webnovel

CHAPTER 10: BACK TO THE TIGER'S DEN

"PURO ka talaga kapalpakan..."

Agad na nag-angat ng tingin si Misha nang biglang may nagsalita.

Nabungaran niya ang nakatayong si Harris. Nakaharap ito sa kanya't nakapamulsa. Hindi niya gaanong mabasa ang reaksyon sa mukha nito dahil sa nakasisilaw na sikat ng araw na tumatama sa bahagi ng mukha nito. Gayun pa man, natitiyak niyang hindi rin niya magugustuhan iyon sakaling makita niya ng malinaw.

Sinamaan niya ito ng tingin matapos punasan ang mga luha.

"I didn't call you to come!" mapakla niyang turan. "Kaya, kung nandito ka para tiyaking aalis nga ako sa lugar na 'to, 'wag kang mag-alala... aalis ako! Nagpapahinga lang ako saglit."

"Paano ka aalis?"

"Tsk! May natitira pa namang katinuan ang utak ko, nuh! Kaya kong umalis dito! Pero, kung sa tingin mo talagang wala ng lamang matino ang utak ko... Edi, sige! Itawag mo 'ko ng taxi. Bilis!" iritang turan niya.

'Gaano na ba ako ka-inutil sa paningin nitong lalaking 'to?' Inis niyang maktol sa sarili.

"Sorry ka... Pero, walang dumadaang taxi sa lugar na 'to," sagot nito.

Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalala. Pero, naisip din niyang hindi lang naman taxi ang means of transportation sa mundo. Kaya, marami pang paraan. Kalimitan sa mga probinsya o liblib na lugar ay bus o jeep ang pangunahing pampublikong transportasyon.

"You know what, hindi ka na dapat nag-abala pang puntahan ako dito para lang sabihing walang dumadaang taxi sa lugar na 'to. Kaya ko namang mag-bus o mag-jeep o kahit pa mag-habal habal! Basta, kahit ano kaya kong sakyan makaalis lang sa lugar na 'to! Marunong din akong pumara at magtanong kung saan ako puweding bumaba! Satisfied?"

"But, can you walk?" tipid lang na turan nito matapos ang mahaba niyang litanya.

Pakiramdam niya'y biglang umakyat sa kanyang ulo ang lahat ng dugo niya sa katawan dahil sa tanong nito. Tinutukso ba talaga siya nito o pinapamukha kung gaano siya katanga?

"E, kung gusto mo talaga akong maglakad pauwi... Sige! Maglalakad ako! Tingin mo talaga sa'kin walang utak?" singhal niya rito. Hindi na niya naitago pa ang galit.

At para ipakita ritong kaya niya, pinilit niyang tumayo kahit sobra pang nananakit ang kanyang mga paa. Ngunit, nang sandaling gawin niya iyon ay parang mas bumaun pa lalo ang mga tinik na nasa talampakan pa rin niya.

"Araaay!" Agad niyang nilunok ang pagtatapang-tapangan nang muling mawalan ng balanse't bumulagta ulit sa damuhan.

"Damn it! Damn it!" inis niyang maktol. At pinaghahampas ang damuhan.

While she's feeling miserable, Harris on the other side, secretly chuckled in between biting his lower lip. Para itago ang malakas na tawang gustong kumawala rito.

"Haay! See? That's what I'm talkin' about. Ni hindi mo nga kayang maglakad, 'di ba? Pa'no ka uuwi sa lagay mong 'yan? Tapos, ang lakas pa ng loob mong sabihin sa'kin na kaya mong maglakad pauwi! Yabang mo rin, e, nuh?" pang-aasar pa nito.

Noong una pa lang ay napansin na ng lalaki ang ilang mga galos sa paa ni Misha at batid din nitong may masakit sa kanyang talampakan dahil hindi niya iyon magawang ilapat kanina pa. Kahit man lang sa damuhan noong nakaupo siya't nagda-drama.

"So? Kahit gumapang pa ako pauwi, titiisin ko! Pinapangako ko sa 'yong aalis talaga ako rito! Kaya 'wag kang mag-alala, Mr Harris Falcon... You have my word!" patuloy niya sa pagtataray. "I don't wanna be in the tiger's den anyway!"

Kung alam lang ng lalaki kung gaano niya kaayaw na makasama ito sa iisang lugar!

"Alam mo, ang arte arte mo talaga! Halika na nga!" Sabay karga sa kanya ng walang paalam.

Napatili pa siya sa pagkabigla at sinubukan ding manlaban. But, she was securely locked on his both arms kaya wala rin siyang palag.

"Wait, sa'n mo ba 'ko dadalhin?"

"At the tiger's den!" pilyong sagot ng lalaki. At nagtuloy-tuloy na sa paglalakad pabalik sa rest house.

"But, I'm supposed to leave! Bakit mo pa ba ako ibabalik do'n? Pa'no kung may dumaan ng bus o jeep? Paano kung last trip na pala 'yon? Pa'no pa ako makakaalis sa lugar na 'to?" Naghihisterya na siya.

Being alone with this man is really not a good idea. Kung isa itong halimaw na human eater, malamang hindi na siya sisikatan pa ng umaga't katapusan na niya bago pa man gumabi.

"E, paano kung sabihin ko sa 'yong walang dumadaang kahit na anong public transportation sa lugar na 'to?"

"What? No way! Imposible 'yan!"

"This place is a private property na pagmamay-ari ng aming pamilya. At sa tingin mo ba, may silbi ang public transpo sa lugar na walang kabahay-bahay?" Iiling-iling ito habang natatawa. "Isa pa, hindi mo ba napansin na dead end na ang kalsada pagdating sa rest house? You're an agent. Dapat maalam ka sa pagkilatis ng bawat detalye ng lugar sa paligid mo!"

Bigla siyang natahimik sa mga sinabi nito. Lalo tuloy niyang napatunayan ang pagiging isang certified fool sa harap ng lalaki.

At sa pananahimik niyang iyon, nabaling na naman ang kanyang atensyon sa kakaibang karisma ng lalaki. Muli na naman siyang nanlambot. Mabuti na lang at karga siya nito. Gayun pa man, napakapit pa rin siya nang mahigpit sa balikat nito dahil pakiramdam niya'y mahuhulog siya kung hindi niya gagawin iyon.

Sobrang lapit ng kanilang mga mukha. At doon siya lalong humanga sa lalaki. Maganda at makinis pala talaga ang balat nito, at pantay na pantay ang kulay.

Akala niya noon ay naglalagay ito ng concealer kaya wala siyang makitang pores sa mukha nito. Nakakapagtaka kasi lalo pa't isa itong well trained secret agent. Kaya dapat ay haggard na ang mukha nito dahil sa mahihirap na training at wala na rin itong panahon para alagaan pa ang mukha dahil sa load and field of work nito. O 'di kaya nama'y parang camouflage na rin ang kulay ng balat dahil sa mga natatamong sunburns. Hindi tuloy niya maiwasang lihim na humanga.

Isa pa, napakabango nito ngayon. Nanunuot iyon sa kanyang pang-amoy lalo pa't nakatutok ang kanyang mukha sa may leeg nito. Parang gustong-gusto niyang halikan iyon hanggang sa maubos ang pabango ng lalaki.

And being in his arms makes her feel safe and secured. Siguro kung hindi lang ito sobrang mayabang at antipatiko, baka na-in love na siya rito.

MAINGAT siyang inilapag ng lalaki sa naroong couch pagdating nila sa porch ng bahay at doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag.

"Just wait here. Kukuha lang ako ng medicine kit."

Magpoprotesta pa sana siya pero bago pa man niya maibuka ang bibig ay nawala na ito sa kanyang harapan. Ngunit, hindi naman na siya naghintay ng matagal dahil ilang sandali lang ay nariyan na ulit ito dala ang maliit na kahon ng first aid.

'Ganito pala talaga ang mga secret agents. Mabibilis kumilos at ang snappy din! I should start to train myself like one...' Naisa-isip niya.

"Hindi magandang record para sa isang secret agent ang malumpo ng dahil lamang sa tinik ng maliliit na halaman," saad ng lalaki. Agad nitong naipuwesto ang sarili sa kanyang harapan para gamutin ang kanyang mga sugat. Pagkuwa'y walang paalam na hinila ang isa niyang paa't ipinatong iyon sa tuhod nito. "Nakakatawa iyon at nakakahiya. Alam mo ba 'yon?"

Maiilang pa sana siya sa biglaan nitong paghatak sa kanyang paa. Ngunit, mas nabaling ang kanyang atensyon sa sinabi nito. "Sorry... Pero, hindi ko po alam! Tsaka, ano bang magagawa ko? E, sa masakit talaga!"

"Kaya nga! What I'm trying to say is... dapat mo nang sanayin ang sarili mo sa pag-iinda ng mga sakit. Physically, emotionally, and mentally. Paano na lang pala kung bala na ng baril ang tumama sa 'yo? Paano ka pa lalaban o paano mo pa maipagtatanggol ang sarili mo kung sa isang tama pa lang manghihina ka na ng ganyan?" pangaral nito.

"Siguro... masasanay din ako pag nagtagal? Syempre, kailangan ko pa ng maraming training para matutunan ko ang lahat ng-a-araaay!" Hindi na niya nagawa pang tapusin ang pangangatwiran dahil sa sakit nang pagtanggal nito sa tinik na nakabaun sa kanyang talampakan. "Dahan-dahan naman! Masakit!" Halos masipa rin niya ito sa sobrang pagkabigla.

"Tingnan mo... Parang kagat nga lang ng langgam 'to tapos ganyan ka na mag-react!"

"E, kasi nga sabi ko naman sa 'yo kailangan ko muna ng marami pang training! Tsaka, kung hindi lang talaga dahil sa ex-husband ko... hindi ko naman gugustushing pumasok sa ganitong trabaho!" Lahat na lang talaga ng mga nangyayari sa kanya'y may kinalaman pa rin sa kanyang dating asawa kahit matagal na silang tapos.

Gustuhin man niya o hindi, sadya ngang nakadikit na ang pangalan nito sa bawat bagay na nangyayari sa buhay niya. Nabaliw siya ng dahil dito, nasira ang kanyang pamilya't buong pagkatao ng dahil dito, napilitan siyang pumasok sa Viper Institute at gumamit ng baril kakabit ng sarili niyang kaligtasan ng dahil pa rin kay Loven Lewis. Siya lang ang puno't dulo ng lahat ng ito. At kung bakit siya lalong nahihirapan.

Hindi na niya namalayang pumapatak na naman pala ang kanyang mga luha at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Harris.

"Sorry... Masyado ba talagang masakit? Hindi naman kita minamadali. Ang sa akin lang... habang maaga pa, kailangan mo ng masanay."

Nakita niya ang pag-aalala sa mukha ng lalaki. At pansamantalang itinigil ang paglalagay ng benda sa kanyang paa.

Agad niyang pinunasan ang mga luha at nilinaw ang lalamunan bago nagsalita. "H-hindi naman ako umiiyak dahil masakit. I'm crying because of your non-stop nagging!" Pagkuwa'y inirapan niya ito.

Bigla namang natahimik ang lalaki't nagpasyang huwag nang patulan pa ang sinabi niya.

'Bakit ko naman sasabihin sa 'yong naiiyak ako dahil sa dati kong asawa? Kung gagawin ko 'yon, edi, lalo mo lang iisipin na hindi talaga ako nababagay sa misyon natin! Tsk!' Sa sarili na lamang niya sinabi ang katotohanan.

Pagod na siyang pagdudahan ng lalaking ito ang kanyang kakayahan. 'Di bale ng isipin nitong hindi pa siya tuluyang magaling sa pagkakasakit sa utak. Kaysa naman mawalan siya ng pagkakataong makapaghiganti sa dating asawa. Kaya naman, kailangan niyang sundin ang lahat ng sasabihin ni Harris. Isa pa, ang lalaki ang responsable sa kanyang pag-iinsayong maging magaling na secret agent at alam niyang malaki ang maitutulong niyon sa kanya. Titiisin na lamang niya ang pagiging masungit nito.

Iyon na lamang ang dapat niyang gawin sa ngayon. At syempre, ang magpakabait na rin dito kahit labag sa kalooban niya.

...to be continued

Next chapter