16 Chapter 14

Surprise

Nababagot na ako sa bahay dahil sabado ngayon at nandito lang ako. Si Zach ay nasa office ngayon at may emergency meeting daw.

Naiwan akong mag-isa dito sa bahay. Tanghaling tapat ay naka-dikit ako sa sofa sa sala. Nanood lang ako ng tv at movies.

Pumasok ako sa kwarto ko at dapat ay matutulog ako. Biglang nag-ring ang phone ko.

"Hello, Zach? Hmm, Tapos na yung meeting ninyo?"

"Yes, Tara alis tayo. Mag ready ka na. I'll be there in an hour."

"What? Really. Okay, Mag-reready na ako. See you! I love you!"

Nag-bihis na lang ako dahil naligo na ako. Nag black t-shirt ako at kulay dark blue na jeans ang suot ko. Nag kulay black ako na sandals. Nag sunscreen, powder, at lipstick lang ako.

Nang nag text na siya na nasa baba na siya ay lumabas na ako ng apartment at nakita ko na nakaparada na ang sasakyan niya.

"So, Saan mo gusto?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw bahala. Take me somewhere I haven't been before."

"Okay, Sabi mo eh." He winked.

Sagliy lang kami namalagi sa sasakyan dahil malapit lang pala ang pupuntahan namin.

Oh. My. Gosh. I'm in Trevi Fountain.

"Babe, Ang ganda. Sobra." Puri ko sa nakita ko.

"Gusto mo mag-picture?" Tanong niya.

"Y-Yes, Babe."

Ngumiti ako sa camera at nag pose. Sobrang mangha ako dito sa Trevi Fountain. Napaka ganda.

"Babe, Sama ka." Tawag ko sa kanya at nag-picture kami.

Ang pogi talaga ng boyfriend ko at mahal na mahal ko ito. Naka smile ako at siya naman ay nag-kiss sa cheeks ko habang nag-pipicture.

Pagkatapos namin maglakad-lakad saglit ay umalis na rin kami at dinala niya ako sa isang lugar na nakikita ko lang sa mga libro ko. Lalo na sa subject na history.

"B-Babe, Is this the Colosseum?" Tanong ko.

"Yes. Tara? Kuhanan kita ng mga litrato."

Pumasok kami sa loob at nakita ko kung gaano kaganda ang lugar na ito kahit ruins na ito.

"Grabe, Zach. Dati nakikita ko lang ito sa mga libro ko sa school. Tapos, Ito na. Totoo na siya."

"Dreams do come true, Addie. You're a dream come true to me."

"Happy First Month, Zach."

"Happy First Month, Addie."

Niyakap ko siya at pagkatapos ay nagpakuha naman kami ng litrato. Tapos ay nag-aya na siya na kumain ng meryenda dahil ang huling kain pa naming dalawa ay tanghalian.

Dahil gutom ako ay kumain ako ng pasta aglio olio at garlic cheese bread. Si Zach naman ay nag grilled chicken at nag margherita pizza siya.

"Ilang beses ka ng nakakapasyal sa mga pinuntahan natin kanina?" Tanong ko habang kumakain kami.

"Isang beses pa lang."

"Huh? Kailan yon?" Pagtataka kong tanong.

"Kanina lang." Ngumiti siya.

"Ibig sabihin, First time mo din mamasyal sa mga pinuntahan natin?"

"Hmm, Yep." Ngumiti siya.

"Why? You've stayed here for so long. Why didn't you tour?"

"Because, I promised myself that I would not go on those places not until I am with the person that I love. You are finally here and I can finally tour Rome with you."

"I love you, Zach." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

Pagkatapos namin mag-meryenda ay namasyal pa kami. Medyo ginabi na kami dahil sa dami ng pinasyalan namin kaya naisipan namin na maglakad-lakad na lang kami bago unuwi.

"Are you happy?" Tanong ni Zach sa akin.

"Yes, I am very happy. Thank you for making me happy."

"Thank You for coming into my life. You made my days and life better."

"Uwi na tayo. I know you're tired for today. Stay ka na lang sa apartment ko."

"Okay, Let's go." Hinalikan niya ako sa noo.

Siya ang nag-maneho pauwi. Gusto ko sana na ako ang magmaneho pero wala pa akong driver's license dito sa Rome. Dumaan kami sa isang cake shop bago umuwi, naisip namin na mag movie marathon pag-uwi.

"Anong flavor gusto mo? Treat ko, Promise!" Sabi ko sa kanya.

"Gusto ko yung Tiramisu. Tapos bili din tayo ng ice cream."

"Okay, Sure."

Nag-order na ako ng isang whole cake ng Tiramisu. Tapos dalawang solo size na ice cream. French Vanilla ang kinuha ko at Chocolate naman kang kay Zach.

I know we'll enjoy tonight. Excited na ako makasama siya ng isang gabi na naman. Balak ko sana na manood kami ng Horror or Comedy Movie kasi ayaw namin ng Romantic Movies masyado.

Dinala ko na ang box ng cake dahil nag park pa siya. Dala naman niya ang ice cream na binili namin.

Kinuha ko ang keycard ko mula sa bag ko. Ni-tap ko ito sa may sensor sa pintuan ko.

Laking gulat ko na pagka-bukas ng pintuan ko ay nay nakita akong dalawang taong nakaupo sa sofa. Akala ko ay multo.

"Surprise." Walang buhay na sinabi ni Daddy.

"Mom? Dad?" Gulat na tanong ko sa kanila pagkapasok ko.

"It's almost 9 in the evening, Lady. Where have you been?"

"K-Kailan pa kayo dumating? I'm sorry, Namasyal kasi kami kanina."

"Well, Then, I guess hindi mo nabasa ang mga messages namin. We've been calling for how many times already, Adrianna."

"S-Sorry, Dad."

"Hindi mo ba ipapakilala sa amin ang kasama mo, Anak?" Malumanay na tanong sa akin ni Mommy.

Nilapag ni Zach ang mga dala niya. Nagsimula siyang magpakilala kila Mommy at Daddy.

"Ma'am, Sir, I am Zacharius Ainsley Buenavidez. I work in the firm where Adrianna is an intern." Naglahad siya ng kamay para kina Mommy at Daddy.

"It's nice meeting you, Zacharius."

Tinanggap ni Mommy ang kamay ni Zach.

"And ano ka ng anak ko?" Matigas na tanong ni Daddy.

"I'm her boyfriend, Sir." Tumingin siya sa akin.

"Since when did you have a boyfriend, Addie?" Tanong muli ni Dad.

"J-Just last month, Dad."

"Hmm, Last Month? I'd like to hear about it soon. But I want to talk to my daughter."

"Of course, Sir. Addie, I'll go now. I'll see you tomorrow."

Niyakap ko siya at nagpaalam. Tumingin naman ako kina Mommy at Daddy na nasa harapan ko ngayon.

"What the hell is that Adrianna?" Galit na sinabi ni Daddy.

"What? That I have a boyfriend? Dad, Why are you acting like this?"

"Pinapunta kita dito para mag intern hindi para mag boyfriend."

"Dad! Just don't talk to me tonight. Sana hindi na lang kayo pumunta dito kung ganito lang kayo sa'kin."

"I'm so disappointed. Akala ko ay maabutan kitang galing sa trabaho. Yun pala ay nakipag-date ka lang."

"Dad, I know you're always disappointed. I know that I am a big disappointment. Hindi mo na kailangan ipa-mukha sa akin." Sabay pasok sa kwarto ko.

Nag-text ako kay Zach.

Babe Zach Buenavidez:

Babe, I'm sorry about tonight. Wala na sila Mommy at Daddy bumalik na sila sa hotel.

Nagulat ako na may biglang kumatok sa pintuan ko. Binuksan ko ito at natuwa ako sa nakita ko.

"Are you okay?" Tanong niya sa akin pagkapasok niya sa loob.

"Yeah, I'm just really tired."

"Itutuloy pa natin yung movie marathon?" Tanong niya.

"Yes! Magpapalit lang ako sa pangtulog ko."

Naligo na ako at nag pajamas. Suot ko ang kulay mint green ko na Pajamas. Pagkatapos ko ay nakita ko na naka white t-shirt ay boxers na siya at naka set-up na rin ang papanoorin namin.

Nilabas ko naman ang cake na binili namin mula sa fridge.

Sana ay maging maayos sina Daddy at Si Zach. Sana ay magustuhan nila si Zach dahil napaka buting tao niya. Pero laking gulat ko at pala-isipan pa rin sa akin kung bakit nandito sila Mommy at Daddy.

Bakit kaya sila nandito? Ano ang sadya nila sa akin?

avataravatar
Next chapter