(Sena POV)
Pumasok na ang sasakyan kung saan nga napakafamiliar ng daanan na ito sa akin, limang taon ang nakakalipas. Ilang ulit kaming pabalikbalik ni Sean dito. Kung hindi pangkalsadang sasakyan ang ginagamit, panghimpapawid naman. Lahat ng bagay-bagay sa mundong to, si Sean ang bumukas noon sa akin. Sabagay talaga marami ako sa kanyang natutunan.
Napalingon ulit ako sa kanya, wala paring pinagbago ang paligid lalo na ang lalaking to.
"Sean, ang mga bata. Bakit kailangan sa kabilang sasakyan pa sila, habang… kasyang kasya naman ang space na namamagitan sa atin para sa kanila."
Tinitigan lang ako nito, wala man lang lumabas sa bibig niya. Ah yung gusto ko na Manahimik siya. Fine. Sandal ng likuran ko sa upuan dahil mas makakabuti na ngang manahimik na lang si Sean.
Ngunit napalingon ulit ako sa kanya, di ako mapakali. Kung di siya Magsasalita edi… "Leo, ang mga bata?"
Support your favorite authors and translators in webnovel.com