901 Chapter 38 Have a seat Ms. Sontoria

(Sena POV)

Ngunit ang tanong bakit ako kinakarma ng ganto at si Sean pa talaga ang karma ko. Ako itong nasaktan noon diba? Bakit sa akin bumabalik? Napaharap ako sa flight attendant. 

"Maari ba akong lumipat ng mauupuan Miss? Kahit sa yung VIP seat, babayaran ko."

"I'm sorry ma'am, lahat ng upuan binayaran na ni Mr. Herald." na ikinapikit ko. Saka ko nga narinig ang tawa ni Sean. "Please have a seat Ma'am, di tatagal lilipad na tayo." 

Narinig na nga namin ang sinabi ng piloto. Kaya ako napatitig kay Sean, dinidemonyo niya ako. Sinasadya niya ito… At obvious naman diba? 

"Ma'am please have a seat." 

"Have a seat Ms. Sontoria." saka siya may ngisi na nagsisimula pa nga lang siya sa mga gagawin niya. Ibig lang talagang sabihin, hindi niya ako titigilan. 

"Mr. Herald, anong gina—." Lumipad na bigla ang eroplano dahilan upang mawala ako sa balanse at sumubsob nga ako kay Sean. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter