webnovel

Chapter 2

SA BAHAY NI GILBERT

(Aug. 05, 2016 – 1300H)

GILBERT: Uno, buti napadalaw ka?

UNO: Kumusta kana?

GILBERT: Eto okay naman, kumusta ang Cebu?

UNO: Ayon madaming chicks.

GILBERT: Eh di ang dami mong naging girlfriend dun?

UNO: Hindi naman. Salamat nga pala sa pagbili mo ng mga paintings ko, malaking tulong sa akin yun.

GILBERT: Wala yun, alam mo naman ang lakas mo sakin at saka magaganda naman talaga ang mga paintings mo.

UNO: Kahit matagal na tayong hiwalay, tinutulungan mo pa din ang kapatid ko.

GILBERT: kumain kana ba? Ipaghahain kita.

UNO: Wag na may lakad pa kami ni Desiree, dumaan lang ako para ibigay ang address ko sa bago kong inuupahang bahay. Pag kailangan mo ko punta ka lang.

GILBERT: Sige ingat ka. (Yumakap ng mahigpit ang bakla sa binata bago ito umalis.)

SA MALL (1400H)

DESIREE: Kuya, miss na miss kita!

UNO: Ako din naman, kumusta ang pag-aaral mo?

DESIREE: Ayos naman.

UNO: Buti napagsasabay mo ang pag-aaral at pagtugtog.

DESIREE: Alam mo kuya kinuha kami ni Kuya Marvin, tumutugtog kami sa restaurant nya.

UNO: Maganda yun. Kumusta kayo sa bahay?

DESIREE: Ayun si Mama may bagong boyfriend na foreigner, bakit hindi ka umuuwi sa bahay?

UNO: Mag-aaway lang kami ni Mama, nangungupahan nalang ako.

Broken family sina Uno at Desiree, sa Cebu nakatira ang ama nila at may sarili ng pamilya habang ang ina naman nya ay kung sino sinong pinapatulan kaya ayaw umuwi ni Uno sa bahay nila.

DESIREE: Kuya kumusta na kayo ni Gilbert? Parati nya ko kinukumusta nung nasa Cebu ka, minsan nagbibigay ng pagkain at kung ano-ano.

UNO: Matagal na kaming wala, hiwalay na kami bago pako nagpunta ng Cebu. Pinabantayan kita sa kanya habang wala pako.

DESIREE: Kuya andito nga pala si Andrei boyfriend ko drummer namin.

ANDREI: Kumusta kuya? (Bati ng bagong dating na binata.)

UNO: Nice meeting you Andrei. ( Nag shake hands ang dalawang lalaki.)

DESIREE: Kuya, Andrei tara sa muna kumain.

FASTFOOD (1430H)

DESIREE: Andrei di ba si Bernard yun?

ANDREI: Sinong Bernard?

DESIREE: Yung boyfriend ni Ate Julia, yung regular customer sa MARV'S RESTAURANT na tinutugtugan natin.

ANDREI: Ah oo si Bernard nga yung guy na may kasamang chick.

UNO: Sya pala ang boyfriend ni Julia? Na meet ko kahapon si Julia pinakilala sakin ni Marvin.

DESIREE: Oo kuya sya ang boyfriend, pero bakit iba ang kasama nyang girl.

ANDREI: Baka naman friend nya o pinsan… (Hindi na tinuloy ni Andrei ang pagtatanggol kay Bernard dahil kitang kita nila ng magsubuan ang dalawa ng food at pinunasan pa ng babae ng tissue ang labi ni Bernard. Nang matapos kumain sina Bernard ay magka holding hands pang lumabas ng fastfood ang dalawa, naiwan namang tulala ang tatlo.)

DESIREE: Tama nga ang usap usapan sa MARV'S, babaero nga pala ang bf ni ate Julia.

UNO: Kawawa naman si Julia, mukha pa naman syang disenteng babae, hindi nya deserve maloko.

To be continued...

Next chapter