webnovel

Chapter 12 Keep Silent

(George)

Di ko alam kung sa paglabas ko dito, lalabas pa kayang buhay ang babaeng to. Wala lang sa kanya. Pareho mataas ang pride ng dalawa.

Kaibahan lang...

May paninidigan sa kayabangan si Master Sean, ngunit ang babaeng to...Utak bata. Spoiled na ewan. Kung umakto ang babaeng to, kala mo may kalaban laban siya?

the way she talked, she never falter...

Did she really know who is her talking with?

Napabuntong hininga na lamang ako. Senenyasan ko yung mga tauhan sa loob at yung doctor lumabas sila at ako mismo ang sumara ng pinto.

Sa pagsara ko, ibinagsak na ni Master Sean ang wineglass sa mesa at tumayo patungo sa babaeng yun.

Napangisi na lamang ako dahil… parang walang magawa talaga si Master Sean kundi makipaglaro sa babaeng yun. Sa tingin ko naman di siya nag-aaksaya ng oras sa larong ito.

( SENA )

One hour lang please… ngayon lang ako nakatulog sa ganitong silid… namnamin ko na. Nakahinga ako ng nagsilabas na nga sila. Ngunit feeling ko may nakatitig parin sa akin… At yung titig na yun… naramdaman ko yung awrang papalapit sa akin.

Napabalikwas ako ng bangon nang may humila ng kumot. Lumipad ito sa sahig…

Bago pa man ako makagalaw, dalawang malalakas na kamay ang kumulong sa ulo ko para di makabangon. Nagsalubungan ang mga titig namin, anlapit ng kanyang mukha sa mukha ko. Hehehe… wag naman sana Oily face ang akin…

Di ako makapag salita. Sa mga mata niya na parang naubos ko yung pasensya. Sadya naman kasing ang ikli ng pasensya eh.

Napalunok laway ako. Kung may adam Apple lang ako halata atang bumaba at tumaas… Anong gagawin niya, mararape ba ako dito?!

"Hehehe." Ngiti kong ewan…

Sasapakin ko na sana, pero napigilan niya ang mga kamay ko. Opss.. masyadong alert din ang lalaking to.

Sinubukan ko galawin ang mga binti ko, ngunit pinigilan din ng mga binti niya. Dahil… dahil… nakapaibabaw siya sa akin. Hindi naman yung nakadikit yung katawan niya sa akin…

Ngiti ulit… Try and try diba… Kumakawala ako sa higpit ng hawak at binti niya na kung i-pin ako sa higaan wow. Di naman akward itsura namin, ganito kami ni Kuya minsan mag wrestling eh… Kaya lang more an action. Heto, grabe ang alert at ayaw ako pakawalan.

Napakaseryoso ng mukha niya… ng…

"Do you know what my father told me?"

"Sadista at Manyak ka!"

Ngumisi lamang si ang manyak na lalaking ito. Wag niyong sabihin na may binabalak nga siya sa akin.

Napalunok ulit ako… Intense na ako eh… Sarap niyang upakan ng upakan hangang sa tumino..

"Here's the deal, One word of yours will the next phase of this position. Do you know what the afterward is?"

Di ko na mahanap ang mga salita sa bibig ko. Salita niya na halos… ikinapula ng mga mukha ko. Ano ba kasi ang pinakain ninyo sa lalaking to. Bakit napakayabang niya… na parang nagugustuhan ko sa isang lalaki…

Sana di niya mahalata ang pisngi ko na namumula sa pagkahanga ko sa kanya at sa situation naming dalawa…. Meron pala akong pagkataong ganito! Teka… Lalaki siya… Nay ko po… paano na lang kung saniban talaga ito ng kamanyakan niya tapos… Hay naku in my Dreams, siguro sa hitsura ng lalaking to, madami na itong mga babaeng nahiga. Kaya nevermind… i-erase natin ang ideya na yan.

Ngumisi siya sa akin. Naman… wag niyo sabihin na halata talaga yung blush mode ko. Hmph! Sa oras talaga na mabitiwan niya kamay ko… papaulanan ko to nang suntok… kala niya natutuwa ako sa ginagawa niya! Hmph!

Nagulat na lamang ako ng yumuko ito, at lumapit sa tenga ko… ibinulong ang mga salitang…

"Where's your tongue... do the cat get it from you."

Ngumiti ako. Tindi talaga ng tama nitong lalaking to! Pagkatapos niya sabihin sa akin na kapag nagsalita pa ako… may mangyayaring di maganda… tapos, ano ngayon… Ambwisit!

Kaya, no choice, pinag-untog ko yung ulo namin… Na agad naman niya ikinabitiw sa akin…

Awww…. An sakit… upong napabangon ako… at hinilot yung ulo kong sa tingin ko mabubukulan ako ng dis-oras. Parehas kaming napapa-awww sa sakit. Sabin a kasing One hour lang na tulog! Sa inis ko, itinulak ko ito dahil nakaupo din sa kama eh…

" Kala mo ha! Umalis ka dito! Alis! Alis!"

Sabay ko hampas ng unan. Ginagalit talaga ako nito! Oo na ako na ang Tigre dito!

"Nangangain ako ng Tao, kapag pikon na ako!"

To My Dearest Readers,

Thank you for your priceless Support!

Comment

Rate 5 stars

and Vote!

Saranghe!

International_Pencreators' thoughts
Next chapter