webnovel

The Demon's Lair

Troy has to face life with regrets. Unable to save his sister from some mask abductor, he had lived his life searching for them with a promise of annihilating them the moment they met again. While he search for those bastard, he did his best to establish a firm stronghold upon their company that it only didn't make it the best company all over the world but they were soon able to procure an advance technological object. Later on, the abductor starts messing his life again by luring him into his own demonic lair. Eating the bait, he soon realizes, what comes in the way of her sisters freedom and was soon trapped inside with a woman he met. Will he be able to find a way out for him and his sister or will he stay and be with the girl he loves?

Dark_Shadow_2678 · Action
Not enough ratings
3 Chs

Father

BUMALIK ako sa opisina na gulong-gulo. Alam kong may alam ang babaeng 'yun sa kinahinatnan ng kapatid ko. Pero ang nakapagtataka ay sinadya niya itong iparinig sakin, kaya't nagdududa ako sa mga sinabi niya dahil maaaring pinapaikot lang niya ako. At isa pa, hindi lang naman isa ang Violet sa mundong 'to diba? Baka ako lang 'tong nag-iilusyon na si Violet na kapatid ko ang tinutukoy niya.

Pinaikot ko ang upuan habang malalim na nag-iisip. Sa pagkakatanda ko, Lucy Tumaro ang pangalan niya. Hmm. Humanda siya sakin. Hahanapin ko siya kahit saan pa siya magtago. Kailangan kong malaman kung sino siya at sino yung Violet na tinutukoy niya dahil malakas ang kutob ko na si Violet na kapatid ko ang tinutukoy niya; malaki ang posibilidad na mali ako pero gusto ko pa ring umasa.

Pinulot ko ang ballpen at pinaglaruan ko ito sa kamay ko. Inihilig ko ang ulo ko para tantiyahin ang layo sa pagitan ko at ng bilog na kahoy. Siningkit ko ang mata ko at kasabay ng paghinga ko ng malalim ay ang pagtilapon ng ballpen papunta sa kahoy.

"Bulls-eye!" bulong ko habang tinititigan ang point ng ballpen na nakadikit na sa kahoy.

Sisiguraduhin kong siya ang sunod na matatamaan ng ballpen na 'yan kapag hindi siya magsabi ng totoo.

Tumayo ako at kinuha ang ballpen. Masyado itong nadikit kaya medyo nahirapan akong tanggalin ito. Napangisi ako ng makita ang maliit na butas sa gitna ng kahoy. Hinawakan ko ito. Bagamat di ko tantiya ang lalim, alam kong may kalaliman ito.

Sinuri ko ang ballpen. Kung sa malayo ka tumingin, masasabi mong ordinaryo lang ito, ngunit kapag titigan mo ito ng malapitan ay malalaman mo ang pagkakaiba.

Sa paghawak pa lang ay mahihinuha nang hindi ito ballpen dahil sa sobra itong manipis. Ginamit lang ang package ng ballpen para ikubli ang manipis na patalim sa loob. Dart kumbaga. Isa ito sa ginawa ko nang unang taon ko sa kompanyang ito.

Pinaikot ko itong muli saking kamay bago bumalik sa aking upuan. Inunat ko ang aking mga paa at binalingan ko ng atensiyon ang aking opisina.

Masyado itong malaki para sa isang tao, pero wala tayong magagawa, mayaman ako eh!

Ang mga pader ay gawa sa marmol na pinaiikutan ng mga artipisyal na diamante. Kumikinang ito sa ilaw na hatid ng mala-gintong chandelier, nakalaylay din dito ang maliliit na gemstones na kinuha ko pa sa ibang bansa.

Ang sahig naman ay tinabunan ng pulang carpet na gawa sa balat ng hayop, mostly sa tigre sila kumuha ng ipang-tatahi rito. Dito lang sa opisina ko ang meron niyan dahil pinagbawal na ito makaraan lang.

Sa kaliwang parte ng silid, naka-ayos ang tatlong sofa na pinagdikit-dikit habang sa harap nito ay ang mesa na gawa naman sa salamin. Nakapaskil sa dingding ang flat screen TV na sa tantiya ko ay umabot sa thirty-two inches. Masyado na itong malaki kaysa sa binasag ko.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanang parte ng opisina at makikita rito ang sliding door. Sa loob niyan ay ang kwarto ko at may banyo na rin sa loob nito. Hindi na kasi ako tumutuloy sa bahay simula nang nawala si Violet, kasama ng pagkawala niya ang ang pag-kupas nang natitirang pagmamahal ko saking ama. Sinubukan kong bumili ng condo pero matagal-tagal na nang huli akong bumisita doon.

Ibinalik ko ang tingin sa aking mesa, gawa rin ito sa marmol. Nakapatong rito ang mga files na puro nakabukas. Binasa ko lang kasi 'to kanina pero di ko pa pinermahan, wala kasing mga kwenta ang proposal nila.

Kinuha ko ang nameplate ko. Gawa ito sa kahoy pero pinaiikutan ito ng mga perlas sa gilid, habang sa gitna naman ay naka-ukit ang pangalan ko sa napaka-pormal na lettering: Troy Cunningham. Sa ilalim naman nito nakalagay ang posisyon ko sa opisinang 'to: C.E.O.

Napa-ismid ako nang nabasa ko ang apelyido ko. Tsk. Masyado itong nakakasira ng araw. Padabog ko itong binalik sa unahan ng mesa. Kumuha ako ng totoong ballpen mula sa lalagyan nito; isang bowl-like vase na mayroong mga butas na kinurba ayon sa hugis ng ballpen.

Magsisimula na sana akong pumerma nang makarinig ako ng mga boses mula sa labas. Palakas nang palakas ang mga ito na sinusundan pa ng malalakas na yabag.

Napakunot ako ng noo. Sino namang walang-hiya ang magtatangkang bulabugin ang hallway na ginawa para lang sakin? Alam ng lahat ng employee na bawal dumaan sa hallway papunta sa office ko dahil suicidal mission ito, unless may importante silang sasabihin sakin.

Pero sa pagkakatanda ko'y sa sekretarya ko ito pinapasabi at siya na lang ang pupunta sakin para mag-report. Isa pa, katumbas ng resignation ang pagsuway sa mga patakaran ko, kaya't wala akong makuhang dahilan sa kapangahasan ng parating na employee.

Naabot ng tenga ko ang mga sinasabi ng mga boses at di ko mapigilang mag-taas ng kilay.

"Stop pestering me, will you! I am the former C.E.O of this office and I have all the rights to be here!" matigas na sabi ng baritonong boses. Mas lalong kumulo ang dugo ko.

"But sir, the C.E.O said that he will not meet anyone unless there is an appointment. He's not taking exception, sir! I don't want to lose my job, sir!" nagmamakaawang sabi ng isang matinis na boses. Napailing ako. Wala talagang pag-asa 'tong sekretaryang 'to. Masyado siyang anghel para sa mala-demonyong mundo. Hindi siya nababagay dito. I guess, it's time for her to... resign.

"I will meet him either way." Bumilis ang mga yapak. At mas lalo ring lumakas ang mga boses nila. Walang kwenta. Ipinikit ko ang mga mata ko. Kasabay ng pagbukas ng aking mga mata ay ang marahas na pag-bukas ng pinto.

Sinamaan ko ng tingin ang sekretarya kong maluha-luha na. Tsk. Ang lambot niya masyado. Kinumpas ko ang aking kamay para paalisin siya. Yumuko siya bago umalis.

Inihilig ko ang ulo ko sa bisita kong naka-ngisi. Kumulubot ang balat niya sa mukha dahil sa kurba ng kanyang bibig. Naglakad siya ng dahan-dahan sa mamahalin kong karpet.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at nahagip ng mata ko ang itim niyang suit at slacks na pinaresan niya ng itim na sapatos. Hmm. Not bad for an old man.

Akala ko lalapit siya sakin pero nagulat ako nang lumiko siya. Nakita niya yung kahoy na ginawa kong dartboard, hinawakan niya ito at mas lumaki yung ngisi niya. Naramdaman ko ang pag-kulo ng dugo ko. Tangina. Gusto kong tanggalin yang kurba sa bibig niya!

Tiningnan niya ako pero hindi na naman siya lumapit sakin. Umupo siya sa couch bago binuksan yung TV. Lumabas ang mukha ng isang batang babae. Nakasuot ito ng puting damit na pinaresan ng white short. Kumunot ang noo ko. Bakit 'yan ang naka-air diyan?

Naramdaman ko ang pag-lakas ng tibok ng puso ko. Napalunok ako ng makita kong ngumiti siya, nawala yung itim niyang mata sa kurba ng kanyang bibig. Itinaas niya ang kanyang kamay at kumaway sa camera. Isa-isang tumulo ang luha ko. Marahas ko itong pinahiran at sinamaan ko ng tingin ang lalaking nakaupo sa sofa habang naka-ngising nakatingin sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" malamig kong bigkas. Binalewala ko ang manipis na boses ni Violet sa TV. Tinuon ko ang atensiyon sa kanya.

Tumayo siya bago inilahad ang kanyang kamay papunta sakin. "This is my office so basically I'm here to pay a visit." nagkibit-balikat siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Stop beating the bush, tell me why you're here! If its something nonsensical, then you can go!" Tinuro ko ang pinto.

Tumawa siya ng malakas bago biglaang sumeryoso, "Stop what you're doing!" Napa-ismid ako.

"I won't!" matigas kong sabi, "Hindi ko susukuan si Violet, she's the only one I had!" Pinilit kong itago ang sakit saking boses. Hinding-hindi ko ipapakita sa kanya na masyado na kong nasasaktan.

Humakbang siya papalapit sakin. Kinuha ko yung ballpen at itinutuk ko ito sa kanya. "Humakbang ka pa at hindi ako mag-dadalawang isip na ibato 'to sayo!" pagbabanta ko. 

Tinaasan niya ako ng kilay. "Try, and you'll lose your position, as well as all the hardships you've worked for!" matigas niyang sambit.

Napatawa ako. "Do you really think that the company would've made it this far without me? It was a wreck when you were the one managing it. It was already failing, but when I started working here, it bloomed and made it to the top. Do you think you would be able to made that possible when you couldn't even take care of your child?" singhal ko.

Tinitigan niyo ako ng matagal, "You've changed so much!" bulong niya.

Hindi ko binaba ang ballpen. Kilala ko siya. Maaring nagmamakaawa siya, pero sa mata niya makikita ang emosyon na nangingibabaw sa kanya. At ngayon, kitang-kita ko ang panlilisik nito.

"Yeah, I did!" sarkastiko kong saad.

"You don't have to do these things. Just give up, you're hitting on a wall!" Inihilig ko ang aking ulo. Wala akong nakikitang pag-mamakaawa. Hindi siya nakiki-usap kundi nag-uutos.

"Nakapag-desisyon na ako. Hindi ko kailangan ang payo mo. Makakaalis ka na!" sigaw ko. Itinuro ko ang pinto pero tinitigan lang niya ito. Nagkibit-balikat siya bago bumalik sa pag-kakaupo sa sofa.

"Aalis ka o tatawagin ko ang guards para paalisin ka!?"

Inihilig niya ang ulo niya pero hindi niya ko tinapunan ng tingin. "Do what you want, but do you really think they will touch their former boss?" Nilagay niya ang hintuturo niya sa kanyang sentido, "Think!"

Huminga ako ng malalim bago umupo. Sinamaan ko siya ng tingin bago ko binaling ang atensiyon ko sa papeles na kailangan kong permahan.

Hinigpitan ko ang hawak sa ballpen, dito ko ibinuhos ang galit na namumuo sa dibdib ko. Napapikit ako ng mapagtantong masyado kong naididiin ang pagsulat kaya't masyado itong bumabakat. Mayroon na ngang napunit, eh.

Tinapon ko yung ballpen sa mesa at hinilamos ko ang kamay ko saking mukha. Kinagat ko ang ibabang parte ng labi ko para pigilan ang pag-sigaw. Tanginang buhay 'to!

Napailing ako nang lumakas ang volume ng TV. Rinig na rinig ko ang malulutong niyang tawa. Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha pero hindi ko 'to pinigilan.

Napahawak ako sa aking dibdib nang naramdaman ko ang malakas na tibok ng aking puso, lumakas pa ito nang sumariwa sa isip ko ang mga ala-alang pilit kong ibinabaon.

"Hahaha!" Napasimangot ako habang nakatitig sa malakas niyang tawa. Masyado ata siyang masaya na naiisahan niya ako lagi.

Hinawakan ko ang dila ko, dinadamdam kung may natira bang balahibo.

"Ikaw, ang bata-bata mo pa pero ang sama mo na. Tama bang ipakain mo sakin ang balahibo ng manok?" singhal ko sa kanya. Sumimangot siya kaya napangisi ako. Kumurba rin kasi pababa yung mga tira ng ice cream sa ilalim ng bibig niya.

"Eh, ikaw kasi! Sinabing akin lang ang ice cream na 'to. Ikaw nga eh, ang tanda-tanda mo na pero hingi ka pa rin nang hingi. Wala ka bang pera, huh?" naka-pout niyang sabi. Napatawa ako. Ginulo ko ang buhok niya. Mas lalong lumala yung simangot niya.

"Eeih, diyan ka nga. Ang bad mo, amph!" Padabog siyang tumakbo papalayo sakin. Napatawa ako. Ang dali niya namang mainis. Hahaha.

Biglang umikot ng mabilis ang oras at sa isang iglap nag-iba ang memorya na aking nakita.

"Aking ice cream, aking ice cream, aking ice cream, ay hindi pweding maging sa 'yo!" kanta niya habang gumigiling, sout ang mahabang dress.

"Kanina mo pa 'yan kinakanta ah. Ice cream inspired pa. Imba ka rin, eh!" tukso ko.

Nginitian niya ako, "Narinig ko kasi yung melody ni Mamang Sorbetero, masyadong nakaka-lungkot kasi walang lyrics kaya ako na mismo gumawa. Bait ko noh!" matinis niyang sabi.

Ginulo ko ang buhok niya. "Tara na nga, male-late pa tayo sa simbahan!"

Nagulat ako nang bigla siyang tumalon. "Aay, oo nga! Hali ka na, kuya. Naririnig ko na nga yung tunog ng kampana. Iiih!" Napailing ako nang tumakbo siya habang patalon-talon. Ang batang 'to talaga.

Isa na namang malakas na kumpas ng panahon ang nangyari at bigla ko nalang nakita yung araw na papunta na ako sa America.

"Kuya, ano toh?" nagtataka niyang tanong. Nakakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa maletang may laman ng mga damit. Tumigil muna ako sa pag-impake ng mga damit at umupo ako para magka-lebel na kami. Hinawakan ko ang kanyang pisngi.

"Vie, may lalakarin lang si kuya, huh! Babalik rin naman ako eh!" paliwanag ko.

Napaligiran ng luha ang kanyang mga mata. "Iiwan mo ko?" tanong niya. Marahan kong pinunasan ang luhang bumagsak sa kanyang pisngi.

"Babalik din naman ako, eh! Kailangan ko lang mag-aral sa ibang bansa. Ayaw mo nun, may kuya kang estudyante sa America!" Pinilit kong ngumiti kahit nadudurog ang puso ko sa pagbagsak ng kanyang luha. Para akong pinipiga dahil nauubus ang lakas ko.

"Paano ako?" bulong niya. Yumuko siya kaya mas lalo akong pinaghinaan ng loob. Ayokong umalis ng ganito.

Hinawakan ko ang kanyang panga at dahan-dahan kong inihilig ang kanyang ulo para magkatitigan kami. Nakikita ko sa kanyang mata ang takot at kalungkutan.

"Listen Vie, andito pa naman sina mom at dad-" Napatigil ako ng umiling-iling siya.

"Bakit naman? Maaalagaan ka naman nila, ah?" Napakunot ako ng noo nang patuloy siyang umiling.

"Vei, alam ko namang di kayo gaanong magkasundo ni dad eh. Pero hindi ka naman nila sasaktan eh," bulong ko. Tiningnan niya ako ng nakakunot ang noo. Nakikita ko sa mata niya na may gusto siyang sabihin pero di ko iyon maintindihan.

Tatanungin ko na sana siya nang may kumatok sa pinto. Napatingin ako dito at tumambad sakin ang malamig na tingin ni dad. Pinag-krus niya ang kanyang kamay at nilagay niya ito sa kanyang dibdib.

"What's taking you too long? You're about to be late with your flight." Tiningnan niya muna ako bago nabaling kay Vie ang kanyang atensiyon. Nanlaki ang mata ni Vie. Inihilig ni dad ang kanyang ulo bago niya ito itinabingi, senyas para paalisin si Vei.

Lumunok si Vie bago tumakbo. Hahabulin ko na sana siya kaso hinarangan ako ni dad. Tinitigan niya ako at sapat na 'yon para sundin ko ang gusto niya.

Huminga ako ng malalim. Sinarado ko yung maleta bago sumunod kay dad na nauna na sa sasakyan.

Dumating ako sa America saktong pababa na ang sinag ng araw. Kitang-kita ko ang mala-gintong atmospera na pumaligid sa kalangitan.

Huminga ako ng malalim bago ko tiningnan ang napaka-laking mansion na sinakop halos ang isang golf field. Pumikit ako para pigilan ang luhang gustong tumulo saking pisngi. I'm just a day away from my home but I'm already homesick. Umiling ako. Kaya ko 'to!

Binuksan ko ang aking mata nang marinig ko ang marahas na pagbukas ng pinto. Siningkit ko ang mga mata ko para mas makita ang pigurang papalapit.

Isang matandang lalaki ang dahan-dahang naglalakad sa hallway na pinaligiran ng mga wooden tiles. Masyado itong ancient tingnan kaya masyado akong namamangha. Hawak-hawak niya ang malaking baston na ginawa niyang supporta sa balance niya.

Hindi ako gumalaw at ni pagpikit ay hindi ko ginawa. Pinigilan ko ang aking paghinga nang makita ko ang mukha niya ng malapitan. Ang mala-dagat at singkit niyang mga mata ay malamig na nakatingin sakin. Sinamaan niya ako ng tingin at nagkaroon ng mga linya sa kanyang mukha, senyales ng kanyang katandaan.

Napalunok ako nang itinutok niya sakin ang kanyang itim na baston. "You've arrived in my territory and you have no choice but to abide in my rules. Don't ever dare twigging one of it, and you'll see yourself at hell. Do you understand?" Napatango-tango ako. Masyadong intimidating ang tayo at presensiya niya kaya di ko mapigilan ang manginig sa kinatatayuan ko.

Nagulat ako nang lumapat sa mukha ko ang baston. Naramdaman ko ang lamig nito kaya't di ko mapigilang kabahan. "Don't just nod, give me a specific answer." sumigaw siya.

"Y-yes... S-s-sir!" sagot ko. Napasigaw ako nang naramdaman ko ang pagtama nang baston sa tiyan ko.

"A man doesn't stutter, do it again!"

Napalunok ako. Ipinikit ko ang aking mga mata bago umigham. Tiningnan ko siya sa mata, kahit nakakatakot ay ginawa ko pa rin. "Yes sir!" Sinubukan ko ring ituwid ang tayo ko para wala na siyang masabi pa.

"Good!" sabi niya. Binaba niya ang kanyang baston. "Follow me!" Tumalikod siya sakin at naglakad pabalik sa loob.

Huminga ako ng malalim. Sa tingin ko, hindi magiging maganda ang pag-stay ko rito. Umiling ako bago sumunod sa kanya.

Napanganga ako ng dahan-dahang bumukas ang mala-gintong pinto ng mansiyon. Lumikha ito ng nakabibinging tunog pero hindi ko sinubukang takpan ang tenga ko. Baka lumingon siya at paluin na naman ako ng baston niya.

Nanlaki ang mata ko sa tanawin na bumungad saking harapan. Maraming nakaputi na mga babae ang nakapila sa gilid. Sa pagdaan ni lolo ay agad silang yumuko at bumati.

Naabot ng tingin ko ang chandelier na pinaiikutan ng iba't-ibang diyamante, mayroon itong mga candle stand na tinayukan ng kandilang may matitingkad na kulay.

Napalunok ako ng naramdaman ko ang pagbunggo ko sa katawan ni lolo. Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko at tumindig ang aking mga balahibo ng makita ko siyang nakatingin sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"Rule number one. Be attentive.  You are in my territory, thus, I have all the right to throw anything at you at any possible time." Napalunok na naman ako. Ano ba 'to? Nakakatakot siya.

"In here, you mustn't be a worthless scumbag! I want someone who's worth is inline to a gem. Which is why, you will work on impressing me. While you're here, you will be ranked at each day that pass and only when you reach my expectations, will you be sleeping in your own room." Napakunot ako ng noo. Anong ibig niyang sabihin?

Itinaas niya ang kanyang kamay at itinuro ang isang maliit na pinto. Siningkit ko ang mga mata ko ng makita ko ang mga spider web sa paligid nito. Wag mong sabihing diyan ako matutulog? Tiningnan ko siya ng may pagtataka.

"No no, kid! Don't give me that damn look! You will sleep in there and be a kind boy. But you can always disagree, if you want to sleep outside. Do my will and you'll be safe, okay?" matigas niyang tanong. Napatango ako. Sige na nga, kesa naman sa labas ako matulog.

He snapped. Napanganga ako nang magkanda-ugaga ang mga maid sa paglapit sa kanya. Humilira sila at dun ko lang napansin ang gintong karpet na tumatakip sa sahig. Napailing ako. Ngayon ko lang napagtanto na mayaman nga talaga ang mga Cunningham.

"Escort this child to his room. Orient him with everything he will have to accomplish. Do tell me if he complains and I will be the one to judge it."

"Yes, master!" sabay-sabay nilang bigkas. Lumapit ang isang maid sakin pero hindi niya ko hinawakan. Tinanguan lang niya ako. Inilahad niya ang kanyang kamay papunta sa pinto. Tiningnan ko si lolo at nakita ko siyang humahakbang sa hagdanang gawa sa marmol.

Napaiwas ako ng tingin nang lumingon siya pabalik.

"You are a Cunningham and no Cunningham is weak. Show me what you got!" huli niyang sabi bago siya nawala sa paningin ko.

Narinig ko ang pag-igham ng maid kaya napatingin ako sa kanya. Malaki ang ngiti niya kaya lumabas ang malalim na butas sa gilid ng labi niya. Nawala ang singkit niyang mga mata sa kurba ng kanyang labi. Napangiti ako. Nakakahawa ang kanyang mga ngiti. Inosenteng-inosente.

"This way, sir!" Lumakad kaya sinundan ko siya.

"Is lolo always like that?" tanong ko. Nacu-curious ako. Masyado kasi siyang cold, eh. Nakakapagod kaya pag ganun.

Tumingin siya sakin ng hindi pa rin tinatanggal ang napaka-laking kurba sa kanyang labi. "We aren't allowed to talk in work, unless we needed to." Napatango ako. Kaya pala ang tahimik nila kanina.

Napakurap ako ng buksan niya ang pinto. Nalaglag ang isang dust particle pababa. Napalunok ako ng wala akong makitang liwanag na pumapasok sa loob.

"Is there no light?" Hindi ko naitago ang takot sa boses ko at mas lumala ito ng makita kong naging stiff ang expression niya.

"Fear is not in a Cunningham's vocabulary so you better remove it in your system, or you will have to suffer his wrath." Tinalikuran niya ako at pumasok siya sa loob.

Susunod na sana ako nang marinig ko ang malakas na tugtog ng musika, palakas ito nang palakas hanggang sa nawala ito, pero sinama nito ang kapaligiran kaya't nahulog ako sa walang hanggan.

Napakurap-kurap ako nang nag-vibrate yung cellphone ko. Pinahiran ko ang mga luhang nakatakas sa aking mga mata. Hinablot ko ang phone ko at nanlaki ang mata ko sa mga letrang nasa screen; Detective Alice is calling...