Webnovel

1 Chapter 1

November 1, 2018

Napaka-raming tao. Punong-puno ng tao. Sa totoo lang, All Saint's Day ngayon at mga santo dapat ang pinagtutuunan ng pansin sa araw na ito, pero dahil nakasanayan na ng mga Pilipino, kaming mga patay ang pinupuntahan ngayong araw.

Mali pala, sila lang pinupuntahan. Sa isang abandonadong nitso sa pinaka-likod na bahagi ng sementeryo ako nakahimlay. Ni hindi pa ako sigurado kung ako nga iyon, ewan, basta isang araw doon ako nagising na multo na pala ako. Kawawa naman ako kung ako nga yung nakahimlay doon, wala bang nakaka-alala o nagma-mahal sa'kin?

Ngayong araw, wala namang pumupunta sa nitso "ko" kaya minabuti kong maglakad-lakad. Marami akong nakaka-salubong pero hindi ako sigurado kung ilan sa mga ito ang nakikita ako. Mukha naman akong normal? Puting bestida, bulaklak na korona at walang saplot sa paa. Siguro iisipin nalang ng mga nakakakita sa akin na naka-costume ako. Sabagay, uso yon ngayon.

"Ashley!" Tawag sa'kin ng kaibigan kong si Sandra.

Hindi ako sigurado kung iyon nga ang pangalan ko, pero "Ashley C. Mendez" ang pangalang nakalagay doon sa nitso kung saan ako nagising.

Ashley C. Mendez

Born: April 17, 1998

Died: May 21, 2016

You will always be remebered

Hindi naman nila naalala si Ashley C. Mendez.

"Sandra! Saan ka ba nanggaling?" Tugon ko.

"Naghanap lang ng pogi. Hehe."

Hindi rin ako sigurado sa pangalan ni Sandra pero sya ang unang multong naging kaibigan ko. Pagkagising ko, naglakad-lakad ako sa sementeryo, at nakita ko sya sa bubong ng isang maganda at second floor na museleo na halos magmukang bahay na. Tinawag ko sya ng, "psst! Hoy!" tapos ang sabi nya sakin, "bago ka lang dito?" Tumango ako. Tapos bigla syang tumalon mula sa bubong! Nung una nag-alala pa ko, kaso naisip ko multo na nga pala sya kaya hindi na sya masasaktan.

"Bakit ka pa naghahanap, hindi ka naman nila makikita."

"Alam mo, isa yan sa mga perks nating mga multo. Edi enjoyin na natin, hihi."

Sa totoo lang, madalas hindi ko maintindihan kung bakit ganyan pag-iisip ni Sandra, kasi multo na sya kaya anong pang silbi ng emosyon? Bakit hindi nalang intindihin kung paano "tumawid".

"Ashley, tignan mo! Tinitignan ka ng cute na lalaking 'yon!" Pangbibiro pa ni Sandra, akala naman mauuto ako. Psh.

"Sandra, tigilan mo ko."

"Totoo nga! Ayun oh!" Turo nya sa kung sino mang nasa kaliwa namin. "Sige, kung nagsisinungaling man ako, pwede mo kong utusan buong araw bukas."

"Sabi mo 'yan." Nilingon ko ang tinuturo nya sa kaliwa namin. Mayroon ngang lalaking limang metro mula sa aming matangkad, naka-salamin, may magulong buhok na hanggang kilay, naka-puting plain na damit at shorts. May itsura nga sya, at nakatingin sya sa gawi namin.

"Sandra, multo na tayo. Malamang nakatingin yan doon sa pamilyang nagtatawanan nang malakas sa likod natin."

"Isang paraan lang para makumpirma natin yan. Lapitan natin! Diba multo na tayo, edi hindi nya tayo makikitang lumapit!" Sabay hila nya sakin palapit sa lalaki.

Nang isang metro nalang ang layo namin sa lalaki, bigla itong lumingon sa mga kaibigan nya.

"Nakikita mo kami?" Parang tangang tanong ni Sandra sa lalaki.

"Multo na tayo, Sandra. Hindi nya tayo nakikita o naririnig."

"Malay mo lang naman. Pag ito sumagot, hahalikan mo sya ah!"

"Edi nilamig at kinilabutan yan. Baka maihi sa takot at tumakbo nang malayo."

Biglang lumingon sa amin ang lalaki at sabing "hindi ako bakla. At oo, nakikita at naririnig ko kayo."

Nanlaki ang mga ni Sandra na "parang nakakita ng multo."

"Uy Cedric! Sino kinakausap mo dyan? Para kang baliw. Idederetso ka na namin sa mental hospital mamaya." Sigaw ng isa sa mga kasama nya mula sa loob ng musoleo.

Hindi pinansin ng lalaki ang mga kaibigan nya sa halip ay hinarap kami at sinabing "nasaan na yung halik ko?"

Next chapter