Chapter 52

"ANDREW, may team building din kayo?" Kevin asked.

"Oo minsan lang ito sa isang taon. Mainam ito para makitang nagkakasundo bawat tauhan ko."

"Plano ko rin sana magkaroon ng ganyan sa palagay mo ipagsabay natin?"

"Walang problema mas marami mas masaya."

"Kailan ba 'yan?"

"Sa susunod na araw kaya ba?"

Binuklat nito ang planner saka may tiningnan kung available sila.

"Okay free kami, ssabihin ko today sa kanila para bukas maasikaso nila mga dadalhin at ma-organize ng mabuti ang team building."

"Isama natin ang buong eye catchers, ah."

"Aba, syempre bonding moment na rin natin ito simula ng mawala si Princess."

I nodded.

"Drew," si Elaine lumalapit kasama mga anak nila. "Anak, bless kay ninong."

"Mommy, I know." natatawang sabi ni Glydel sabay mano sa akin. "Ninong, may nakita ka na ba magiging ninang ko?"

"Pasensya ka na sa inaanak mo masyadong madaldal."

"Ngayon wala pa akong nakikita na papalit sa Ninang Princess mo."

"Hindi po ba kayo malungkot?"

"Malungkot pero kailangan maging matatag."

"Kaya mo 'yan ninong." humarap sa daddy nito. "Dad, si Tita Thalia po?"

"Ate tawag mo roon bata pa 'yon."

"Pero gusto ko tawagin ng tita baka kasi sila magkatuluyan ni ninong."

"Ahh, kumbaga nagpra-practice ka na?" usisa ni Elaine.

"Opo," sa akin muli humarap. "Bakit KAILANGAN mo maghanap ng iba si Tita Thalia nandiyan for you."

Biglang tumawa si Kevin, "Imposible 'yang iniisip mo, anak."

"Bakit dad?"

"Pinsan ni Tita Princess mo si Thalia at ayaw niya ng ganoon, hindi ba Drew?"

I nodded, "Tama pinsan ang turing ko sa batang 'yon." komento ko.

"Excuse me I'm not bata anymore." lumalapit sa amin si Thalia sabay yakap kay Glydel.

"Huwag na huwag ka magpapaniwala sa lalaking 'yan." mataray nitong tanaw sa akin.

"Hmm…magkagalit po ba kayong dalawa?" naguguluhang usisa sa amin ni Gly.

"Hindi…"

"Oo…"

Tumayo si Thalia saka kinuha ang bunsong anak ni Elaine.

"Ano ba ginawa ko sa iyo?" tanong ko.

"Malay ko sa iyo, tara Glydel doon tayo marami akong nakahandang kuwento."

"Wooowww! Gusto ko 'yan, tita!" sumunod ito kay Thalia papalayo sa puwesto namin.

"Nag-away kayo?" sabay usisa ng mag-asawa.

"Misunderstanding lang."

"Naku, baka misunderstanding na 'yan mapunta sa Mutual Understanding." buska ni Kevin.

"Never."

"Baka kainin mo 'yang sinabi mo, Drew." singit ni Elaine.

"Parang nakababatang kapatid turing ko sa kanya."

"Puwede mo ibahin ang turing kung may pagkakataon hindi ba?"

"Oo depende sa desisyon ko."

"Eh di magdecide ka para sa inyong dalawa. Malay mo nga naman kayo pa pala nakalaan sa isa't-isa." tila kinikilig na sabi ni Kevin.

"Uuwi na ako."

"Umiiwas sa usapan." Gatong ni Elaine.

"Pasara na rin kami sa restaurant mainam bago gawin 'yon makausap ko."

"Oh siya bahala ka." saludo ni Kevin sa akin at tango naman kay Elaine. Sinulyapan ko ang mga bata na abala sa pakikinig sa kuwento ni Thalia. Saglit siyang tumingin at umirap. Iiling-iling akong nangingiti papalabas ng shop ni Kevin.

"REST day bukas para maihanda niyo mga dadalhin sa team building." huling sabi ko sa mga tauhan.

"Ah, chef." sumusunod na tawag ng isang babae. "Si Charie po 'yong mataray pero hindi na ngayon may iniwan sa iyong papel." sabay abot.

"Okay salamat." kaagad akong pumasok sa opisina para tingnan ang papel.

Nilalaman ito ng handwriting ni Charie. Sinabi nito magkita kami sa park kung saan malapit sa restaurant. Ang ipinagtataka ko bakit kailangan may pasulat-sulat pa ibinigay ko na nga sa kanya number ko.

NAGLAKAD lamang ako patungo roon mas mainam excercise na rin. Marami mga batang naglalaro sa open space. Mayroon nagtitinda ng ice cream, lobo, at laruan. Ngayon ko lang ulit nagawa ito ngunit mag-isa nga lang, at kung dati kasakasama ko si Princess.

Natanaw ko kaagad ang isang binibini nakaupo sa mahabang upuan. Maganda ang suot nitong dress na bumagay sa kanya. Paglapit ko kaagad itong ngumiti at sumenyas na tabihan siya.

"Anong mayroon at bakit may pasulat-sulat ka pa?" pareho kami nangiti sa usisa kong 'yon.

"Maiba naman."

"Ano ba pag-uusapan natin?"

"Tungkol sa buhay ko."

"Hindi ba sinabi mo na lahat?"

Umiling, "Mayroon pa ako hindi nasasabi."

"Ano?"

"Kilala mo si Don Manuel?"

"Don Manuel, ang lolo ni Nathan?"

She nodded, "Kaibigan siya ng lolo ko."

"Uhm, anong tungkol sa kanya na tungkol din sa buhay mo?"

"Nagkasundo sila na ikasal kami ng apo ni Don Manuel."

"Si Nathan??"

"Iyon ba 'yong kaibigan mo?"

"Oo pero paano nangyari?"

"Ganito kasi nagsiyasat ako ng maigi, nalaman kong ang asawa mo at si Nathan ay ipinagkasundo rin ng mga lolo nila hindi mo ba pansin parang tulad din sa amin?"

"Oo pero ang pagkakaalam ko hindi pa lumalim sa ganoong pangyayari sa pagitan nila Princess at Nathan since ako ang napangasawa niya."

"Tama ka at si Don Manuel natakot nawala kaagad kaya si lolo ang pinakiusapan."

"Ayos lang sa mga magulang mo?"

"Tsk, kaya nga ayaw nila sa dati kong mapapangasawa dahil sa kasunduan na 'yon."

"Wait, sandali ibig sabihin kaya ayaw nila sa mapapangasawa mo ay dahil pinagkasundo ka sa apo ni Don Manuel na si Nathan?? Bakit parang wala naman sinasabi sa akin si Nate?"

"Huwag ka mag-alala kahit 'yang kaibigan mo hindi niya nalalaman ang mukha ko o katauhan. Actually, makikipag-usap na nga pamilya ko at pamilya niya kaso dahil stress ako that time lumayas ako at hindi na nagpakita."

"Pero wala talaga na banggit sa akin si Nathan."

"Dahil ayaw niyang sabihin sa iyo na pinagkasundo na naman siya ng lolo niya."

"Noong nagkita kayo ni Nathan sa apartment alam mo ba na siya ang apo ni Don Manuel?"

"Nope, I have mo idea kinabahan lang ako that time."

"Kasi?"

"Ewan dahil siguro cute siya?"

"Ahhh…so type mo?"

"Slight lang, hehe."

"Kung ganoon ay papayag kang makipag-usap sa pamilya ni Nate?"

"Ayoko."

"Bakit eh nakilala mo na mapapangasawa mo."

"Hindi ko siya gusto."

"I see."

"Ikaw ang gusto ko 'di ba?"

"Kung ano ang sabi mo."

"Kaya nga tinatanong kita kung manliligaw ka kasi kung oo sasagutin kita kaagad tapos i-plano kaagad natin ang kasal."

Bakit ganoon ang pakiramdam ko medyo may takot akong  naramdaman.

"Sorry kung ako ang nagdedesisyon sa atin dalawa."

"Uhm, Charie."

"Hmmm?"

"Ayoko sanang masaktan ka pero ang totoo hindi pa ako handang magmahal muli." yumuko ito na tila disappointed.

"I see, mahal na mahal mo ang iyong asawa."

"Hindi ko pa talaga kaya." malungkot kong hawak sa kamay nito. "I'm sorry ikaw pa gumagawa ng way pero ayoko maging makasarili."

"Tama ka."

"Hindi ba masama loob mo?"

"Hindi, ah."

"Kung totoo sinasabi mo sumama ka sa team building namin sa susunod na araw."

"Isasama mo ako?"

"Oo naman."

"Hindi ba nakakahiya??"

"Kaibigan kita."

"Salamat." yumuko muli saka may kinuha sa bag. "Picture tayo? Magkaroon man lang ng picture sa lalaking nang basted sa akin." natatawa niyang biro pero palagay ko hindi 'yon nakakatawang biro.

Dahil masunurin ay pumayag ako maya-maya lang ay nagpaalam siya dahi tumawag daw ang lolo niya na mayroon dinner sila ng pamilya ni Nathan. Nagpatagal muna ako sa parke gusto ko kasi mapag-isa lalo ngayon naalala ko na naman si Princess.

Isinubsob ko ang mukha sa hita parang unti-onting napipilas na naman ang puso ko. Wala akong magawa gusto ko siyang makita pero hindi na maaari. Ganito pala ang pakiramdam, at kung nabubuhay lang siya hindi ako magkakaganito ng sobra.

"Mukmok na naman?"

"PRINCESS!" medyo disappointed ako ng makita ko si Thalia. Naupo sa tabi ko at inabot ang cotton candy.

"Kainin mo pangtanggal stress din 'yan."

"'Di ba ice cream 'yon?" komento ko.

"Iba na ngayon." sunod-sunod nitong isinubo ang cotton candy saka kumuha ng tubig sa bag.

"Magkasama kayo kanina ni Charie bakit biglang nawala?"

"Kanina ka pa ba rito?"

"Nauna akong dumating pinasyal ko mga classmate ni Glydel."

"Si Gly kasama?"

"Oo pero nauna nang umuwi sinundo ng daddy niya." naghuhubad ito ng sapatos at pinalitan ng manipis na tsinelas.

"Ang hirap maging modelo ang sasakit ay paa."

"Ginusto mo 'yan, eh mabuti hindi naging modelo asawa ko kung hindi…"

"Napaka sensitive mo."

"Ayokong nababastos ang asawa ko."

"May bumabastos ba wala naman 'di ba?"

"Subukan nila!"

"Ang tapang at ang swerte ng pinsan ko sa iyo. Sana all may jowa, sana all may nagmamahal ng tapat." sumandal na parang nasa bahay lang.

"Makikita mo ang lalaking para sa iyo kung aayos ka nang upo."

"Wala akong pakialam." ismid nito. "Patapon na rin naman ang buhay ko kaya I admit wala nang papatol sa akin."

"Mayroon 'yan."

"Tumatanda na ako, Drew."

"Sino ba hindi lahat ng tao dadaan sa stage na kukulubot ang balat."

"Gusto ko nang magkaroon ng taong mamahalin." humihikbi nitong sabi. "Napapagod na ako mag-isa."

"Umayos ka nga iisipin ng iba pinapaiyak kita." dami nang nakatingin sa kanya. Nadirinig ko bulungan ng iba kaya talagang nakakahiya.

"Ayokong magaya kay Princess…gusto ko bago ako mamatay nakapag-asawa at nagkaroon na ako ng anak!" lalong lumakas ang iyak.

"Uy, umayos ka nga, naku, pasensya na po may problema lang kaibigan ko." paumanhin ko sa mga taong panay bulungan.

Inalalayan ko siya binalikan ko lang ang sapatos nito saka kami naglakad papalayo sa mga tao nakakahiya itong babae na ito. Ano ba problema niya?

Tsk, parang si Prinsesa lang kung umasta sabik na sabik magkaroon ng sariling pamilya, ano kaya na isipan nito?

Nagpunta kami sa bahay binigyan ko siya ng kape, at nagkuwento ito kung bakit ganoon na lang siya magwala kanina.

"Nakita mo 'yong lalaking minahal mo may kasamang iba?" She nodded. "Ex-boyfriend mo?"

"Hindi pero minahal ko siya ng sobra."

"Si Alex ba 'yon??" natigilan ito saglit bago muli ako nagtanong. "Si Alex nga ba?"

"Si Alex lang ba minahal ko??"

"Ewan ko sa iyo wala akong kilalang lalaki dati mong minahal bukod kay Alex."

"Sinabi ko ba dati kong minahal ang nakita kong may kasamang iba?"

"Ah eh di si Alex nga!"

"Asa ka."

"Eh sino ba?"

Nahiga ito sa sofa, "Huwag mong intindihin hindi mo kilala."

"Paano kita matutulungan kung ayaw mo sabihin sa akin? Alam mo parang kapatid na rin kita kaya kung may problema ka I'm here lang."

"Hindi ko kailangan ng tulad mo bilang kaibigan." tumalikod.

"Okay maliligo lang ako."

"Kailangan ko ng taong magmamahal sa akin ng tapat." natigilan ako sa malakas nitong hikbi.

Nagsimula na namang umiyak, at

humarap ako saka bumuntong- hininga.

"Kung prinoproblema mo 'yan paano pa kaya ako? Ano ba pumasok sa isip bakit bigla ka nagkaganyan?"

"Hindi ko na tupad ang pangako kay Princess, iba ang mamahalin mo at hindi ako."

"Ano?"

Bumangon saka nag-ayos ng sarili.

"Bago mawala ang asawa mo nagka-usap kami hiniling niya na kung sakaling mawala siya aalagaan kita ibibigay ko kung ano ang mga pagkukulang niya. Ayokong pumayag kasi ayoko siyang mawala pero darating pala sa point mamahalin kita. Hindi ko sinasadya, hindi alam kung paano ko sasabihin sa iyo ang totoo na…mahal na kita."

May tumulong luha mula sa akin, ang totoo inisip pa rin ni Prinsesa ang kapakanan ko kahit mawawala na siya pero bakit sa ganitong paraan pa?

"Nakiusap siyang mahalin mo ako?" nanginginig kong usisa.

"Noon pa siguro siya nakararamdam."

"Na ano?"

"Sorry."

"Thalia."

"Sorry kung gusto na kita mula pa noong una, itinago ko ito ng matagal, sobrang tagal." napapunok ako sa mga inaamin nito. "First meeting natin sa antipolo, right? Doon pa lang na gustuhan na kita pero ng makita kong masaya si Prinsesa isinantabi ko itong nararamdaman ko para sa iyo. Ayoko kasi masira ang pagkakaunawaan namin at isa pa una siyang naging sa iyo ayoko maging kontrabida sa inyong dalawa."

"Mahal mo si Alex, at minahal mo si Daryll kaya hindi ako naniniwalang minahal mo ako."

Umiling, "Ang pagmamahal ko sa kanila walang-wala sa nararamdaman ko para sa iyo. Ang galing ko magtago pero pagdating kay Princess malakas ang pakiramdam niya."

Wala akong masabi nagcoconfess siya. Ano ba dapat kong gawin? Wala akong nararamdaman para sa kanya kasi si Prinsesa pa rin ang minamahal ko.

"Huwag mo isipin naging masaya ako nang mawala ang pinsan ko dahil kung ikaw sobrang nasaktan mas lalo ako kasi…dala-dala ko 'yong konsensya hindi aminin sa kanya ang totoo."

"Alam niya sabi mo?"

"Tama alam niya pero pilit niya akong pinapaamin."

"Umamin ka?"

"Hindi, at ayoko siyang masaktan pero nang magkasakit siya sinabi niya sa akin na kung ano nararamdaman ko para sa iyo ay ipagpatuloy ko."

"Nararamdam na siguro niyang mawawala siya at iiwan ako." naupo ako sa tabi nito at humagulgol ng iyak. "Lalong masakit kahit sa mga huling sandali niya ako pa rin ang iniisip ang laki nang pagkukulang ko sa kanya pero…"

Hinawakan ako sa balikat.

"I'm sorry, Drew ako rin siguro may kasalanan kung bakit umabot sa puntong mahalin kita ng sobra. Kung hindi mo ako mahal ayos lang pero kung kaya mo akong mahalin mas mainam."

Nagkatinginan kami pilit kong hinahanap sa mga mata niya ang side na baka nagsisinungaling lamang ito pero bigo ako. Punong-puno ito ng determinasyong susuklian ko ang ibinabayad niyang pag-ibig.

"I'm sorry." iyon ang huli kong sinabi at wala nang ibang salita pa akong narinig mula sa kanya.

TAHIMIK lamang kami sa kotse ng ihatid ko siya sa apartment. Maging sa pag-uwi ay iniisip ko ang mga nangyari. May problema ba sa akin kung iwasan ko siya? Masama ba akong tao kung hindi ko intindihin ang nararamdaman niya para sa akin?

KINABUKASAN handa na lahat ng gamit na dadalhin para bukas. Nakikipagkita si Nathan dahil may importante raw siyang sasabihin at sa palagay ko tungkol ito kay Charie.

"Ano ba sasabihin mo at lubhang napaka importante?" upo ko, at dito kami sa Fam nagkita.

"Ikakasal na ako."

"Hindi na bago." natatawa kong sabi.

"Mukhang dito pa lang ako mapapasubo hulaan mo kung sino ang pakakasalan ko."

"Si Charie."

"Paano mo---"

"Nagkausap kami kahapon bago magpunta sa dinner ninyo."

"Ah so hindi na pala ako magpapaliwanag."

"Yep."

"Paano ba 'yan mauuna akong ikasal sa iyo."

Kaagad akong nagsurrender ng dalawang kamay.

"Talo na ako at hindi ko tatanungin kung mahal mo siya bahala ka sa buhay mo." sabay kami nagkatawanan.

"Sige umorder na tayo libre ko."

"Ayosss!" kinawayan ko si Kevin na kaagad lumapit. "Bigyan mo ako ng pinaka masarap dito."

"Okay!" pagbalik nito maraming inihain sa table. "Ito ang pinaka masarap."

"Lahat?" usisa ni Nathan.

"Bakit parang nagdududa ka?" eka ko.

"Ang dami kaya natin ubusin ito?"

"Tutulungan ko na kayo." walang pakundangan tumabi si Thalia kay Nathan at kinain ang mga nakita nito sa table. Magkasama sila ni Alex dumating.

"Ginutom mo ito, ano?" usisa ni Nathan kay Alex.

"Gusto raw niya sa Fam kaya dito ko dinala."

"Hoy, dahan-dahan." awat ni Kevin inabutan ng maiinom nang mabulunan. "Stress ito."

"Bakit?" tanong ko.

"Habit ng mga babae kapag stress idadaan sa kain."

Nagkahulihan kami ng tingin ni Thalia pero dahil sa taranta ko na pasubo ako ng marami.

"Maupo ka rito kumain ka na rin." kaway ko kay kambal sabay tabi sa akin.

"Kailan nga ba kasal mo?" nakalimutan kong itanong kanina kay Nathan.

"Kasal? Ikaw ikakasal??" di makapaniwalang tanong ni Thalia.

"Parang hindi mo alam." naiinis pero may tawang sabi ni Nate.

"Seryoso kay Charie? Akala ko ba si Andrew ang gusto?" ngayon ay nagkatinginan kami ni Nate sa sinabi nito.

"Mahabang istorya." iyon ang sabi ni Nathan hanggang sa manahimik ito.

"Palagay ko matagal pa ikakasal ang dalawa pag-usapan natin ang team building bukas." masayang wika ni kambal.

"Kasama ka ba may work tayo."

"Nagpaalam ako sa ibang modelo ko saka ikaw baka hindi makapunta since iba may hawak sa iyo di ba?"

"Hindi na ikaw?" komento ko.

"For one month lang."

"Ah, ganoon."

"Sayang hindi ako makakasama." bulong nito.

"Hindi ba puwede magpaalam ka muna buong eye catchers kasama." tila pamimilit ko.

"Ewan medyo masungit ang bagong photographer ayaw nga nalelate mga model niya."

"Malas dahil na tapat ka."

"Kapal mo, Alex."

"Eh totoo naman."

"Fine. I have to go."

"Tapos ka na?" kevin asked.

"Magkikita kami ni Aaron."

"Aaron?" duda ko.

"Nagpapasama sa puntod ni Prinsesa." na halata yata tumiklop ang kamao ko. "Dadalaw lang huwag mo ikasama."

Sumenyas ako nang 'umalis ka na' bago pa uminit ulo ko. Masunurin dahil mabilis pa sa alas-kuwatro nang lumabas ito sa Fam. Ang tatlo ay seryosong nakatingin lamang sa akin.

"Kung ano man ang iniisip ninyo bahala kayo." tumayo ako saka lumabas para magpahangin sinundan pala ako ni Alex.

"Hanggang ngayon may galit ka pa rin sa mag-asawa."

"Hindi madali magpatawad."

"Paano kung nagsisisi ang tao?"

"Kay Aaron, isang kalokohan iyon kung mangyari."

"Tapos na rin naman at isa pa wala na si Prinsesa sana mapatawad mo kahit kaonti o unti-unti."

"Kahit anong utos ng sarili na tama na huwag ko nang isipin pero palaging sumasagi na sila ang dahilan kung bakit nasira kami tapos…" nangingilid ang luha ko.

"Tama nga sila," may pagdududa ko itong tiningnan. "Hinding-hindi magbubukas ang puso mo sa panibagong kabanata kung nananatili ka sa nakaraan. Marahil kaya di mo mapakawalan sa puso si Prinsesa dahil may mga taong nakikiusap na patawarin mo. Please, Drew alang-alang sa soul ni Prinsesa puwede ba? Puwede bang patawarin mo na sila?"

"Mahal na mahal ko si Princess hindi ko alam gagawin ko, Alex. Pinipilit kong kalimutan siya pero hindi ko magawa buong buhay ko siya lang, at buong  buhay ko umikot lang sa kanya."

"I understand why until now you have not forgotten her but I hope you understand that there is a reason for everything that is happening. If there is lost there is new coming or nandiyan lang siya kailangan mo lang lumingon."

"Gusto kong tulungan ang sarili ko."

"Eh di kung ganoon maging malaya kang maghanap ng magpapasaya sa iyo."

"Paano?"

"Magsimula ka sa umpisa para sa huli malaman mo kung iyon na nga ba ang dapat mong gawin. Huwag kang matakot sumubok sa panibagong simula. Ang iba nga naghahangad ng panibagong simula pero hindi na maaari at ikaw may chance ka pero ayaw mo. Sige na tol, nandito lang ako handa kitang tulungan kung nahihirapan ka. Ano ba silbi ng pagiging magkamukha natin kung ako lang ang masaya at ikaw ay nagdurusa? Start with the next chapter."

avataravatar
Next chapter