

"Si Bob pa rin ba magiging photographer mo?" siyang bukas ng pinto para makapasok ako.

"Oo siya pa rin isang buwan daw, eh." tugon ko nang makasakay din sa kotse.

"Hindi ba puwede i-request si Alex na lang ulit maging personal photographer mo wala kasi akong tiwala sa lalaking 'yon."

"Maraming hawak na modelo ang kapatid mo kaya tiyak hindi mangyayari iyon."

"Eh di makipagpalit ka."

"Sige susubukan ko, kumusta ang restaurant mo?"

"Pinaubaya ko sa iba mas importante ka."

"Sweet."

"Ano gusto mo lutuin ko? Sa bahay ka na matulog nagpaalam ako kay tita at sa mommy mo."

"Ha? Eh ano..."

"Ayaw mo?"

"Hindi sa ganoon kaya lang…"

"Magagawa ba kitang galawin? Kung halik nga hindi ko magawa dahil nga sabi mo hahalikan lang kita kapag pagmamahal na itong nararamdaman ko."

"Oo nga." oo nga masarap marinig mula sa iyong hindi mo ko kayang galawin pero masakit sa side kong hindi mo ako hahalikan dahil hindi mo pa ako minamahal.

Ano ba kasi pumasok sa isip ko bakit nagbigay ako nang deal na ako rin ang masasaktan.

"Sino iniisip mo?"

"Nagpapahinga lang." sandal nang ulo ko sa salamin ng bintana.

"Sige."

"IPAHINGA mo muna ang paa, ako nang bahala sa pagluluto." utos nito nang makauwi sa bahay.

Nahiga ako sa sofa saka pumikit maya-maya ginigising ako para raw kumain ganoon katagal akong naka-idlip ay hindi tulog na pala.

"ITO ang pinaka ayaw na pagkain ni Princess." natigilan ako sa paghiwa ng manok nang banggitin nito ang pangalan ng dati niyang asawa.

"Huwag mo kong intidihin kumain ka lang." patuloy nitong utos.

Tahimik at walang gana kong kinain ang luto nito. Kahit masarap hindi ko malasahan dahil hindi ako ang inspiration ng pagluluto niya. Bakit kasi ang bitter kong tao.

"Drew."

"Hmm?"

"Ano kaya kung as a friend na lang tayo?"

Marahang ibinaba ang kutsara't-tinidor bago niya ko pagmasdan nang maigi.

"Hindi pa man tayo nagtatagal sa relasyong ito umaayaw ka kaagad."

"Hindi naman sa ganoon kaya lang baka nahihirapan ka."

"Sa anong dahilan?"

"About Princess."

"I'm sorry hindi ko naisip puwede kitang masaktan huwag ka mag-alala hinding-hindi ko na babanggitin ang pinsan mo."

"Huwag ganoon."

He smiled at me, "Ayos lang."

Ayoko nang magsalita mapapagod ang puso ko dahil sa sakit. Tama nga ba itong ginawa ko? Dito nga ba talaga ako magiging masaya?

Ahh, hindi dapat masaya lang kami, at dapat ipakita kong hindi ako apektado sa nakaraan niya. Si Thalia kaya ito, matapang at walang inuurungan.

"HINDI mo ba namimiss umuwi sa apartment?" usisa nito nang matapos kami kumain at nagpahangin sa labas.

Punong-puno nang bituin ang kalangitan.

"Miss ko na rin pero sige sa susunod doon tayo makitulog." He nodded.

"Naniniwala ka ba sa bulalakaw?"

"A meteor?" paniniguro ko.

"Oo."

"Sus mga bata na lang naniniwala sa ganyan na hihiling at pagkatapos magkakatotoo."

"Walang masama."

"Nakuwento sa akin ni Princess nagawa nila ni Nathan ang bagay na 'yan pero naging kabaliktaran ang nangyari."

"Ganoon ba."

"Oo kaya huwag tayo basta-basta magpapaniwala sa mga imahenasyon ng mga bata."

"Wala rin naman masama kung susubukan. Isa pa may nais akong hilingin na sana magkatotoo." nakatingala nitong usal.

"Kaysa aksayahin mo ang oras sa paghihintay sa bulalakaw eh bakit hindi mo subukan manalangin? Sa ating Dios walang imposible kung mananalig ka ibibigay niya ang kailangan o gusto mo basta naaayon sa kalooban niya."

"Ngayon lang kita narinig mag-advice ng ganiyan. Sige, huwag ka mag-alala gagawin ko ang dapat." namulsa pagkatapos inakbayan ako. "Puwede magtanong?"

"Eh nagtatanong ka na."

"Sira. Magsabi ka nang totoo, ano ba sinabi mo kay Charie noong nasa restaurant tayo?"

"Sinabi ko lang hindi kayo bagay." nakangiti kong pag-amin.

"Hindi ba talaga?"

"Eh bakit parang nanghihinayang ka?"

"Hindi, ah. So ano pa bukod doon?"

"Hmmm…magpakasal na lang siya kay Nathan since nakalatag na ang wedding plan."

"Alam mo tungkol dito pero wala kang sinabi."

"Ayoko masabihan nang pakilamera."

"Ano pa?"

"Sinabi kong tayo ang nababagay at pakakasalan kita. Oh, ang sweet 'di ba?"

Bahagyang natawa sa sinabi ko, "Lakas nang fighting spirit."

"Aba, syempre."

"Salamat."

"Para saan?"

"Hindi mo ako sinukuan bukod doon humahanga ako sa katatagan mo. Bihira lang ako makakita na tulad mong handang masaktan makasama lang ang lalaking mahal. Katulad ngayon, alam kong nasasaktan kita hindi mo man sabihin pero ramdam ko 'yong bigat nang dinadala mo kaya hanggat maaari susubukan kong hindi lang pagkagusto mamayani sa puso ko kung hindi nais kong mahalin kita higit sa pagmamahal ko sa nakaraan."

"Drew."

"Salamat, Thalia. Ang haba-haba nang pasensiya mo sana huwag kang magbabago, sana samahan mo ako hanggang dulo, sana huwag dumating sa puntong susuko ka dahil na pagod ka na, sana ako na lang pagtuunan mo nang pansin, at sana ikaw pa rin kasama ko hanggang dulo."

"Kahit hindi ka humiling gagawin ko naman talaga. Sa pag-ibig hindi basehan kung sino mas nagmamahal nang wagas dapat pareho kayo nagkakaunawaan dapat tanggap niyo kung ano kahinaan ng bawat isa. Kung ang kahinaan mo ang nakaraan ako mismo magbibigay sa iyo ng lakas."

"Pero nagselos talaga ako that time, unfair para sa akin na sabihin mong kaibigan lang turing mo sa akin." nakasimangot kong pag-amin.

"Sorry, sorry for what happened."

"Kung hindi mo naman 'yon sasabihin wala tayo rito. Thank you sinaktan mo ako natuto kasi akong magpasensiya."

"Huwag ka mag-alala wala akong nararamdaman para sa kanya."

Sana sa akin mayroon.

"Okay."

"Pakasalan mo ako."

"Ha?"

"Pakasalan mo ako kapag handa ka na." wait hindi ba dapat siya sabihan ko kapag handa na siya? Baliktad yata. HAHAHA.

"Pag-iisipan ko." pigil sa kilig.

"Hindi pa sa ngayon huwag ka mag-alala gaya nang usapan kapag sure na akong ikaw, aayain kita ng kasal." Toinks, iyon na moment eh bakit parang  disappointed pa.

Nagkasalubong ang mga mata namin wala akong ibang maisip na sasabihin. Sa tuwing nakikita ko ang kanyang mata pakiramdam ko si Princess ang nakatingin sa akin.

"Mata ni Princess, oo nga pala mata ni Princess ang ginagamit mo ngayon kaya pala ganoon na lang ako nahihiyang tumingin dahil mata 'yan ng babaeng minsan ko nang pinagsinungalingan."

Sabay nitong hinawakan ang magkabilang palad ko.

"Tingnan mo ako hindi para isiping hinuhusgahan ka nang matang ito. Tingnan mo ako isipin mong kung hindi dahil sa kanya baka hindi na kita nakita."

"Drew."

"Ako nahihiya sa iyo," bumitiw sa pagkakahawak kasabay nito pagtingala sa madilim na kalangitan. "Babae ka hindi dapat pinaghihintay at pinapaasa pero hindi ko hahayaang masaktan ka dahil lamang sa akin."

"Andrew! Magandang gabi!" isang matandang babae at may kasamang matandang lalake.

"Magandang gabi rin po, Aling Sabel at Manong Nece." tugon nito.

"Ipakilala mo naman kami sa magandang dilag na kasama mo." wika pa ng lalaki.

"Siya nga po pala ang girlfriend ko si Thalia." magalang na pagpapakilala sa dalawang matanda.

"Naku, mahal ikaw ang naaalala ko noong kabataan natin hindi ba't ganiyan ka rin kaganda pero hirap na hirap akong makuha ang matamis mong halik." sabi pa nito dahilan para kiligin ang matandang babae.

"Saan po ba kayo pupunta bakit gabi na nasa labas pa kayo?" pagbabagong usapan ni Drew.

"Inaya ako ni mister magbike sa open space baka gusto ninyo sumama." tugon ni Aling Sabel.

"Mukhang maganda nga po 'yang magbike ngayong gabi." komento ko.

"Pero hindi pa napapahinga paa mo," bulong sa akin.

"Ayos lang hindi pa naman ako inaaantok."

"Sure ka?"

I nodded, "Yep, tara?"

"Sasama na ba kayo mayroon pa kami dalawang bike." tanong ni Aling Sabel.

"Andrew." dinig namin sa di kalayuan.

"Mamsy, Papsy!" kaagad kong tinakbo ang kinaroroonan ng dalawang matanda niyakap ko silang dalawa na tila miss na miss.

"Aba, itong apo namin miss kaagad ang pinakamamahal na lolo at lola." natatawang sabi ni mamsy sa akin.

"Ang tagal po kasi ninyong nagbakasyon sa probinsiya eh bakit naman po ginabi kayo ng uwi??"

"Dumaan pa kami sa bahay ni Princess," sagot ni papsy.

"Ah nagkausap na po kayo ni tita?"

"Oo," saka nilingon si Drew at tila may malawak na ngiti ang apat na matanda nang magkita-kita.

"Isabel? Neceforio?"

"Nenita? Juanito?"

Walang alinlangan naglapitan ang apat na matanda na parang matagal na silang magkakilala.

"Ang tagal na ilang dekada na ba?" usisa ni mamsy.

"Hindi ko na matanda pero ang alam ko mga makikinis pa balat natin noon, hahaha." maligayang tugon ni Aling Sabel.

"Tingnan mo nga naman maliit lang mundo para sa atin kamusta na Juanito? Siya na nga ang mga apo ninyo?" akbay ni Mang Nece kay papsy.

"Apo namin si Andrew, at Alex. Eh teka dito lang ba kayo nakatira sa subdivision na ito?"

"Kapit-bahay ng apo ninyo."

"Lubhang napakaliit talaga ng mundo para sa ating apat. Halika at pumasok sa loob marami tayong pag-uusapan." paanyaya ni mamsy papasok sa loob nang bahay ni Andrew.

"Small small world." bulaslas ni Drew nang maiwan kami.

"Akalain mo 'yon."

"Ganoon talaga ang buhay minsan gugulatin ka na lang sa mga nangyayari."

"Tayo na magtuloy sa pagba-bike." kinuha nito ang isang bike na nakaparada sa tapat nang bahay nila Aling sabel. "Umangkas ka." turo sa likod kung saan mayroong upuan.

I nodded saka sumakay inikot namin ang subdivision mula rito sa phase 1 hanggang phase 5. Binuksan nito ang cellphone at nagpatugtog ng nakaiinlove.

Huminto kami sa amenities, naupo sa gitna nang open space lahat ng puwede namin puntahan ay ginawa namin at talaga sinulit habang ang mga matatanda ay masayang nagbabalik-tanaw sa kanilang buhay.

 

                        ⁂⁂⁂

—NO ORDINARY LOVE | MYMP

From the very first time that we kissed

I knew that I just couldn't let you go at all

From this day on, remember this

That you're the only one that I adore

Can't we make this last forever?

This can't be a dream

'Cause it feels so good to me

So good to me

So good to me

To fall so deep in love

'Cause this is not your ordinary

No ordinary love

You were the first to touch my heart

And everything's right again

With your extraordinary love

Your extraordinary love

I was not prepared enough

To fall so deep in love

'Cause this is not your ordinary

No ordinary love

You were the first to touch my heart

And everything's right again

With your extraordinary love—

                         ⁂⁂⁂

AT sa huli naglakad kami pareho pauwi nang bahay. Pagkarating ay dinig ang tawanan ng apat hindi man madinig ang usapan alam kong tungkol 'yon sa kanilang kabataan.

"Mga apo halina may dalang pagkain ang mababait namin kaibigan." aya ni mamsy.

Naupo kami para harapan ang apat na matanda.

"Dati ko pa napapansin tahimik si Andrew ang akala ko ay ganoon lang siya pero nang malaman namin namatayan ito ng asawa doon ko lang na realize ang dahilan nang lahat pero ngayon alam kong may bago nang nagpapasaya sa kanya." mahabang kuwento ni Aling Sabel.

"Hindi ba tama ako, mahal? Magbabago ang buhay niya kung makakakilala siya ng bagong mamahalin at ang nakatutuwa KAIBIGAN niya ang makakatuluyan nito." komento ni Mang Nece.

"Mabait 'yang apo namin." masayang hawak ni papsy sa kamay ni Drew. "Hindi na rin nalalayo si Thalia sa buhay namin pinsan siya ng asawa ni Andrew."

"Oh? Mahal parang kuwento lang natin, ah." abot-abot ngiting pinakita ni Mang Nece sa amin. "Dati akong may nobya pero namatay siya bago kami ikasal kumbaga pinsan ng asawa ko ang dati kong nobya."

Nagkangitian kami ni Andrew sa mga narinig. Mukhang parehong-pareho ng kuwento pero kung si Mang Nece minahal si Aling Sabel eh ako kaya mamahalin din ni Andrew? Sana, sana nga.

Pagkaraan lang nang ilang oras nagpaalam ang dalawang matanda sunod din nagpaalam  sina mamsy pero hindi ko na pinapauwi dahil masyadong gabi na, at sa kabilang kuwarto ko sila pinatutulog.

"Ikaw ang matulog sa kuwarto ko." utos nito kagagaling lamang sa kuwarto may dalang dalawang unan.

"Okay na ako rito sa sofa."

"Bisita kita."

"Ganito na lang ikaw na lang sa kuwarto tatabi ako kina mamsy at papsy."

"Nope, ayokong naiistorbo tulog nila dito ka na sa kuwarto ko at doon ako sa sofa."

"Baka hindi mo kayang mahiga sa sofa."

"Immune na ako sa sofa matulog lalo kung nagkakagalit kami ni Prinsesa." nakangiti ito patungo sa sofa sabay higa. "Matulog ka na, maaga akong aalis bukas ikaw muna bahala sa bahay."

I nodded bago pumasok sa loob ng kuwarto, sabay pinatay ko ang bentilador since may aircon nakabukas. Nandito pa rin sa pader ang kanilang wedding picture, naka-arrange ang mga gamit ni Princess sa ibabaw ng cabinet, at ang lahat ay nasa ayos na tila nabubuhay pa ang pinsan ko.

"Princess, mahal na mahal ka ni Drew." naiiyak kong bulong. "Sana kung paano ka minahal ng asawa mo ay ganoon din siya sa akin." nakatulog akong may luha sa mata.

PAGGISING ng umaga sina mamsy at papsy ang naabutan kong kumakain ng almusal.

"Oh kain na maagang umalis si Andrew binisita niya ang branch." paanyaya ni papsy.

"Maya-maya lang po ay uuwi na ako kayo ho ba?"

"Maglilinis muna nang bahay mukhang di naglilinis ang apo namin dahil sa sobrang kaabalahan."

"Tutulungan ko na po kayo."

"Huwag na kayang-kaya pa namin ito ng papsy mo."

"Sure po kayo?"

"Oo apo."

"Bago po ako magpunta sa trabaho babalik po ako."

"Ikaw ang bahala."

UMUWI ako sa bahay apartment para kunin ang iba ko pang gamit at dalhin sa bahay nila Tita Jade. Doon niya ako pinatitira since wala pa akong makitang lupa na puwede ko patayuan ng sariling bahay. Natulog ako nang dalawang oras pagkatapos ay dumiretso ako sa bahay ni Andrew I'm sure nasa bahay na 'yon.

Hinatid ako ni Jak sakto pababa nang kotse si Andrew.

"Dumaan ka muna."

"Hindi na."

"Sure?"

"Sure na sure."

"Sige, mag-iingat ka."

"Ako pa ba?"

"Ang angas."

"Ganoon talaga guwapo."

Iiling-iling akong bumaba nang kotse bago siya binigyan ng flying kiss.

"Kadiri." malakas na tawa lamang ang sagot ko sa hitsura niyang nandidiri.

Pagpasok pa lang nang gate narinig kong nagsalita si Andrew sa loob. Pumasok kaagad ako at nakita kong nakatayo si papsy malapit sa pinto habang si mamsy ay nagpupunas nang table.

"Sino pumasok sa kuwarto ko at naglinis!" nakasigaw ito at nagkatinginan ang mag-asawa.

"Ah, apo——"

"Ako naglinis sa kuwarto mo bakit?" mukhang galit siya at palagay ko kahit matanda na sina mamsy makukuha nitong sigawan.

"At sino nagbigay sa iyo nang karapatan galawin ang mga gamit ng asawa ko?!" singhal sa harapan ko.

"A-ano ba ginawa ko?" kinakabahan kong tanong.

"Ginawa? Hindi mo alam ang ginawa mo?!" hinatak niya ko papasok ng kuwarto saka ko nakitang nawala lahat nang gamit ni Princess, at malinis na malinis ang kuwarto.

"Sinabi ko bang makialam ka sa kuwarto ko?!" kahit na ano yata gawin ko hindi siya kakalma.

"A-ano…k-kasi…" galit na galit itong lumapit sa akin na bunggo ako sa pader saka niya ito sinuntok.

"Girlfriend lang kita pero wala kang karapatan magdesisyon sa buhay ko! Ano ba gusto mo ipamukha sa akin ha? Akala mo ba ganoon lang na kapag inalis mo lahat nang gamit niya rito mamahalin na kita? Ha?!"

Tumulo ang mga luha ko sa takot at sakit na naririnig mula sa kanya.

"Kung hindi mo kayang ibalik sa dati ang mga gamit umalis ka na lang." kahit mahinahon bakas pa rin ang galit na kahit anong oras puwede niya kong saktan.

"S-sorry…"

"Umiiyak ka? Umiiyak ka talaga?? bakit? Thalia, sana naman nagtanong ka muna kung payag akong alisin mo lahat nang ala-ala ng asawa ko na pinsan mo! Malakas ba loob mo? Gustong-gusto mo na ba talagang palitan siya sa posisyon niya ha?!"

Napahagulgol ako sa sakit. Hindi ko ginawa 'yon. Hindi ko kasalanan kung bakit siya nagagalit pero bakit ganoon na lang sakit dito sa dibdib at marinig na wala akong karapatan pumalit sa posisyon ni Princess dahil sino ba ako sa buhay niya? Isang taong ginawang girlfriend pero pilit pa.

"Sorry talaga." itinulak ko ito papalayo at tumakbo sa labas. Nag-abang ako nang taxi na saktong may dumaraan. Pagsakay doon ko ibinuhos ang sakit na nadarama.

Masakit masampal nang katotohanan, at dito ko nalaman na kahit anong gawin kong effort at pagpapakita sa kanya nang kabutihan ako pa rin ang masama. Okay, Andrew salamat na lang sa lahat pero dito pa lang isusuko na kita. Pagsukong kailanman ayoko nang balikan.

avataravatar
Next chapter