webnovel

Chapter 43 Grab it

(Sena POV)

"Di mo ako naiintindihan Leo. Bilang isang ina, sisiguraduhin niyang payapa at tahimik na lumalaki ang mga anak niya. Wala namang may gustong maging kumplikado ang mundo ng anak nila diba?" 

"Well, ikaw ang makakapagpasya niyan. Ngunit binalaan na kita Miss Sena. Di tatagal malalaman din ni Master Sean kung sino ka ba talaga sa buhay niya." Natahimik na lamang ako. Di pa ako handa na malaman ito ni Sean. Pagkatapos niyang sirain ang lahat ng pinaghirapan ko. 

"Miss Sena, Master Sean want you to be employed in his company." Tumaas ang isang kilay ko. Ngunit agad naman akong umiling. 

"Heto ba ang paraan ni Sean para tuluyan niya akong makontrol? Hindi. Di ako papayag." 

"Miss Sena…" Dahil tumayo na ako, tumayo din ito. "Pag-isipan mo. Di ka titigilan ni Master Sean. We are open to receive your employment. Yun lang ang binibigay sayo na choice ni Master Sean, Miss Sena." 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter