14 Chapter 12

I can kill you.

"I-I love you too, Zach."

Pinikit ko ang aking mata at mas dinamdam ang bawat segundong ang labi niya ay nasa labi ko.

Binuksan ko ang polo niya na may butones. Habang siya ay abalang binababa ang zipper ko mula sa likod ko.

Nararamdaman ko na ang init ng kanyang mga kamay sa likod ko. Naka-hawak naman ako sa dibdib niyang matigas. Wala na siyang suot na t-shirt kaya kita ko na muli ang mga nagliliwanag niyang abs.

"Z-Zach. Wait lang."

"Mamaya na yan."

"Y-Yung phone mo, Zach."

Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa akin. Hinaplos niya ang dibdib ko. Bawat haplos na iyon ay parang bibigay na ako.

Nasa kalagitnaan kami ng init ng gabi nang tumunog uli ang phone niya.

"Zach, Sagutin mo na. Baka kasi importante yan."

Tumango siya ay inayos ang sarili niya. Sinagot niya ang tawag nang hindi bumibitaw sa yakap mula sa akin.

"Hello? Yes, It's me. Huh? Okay, Thank you for informing me." Dinig kong sabi niya sa phone

"Ano daw yun, Zach?"

"It's actually for you. You are invited to join in the summit for interns here in Rome."

"W-What? Really?" Napatili ako sa tuwa at excitement.

"You deserve it, Babe." Hinalikan niya ako.

"Thank You!"

"So, Pwede na ba natin ituloy ang naudlot na pangyayari?"

Hindi ako sumagot at niyakap niya ako at pinagpatuloy ang ginagawa namin kanina. Medyo nabitin ako kanina kaya natuwa akong natuloy naman iyon.

Nakatulog ako ng mahimbing pagkatapos non. Pinilit ko na ako ang maunang magising para makapag-luto ng almusal para sa kanya.

Tinignan ko ang laman ng fridge niya. Kinuha ko ang bacon, eggs, at leftover rice kagabi para gawing fried rice.

Una kong niluto ang bacon, medyo napalakas ang apoy kaya natalsikan ako ng mainit na mantika sa braso ko. Sinunod ko ang fried rice, at hinuli ang eggs.

Nang tapos na ako magluto ay gumawa ako ng toasted bread para sa kanya. Nag-hilamos ako at nag toothbrush para maayos naman ang mukha ko pag-gising niya.

"Good Morning, Babe!" Bati ko sa kanya.

"G-Good Morning, Addie!" Bati niya sa akin paglabas niya ng kwarto. Wala siyang suot na t-shirt at naka boxers lang.

"Kain ka na. I made breakfast for you. By the way, Do you want coffee?"

"Yeah, Sure." Nagtimpla ako ng mainit na kape para sa kanya.

"May paso ka sa braso." Sambit niya nung inabot ko sa kanya ang kape niya.

"Ah, Wala yan. Naparami lang ng mantika."

"Next time, Hayaan mo na ako na lang ang magluto ah. Ayaw ko ng napapaso ka o nasasaktan ka."

"Hmm, Okay lang naman sa akin gusto ko rin kasing pagsilbihan ka. Kain na tayo?"

Inabot ko sa kanya ang fried rice pati na rin ang ulam. Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam ako na pupunta sa isang mall para makabili ng damit ko. Hindi pa rin kasi ako nakakapasyal sa mga mall dito.

"Sasamahan nalang kita."

"Sige pero sure ka na wala kang gagawin ngayon sa work?"

"Yup tsaka mas gusto kong makasama ka, baka kasi pumaligid na naman ang mga lalaki sayo." Masungit niyang sinabi.

"Nako! Ito naman, Nagseselos." Natutuwa kong sinabi sa kanya.

"Wala eh, Gusto lang kitang protektahan at ayaw kong maagaw ka nila sa akin."

"Thank You for making me feel this special, Zach." Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

Nagbihis na siya at ako naman ay naghintay dahil sasama siya sa akin pauwi sa apartment ko.

"Hintayin mo na lang ako dito. Grab some snacks nalang dyan ah. Maliligo lang ako at magbibihis."

Paalam ko sa kanya.

"Sigurado ka, Hindi mo na kailangan ng kasama sa loob?"

"Shh!" Pinalo ko siya sa dibdib at sa kanyang brado.

"Aray naman!"

"Masyado ka kasing ano eh! Dyan ka lang ah."

Pumasok na ako sa bathroom at nagsimula na akong maligo. Pinili ko yung kulay puti ko na long sleeve na pinares sa washed denim shorts ko.

"Ready ka na?" Tanong niya.

"Yes! Let's go?"

Hinawakan niya ang kamay ko at sumakay sa sasakyan niya. Dinala niya ako sa isa sa mga kilalang mall sa Rome.

"Excuse me, Miss Adrianna, Can I take a photo with you?" Tanong ng isang babaeng Filipina sa akin.

Nagpaalam ako kay Zach na magpapa-picture ako sa kanila at pumayag naman ito.

"So you're really famous? How?" Tanong niya nang makabalik ako.

"Ambassador, Model, and sometimes because of my photos on my social media."

"Hmm, Ganon ka pala talaga ka-ganda ano?"

"Hindi naman." Nahihiyang sagot ko.

"Bibili ka ba ng damit?"

"Ahh, Oo."

"Pwede akong pumili ng isusuot mo?" Tanong niya.

"Huh? Bakit naman?"

"Wala, Basta gusto ko lang. Please?" Nagpa-cute siya.

"Sige na nga." Nag-kiss ako sa kanya sa pisngi.

Pumunta kami sa isang boutique sa mall. Mayroon ditong mga dress, sapatos, bag, at kung ano ano pa. Hinintay ko lang siya na pumili ng isusuot ko.

Habang sinusukat ko ang mga damit na pinili niya ay maayos ko itong sinuot at pinakita ko sa kanya ito. Pinili ko iyong kulay pink na silk dress.

"Ang ganda mo sa pink." Ngumiti siya sa akin.

"Hindi kaya ako nagsusuot ng pink, pero kung para sayo, sige." Nilambing ko siya.

Sinamahan ko siya sa cashier nang magbayad para sa dress ko at sa suit na pinili niya. Hindi niya pinakita ang suit niya dahil surprise daw.

Habang nagbabayad siya sa cashier ay tumingin ako ng mga bag sa isang section ng boutique.

Napatigil ako nang may makasalubong ako na isang taong pamilyar sa akin.

"C-Charles?"

"I'm taking you home, Addie! Let's go!" Pagpupumilit niya sa akin.

"No! Let go of me! Ayokong sumama sayo!" Pagsisisigaw ko.

"Addie!" Sigaw ni Zach at sabay suntok kay Charles na ngayon ay nasa sahig na.

"Zach! Tama na! Babe!" Pag-mamakaawa ko sa kanya na itigil na ang pagsuntok kay Charles.

"Don't you dare touch my girlfriend again! I won't hesitate to fuc*ing hurt you! I can kill you if you lay your hand on her!"

"Babe, Please let's leave. I want to go home." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Okay. Let's go." Inakbayan niya ako hanggang sa makarating kami sa parking.

"Sa apartment mo na ako mag-iistay. Daan muna tayo sa apartment ko, kukuha lang ako ng gamit ko." Sabi niya habang nagmamaneho.

"Okay." Malungkot na sagot ko.

Nang makauwi na kami sa apartment ko ay tahimik pa rin ako. Siya ang nagluto ng hapunan namin.

"Wag ka na mag-alala, Addie. Hindi ko hahayaan na makalapit pa siya sayo. I will protect you with all my strength."

"Thank You, Zach." Niyakap ko siya habang nakaupo kami sa may sofa.

"Tabi tayo?" Tanong ni Zach.

"Oo naman, Tara? Dun na tayo sa kwarto ko. Medyo napagod din ako kanina sa nangyari eh."

"Goodnight, Addie. I love you and I hope that you know that."

"Goodnight, Zach. I know that you love me because I can feel it. No one has ever protected me the way you did. I love you with all my might." Hinalikan ko siya sa pisngi, noo, at labi niya.

avataravatar
Next chapter