webnovel

Chapter 52 Taken Back

Pagdating ko sa itaas… wow, ganda ng dagat… Ang sarap ng Hangin! Sobra!

Whhhhhooooooooooooooooooooo! Magandang Umaga Pilipinas!

Nakakatuwa yung malagintong sinag ng araw… Yung parang pabangon pa lang si araw at ngumiti siya sayo na halos labas yung 32 teeth… hahaha, imagination ko lang po. Ganda ng view dahil sa dagat na napakalma at Malinaw na kulay asul na tubig… Ka-kainlove ang buhay probinsya.

((( SEAN )))

Maaga akong nagising… siguro dahil sa kakaibang klima ng Probinsya. Nadungaw ko na maagang nag eensayo si Hint. Kaya bumaba ako, at walang sabi na kinalaban ko siya. Bigla, dumaan ang matanda na parang maaga din nagising at parang Teenager na nakasuot ng pang jogging na Outfit.

"Punta tayo mga Iho sa dagat. Doon maganda mag exercise."

Magandang ideya nga yun. Saka masasabayan ko pa ang matandang to sa paglakad lakad.

Tumango ako kay Hint at yun nga nakasunod na kami sa matanda.

"May mga sariwang isda na pinagbibili sa dalampasigan, dali at nang makabili tayo at maaga kong mailuto sa inyo."

Malayo layo rin ang patungo sa dagat na yun, at wala kaming dalang sasakyan.

At kung makapag sabi ng magmadali itong matandang to, kala mo ang bilis tumakbo. Sa loob ko naman, masaya ako na masaya na nga ang matandang ito. Napabuntong hininga ako… ng…

" Whhoooooooooooooooooooo! Magandang Umaga Pilipinas!" Sabay sabay kami napatingala sa itaas…

Teka… wag niyong sabihin na ang babaeng to ay… Siya na naman.

"Ahahahahahahahaha…" baliw na tumawa at parang tanga. Anong meron sa babaeng to…

"OpsssSSS!"

Di ko namalayan bigla na lang ako napatakbo sa ilalim ng punong bayabas at…

((( SENA )))

"Ouch… ouch…Ou-------." Huh? Bakit parang di ko naramdaman na nahulog ako? Huh? Sinalo ba ako ng Tuta? Napamulat ako…

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!" Nakabitin ako… Yung damit ko… na maluwag….

May narinig naman akong tumawa… Napalingon ako sa kanila… Yung matanda kahapon… at isang lalaki na kalaking tao…. At yung lalaking maarte na parang papunta sa akin pero tumigil…

"Oy! Ano pa ang hinihintay mo! Mahuhulog ako, tulungan mo naman ako!"

Pero tinalikuran ako.

Gago to makakatikim talaga to sakin! Piprisinta tapos tatalikuran ka! Thank you sa pagiging Gentleman ha!

"Tara." Ay aba, iiwan nila ako!...

Nang marinig kong… nabibiyak na yung sanga…

Ano ba kung huhulugin mo ako, hulugin mo na ako! Pa intense pa to! Grabe!

At ng mabali nga…

"Whaaaaaaa!"

Bogshhhh…. Aw sakit sa pwet. Tuta naman bakit di mo ako sinagip!

At yung tatlong mga napadaan… si Tandang ngiting ngiti pa… habang yung dalawa… no reaction..

Parang nakakita lang silang unggoy na … No comment sila kasi normal na yun sa Ungoy.

"Ahh… miss… Mauna na kami." Sabi ng matanda.

Sa asar ko…

"Magsi alis na kayo!" At kinuha ko yung isang bayabas… at talagang tinarget ko ang mayabang na yun! Bwisit!

…. Yun lang…. sinalo niya.

"Thanks." Sabay kagat sa bayabas…

At umalis na nga sila.

Matanong nga ki Manong Ardo kung saan nakatira ang mga taong to, na ubod grabe ang ka gentleman! Psssh… Aray ko po.

Awwwww….

Pagpag… at lakad… not bad… masakit lang yung impact… Inunat ko yung mga kamay ko na parang bagong gising…

Nang makarinig akong isang grupo ng mga lalaki.

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter