webnovel

Chapter 45 This Woman Again

((( SENA )))

Kinuha ko yung isang kahoy sa daan para makatulong sa mga binti ko, sadista kasing heels na yun.

Haist… Syempre masakit parin talampakan ng Dora Explorer ninyo. Since wala si Boots at Backpack ko… kahoy na lang muna.

Nang makarating ako sa Open field… Huh? Parang mali ata yung dinaanan ko… Malayo na ba ako? Pero di ko yun ininda dahil napamangha ako sa ganda ng paglubog ng araw… ang mala ginto nitong sinag… ang ganda.

At ang sarap ng hangin…. Yung mga huni ng ibon…

Pagkain sa paligid… Halaman at mga Puno…

Sana ganito na lang forever… wag ka gagaya sa Manila. Okey…

Inunat ko ang mga kamay ko at pinakiramdaman ang haplos ng hangin…

Teka… bakit ang ingay….

Tagak –tagak-tak-tak-tagak…

Tunog ng isang chopper… at yung hangin ang lakas…. Eh kasi… ang baba na lang…

Military Chopper, ang laki…. Masaya akong napa wave doon sa lalaking malapit sa pintuan parang isang sundalo kasi…

"Ba-bye!!!!"

Naalala ko tuloy nung bata ako kapag may helicopter noon na dumadaan sa amin, ewan kung bakit ba-bye sabay wave ng kamay namin ang ginagawa namin ng mga kababata ko…

Nakakatakot kasi ang tunog pero parang may nararamdaman kang kakaiba kapag naririnig mo ito… yung impact na… nag-aalala ka tapos masaya ka? Ewan, yung dibdib ko kasi kapag nakakarinig ako niyan, feeling ko parang familiar ako sa bagay na yun.

Siguro apekto lang ng tunog… Naman, nag iilusyon na naman ang Ate niyo.

((( Luis )))

" Master Luis, hindi naman sa nakiki alam, bakit niyo tinutulungan si Miss Sontoria." Napabuntong hininga ako ng marinig ko ang tanong ni Josh, na halatang siya naman ang bibigyan ko ng trabahong ito.

Bakit nga ba? Di ko alam… basta nag-aalala lang ako.

" I know my step-brother sensitivity and about the Herald Group Life Tag. This kid is innocent para madamay sa mga kalokohan niya sa kanyang buhay. I don't want na kahit isa sa mga empleyado ko gawing laruan ni Sean. We need to help her. As of now hindi siya ligtas dito, kahit nasa paningin ko lang siya. The only one who can stop the sadistic mind of Him is his Father. Kailangan ni Sena na pumunta sa lugar na yun, para di siya gawan ng masama ni Sean."

"I see Sir."

"And you will accompany this kid to that province."

((( Josh )))

Teka ako dito yung Superior ni Sena, bakit parang ako itong mag-aasist sa kanya. At kahit mag reklamo ako kay Master Luis, wala naman ako magagawa. Pinasok kasi ng empleyadang tong gulo… ni isa walang makakagawa. Haist. Saan ba kasi niya napulot ang ganitong klaseng babae… at habulin ng gulo.

" I will Sir."

((( George )))

Maghapon na naging abala kami sa paghahanap kay Miss Sontoria, ngunit kung nasa pangangalaga naman ito ni Master Luis mahihirapan kami sa mission namin. Sa galit ni Master Sean, inutusan niya si Hint na huntingin ang babaeng yun.

Nakalimutan saglit ng makatangap nang tawag na nagkasakit ang kanyang ama sa Probinsya.

Sakay ng Private Army Chopper, di niya kayang isantabi ang kalagayan ng kanyang Ama. Halatang ito ang takot na ayaw niya harapin ang mawala ang nag-iisa niyang pamilya.

Nasa tabi ako ng Piloto, at nasa passenger seat naman si Master Sean habang si Hint, matapang na tumayo lamang sa pintuan at nakahawak, nagmamasid ito sa paligid, dahil sa ganitong situation ako at si Hint lang ang isinasama niya kapag dumadalaw sa kanyang Ama na ang pakilala sa amin ka

Boardmates niya o kaibigan.

Bago lumubog ang araw, kita na namin ang symbolo ng probinsya ng Albay, ang nakatayo nitong Bulkan ang bumabati sa aming pagdating… Ilang kilometro na lamang… papalapag na kami sa di kalayuang resthouse ng Ama ni Master Sean… Halos mapako na naman ang paningin ko sa babaeng yun….

Teka… namamalikmata ba ako?

Bigla kong nilinga si Hint, di nito napansin ang babaeng yun…na kumakaway sa amin. Lahat bang to, coincidence lang… O nanadya talaga si Master Luis na gamitin ang babaeng to, para asarin si Master Sean.

Ano to?

Bakit di ko magawang sabihin kay Hint na nakita ko yung babae na tinatarget niyang patayin… Bakit parang natigilan ako…

Anong balak ng Step Brother ni Master Sean…

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter