2 1. New Life

Ako si Aimie. Aime Cervantes, 21 years of age at nakatira ako sa probinsiya. Probinsiya na kung saan halos hindi na mahagilap ng kabihasnan oka nga Nila dahil sa traditional na pamumuhay. Payapa at walang halos problema sa aming probinsiya, subalit sa araw ngayon ay kailangan ko munang lisanin at iwan ang aking probinsiya sapagkat kinakailangan kong makipagsapalaran sa Manila ilang matustusan ang aking pag-aaral. Napagdesisyunan ko na pumasok sa trabaho habang ako'y mag-aaral. Working student kumbaga nang sa gayun ay matulungan ko sila mama at papa.

Ngayong araw din ang alis ko papuntang Manila.

Scholar ako sa isang tanyag na Unibersidad sa Manila at isa naman akong waitress sa isang maliit na restaurant.

MANILA

WELCOME MANILA!!!!!

hays. andito ako ngayon sa siyudad. Mausok at madaming tao. Hindi ako sanay sa ganitong pamayanan ngunit wala akong magagawa kundi sanayin ang aking sarili sa ganitong pamumuhay lalo na't hirap din kami. Mangungupahan ako ng apartment pansamantala.

Ayos naman itong apartment na nahanap ko, maayos at maaliwalas. Exclusive para sa mga babae lamang. Mabait din naman iyong may-ari ng apartment.

Inayos ko na iyong mga gamit ko na dapat ayusin, naglinis na rin ako dito sa kwarto na aking tutuluyan. Bukas ay ang umpisa ng aking pasok sa Unibersidad at bukas na rin ng gabi ang umpisa ko sa trabaho.

- KINABUKASAN-

Andito ako ngayon sa harap ng Unibersidad. Nilalasap at tinatanaw ang polusyung hangin na dala ng mga sasakyan.

Iba ang mga tao rito, kung tignan ka ay akala mo isa kang multo.

" bago yatang estydyante dito iyan?"

"Hindi Niya ba alam ang nangyayari sa paaralang ito?"

Ilan lamang yan sa mga naririnig kong usap-usapan. halata namang ako ang tinutukoy nilang bagong estudyante. wala Akong paki alam sa mga sinasabi Nila. ang nais ko lamang ay matagpuan ang aking silid aralan.

medyo malayo ang mga buildings ng Unibersidad na ito.

may pagkaluma na rin, at isa pa mga madre at pari ang mga teacher dito.

Catholic School ba ito? Parang Hindi naman, Kasi kung catholic school ito, malamang hindi ganito ang damitan ng mga estudyante rito.

wala bang uniform ang Unibersidad na ito?

Nilisan ko na ang hallway ng school, at nagpatuloy sa paglalakbay upang hanapin ang aking silid aralan.

pagkadating ko sa 603 Building, medyo may pagka weird ang mga buildings dito. pero hinayaan ko na Lang, dahil sa pagod sa kakalakad. Nagtungo na ako sa bakanteng upuan upang umupo. Hindi ako sanay sa mga titig ng mga ibang estudyante rito.

may kakabalaghan bang nangyayari dito? wala Akong alam dahil nga sa bago pa lamang ako rito.

Natapos ang Isang araw na Wala namang ibang nangyari. Mababait naman pala ang mga estudyante at mga teachers sa Unibersidad, medyo weird nga lang sila o baka dahil lang sa hindi ako sanay.

Araw ngayon ng Martes at may pasok ako ulit.

Tila ba iba ang ihip n hangin ngayon, animo'y parang kakaiba sa pakiramdam. Sobrang lamig na hindi mo maipaliwanag.

Naglalakad ako papunta sa Unibersidad. Walking distance lang naman mula sa apartment na inuupahan ko kaya nilalakad ko na lamang bawas na rin sa gastusin iyon.

Andito na ako ngayon sa main gate, medyo nakakapagtaka lamang dahil parang halos walang estudyante, meron ngunit mangilan-ngilan lamang. Dahil sa curiousity, nagtanong ako Kay manong guard.

ako: Manong, anong oras na pero bakit iilan pa lamang ang mga estudyante?

Manong Guard: Naku iha, bago ka pa lamang ba dito sa Unibersidad?

ako: opo manong.

Manong Guard: Ganito talaga dito sa Unibersidad na ito, akala mo walang mga estudyante ngunit andyan lamang sila sa paligid.

ako: paligid?

Nagtataka man ay umalis na ako sa harap ni Manong Guard. Dala-dala pa rin ng aking isipan ang sinabi ni kuya, nasa paligid? eh wala nga akong nakikita na madaming estudyante. meron ngunit isa o dalawang katao lamang.

nababaliw na ba si manong guard? hay Naku.

Hinayaan ko na lamang ang sinabi ni Manong Guard.

andito na ako ngayon sa silid-aralan, dating building. Hmmmpp. wala pa naman yung iba Kong kaklase, nagpagdesisyunan ko na magmasid muna.

sa Aking paglilibot sa loob ng silid aralan, tila ba napukaw ng Isang litrato ang aking mata. litrato n Isang lalaki.

Gwapo ito, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata kahit na may kalumaan ang katawan, makikita mo na gwapo ang lalaking nasa larawan.

" AHEM!"

tila para akong nakakita ng multo sa gulat.

Nang tignan ko kung kaninong boses ba iyon. Nakita ko ang isang lalaki kahawig ng nasa larawan.

" Miss, alam mo ba na bawal kang humawak ng kahit na anong bagay na meron sa silid?, bawal iyan. "

" ah pasensya na. Hindi ko Kasi alam. "

agad kong ibinalik ang hawak Kong larawan.

gusto kong tanungin sa lalaking ito kung bakit kamukha niya ang nasa larawan. ngunit hinayaan ko na lamang dahil baka sabihin nito na tsismosa ako.

Nakakapagtaka talaga, anong oras na ngunit bakit halos walang estudyante?

hay Naku. dahil sa matagal ang iba ay napagpasyahan ko na lamang na matulog na muna.

napasarap ang aking tulog. pagkagising ko ay wala na iyong lalaki na kausap ko lamang kanina, napatingin ako sa may bintana. Gabi na? Halos madilim na ang kalangitan. sobrang himbing ba ng aking tulog at hindi ko namamalayan na gabi na pala.

Inayos ko na lahat ng aking gamit. At binilisan ko ng tumakbo para maka-uwi na. May trabaho pa ako.

Wala namang bagong nangyari sa trabaho. Medyo matumal nga lang benta.

andito ako ngayon sa aking kwarto, nagbabasa ng libro.

Hindi mawala sa isip ko ang lalaking nasa larawan at ang lalaking nakausap ko sa silid kanina. Kaano-ano kaya iyong nasa larawan? bakit kamukhang-kamukha Niya? baka tatay Niya? pero malabo, sobrang luma na nung larawan.

Andito ako ngayon sa aking kwarto, nag-iisip kung bakit ganoon na lamang ang Unibersidad na aking pinapasukan. Napakamisteryoso, andaming nangyayari na hindi ko maintindihan. Isa pa iyong larawan at iyong lalaki na aking aking nakausap kanina. Hay Naku Aime! Pero infairness ha, gwapo iyong lalaki. Hahaha.

Sa dami-dami ng tumatakbo sa aking isipan, Hindi mawala-wala iyong lalaki. Hindi ko siya nakikita kahit Saan man sulok ng Unibersidad na iyon. Noong araw lamang na iyon at sa silid-aralan lamang na iyon ko siya nakita.

Hindi kaya isa siyang multo?

(Hay Naku Aime! Paano magiging multo iyon? Eh nakausap mo pa nga)

Hay Naku!!!!

Makatulog na nga at maaga pa akong papasok sa school bukas.

Pangatlong araw ko na pala sa Unibersidad na iyon ngunit wala man lang akong nagiging kaibigan o nakakausap man lang.

Araw ngayon ng Miyerkukes. Pangatlong araw ko  na rito sa Unibersidad.

Andito ako ngayon, naglilibot. Wala daw klase ngayong araw ngunit bawal daw umalis ng Unibersidad, dito lang daw kami sa loob hanggang sa matapos ang araw. Napaka-weird naman, sa Ibang Unibersidad kapag walang klase ay pinapauwi na ang mga estudyante, ngunit sa Unibersidad na ito ay kakaiba.

May kakaiba talaga sa Unibersidad na ito. Hindi ko mawari, hindi ko malaman kung ano iyon.

avataravatar
Next chapter