2 Chapter 1 New Life , New Beginning

6:00 AM , sa harap ng kanyang whole body mirror ay bumuntong hininga ng malalim si Mandy at nag smile. Nakaayos na sya at ready to go na . Naka pony tail at suot ang bagong tahing uniform. May konting make up sa mukha at dala dala ang kanyang bagpack na black. At dahil first day of school at gusto nyang mauna sa classroom, inayos na nya kagabi ang lahat ng mga bagay bagay . Ganoon si Mandy, isang OCD person, ayaw niya ng makalat at lahat dapat planado. Ayaw nyang nasasapawan bagamat may mga pagkakataong nauunahan sya ng hiya. Siya ay isang transferee student at nanggaling sa isang sikat na university sa Manila. She's in Grade 12 now, Senior High Student at kumukuha ng ABM track. All of her life, her favorite subject is Math and the best sa kanya ay problem solving. Sa kanya pag may problema, may solusyon.

"Good morning baby!" Bati ng kanyang ina.

" Aba 6 palang ng umaga, nakakayos kana."

Maagang nagising ang kanyang mommy.

"Breakfast is served, tara na" aya ng kanyang mommy.

Tahimik lamang ito na naupo, pinatong ang bag sa kabilang upuan. Simpleng nag smile sa kanyang mommy.

" Oh bakit? Are you not excited baby? First day of school ngayon?"

"Yeah, and I hope everything will be okay"

" Everything will be okay anak" assurance neto. "Ikaw pa ba? You're the bravest girl in town"

" Mommy naman. I'm okay na. "

"Sure?"

"Okay." Tipid na pagtugon ng kanyang mommy.

"Alright, I'm done na and I need to go na baby. I need to work na. Okay?" Agad na lumapit sa kanya at kiniss sya sa pisngi.

Tumango lamang ito at nag smile pabalik sa kanyang mommy.

"If my problem sa school, let me know, I'll go there at pupuksain natin if may gustong mang gulo sa iyo"

"Hahahahha , mommy naman. I said I'm okay. Nandyan naman po si Mang Boyet na maghahatid sakin"

"Okay. Basta let me know. Bye baby." Wika nito sa kanyang anak papalabas ng pinto habang kumakaway.

"Sure Mom!. Bye. "

At nakaalis na din ang kanyang mommy Elaine. Ang kanyang Mommy Elaine , ay isang Agricuturist at nagpalipat sa Paso De Angeles. Dahil sa credentials ng kanyang ina, ay naging isa sa mga higher officials ng Department of Agriculture sa Paso De Angeles.

Isang buwan pa lamang sila sa Paso de Angeles. Ang pagkakaalam nya , bata pa lamang ang kanyang mommy ay matagal na sila rito nakatira kasama ang kanyang mga tita at tito.At simula noong nag aral na ang mga magpipinsan sa Manila ay tila naging kahapon na lamang ang Paso de Angeles.

Laking Manila si Mandy , at kaisang isang anak kaya medyo spoiled . Dalawang taon na mula noong namatay ang kanyang ama sa isang car accident at sila na lamang dalawa ang magkasama sa buhay at pilit na kinalumutan ang nakaraan.

___________________________________________________________________________

6:35 AM .

Bumaba na sya sa kanilang kotse, nasa harapan na sya ng gate ng Academia de San Andres , ang nag iisang private school sa bayan ng San Andres. Isang island province ang Paso de Angeles at naging lugar ito ng mga retirees at halos mayayaman ang nakatira at mga nag mamay ari ng mga malalawak na plantasyon tulad ng mangga at dragon fruit.

Madami na ding estudyante ang pumapasok sa school at ginusto na lang din nyang maglakad. Hanggang sa magbukas ang gate, isang black Sedan ang unang pumasok at tinted ang glass nito . At sunod sunod na nyang nakitang nag sisipasukan ang iba't ibang private cars.

" Ganito pala rito, pinapapasok ang mga sasakyan" kibit balikat nito.

Sa kanyang paglalakad, may huminto na Brown Everest with tinted glass. Napatigil sya at hinintay kung sino iyon. Ilang minuto, ay agad ding umalis ang sasakyan.

" Weird non ah" sabi ni Mandy " May mali ba sakin? " sita nito sa kanyang sarili.

" Kinakabahan tuloy ako sa school na to, bukod sa mapuno ay parang konti lang din and pumapasok. Creepy. "

Bumuntong hininga na lamang ito.

" Hay! Paso de Angeles"

‐‐-‐----------

Tristan POV

Habang nasa loob ng sasakyan ay nakatanaw sa malayo si Tristan. Dahil puyat, nakasandal ang kanyang ulo sa bintana habang nakikinig ng music sa kanyang telepono. Hindi nya namalayan na nasa loob na sila ng Acedemia de San Andres. Napasimangot nalang ito dahil sa antok, hanggang sa may napansin ito .

"Sino kaya itong babaeng ito? " tanong nito sa kanyang sarili at narinig naman ito ni Kuya Gilbert, ang kanyang driver.

'Sir, ano po iyon?

" Ah..wait , stop" utos nito .

Agad namang huminto ang sasakyan. Katabi lamang nila ang isang babae, huminto nadin ito sa paglalakad at nagtatakang lumingon sa kanila. Puzzled ang mukha ng babae .

'Bago lang ba sya rito, transferee ata. hmmm' . pailing iling na reaksyon nito.

"Welcome to San Andres! tsk tsk tsk"pabulong na sabi nito. "hahahaa"

Puzzled pa din ang babae. Mga 30 seconds na itong nakatayo. Nakita nyang akmang lalapit ito sa sasakyan.

"Manong, ideretso mo na. " agad na utos nito.

" Sige sir" tugon nito agad.

Napatigil ang babae. Buti nakatinted ang glass nila at malamang makikilala sya neto agad.

"Whooo!muntikan na ako don" sambit nito.

avataravatar