12 Chapter VII Part I

THE POOPED VACATION PART I

--

Tumungo kami sa bundok ng Kalimdor, sa aming paglalakbay may nakita kaming malinis na batis sa di kalayuan, agad kaming nagmamadaling pumunta roon ni Sarah.

Ng makarating kami ay agad akong bumaba sa lobo at sumunod na rin si Sarah.

"Huminto muna tayo rito Sarah napapagod na ako, maka ligo nga." Ani ko.

"Ako din ang lagkit na ng katawan ko." Aniya.

Hinubad ang aking damit at tumalon sa batis na agad namang sinundan ni Sarah na may suot na manipis na pantaas.

Ilang minuto na kami ni Sarah na nakababad sa batis at napag disesyunang umahon agad na tumungo si Sarah sa likod ng puno at ako naman ay nagbihis rin sa di kalayuan.

Pagbalik ko ay agad kong nakitasi Sarag na nakahiga sa ilalim ng puno habang kumakain ng dala naming pagkain.

"Magpahinga muna tayo ng ilang minuto, Rai." Aniya ng makita ako at binigyan ng pagkaing dala namin.

Sumandal ako sa puno habang pinag mamasdan ang paligid, maya maya ay may napansin akong parang nagmamasid saamin kaya hinanda ko ang aking armas batid kong napansin rin yun ni Sarah, agad naman itong nagpakita saamin at bumaba sa puno na di kalayuan sa aming pina pahingaan, kumalma lamang kami ng nakita naming isang Master Ranger lamang ito.

"Mga bata bakit kayo naririto?" Tanong ng Ranger.

"Napadaan lamang kami sa batis at napag desisyunang mamahinga lamang ng ilang minuto rito." Ani ko at hindi tinanggal ang tingin sa Ranger.

"Nanggaling po kami sa Templo ng mga troll at naglalakbay patungong institute." Sabi ni Sarah.

"Minsan lamang ako makakita ng mga tao rito, ako nga pala si Kasim." Pagpapakilala niya.

"Ako naman si Raigor at ang babaeng kasama ko naman ay si Sarah." Pakilala ko rin.

"Magandang umaga saiyo ginoong Kasim." Bati ni Sarah

"Magandang umaga." Bati ko rin

"Hindi ba't hinahanap ninyo ang Institute?" Tanong niya.

"Oho." Ani ni Sarah.

"Matutulungan ko kayo papunta roon ngunit doon lamang sa paanan ng bundok Prahbon." Aniya.

"Bakit po sa paanan ng bundok Prahbon?" Tanong ni Sarah.

"Hindi niyo ba alam na ang mga Elf na kagaya ko ay hindi pwedeng tumungo sa kaharian ng mga tao." Ani ni Kasim.

"Ah." Ani ni Sarah.

"Humanda na kayo at aalis na tayo." Aniya

"Hindi pa po kami maaaring umalis bubuo pa kami ng karosa." Ani ni Sarah.

"Karosa? Aanhin niyo naman ang bagay na iyan? Kung ako sainyo kanina pa ako umalis rito, ang batis na ito ay puno ng mga nymphs na maaring mang akit sainyo lalo kana, Raigor." Aniya ng mapansing tahimik ako.

"Kumilos na tayo Rai." Ani ni Sarah at agad naman naming niligpit ang aming gamit at sumakay na sa lobo napatigil lamang kami ni Sarah ng napansing naroon parin si Kasim sa kaniyang kinatatayuan.

"Ginoong Kasim ikaw ba ay hindi sasakay?" Tanong ni Sarah.

"Kaming mga Ranger ay hindi kailangan ng mga masasakyan, tumatalon lamang kami sa mga puno." Aniya at agad naman kaming tumango ni Sarah.

"Tara na." Ani ko at umalis na kami.

Tinungo namin ang daan papalabas ng bundok ng Kalimdor meron pa kaming nakitang widkin sa isang parte ng gubat pati narin ang mga rock golems, napahinto ako ng may humarang saaming widkin.

"Rai? Ano ang mga ito?" Tanong ni Sarah.

Nakita kong nanlisik ang mga mata ng widkin at handa ng umatake ng may biglang nagsalita.

"Magandang umaga Raigor pagpasensyahan mo na ang aking kasama."

"Elfira?!" Gulat kong sabi.

"Oo ako nga naku hindi man lang kayo nagsabi na kayo pala ay pupunta dito sa aming mundo." Ani ni Elfira.

"It was an accident, Ira." Ani ko sa lengwaheng ingles.

"Bakit?" Tanong niya aakmang sasagot na ako ng naunahan na ako ni Sarah.

"I shot a dense arrow which teleport us two in these world." Aniya.

"At saan kayo patungo ngayon?" Tanong ni Elfira.

"Pupunta kaming institute." Sagot ko.

"Kasim, The Ranger Master?" Tanong ni Elfira at tumingin sa aming likuran at nakita kong ngumit lamang si Kasim.

"Mabuti at nasa mabuting kamay kayo mga bata." Ani ni Elfira

"Opo nga eh." Sabat ni Sarah.

"Paano Elfira mauna na kami baka abutan kamk ng dilim rito sa inyong lugar." Pama maalam ko.

"Sandali lamang nais kong tanggapin mo itong aking ibibigay pasensya nga pala sa nangyari noon." Aniya at ibinigay saakin ang maliit na berdeng orb.

"Ano po ito?" Tanong ko.

"That's the purification of the nature." Aniya.

"Maraming salamat Elfira." Pasasalamat ko.

"Oh papano Elfira ihahatid ko na sila sa kanilang paroroonan paalam." Ani ni Kasim.

"Protektahan mong maigi ang mga batang iyan Kasim sapagkat isa silang shaman." Ani ni Elfira na nakapag gulat kay Kasim.

"Sila ay isang shaman?!" Gulat na ani ni Kasim.

"Oo at ingatan mo sila dahil sila ang liligtas sa ating mundo." Ani ni Elfira.

"Walang problema, Elfira." Ani ni Kasim at agad na tumalon patungo sa itaas ng puno.

Nagpaalam na kami at lumakbay muli sa aming paglalakbay napansin kong lumalamig ang temperatura kayat agad kong sinuot ang pinadala saaming damit na gawa sa balat ng hayop at ganoon rin ang ginawa ni Sarah.

"Huwag niyo akong patayin!" Sigaw ng gargoyle na muntik ng panain ni Kasim.

Tumuon ang aming atensyon ni Sarah sa gargoyle na hindi namin napansin kanina.

"Alam kong mahirap itong paniwalaan ngunit ako ay keeper ng sagradong kabundukan ng Kalimdor" Aniya at agad na pumalit ng anyong troll.

Nagsalita si Kasim sa di pamilyar na lengwahe at agad din namang nagsalita pabalik ang troll ngunit batid kong isa itong Elvish language.

"Silang dalawa ay shaman at galing sila sa mundo ng mga tao dahil sa di inaasahang pangyayari ay napunta sila sa ating mundo nais nilang pumunta ng institute para makabalik sila sa kanilang mundo." Mahabang lintaya ni Kasim sa troll

"Kayo ay aking padadaanin ngunit isang paalala huwag kayong magkakamaling galawin ang mga puntod kung ayaw ninyong may mangyaring masama sainyo." Paalala niya.

"Maraming salamat po." Pasa salamat ni Sarah.

Habang lumalakbay ay nag kwe kwentuhan kami naputol lamang iyon ng makitang mga batong patong patong mula malaki hanggang sa maliit. Narinig kong ang kabundukang ito ang naging battle ground ng mga hukbo ng mga tao at hukbo ni Mithras, ang mga batong yun ang palatandaang may namatay sa lugar na ito.

"Huwag na huwag kayong magkamaling paki alaman ni isang bagay ang mga nariyan kung gusto niyo pang mabuhay." Paalala ni Kasim.

"Rai, lumalamig na lumalamig na ang lugar na ito." Ani ni Sarah.

"Wala na tayo--" Naputol ang aking sinabi ng biglang nagsalita si Kasim.

"Shh"

"Anong nagyayari?" Kinakabahang tanong ni Sarah.

"May paparating magyago kayo!" Ani ni Kasim.

Agad kaming nagtago sa mga malalaking bato at bushes.

"Mga omni knights." Ani ko ng makita ang mga paparating.

"Hindi niyo sila pwedeng lapitan." Ani ni Kasim sa mahinang boses.

"Bakit?" Mahina kong tanong.

"Tingnan niyong maigi ang inyong suot para kayong mga troll at papatayin nila kayo dahil sa inyong kasuotan kung lalapit kayo sakanya." Bulong ni Kasim.

"Akala ko sila ang tagaligtas rito?" Tanong ko.

"Ang iyong akala ay mali." Sagot ni ni Kasim.

"Bakit?" Tanong ko

"Wala ng maraming tanong basta huwag niyo siyang lapitan" Ani ni Kasim.

Ng dumaan paalis ang mga omni knights at pag katapos lumabas kami sa aming pinagtataguan ng masigurong wala na ang mga omni knights.

"Tara na bilisan niyo." Ani ni Kasim.

Nagmamadaling umangkas kami sa mga lobo at umalis sa lugar na iyon ng makarating kami sa tuktok ng bundok ay malapit ng kumagat ang dilim kaya doon na kami nagpalipas ng gabi.

"Papaano dito muna kayong dalawa at babalik na ako sa aming kaharian." Ani ni Kasim.

"Sige po maraming salamat sa tulong." Ani ni Sarah.

"Walang ano man hanggang sa muli." Aniya at umalis na.

Kumain kami ni Sarah ng mga pagkaing dala namin at nag kwentuhan ng dinalaw kami ng antok ay agad kaming humiga katabi ng mga lobo.

Tanging sinag ng buwan lamang ang aming ilaw sa gabing iyon.

--

END OF CHAPTER VII PART I

avataravatar
Next chapter