(Sena POV)
Naghihintay ang isang sasakyan sa akin na ikinabukas ni Leo. Sa loob naroroon ang demonyo na abala sa tablet niya. Ganyan nga Sean, maubos ang oras mo sa negosyo. Mamalayan mo na lang talaga, lumipas na ang panahon mo dahil sa negosyong yan.
Naupo na lang ako at sumiksik malayo sa kanya. Kunyari di ko siya kasama. Ngunit ang puso ko talaga, ayaw paawat. Oo na! Katabi mo na si Sean ngayon. O ano?! Wala ba siyang kasalanan sayo na kailangan niya pagbayaran?!
Puso ko naman, pagbayaran na muna natin si Sean. Wag mong sasabihin na basta-basta mo lang papatawarin siya ng ganto.
O Kinakabahan lang ako dahil muli na naman akong babalik sa pamamahay na akala ko… di ko na babalikan. Napabuntong hininga ako.
Support your favorite authors and translators in webnovel.com