17 Chapter 15

Meet the Parents

Gumising akong muli ng maaga para ipagluto ng almusal ang mahal ko. Siya na rin kasi ang nag-ligpit ng mga ginamit namin na plato at mga kinain namin kagabi.

Nilabas ko ang bacon, egg, at mushroom soup mula sa pantry. Nang matapos na akong magluto ng bacon, egg, at garlic rice ay niluto ko na ang french toast.

Pinaghalo ko ang egg, vanilla extract, at fresh milk sa isang bowl. Ni-dip ko ang tinapay sa mixture na iyon. Niluto ko ito sa kalan at mga apat na piraso ang niluto ko.

Hinanda ko na rin ang butter at syrup para sa tinapay. Gumawa na rin ako ng kape gamit ang coffee maker. Ngayon ko lang nagamit itong coffee maker dahil lagi akong sa labas na at bago pumasok sa office nag-kakape.

"Good Morning, Babe! I made you breakfast and I hope you like it."

Bungad ko sa kanya.

"Thank You!" Hinalikan niya ako sa labi. Umupo siya sa tapat ko at binigyan ko siya ng plato at kubyertos.

"I didn't know that you are good in the kitchen, Babe." Puri niya sa akin matapos tikman ang tinapay.

"Ngayon lang naman. I'd love to know everything and learn things just for you." Lambing ko.

"Oo nga pala, Nag-invite si Mama sa bahay mamaya. Do you want to come?"

"Y-Yeah, Sure! What time?"

"Hmm, Maybe for dinner. Pero pumunta daw tayo ng maaga dahil gusto daw tayo makilala ng maigi ni Mama. Masyado ata siyang natuwa sayo nung nakaraan."

"I'm excited! May gagawin ka ba later?" Tanong ko.

"Hmm, Wala naman. Why? Sunday today so no work."

"Can you help me? I wanna give something to your family."

"Hmm, Sure. How can I help?"

"Sino sino ba ang nasa bahay ninyo? I mean sino ang kasama ng Mommy mo?"

"Si Daddy at yung kapatid kong babae. Parehas kaya kayo ng personality. Mahilig siya sa makeup."

"Really? Mukhang magkakasundo kami. Parehas kaming kikay eh."

"Gusto mo mag mall? May kailangan din akong bilhin."

"Sure! Mag-aayos lang ako."

"Okay, Go ahead, Babe."

Papunta ako sa kwarto at biglang tumunog ng malakas ang phone ko.

"Mommy?"

"Yes, It's me, Anak. Your dad wants to see you. Can we meet for lunch? Isama mo daw si Zacharius."

"O-Okay, Mommy. I'll see you."

Tinawag ko si Zach at pumasok siya sa kwarto ko. Sinabi ko na gusto kaming makita ni Mommy at Daddy. Kaya siya naman ay agad ng gumalaw at nag-ayos na rin.

Ako ay nag-suot ng kulay puting bodycon dress na pinares ko sa kulay nude ko na pumps. Si Zach naman ay nag white three-fourths na sleeve at denim shorts.

"Ready ka na ba?" Tanong ko sa kanya nang pababa na kami ng sasakyan.

"Yes and I hope it'll be great."

"I'm sure they'll like you. Pagpasensyahan mo na lang si Dad kasi ganun talaga yun. Si Mommy naman ay talagang malumanay."

Hindi ko binitawan ang kamay habang naglalakad kami papunta ng restaurant sa mall. Nararamdaman ko ang kaba niya kahit hindi niya sabihin.

"Calm down, Babe. Kaya mo 'to. Kaya natin 'to. I'm here and I love you."

Pumasok na kami sa restaurant at sinundan ang waitress na itinuro kung saan nakaupo sina Daddy.

"Dad, Mom." Nag-beso ako sa kanilang dalawa.

Nakipag-kamay si Zach kay Daddy at si Mommy naman ay niyakap siya at nag-beso pa.

Umupo kami sa tapat nila Mommy at Daddy. Hindi bumibitaw ang mga kamay naming dalawa ni Zach. Para kaming nasa meeting with a very essential client.

"How's your relationship? How did you meet?"

"We met in h—" Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni Zach.

He told Mom and Dad about how we met and how our relationship work. I can feel that he's really trying hard and really making an effor for Mom and Dad to like him.

Mom was surprised. She is in awe after she heard our story. Well, Dad, he seems good, but you can still see that he has doubts.

"Mr. Zacharius Buenavidez, How much do you love our daughter?" Tanong ni Daddy na ikinakaba ko.

"If only I could say how much I love her then I would, Sir. She's a gift given by God. I love her so much that I would do everything just to make her feel how much I love her."

"Then, I am hoping that you would really take good care of her. Do you have plans after this?" Dad asked.

"Yes, Dad. We're gonna meet his parents for dinner."

"Okay, We have to go at kakausapin namin ang mga kaibigan ng Dad mo dito sa Rome."

"Thank You, Mom, Dad. I'll see you later."

Nag-volunteer si Zach na siya na ang magbabayad ng kinain namin. Sa totoo lang, Mas gumaan ang loob ko lalo na nang nakilala lalo ni Daddy si Zach.

"Hey, Babe! Wala na sila. Why are you still shaking?"

"I'm just happy. Sana maging maayos na kami ng Dad mo. Your mom is really nice and I can feel how warm she is to me."

"Let's go? Bili na tayo ng ibibigay ko sa family mo."

Una akong pumunta sa isang makeup store. Naisip ko na bilhan ang kapatid ni Zach.

"Babe, Kailan ba birthday ng kapatid mo?"

"Ngayon, That's why Mom is inviting us."

"Okay, So I'll have to buy her a gift today."

Pinili ko ang eyeshadow palette na may 10 shades. Sana ay magustuhan ito ng kanyang kapatid. Sinamahan ko na rin ng kulay light pink na lipstick.

Bago kami pumunta sa bahay nila ay bumili kami ng cake para may madala kami para sa kanila. Strawberry Shortcake ang pinili namin ni Zach.

It's 4 in the afternoon. Palapit na rin kami ng palapit sa bahay nila. Kaya ako naman itong kinakabahan. Nag-suot ako ng denim jacket bago kami pumasok sa bahay nila.

"Don't worry, Mamahalin ka nila dahil kamahal-mahal ka." He kissed me on my forehead.

I took a deep breath and took my steps going inside their home. Maganda ang bahay nila at napaka-lawak din. Mas malaki lang ng kaunti ang bahay namin sa kanila. Grabe, Ang ganda sa loob.

"Mama, Dad, Milan! We're here."

Sigaw ni Zach pagkapasok namin.

"Oh, Son!" Niyakap ng isang babae si Zach.

"Well, I guess you have to introduce this girl you have for us."

Tumingin ang Mama ni Zach sa'kin.

"Good Afternoon, Ma'am! I am Adrianna Teresa Zamora and I am your son's girlfriend po." Pakilala ko sa sarili ko.

"Oh, Hija! Don't call me 'Ma'am'. Call me Mama, okay? I am Zafrina, Zach's mom." Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Okay po, Mama." Ngumiti ako.

"Kuya! You're here!" Tumakbo ang isang magandang babae na may maikling buhok kay Zach at sabay yakap sa kanya.

"Happy Birthday, Baby Girl!" Hinalikan ni Zach ito sa noo.

"By the way, This is your Ate Adrianna. She's my girlfriend." Pakilala sa akin ni Zach kay Milan.

"Hi, Ate!" Bati niya sa akin at sabay yakap.

"Hi, Milan! Happy Birthday!" Bati ko sa kanya sabay abot ng regalo.

"Wow! Thank You!"

Nagulat ako nang may isang matikas na lalaking lumapit sa amin. Grabe! Para silang mga artista, Isa-isa silang may grand entrance pababa ng staircase.

"Dad." Nag-yakapan sina Zach at ang lalaking kararating lang.

"Buti nakarating ka ngayon. I heard you're always busy."

"Yeah, I'm busy. But, I am here for Milan's birthday."

"Hey, Milan, Do you know that your Ate Addie is really good in doing her makeup."

"Really, Kuya? Can she come with me up to my room? Maybe she could do my makeup."

"Babe, Is it okay?" Tanong ni Zach.

"Yes, Of course. Let's go, Milan?"

Sinama ako ni Milan sa kanyang kwarto. Napaka-ganda rin ng kwarto niya. Puro pink and mint green ang kulay sa paligid. Mayroon din siyang makeup mirror.

"I'm sorry, It's a bit messy. I was trying to prepare before you and Kuya arrive."

"It's okay. Do you want me to help you with your makeup?"

"Really? Yes!" Nilabas niya ang kanyang mga brush at blender.

"Okay, So, Before you put on your makeup, You should at least put primer on your face so that it would protect your skin. But if you don't have a primer, A moisturizer will do just let it dry first."

Sinunod ko ang paglalagay ng foundation sa kanya. Light lang ang nilagay ko sa kanya kasi baby-face siya eh. Tapos pressed powder na lang ang ginamit ko sa kanya.

Then ni-brush ko lang ng kaunti ang brows niya then nilagyan ng brow gel. Nagulat ako na ganito na rin ka-rami ang tools and makeup niya. Sobrang organized din nito.

"Can you use this gift you have for me in my eyes?" Tanong niya.

"Yes, Sure!"

Pinili ko lang ang earth colors sa palette at pinatungan ng bronze ito. Ni-curl ko din ang eyelashes niya. Then I chose a color for her lipstick na sakto lang sa age niya which is watermelon pink.

I sealed her makeup with my finishing spray na nasa bag ko. Then, Nag request din siya na ayusan ko siya ng hair. Ang cute tuloy naming dalawa kasi parehas kaming kikay at pinag-usapan pa namin ang tungkol sa crush niya. Ang sweet niyang bata and she just turned 16 today.

I braided her hair na parang pa-headband at ni-curl ko ng kaunti ang ends ng hair niya.

"Ecco!" Sabi ko nang matapos ko na siyang ayusan.

"Wow! You're really good, Thank You!" She hugged me.

"Your welcome. Come on, You should get dress now."

Ako naman ay nag pressed powder at dinagdagan ang lipstick ko sa labi. Sinuklay ko ang buhok ko. Nag pabango din ako.

Lumabas si Milan mula sa kanyang bathroom. She is wearing a simple red dress. Saktong sakto sa makeup na ginamit ko sa kanya.

"Wow! You really look like a princess, Milan! Let's go?"

"Thank You, Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko.

Paglabas namin ng kwarto niya ay natanaw ko na ang dami ng tao sa labas. Kanina ang mga staff at pamilya lang ni Zach ang nandito.

Kaya mo ito, Addie! Go! Make them love you. Mamahalin ka nila dahil nagbago ka. Hindi na ikaw ang dating Addie na kilala ng tao. They will love you now, Addie!

avataravatar
Next chapter