2 She

"Nasaan na yung halik ko?" Saad ng lalaki habang naka-tingin sa mga mata ko.

"Multo na ko kaya hindi na kita kayang hawakan." Hindi ako makapaniwalang naniwala ang lalaki sa mga sinasabi ni Sandra. Isa syang malaking uto-uto.

November 2, 2018

Ngayon ang All Souls Day, kakaunti nalang ang taong bumibisita sa kani-kanilang yumaong kamag-anak. Kahit ngayong araw walang bumisita kay Ashley C. Mendez, nakakalungkot.

"Ashley, sino kaya yung lalaki kahapon? Tingin mo kilala ka nya?" Saad ni Sandra habang sinasamahan akong maglakad-lakad sa buong sementeryo.

"Hindi ko alam. Siguro. Pwede rin namang dahil kaunti lang tayong pagala-galang multo dito kaya nacu-curious sya."

"Kung kilala ka nga nya at alam nya ang naging buhay mo noong buhay ka pa, gusto mo bang malaman yung buhay mo noong buhay ka pa?"

"Hmm, oo? Para malaman ko kung anong pwede kong gawin para "makatawid" na ako. Baka sakaling makatulong 'yon."

Ngayon ko lang napansin na nandito ulit kami sa lugar kung saan nakita namin yung lalaki mula kahapon. Naglakad ako patungo sa museleo kung nasaan nakatapat ang lalaki kahapon, ang sabi sa nitso:

Fernando DC. Makulintang

Born: July 23, 1933

Died: January 14, 2005

Hermosa T. Makulintang

Born: February 19, 1934

Died: October 16, 2005

Jefferson P. Makulintang

Born: December 7, 2008

Died: April 8, 2013

Honeylette P. Makulintang

Born: January 10, 1978

Died: December 1, 2016

"Grabe yung bata oh, 5 years old lang namatay. Kawawa naman. Kamusta na kaya pamilya nya? Siguro nanay nung bata yung Honeylette. Naaawa ako para sa asawa, grabeng lungkot siguro dinanas nya."

"Kinaya naman namin." Biglang may nagsalita mula sa likod namin. Ang lalaki mula kahapon. "Noong una, mahirap. Tatlong taon palang mula sa kapatid ko, mommy ko naman."

Ah, so kapatid at mommy nya pala yung mga nandito.

"Dumagdag pa sa pasanin na hindi kami magkasundo ni daddy. Mahirap, sobra. Pero kailangang kayanin." Dagdag pa ng lalaki.

Teka, bakit ang dami nya naman kwento? Di naman kami close. Sa pagkakatanda ko, nagwalk-out kami ni Sandra kahapon matapos nyang hingin yung 'halik'.

"Dami mo naman kwento." Komento ko. Grabe, di ako makapaniwalang may madaldal na lalaki akong makikilala.

"Bakit ba namatay mommy saka kapatid mo?" Usisa naman ni Sandra.

Tinawan nalang ako ng lalaki matapos ko syang barahin pero tanongin ni Sandra. Sus, yabang.

"Nagkaroon ng leukemia kapatid ko, meron na sya non mula pagsilang nya. Kaya hospital na naging bahay nya. Si mommy naman, may cancer. Nagulat nalang kami na stage 3 na pala sya. Sinubukan pa namin magpa-chemo kaso wala na talaga."

"Ah, nakakalungkot naman pala. Tayo kaya Ashley, paano kaya tayo namatay? Ano kaya ikinamatay natin?" Tanong pa sa akin ni Sandra.

Naiisip ko rin yan madalas. Kaso wala namang kayang makasagot ng tanong ko.

"Paano mo nga pala kami nakikita at naririnig? May "third eye" ka?" Usisa pa ni Sandra. "Kung nakakakita ka ng multo, bakit hindi mo nalang hanapin mommy at kapatid mo nang makausap mo sila."

"Gusto ko nga sanang gawin yan. Kaso kahapon lang ako nagsimulang makakita ng multo, kayo ang una kong nakita. Nagulat nga ako." Bakit ba ang bilis bya magtiwala? Bakit kinuwento nya na sa amin buhay nya? Hindi ba sya nag-aalalang baka may gawin kaming masama sa kanya?

"Paano ka naman biglang nakakita ng multo? At saka lahat ng multong nasa paligid mo nakikita mo na?" Tanong ni Sandra. Nakakairita talaga si Sandra. Bakit parang biglang magkaibigan na sila ng lalaking to?

"Actually--" dagdag sana ng lalaki, kaso masyado na siyang masakit sa tenga.

"Wala kaming paki-elam sa kwento mo. Aalis na kami, bahala ka na dyan."

Nakakatatlong hakbang palayo pa lamang ako nang may kung anong sumagi yata sa isip ng lalaki at nagtanong ng, "Ashley pangalan mo?"

"Sa totoo lang, hindi kami sigurado kung Ashley nga pangalan nya. Pero yun-"

"Sandra pwede bang kahit ngayon lang itikom mo muna yang bibig mo? Ang dami mo nang kuda." Hindi ako makapaniwalang kaya ni Sandra ikwento ang buhay ko bilang isang multo sa isang taong kakikilala nya palang.

Minsan mayroon talagang mga tao na kahit walang ginagawa o kakikilala mo palang kinaiinisan mo na. Iyon ang nararamdaman ko sa lalaking yon. Hindi ko maiwasang umirap at irapan siya sa tuwing nakikita ko siya. Mayroong kung ano sa kanya na kakakita ko palang, ramdam ko na agad na ayaw ko sa kanya.

Ramdam? Pero multo ako. Wala dapat akong nararamdaman.

avataravatar
Next chapter