2 Chapter 1

~(VIEN YSABELLE ESQUIVEL POV)

Napatingin ako sa itim na sapatos nito. Alam ko noong makintab iyon pero nadungisan iyon ng putik marahil patungo rito sa munting bahay namin. Kulay itim rin ang suot nitong medyas ganoon rin ang suot nitong trousers. Kulay puti ang suot nitong sleeves na tila ba walang ano mang gusot. Napalunok ako dahil mukhang mamahalin iyon pati na ang suot nitong itim na coat.

Mukhang plantsado rin ang suot nitong necktie na maayos na maayos na nakakabit sa kuhelyo nito. Nang umangat pa ang tingin ko, nakita ko ang itim na sumbrero na suot nito. Sa tingin ko ay nakatingin ito sa sapatos niyang narumihan.

"S-Sino po kayo?" tanong ko.

Hindi ito kumilos. Unti-unting umangat ang tingin nito sa mga mata ko. Napaawang ang mga labi ko nang makita ko ang kulay abong mga matang iyon.

Noon lang tumibok nang malakas ang dibdib ko. Para bang madilim ang mga mata nito na pinagtataguan ng maraming salitang hindi nabigkas ng mga labi.

Hindi agad ako nakakilos. Akala ko ay sa TV lang ako makakakita ng guwapong nilalang. Napaka-ganda ng mukha nito. Mapupula ang mga labi, matangos ang ilong, ang linya sa gilid ng pisngi nito ay tila nagpapatuyo sa lalamunan ko.

"X-Xander Dela Vega?" Narinig kong bigkas ni Nani mula sa likuran ko.

Nagmamadaling lumapit si Nani sa mesa at humila ng silya doon na puno ng pagkagulat.

"H-Halika, umupo ka..."

Inalis nito ang tingin sa akin at tumingin kay Nani. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Kahit saang anggulo ay maganda pa rin ang mukha at tindig nito. Lalo kong naramdman ng pagkabog ng dibdib ko.

"Vien anak, tawagin mo ang tati mo."

Muli kong sinulyapan ang lalaki bago ako tumakbo papunta sa silid kung nasaan si tati. Paglabas ng silid ay tila nagulat ito sa taong nakita. Hinala ako nito paupo sa sofa at sinabihan akong doon muna sandali.

Nakaupo na ang ginoo sa silya. Hindi ko maiwasang tumitig rito. Mukha itong mayaman— sobrang yaman katulad ng napapunod ko sa mga pelikula.

"Hindi ako nagbibigay ng mga bagay ng walang kapalit."

Tumindig lahat ng balahibo ko nang marinig ko ang makisig na tinig nito. Para bang may lamig at otoridad doon.

Hindi ko tinggal ang tingin rito hanggang sa mapansin ko ang pagsinghot ni Nani. May mga hawak itong papel.

"Li-limang daang milyon?"

Napasapo sa ulo si tati habang nanginginig ang mga kamay. "W-Wala kaming ganito k-kalaking halaga... Mr. Dela Vega."

Nakita kong gumalaw ang panga ng ginoo. "It's not my problem," malamig na sabi nito.

"H-Hindi namin alam na g-ganyan kalaki ang utang ni Viel..." nanginginig ang boses na sabi ni tati.

Hindi ko rin mapigilan ang pamamasa ng mga mata ko. Ayokong nakikita silang nalulungkot.

"S-Saan niya dinala ang ganito kalaking pera?"

"Gambling, women, drugs," malamig pa ring sabi ng ginoo.

Napahikbi si Nani. Agad naman siyang niyakap ni tati.

"Mr. Dela Vega, n-nakikiusap kami sa'yo, wala k-kaming pera... hindi namin alam kung saan kami k-kukuha ng ibabayad sa'yo."

Tumayo si Nani at inabot ang kamay ng ginoo para hawakan.

"Nakikiusap kami sa'yo, labandera lang ako at jeepney driver si Ben, marami pa kaming utang sa pagpapalibing sa anak naming si Viel—"

Binawi ng ginoo ang kamay. Kumuha ito ng panyo sa loob ng suot na coat pagkatapos ay pinunas iyon sa kamay niyang hinawakan ni Nani na para bang isang maruming bagay ang humawak sa kanya.

"Tatanggapin kita sa mansion, ikaw bilang driver, ikaw bilang labendara. Magtatrabaho kayo sa mansion hanggang sa mabayaran niyo ang utang ng anak niyo."

Mabilis tumango si Nani at Tati. Naiiyak na tumakbo ako payakap sa baywang ni Tati. Hindi ko alam kug bakit sila umiiyak.

"Bakit mo sila pinapaiyak? Wala ka sigurong Nani at Tati, 'no?" naiyak na sabi ko rito.

Dumilim ang mga mata nito. Nakita ko ang paghigpit ng kapit nito sa panyong hawak.

"Shh... Shh..." Agad haplos ni tati sa likod ko.

"S-Salamat, Mr, Dela—"

"At kapag hindi niyo nabayaran ang utang niyo," nanatili itong nakatingin sa akin nang matalim. "ang batang 'yan ang magbabayad ng lahat."

"Hindi.... hindi..." agad sabi ni Nani. "G-Gagawin namin lahat para makabayad."

"Ako na lang magbabayad!" sigaw ko rito. "marunong ako magluto at maglaba ng damit! Hindi mo ba sila nakikita? Mahina na sila!" Bumaling ako kay Nani at Tati. "Nani, Tati? Ilang piso po ba 'yung limang daang milyon?"

Umupo si Nani sa silya at marahang kinuha ang dalawang braso ko.

"Huwag mong isipin iyon. Ako ang bahala. Sina Nani at Tati ang bahala... bata ka pa, hmm?" Hinaplos nito ang buhok ko. "Maglalaro ka lang, mag-aaral ka lang... tutuparin mo ang pangarap mo para sa sarili mo. Magiging Engineer ka, hindi ba? Pagagawan mo ng magandang bahay sina Nani at Tati?"

Agad kong pinunasan ang luha ko nang tumulo iyon sa pisngi ko.

Limang taon rin silang nagtrabaho sa mansion na pagmamay-ari ni Xander Dela Vega.

Lumala ang ng pulmonya ni Nani at noong mamatay ito, lalong lumala ang tuberculosis ni tati. Lalong lumaki ang utang namin sa lalaking iyon. Lahat ng limang taon na pagtatrabaho nila sa mansion nawalan nang saysay...

Alam kong sobra silang nag-alala sa akin bago sila mawala. Alam nilang imposibleng mabayaran nila ang utang pero ginawa pa rin nila lahat. Pinasok nila ang iba't ibang trabaho para bigyan ako ng normal na buhay.

"Higad— este, Vien, pinapatawag ka ni Ms. Sabrina."

Agad kong pinigilan ang pamanasa ng mga mata ko nang marinig ang tinig ng isa sa mga katrabaho ko.

Simpleng tumawa ang mga kaibigan nito. I did not mind that dahil nasanay na ako sa mga ito. Isa pa, mababaw na lang iyon kumpara sa mga masasakit na salitang naririnig ko sa kanila noon pa.

Tumayo ako para puntahan ito sa opisina niya. Tatlong beses akong kumatok bago ako tuluyang pumasok sa loob.

Pagpasok ko pa lang sa loob ay nakita ko na ang nakataas na kilay nito.

"Absent ka raw yesterday? Bakit?"

"Do you have the right to know?"

Sarkastiko itong tumawa. "Alam ba ni Xander ang hindi mo pagpasok sa trabaho, huh? Hindi dahil absent siya ay may karapatan ka na ring umabsent."

"Kung gusto niyang malaman at kung may issue siya sa attendance ko, I'm sure he would check it himself."

"Really? Baka naman sinasadya mo lang umabsent para tumagal ka sa kompanyang 'to? Sa bahay ni Xander?"

"Believe what you want to believe, Sabrina."

Ngumisi ito. "Kahit anong gawin mo hindi ka magugustuhan ni Xander. You're just a poor little rat na pinulot niya sa dumi." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. "nasa loob na ng magandang building yet marumi pa rin."

Binagsak ko ang dalang folder sa ibabaw ng mesa niya. Tiningnan ako nito na parang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

"Pirmahan mo," malamig na sabi ko. "May iba ka pa bang conern?"

Nanatili itong nakatingin nang masama sa akin. Sa ilang taong nagtatrabaho ako sa kompanya ni Xander ay nakabisado ko na ang ugali niya. Alam ko kung anong kailangan niya at alam kong hindi mabubuo ang araw niya kapag walang lumabas na kahit anong insulto sa bibig niya para ibato sa akin.

She didn't say anything. I turned my back at lumabas ng opisina niya.

I worked at Xander's company para magbayad ng utang hindi para gustuhing magtagal sa kahit saang sulok ng bahay nito o para lang makasama ito ng matagal pa.

Umalis ang secretary niya noon kaya ako ang pinalit niya. Ikinainit iyon ng tumbong ni Sabrina like as if gustong gusto kong magtrabaho sa kompanyang puno ng pekeng mga tao. Akala yata nito ay ako ang nag-offer kay Xander na maging sekretarya niya.

She was always jealous.

Sabrina would not fire or even suggest Xander to fire me kahit ano pang gawin ko. Hindi niya iyon gagawin dahil gustong gusto niyang mabayaran ko na lahat ng utang ko kay Xander at makaalis na ako sa buhay nito.

Binilisan kong tapusin ang mga tinambak nitong trabaho bago ako magpunta sa restroom. Nagpalit na agad ako ng damit at inayusan ko na ang sarili ko.

Humugot ako nang malalim na hininga bago umalis sa harapan ng salamin. Pumara agad ako ng taxi paglabas ko ng building.

Naabutan ko si Xander sa couch drinking a glass of wine. Agad akong dumiretso sa walk-in closet nito. I put my thumb on the finger print scanner at dumiretso ako sa loob.

Kusang bumukas ang mga ilaw doon. Mabilis akong humanap ng damit na babagay rito. Kumuha ako ng itim na sleeves, pulang coat at trousers.

Nagmamadali rin akong lumapit rito.

He turned off the TV at nag-angat ng tingin sa akin.

"I-I'm sorry... I did a lot of work—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"I don't care," malamig na sabi nito. "I should always be on top of your priorities."

"I'm sorry," ulit ko.

"Where were you last night?"

"M-Masama ang pakiramdam ko..."

Nanatili lang itong nakatingin sa akin na walang kahit anong emosyon sa mga mata. I knew I had to explain more.

"Hindi na kita nasabihan, I... lost my phone."

Gumalaw ang bagang nito. Simple akong lumunok nang tumayo ito.

"Do it again."

I knew it was a warning. Simple akong humugot ng malalim na hininga.

Kinuha ko na ang laylayan ng damit nito at inangat iyon para hubarin. Hinubad ko ang sando na suot nito pagkatapos ay sinuot ko sa kanya ang sleeves na kinuha ko sa closet. Ako rin ang nagtanggal ng pajama niya at nagsuot ng trousers sa kanya. I did everything. Wala siyang gagawin but to cooperate with me. Trabaho ko iyon simula pa noon.

Bahagya kong pinagpag ang balikat niya at dumiretso sa pag-aayos ng necktie niyang kulay itim. Everytime I would do it iniiwasan kong tingnan siya. I was not comfortable kahit na... kahit na alam kong wala na akong kailangang itago pa sa kanya.

"Sandali lang," paalam ko.

Kumuha ako ng accessories nito. Lagi kong iniingatang hawakan ang mga iyon dahil napaka-mahal ng halaga ng mga jewelries niya. Ayoko nang dagdagan pa ang mga utang ko. Inayos ko rin ang buhok nito.

"You're ready," sabi ko nang matapos ko nang ilagay sa kanya lahat ng iyon.

"Where is my hat?"

"Uhm, yeah..." I turned my back para bumalik sa closet niya. Kinuha ko siya ng hat na kakulay rin ng damit niya.

Isusuot ko na sana rito ang hat pero inangat nito ang kamay. Napatingin ako sa hawak nito. A phone.

"I hate excuses," anito.

Marahan kong kinuha ko ang cellphone mula sa kanya. Kinuha naman nito sa akin ang hat niya at naunan nang lumabas ng silid.

We went to his favorite place. Casino.

Gabi-gabi siyang nagsusugal kahalubilo ang kapwa niya mayayaman sa mundo. Kasama ang mga taong walang ano mang pinoproblema kung hindi ang pagkatalo sa sugal. Pakiramdam ko hanggang ngayon, hindi pa rin ako nasasanay kahit napunta na kami sa iba't ibang casino sa bansa at sa iba't ibang bansa. Pakiramdam ko I really don't belong to them at hindi kailanman.

Hindi luxury ang happiness ko sa buhay, hindi katulad ng happiness nila. Hindi ako ang tipong magtatapon ng pera para lang sa gabi-gabing kaligayahan. I had no money to spend anyway.

My brother... Viel, once lived a life like them. Hindi niya man lang kami naisip nina Nani at Tati, na may pamilya siya, at kami lang ang pwedeng sumalo sa mga utang na ginawa niya for his own sake.

Sa tuwing naiisip ko siya ay hindi ko mapigilang magalit. Nagdusa si Nani at Tati dahil sa kanya. Lagi na lang siyang nagungutang kung kani-kanino. Lagi niya na lang gustong makuha lahat ng gusto niya. Si Nani at Tati pa ang takot sa kanya, natatakot sila na baka lumayas siya ng bahay, baka pagsalitaan na naman sila ng hindi maganda, baka maging rebelde siya kaya kahit hindi kayang ibigay pinipilit nila to the point na naibenta nila ang bahay at lupa para lang bilhan ng sasakyan si Kuya Viel but he endeed up in a car crash kung saan nagkaroon pa kami lalo ng malaking utang dahil sa pagpapagamot sa kanya.

Majority ng utang namin noon ay siya ang dahilan bukod pa sa utang namin sa pagkain para mai-survive ang isang araw.

Minsan naiisip ko na lang na sana ako ang unang ipinanganak sa kanya para hindi nasayang ang pagpapa-aral nina Nani at Tati sa kanya sa kolehiyo because he never enrolled. Nilusta niya lang ang pera na para sa tuition niya.

He was really such a dick.

Kung buhay lang siya, ako mismo ang sasakal sa kanya para mamatay na siya.

Nagulat ako sa mainit na kamay na humaplos sa hita ko. Tumingin ako kay Xander na nasa tabi ko. He was smirking habang nakatingin sa matandang kalaban niya sa poker. Mukhang maganda ang baraha niya, that was why.

Nagbulong-bulungan ang mga tao nang parehas nilang ipakita ang baraha nila. He won with 2 aces.

Mukhang disappointed ang matanda ganu'n pa man ay nagsimula sila ng panibagong laban.

Tinanggal na rin ni Xander ang kamay sa hita ko at hinawakan nito ang baraha niya.

"Excuse me," paalam ko.

He did not bother to give me a look.

Dumiretso ako sa restroom. Tiningnan ko lang ang mukha ko sa salamin. Gustong gusto ko ng makaipon sa mabuting paraan para makabayad ng utang sa kanya. Gusto ko nang mabuhay ng normal. I mean... I don't know.

Gusto ko lang na pagkatapos ng office hours, uuwi ako para magpahinga not to come to him elsewhere para lang maramdaman ko na out of place ako o wala naman talaga akong lugar sa mundo nila.

Ayoko na nang ganito. Ayoko nang maging hangin na lang. Ayong maging 'lang' lang. I wanted to be somebody, somebody na pinangarap kong maging ako.

I did not hate Xander even he never cared about me. He was always fair with me. Give and take. Hindi niya ako pinahirapan ganoon rin sina Nani si Tati noong nagtatrabaho pa ang mga ito sa mansion.

Pinigilan ko ang ano mang damdaming gustong sumakop sa akin. Iniwasan kong tingnan ang sarili ko sa salamin at lumabas na rin ng restroom.

Hindi pa ako nakakabalik kung saan siya nakaupo kanina ay nakita ko na siya sa di kalayuan. May kahalikan siyang isang babae habang nakahawak ang isang kamay niya sa isa pang babae.

He was a womanizer. May pinagkaiba pa ba silang mayayaman? That was their happiness. Their satisfaction.

Sinundan ko sila hanggang sa sa paglabas nila sa main exit. Nakaabang na ang sasakyan niya at ilang bodyguards.

Naunang pumasok ang dalawang babae sa sasakyan at sumunod siya sa mga ito. Hindi pa rin sinasara ng bodyguards ang pinto seemed waiting for me to also go with them.

Ilang beses niya ng ginagawa iyon. Leave me.

Sinara rin ng mga bodyguards ito ang pinto and leave.

Diretso lang ang tingin ko kahit wala na ang sasakyan sa harap ko.

"Misssss, iniwan ka na ng boyfriend mo. Heto..."

May isang lasing ang pagewang-gewang na lumapit sa akin. Naglabas ito ng makapal na pera mula sa coat niya

"Mas malaki ang kaya kong ibigay. Kahit isang oras lang ang service mo walang problema basta siguraduhing mong mag-e-enjoy ako--" I slapped him.

Tahimik lang kami ng taxi driver buong byahe papunta kung saan ako umuupa ng bed space. Nakapatay na ang ilaw at mukhang tulog na ang mga kasamahan ko sa loob.

Tinanggal ko ang heels ko pagpasok sa loob. Hindi ko alam kung bakit umupo agad ako sa sahig sa isang gilid without minding to open the lights.

Tinukod ko ang mga siko sa nga binti ko at sinapo ang mukha ko.

I felt so tired. Physically tired and emotionally tired.

Inipit ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ko at sumandal sa pader biting my lower lip. Bahagya akong tumingala.

Naramdaman ko ang mainit na likidong tumulo mula sa mga mata ko. Hindi ako gumawa ng kahit anong tunog.

I didn't trust myself anymore. Hindi ko alam kung bakit ang haba-haba ng araw-araw para sa akin. Kung bakit ang hirap tapusin ng isang araw.

I wanted o cry longer pero hindi maaari sahil hindi titigil ang mundo para damayan ako. Kailangan kong tumayo. Kailangan kong magbihis. Kailangan kong pumasok sa trabaho. Kailangan kong kumita dahil kailangan kong mabuhay.

"Isang latte," ang sabi ng customer.

I knew I had to forget all the pain, because I had to give my best smile. To survive.

avataravatar
Next chapter