11 Chapter 9

Bawi

"Hello, Amadeus? I'm ready na for tonight. What time will you be here?"

"Adrianna, I'm sorry but I can't go tonight. My mom arrived earlier and I have to go to the airport to get her. I'm sorry."

"It's okay. Let's just move this."

Sayang naman at naka-ready na ako. Sayang ang makeup at pag-bibihis ng magandang damit. Naisip ko na lumabas na lang rin ako mag-isa. Bumaba ako sa bar ng hotel. Umupo ako sa may bar at nag-order ng isang baso ng Red Wine. Nag picture din ako.

Naka dress pa naman ako ngayon. Sayang at hindi natuloy ang dinner. Uminom din ako ng margarita, martini, vodka. Sayang naman ang gabi kung hindi ko lulubusin. Nang naramdaman ko na medyo natatamaan na ako ay sumayaw ako sa dance floor.

"I told you to stay at the hotel and don't go." Dinig ko sa isang boses ng lalaki.

"It's my life! I can do whatever I want."

"Didn't you see the eyes of the people around you? They are all staring at you."

"No and I don't really care."

"I'm taking you home, Let's go." Hinatak niya ako. Hindi na ako nakapalag dahil masyado siyang malakas. Naramdaman ko ang muscles niya!!! Shet! Ano ba ito?

"Where's your keycard?" Tanong niya nang nasa tapat na ako ng kwarto ko.

Hindi ko na maalala kung saan ko nilagay ang keycard ko. Baka nalaglag ko iyon habang sumasayaw ako.

"Never mind." Dinala niya ako sa kwarto niya at inupo niya ako sa couch.

Nahihilo na ako dahil siguro sa halo-halong alak na nainom ko. This is not good, Addie. No good.

"Inumin mo iyang kape, Nang mahimasmasan ka."

Hindi naman gaanong mainit ang kape na ito kaya nainom ko agad. My hands were a bit shaky dahil siguro nahihilo talaga ako.

"I have a t-shirt and shorts here. You can borrow it." Sabi niya habang iniaabot sa akin.

"Why are you acting like you care for me? May pakialam ka ba sakin?"

"Yeah."

Ha? Tama ba yung narinig ko? O

may bumubulong lang sa akin?

"Alam mo ba na naiinis ako sayo?"

"Bakit naman?" Tanong niya habang nakaupo sa tapat ko.

"Kasi ang sungit mo sa akin. Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin. Sa ibang babae naman ay tumatawa ka tapos sa akin para kang nireregla."

"Ano ba ang gusto mong gawin ko sayo?"

"Anong bang gagawin ko para magustuhan mo ako?"

"Act like a woman. Avoid wearing revealing clothes, Ms. Zamora. I want my girl reserved for my eyes. Lalo na iyang dress mo na yan, it's killing me."

"K-Killing you?"

"It makes me wanna do something that I don't want to do."

"What is it, Mr. Buenavidez?"

"I wanna touch you, Miss Zamora." Lumapit siya at bumulong sa akin. Parang nararamdaman ko na umiinit ang pisngi ko.

"If you want to be my girl, Act like a woman. Ayoko ng sumasama ka sa ibang lalaki lalo na kay Amadeus. You don't know him well, Ms. Zamora."

Kinuha ko ang puting t-shirt niya pati na rin ang boxers niya. Matangkad talaga si Zach, kahit na 5'8 ang height ko. Siguro mga 6-footer siya.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko na nakaupo siya sa inuupuan ko kanina. Tinapik niya ang bakanteng parte sa tabi niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo doon. Tinitigan niya ako at hinawakan ang kanang pisngi ko.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"Wag ka ng iinom nang hindi ako kasama. Mapapahamak ka niyan."

"Inaantok na ako."

"Matulog ka na. Dito ka sa akin." Turo niya sa mga braso niya.

Lumapit ako at sumandal sa kanya at tuluyan na akong nakatulog. Gusto ko pa sanang kiligin pero babagsak na ang ulo ko sa antok.

Nagising ako na wala na ako sa huling pwesto ko kagabi. Nagising ako na nasa kama na ako. Malabo ang mga naaalala ko sa nangyari kagabi. Nakakumot ako at nagulat na wala akong katabi sa kama.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko. Shit! Hangover! Ang bigat ng ulo ko. Nakita ko ang isang lalaking natutulog sa sofa. Nakakahiya naman! Siya pa itong nag-adjust para sa akin.

"Zach, I'm sorry. Matulog ka na sa kama. Okay na ako."

"Hey, Good Morning. It's okay. Nagising na rin naman ako. Dito ka na mag-almusal. Magpapakuha na lang ako ng key card mo."

"Thank You." I smiled.

Pumasok ako sa bathroom para maghilamos. Nag mouthwash din ako. Tinali ko ang buhok kong magulo.

Pagkalabas ko ay nakita ko na may kausap siya sa telepono. Umupo akong muli sa sofa kung saan siya nakaupo.

"Anong gusto mong breakfast?" Tanong niya sa akin.

"Kung ano na lang ang sayo." Nahihiya kong sagot.

"Masakit pa ba ang ulo mo?" Tanong niyang muli sa akin.

"Medyo."

"Meron akong gamot diyan. Inumin mo yun pag nakakain ka na ng almusal. Pinakuha ko na rin ang key card mo."

"Thank You."

May nag doorbell sa kwarto niya at siya ang nagbukas nito. Kinuha niya ang tray imbes na papasukin ang nag dala nito para siya ang mag-ayos.

"I can't let him in. Baka makita ka niya na ganyan ang suot. Hindi pwedeng ganyan ang suot mo kapag makikita ka ng ibang tao."

Sabay kaming kumain ng almusal at siya na rin ang nagligpit nito.

"Ito na yung keycard mo. Mas mabuting magpahinga ka na lang muna ngayon. Ako na lang ang pupunta sa site at bukas ka na lang uli magpunta doon."

"Sigurado ka bang okay lang? Baka kasi maapektuhan yung record ko kapag nag-absent ako eh."

"Okay lang yun tsaka may excuse ka naman eh. Balik ka na sa kwarto mo para makapag bihis ka na."

"Sige, Salamat ah." Paalam ko.

Pagkabalik ko ng kwarto ay doon ko binuhos ang kilig na naramdaman ko kagabi. Binalik-balikan ko ang mga sinabi niya kagabi. Shit! Hindi ko mapigilang hindi tumili! Nakakaloka!

Kung gaano siya ka-sungit sa akin ay triple ang pagiging sweet niya at maalaga. Sana tuloy tuloy na ito! Sana eventually maging boyfriend ko ang crush ko!! Grabe kilig!

Naligo na ako at nagpalit ng damit. Naka pambahay ako na shorts at t-shirt. Nagpahinga lang ako buong araw.

Habang nanonood ako ng tv ay biglang nag ring ang phone ko.

"Addie? Anak? What happened to you? We've been calling you."

"Mom, Sorry. Nakatulog ako ng maaga kagabi at naka silent ang phone ko."

"Why? Were you busy at work?"

"Yes, Mom. I'm in Bologna. May project ang kumpanya dito and malayo layo din ang biyahe kaya po napasarap ang tulog ko."

"Okay, Anak. Here's you Dad." Binigay ni Mommy ang phone kay Daddy.

"Adrianna, How's Rome?"

"It's great, Dad. I'm in Bologna right now and there's an ongoing project here. I was assigned to make a sample plan for that."

"Very good, Anak. I hope you do well in your internship. I'll have to go to the office. I'll talk to you soon."

"Okay, Thanks, Dad. Kiss mom for me please." Paalam ko.

I miss them so much. Kahit yung mga pagsigaw sa akin ni Daddy. Yung mga bulyaw ni Dad tuwing may issue ako sa Pilipinas. Lalo na ang pag-lambing ni Mommy sakin.

Kinagabihan ay naisip ko na mag dinner sa baba. Pero magbibihis pa lang ako ay may kumatok sa pinto.

"Hey, I was wondering if you still wanna have dinner with me?"

Akala ko si Zach na. Yun pala ay si Amadeus lang.

"I'm sorry, But, I still have work to do."

"Or maybe I could just stay in your room and have snacks with you."

Naawa ako sa kanya dahil malayo pa ang pinanggalingan niya. Pinapasok ko siya at niligpit ang ilang gamit ko. Nag-order siya ng pizza at kinain namin ito sa kwarto.

Habang nagkukwentuhan kami ay may kumatok na naman sa kwarto ko. Sino naman kaya ito?

"Zach?"

"Addie, I didn't know you were busy. I'm sorry, I'll just come back."

"No, Zach. H-He just came by and he asked if we cou—"

"No need to explain."

"Zach, No."

Bumalik na siya sa kwarto niya.

"Amadeus, Can you come back next time? I'm just not feeling well now."

"Oh okay. I'm sorry, I'll go now."

Ngayon iniisip ko kung paano ako makakabawi sa kanya? Alam ko namang ayaw niya ng ganoon ay ginawa ko pa rin eh. Gusto kong makabawi sa kanya.

avataravatar
Next chapter