webnovel

Chapter 18 Identification Card Owner

((( Sena )))

Nagmamadali akong pumunta ng school kaya kinuha ko lang yung almusal naming pandesal ni Kuya. Malalate na kasi ako sa Exam namin… At di ako nakatulog kagabi dahil nga siguro sa panaginip ko na walang kwenta at tungkol sa nawawala kong ID.

'' Uwi ka ng maaga. ''

"Bakit may lakad ka na naman."

"Etoh talaga, syempre naghahanap buhay ako."

"Joke lang Kuya, ang puso malaglag. Oo, baka maaga ako makauwi mamaya, samantalang sarado muna ngayon yung Part time Job ko. May aasikasuhin ata si Doctora."

Di ko alam ang aasikasuhin ni Doctora, ngunit bago ako umuwi noon, sinundo siya ng mga pulis… At di ko alam ang pinag-usapan nila dahil… Off ko na, at gusto na umuwi ni Tolits… Saka ko nareceive yung text na wag daw muna ako papasok. Sayan, No work, no pay pa naman.

Saka matatapilok na naman ulit sana ako ng nakakaasar na ugat ng puno... Tinignan ko yung Mangga,

Hmph. Pasalamat to bumubunga at naipagbebenta ko.

Tumakbo na ako.

Sana man lang may bike ako para di na magcommute. Kuya ko kasi ayaw ako bilhan. Kababae ko daw para mag bike at makipagsiksikan sa mga sasakyan na sobrang trapik. Nay ko po. Ok lang naman diba? Cute nga siguro tignan. Hahaha, wala ka Sena sa South Korea… hilig mo manuod nang Koreanovela. Kaya pati pronunciation mo apektado.

Nakasakay na nga ako sa jeep. Halos di na magkasya ang pwet ko sa sobrang siksik... si Manong kasi puno na, pinapa over flow pa. Tsk. Otso pesos lang. Puti pa naman ang uniform namin at Black slack… ng makita ko yung Black shoes ko na nakangiti na sa akin. Don't worry my good Black Shoes, bili tayo ng Glue shoes mamaya… hawak ka lang sakin… okey.

Pag-angat ko ng paningin ko… May napansin ako.

May dalawang batang studyante, sa tingin ko nasa senior high palang sila. Uniform kasi ng mga senior high dito sa pilipinas parang mga flight attendant na naka skirt. Ano ba yan. Ang babata pa nito… bakit di na lang pant's..

Napagitnaan sila ng dalawang lalaki na halata naman gwapo ang kuya kong mukhang ungoy. Nyahahaha. Sinisiraan ko ba ang Kuya ko. Atleast sinabi kong gwapo.

Nanlaki ang mga mata ko ng hinihipuan nila ng palihim yung dalawang teenagers. Lalo na ng matrapik bigla dahil ang daming traffic light dito sa Pilipinas. Unting usad, tigil kaagad. Mas mabuti pa sigurong maglakad na lang.

Halatang natatakot na yung dalawang studyante. Yun pala sa likuran nila may kutsilyo na kung mag iingay sila, lagot.

Hay naku, mga lalaking to, ano makukuha nila sa panghihipo! Wala ba silang legs!

Hay naku talaga!

"Manong Para po!" Diin kong sabi na nakatigil naman yung jeep talaga.

Gulat silang hinablot ko ang tenga ng isang lalaki na nanghihipo, at yung isa naman yung pispis ng buhok ang nahila ko.

Kinaladkad ko sila palabas.

"Ang babastos ninyo!" At pwersahan ko dinala sa may sidewalk.

Madami saking nakakita.

"Oy, kayong senior high dyan lumabas nga kayo! Dali!"

At nangingiyak na nga yung dalawa ng lumabas. Aba naman anong magagawa ng iyak na yan kung di kayo marunong lumaban. Atleast sinubukan lumaban. Ay wag… baka nasaksak pa sila.

(((George)))

"Wala na bang ibang daanan papunta sa paaralang yan." Tss… traffic nga. Sige damay damay tayo lalo na sa mga driver na wala man talagang disiplina.

"Negative Sir."

Halata kong nababagot na si Master Sean, trapik at napaka ingay ng mga sasakyan. Pilipinas nga naman di madisiplinang maayos.

Nakita kong nakatitig si Master Sean sa labas.

Sinundan ko ang titig niya...

Isang babae na kinakaladkad palabas ng jeep na sinundan ng dalawang batang babae. Agad nito dinala sa isang MMDA at doon nagsimulang nagrereklamo?

Teka... ang babaeng yun. Binuksan ko yung folder...

Nakangiting babae... at di nga ako nagkamali...

Dahil walang pinagbago sa hitsura niya sa nakikita ko ngayon. Umusad na yung mga sasakyan..

"Stop the car." Nagulat kong narinig n autos ni Master Sean.

Nilingon ko siya.

"Is she not familiar with you?" tanong niya sa akin.

Next chapter