3 Chapter 2

~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV)

Kinuha ko ang folder na inabot sa akin ni Ms. Teri. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang partikular na trabaho nito kay Xander. Whatever it was, I knew it was none of my business.

Nginitian ko lang ito nang bahagya at gaanon rin ang ginawa nito.

Dumiretso ako sa apartment pagkagaling ko sa mansion.

Tiningnan ko ang mga papel sa folder. It was a monthly report. Nakalagay doon lahat ng perang binawas sa utang ko at kung ilan na lang ang natitira pa.

Humugot ako ng malalim na hininga. Ilang taon na lang... makakabayad rin ako. Pinag-aralan ko iyong mabuti. Tinugma ko iyon sa sarili kong computation. Gusto kong

makasiguro dahil bawat sentimo ay mahalaga sa akin.

Dumiretso na ako sa banyo nang magtugma iyon. Hinayaan kong tumulo ang kakapiranggot na tubig sa ulunan ko na nagmumula sa shower.

Nang mamatay sina Nani at Tati, nagpatuloy ako sa pagtatrabaho sa masnion habang nag-aaral ng high school. Pinroblema ko ang gagastusin ko sa kulehiyo dahil ang sahod ko sa mansion ay diretso na pangbayad ng utang.

Nasa mansion ako ng umaga, nag-aaral sa gabi pagkatapos ng eskwela, pumapasok ako bilang taga-hugas ng pinggan sa isang restaurant para ipangbayad sa tuition ko. Pinasok ko lahat ng trabahong maaari kong pagkakitaan. Habang tumatagal, lumalaki nag bayarin sa school. Nagtambak-tambak na ang promisorry note ko at hindi na ako gustong tanggapin pa ng eskwelahan. Nawala rin nag scholarship ko because I couldn't maintain high grades. From time to time kailangan kong lumiban sa klase. Naging malabo ang mga pangarap ko, dahil hindi naging ganoon kadali ang lahat.

One night, Xander talked to me. Naglapag siya ng mga papel sa harapan ko. It was an agreement katulad ng pinirmahan nina Nani at Tati noon na magbabayad sila ng utang sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa mansion at kapag hindi nakabayad... ipapakulong niya ako.

Kasama ng isang agreement ang isang offer.

Escort...

50,000 every night. 100,000 if I would let him have sex with me plus bonuses if he liked my performance. Naalala ko kung gaano ako nagpuyos sa galit noon. I told him it was not my worth. Magbabayad ako ng utang sa ibang paraan.

I didn't hear anything from him. I accept it or not he didn't care. He didn't force me, he didn't touch me... even a single strand of my hair.

But 1 year after that... it just happened... I just did it with him.

Agad akong pumikit nang maramdaman kong may mainit na likido ang tumulo sa mga mata ko. This is my worth...

I couldn't look at myself in the mirror without feeling disgusted. I wasn't forced, I made a choice. I made the choice to give up myself, my purity my flesh...

Anong karapan kong umiyak?

Mahalaga ang bawat minuto sa akin. Lahat ng oras na natitira ay nilalaan ko sa trabaho.

"Hmm, ang daming customers!" ani Felix, "Iba talaga kapag nandito ka."

Napailing ako rito. I continued to prepare coffees for the customers.

"Vien," I called nang matapos ko iyong ihanda. Tumingin ako sa paligid. "Vien," ulit ko pero walang pa rin akong nakuhang sagot.

"Vieeen!" ulit ni Felix, mas malakas at may tono. Nang walang sumasagot ay bumaling ito sa akin. "Baka para sa'yo 'yan, girl? Mukhang ikaw lang naman ang nag-iisang Vien dito."

Tumingin pa rin ako sa paligid. Bumuntong hininga ako at nilagay ko na lang ang order sa isang tabi. Siguradong hahanapin rin iyon ng bumili.

Tinawag ko ang pangalan ng sumunod na customer. I never forgot to smile.

Mayamaya ay lumapit si Tan sa counter bitbit ang tray sa kamay niya.

"Vien, inumin mo na raw 'yung kape baka lumamig, tsaka kainin mo na raw 'yung cake."

Kumunot ang noo ko.

Napahagikgik naman si Felix. "Sabi ko sa'yo, girl para sa'yo! Iba talaga ang pinagpala ng ganda! Laging may laman ang tiyan."

"Who told you?" tanong ko kay Tan.

He shrugged. "Mukhang mayaman e, maganda 'yung sasakyan. Makintab. Mukhang mamahalin."

"Baka si Mr. Dela Vega, my baby," kinikilig na sabi ni Felix.

"That's impossible," sabi ko habang nagpe-prepare ng orders.

He won't do that. Wala na itong pakialam sa kung ano mang gawin ko sa labas pagkatapos ng duty ko sa kanya.

"Sabagay, masanay na tayo. Marami naman talagang dumaraan dito para lang silayan ka. Pahingi ng cake mamaya, ah."

"Ako din ha," sabi ni Tan.

Napailing na lang ako sa mga ito. Habang walang orders ay pasimple naming kinain ang cake sa ilalim ng counter.

Sa totoo lang ay hindi ko talaga problema ang pagkain. Most of the time ay may mga customers na nag-oorder para sa akin.

"Mabuti na lang at bet ka rin ni Mr. Reyes. Ayos lang sa kanya na susulpot at mawawala ka sa trabaho."

Napangiti ako nang bahagya. I was just thankful na nahanap ko itong coffee shop. Ilang beses na akong napalayas sa mga pinagtatrabahuhan ko dahil sa conflict ng oras ko. Minsan ay maaga akong nakakapasok dahil hindi ako sinama ni Xander sa lakad niya, minsan naman ay dalawang oras na lang ang pasok ko dahil hindi pa ako hinayaan ni Xander na umalis.

Sapat lang ang sahod para kumain ng dalawang beses sa isang araw at magbayad ng renta sa apartment.

Kinabukasan, maagang tumayo si Xander sa silya niya sa casino para sundan sa labas ang isang lalaking tumalo sa kanya sa poker.

Nagmamadali ko itong sinundan.

"Xander!" Pinigil ko ang dibdib nito nang akmang susugurin na naman ang lalaki na hawak sa magkabilang braso ng mga bodyguards niya.

Nagtatangis ang mga bagang nito sa galit. Hindi ko alam kung paano ko ito nahila palayo. Agad nitong binawi ang braso mula sa akin.

"You should not have stopped me," malamig na sabi nito.

"Xander, it's just a game—"

"It's not just a agame!"

Halos mapatalon ako sa malakas na sigaw nito. Sa nakalipas na taon, bilang lang sa daliri kong makita itong nanggagalaiti sa galit.

"I don't lose," madiing sabi nito.

He hated losing. I knew it was not about money. It was about losing. Pakiramdam nito ay naiputan siya sa ulo kaya halos mapatay niya na ang lalaki kanina.

"What's wrong of losing? Ganoon naman talaga ang sugal, hindi ba?"

"You don't know anything."

Ganoong ganoon ito kapag hindi nangyayari ang gusto. Para itong dragon na magbubuga ng apoy.

"Everything I want is for me! I should always win!"

"Just accept it—"

"No! I will kill that guy."

Napaawang ang mga labi ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin rito. "You are not a killer."

Binigyan ako nito ng matalim na tingin bago umalis sa harap ko. Damn.

"Xander!" Hinahol ko ito at humarnag sa harapan niya. "Can't you let it pass?"

"Get out of my way," madiing sabi nito.

I didn't get out of his way. Isang nakaka-sugat lang na tingin nag binigay nito sa akin bago ako lampasan. Napapikit na lang ako nang mariin.

Hindi ko pa rin ito hinayaang makaalis. Kinuha ko ang braso niya.

"Why don't you just... just do the game again."

Huminto ito. Bumaba ang tingin nito sa kamay kong nakahawak sa braso niya bagao bumaling sa akin.

"You are right... right," he said at binawi nag braso niya.

Humakbang ito palayo.

"Xander!" muling tawag ko rito at binilisan ko ang hakbang ko para sundan siya.

Nakita kong hinila ng mga tauhan niya papasok ng sasakyan ang lalaki. Wala na akong nagawa nang makaalis ang sasakyan ng mga ito.

Ilang sandali pa ang lumipas bago ako makapara ng taxi. Naisip kong baka inuwi nito ang lalaki sa mansion ngunit pag dating ko doon ay hindi ko ito nakita.

It was easy for him to hurt other people. Hindi niya kayang palampasin ang kahit isang pagkakamali, but then, he never hut me. My punishment was always about money.

"Hmm, what are you doing here?" Napatingin ako sa direksyon ni Ms. Teri. "May nangyari ba?"

Bumuntong hininga ako. "I don't know why he is so obsessed of winning."

Nanatili lang itong nakatingin sa akin.

"Papasok ka ba sa trabaho?" Kung hindi lang nito binangit ang tungkol sa trabaho ay baka nakalimutan ko iyon nang tuluyan. "Tsaa?"

Nanatili akong nakatingin rito. She turned her back at sumunod naman ako rito sa kusina.

"Kaunting taon na lang... makakabayad kana ng utang."

I didn't say anything. Nauna pa ito sa amin nina Nani at Tati sa mansion pero kahit kailan ay hindi kami naging malapit nito. She seemed professional. Ginagawa niya lang ang trabaho niya at hindi kasama roon ang pakikipag-kaibigan.

Tama na rito ang paminsan-minsang tipid na ngiti at paminsan-minsang pagbati sa akin. I still found it nice.

"Anong plano mo pagkatapos mong makabayad?" tanong nito.

Lumapit ito sa mesa dala ang dalawnag tasa ng tsaa sa kamay niya. Nilapag niya ang isa sa harap ko.

"I will continue my studies."

Bahagya lang itong tumango. "Wala kang planong mag-asawa?"

"Malayo pa iyon sa mga plano ko."

"You're already... 25?" she asked.

I nodded.

"Never had a boyfriend?" muling tanong nito.

I again nodded. Kinuha ko ang tasa sa mesa at sumisim sa tsaa.

"Alam mong hindi ka pipigilan ni Xander, hindi ba?"

I knew that. Alam kong walang kaso iyon sa kanya. He would let me do what I wanted as long as makabayad ako sa kanya at nadadaluhan ko ang gabi niya. Wala itong pakialam sa kahit anong relasyon na gusto kong pasukin.

"It's... complicated," sabi ko rito. She shrugged. Tumingin ako sa ibang direksyon, "and I don't think there's still someone out there that would..."

Hindi ko nagawang magpatuloy ngunit ito na ang gumawa para sa akin.

"Accept you for who you are?"

Hindi ko alam kung bakit kumirto ang dibdib ko. I already accepted the fact na wala ng taong tatanggap sa akin pagkatapos ng lahat ng 'to. It was totally fine with me. After all, si Nani at si Tati lang naman ang gusto kong tumaggap sa akin.

"Bakit gusto mo siyang sundan?" she asked.

"I... wanted to stop him."

"Do you think he will kill him?"

Bumuntong hininga ako. I don't know.

Just like everyone in the mansion, lahat sila ay mahirap bashain. Even her. Kilalang kilala nito si Xander na kahit wala akong banggitin sa kanya ay alam nito ang nangyayari.

We didn't bother to take our seats. I knew she was waiting for an answer.

"Labing limang taon mo na siyang kasama, do you think he's a bad person?" muling tanong nito.

I slowly shook my head.

"Bakit?" tanong nito at humigop sa tsaa.

"He's...fair."

"Fair," She nodded. "do you think he's a good person?"

Hindi ko alam kung bakit nanunuyot ang lalamunan ko. Hindi ko alam kung bakit tila mahirap iyong sagutin. Oo nga't 15 years ko na itong nakaka-halubilo pero hindi ko pa rin ito lubusang kilala. Pakiramdam ko ay kapiranggot lang ang nalalaman ko tungkol rito.

"Do you like him?"

Pakiramdma ko ay nanigas ako sa tanong nito. Napalunok ako.

She smiled a little at me. "As a peron?"

Agad akong napatingin sa tsaang ginawa nito. I didn't know why body reacted that way. Kinuha ko ang hawakan ng tasa at muling tumungin rito.

"He's like a... brother to me."

She nodded. "A brother?"

Muli akong napalunok. I didn't know why I said it. Pitong taon ang tanda nito sa akin. Kahit kung itrato ako nito na parang hangin kapag hindi niya ako kailangan sa kama, hindi ko alam kung bakit... parang kasama na ito sa abuhay ko.

Gusto kong pagtawanan nag sarili ko. Really, a brother?

"Do you care about him?"

Lalo akong nakaramdma ng pagkabog ng dibdib. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang reaksyon ng dibdib ko. Binaba ko ang tasa sa mesa.

It was just a simple question pero nakaramdma ako ng pagka-taranta.

"15 years ko siyang kasama..."

"So you mean you have feeling for him?"

"T-That's not what I meant..."

"So you don't have feelings for him?"

"That's not what I meant—"

Agad rin akong napatigil sa sarili kong sagot. Bahagya itong ngumiti. Hindi nawala ang kabog sa dibdib ko.

"Alam mo ba kung bakit hindi lumipad ang ibon pagkatapos buksan ng amo ang hawla niya?"

Nanatili akong nakatingin rito.

"It's too late..." Humigop ito sa tsaa bago muling magsalita. "The bird already loved the cage its in. It became its comfort."

Bahagyang umangat ang dulo ng labi nito bago humakbang. Nanatali akong nakatingin sa harapan ko hanggang sa magsalita ulit ito.

"Pero ang ibang ibon, pinipili nilang lumipad, pero hindi sila nawala, hindi sila naligaw. Pagkatapos ng mahabang araw na paglalakbay, bumabalik sila sa kulungan nila. You know why?"

Bumaling ako rito. I could not read anything from her eyes.

"Maaring minahal nila ang kulungan nila o di kaya'y... natutunan nilang mahalin ang nagkulong sa kanila."

avataravatar