1 Prologue

Mahaba ang gabing iyon kay Tristan, katatapos lamang ng isang dinner sa kanilang mansion sa Paso de Angeles, kapapanalo pa lamang ng kanyang ama na si newly elected Gov. Arturo Jimenez bilang isang gobernador.

Dahil sya ang Unico Iho ng pamilyang Jimenez, sya ay ginagayak para maging kapalit ng kanyang ama. He's only 18, a Senior High Student and he is groom to become a perfect and a strong man. At dahil namana nya ang pagiging makarisma sa tao, ay naging popular ito bilang isang mabait at matulunging bata sa kanilang bayan. Pinakilala na din sya ng kanyang ama sa lahat ng mga kaibigan, kapartido at bisita nito sa katatapos na Victory Dinner kanina. And 6 years from now, ay lalaban syang maging Mayor ng San Andres . Kapag nanalo, siya ang magiging pinakabatang Mayor na mahahalal sa kanilang bayan. Mga pamilyang Jiminez na ang tila may hawak sa buong bayan ng San Andres, hindi lang dito kundi sa buong probinsya ng Paso de Angeles magmula pa ng 80's.

Alas tres na ng madaling araw nang makahiga sya , malalim na ang gabi at wala na ang mga bisita, wala na ding mga sasakyan sa labas at maririnig na lamang ang mga pusang pagala gala sa daanan.

Tanging ang ilaw na mula sa street light ang maaninag mula sa loob ng kwarto nito at malamig na simoy ng gabi ang dumadaloy sa nahahanginang mga kurtina mula sa naiwanang bukas na bintana.

Limang minuto mula sa kanyang pagkahiga ay biglang lumamig ang kapaligiran, tahimik at hanggang sa may marinig syang mahihinang tunog mula sa isang sulok ng kanyang kwarto. Pinilit nyang buksan ang kanyang mga mata ngunit hindi nya ito magawa hanggang sa mapagtanto nitong – mga iyak ang kanyang naririnig. Pinilit nyang makabangon at makahakbang. Hanggang sa----

Isang anyo ng isang babae ang kanyang naaninag, nakaupo ito at umiiyak. Nakatalikod at nakasuot pa ng uniporme. Kaedad nya lamang ang babae at may magulo itong buhok . Patuloy pa din sa pag hikbi ang babae at habang papalapit sya ay lalong lumalakas ang pag iyak nito. Agad nya itong nilapitan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso, pagkakaba at magkahalong emosyon ang kanyang nararamdaman. Nanlalabo ang kanyang paningin, nanginginig ang kanyang mga kamay at may mga mahihinang tinig ang kanyang naririnig .Mapanukso at tila may nag uutos sa kanya na dapat amuin nya ang babae.

Hindi nya namalayan na hinawakan na nya pala ang kanang balikat ng babae, di nya mawari at bakit may tresspasser sa kwarto nito. Hanggang sa unti unti lumingon ang babae at patuloy padin sa pag iyak . Hanggang sa bigla nalang sya nitong niyakap.

avataravatar
Next chapter