webnovel

Chapter 1 : Invitation

"Hmph!"Nagdabog si Maddy ng paalisin sya sa upuan nya na kinagulat ni Tyrion na kasalukuyang sumasaway ng mga kaklase nila na kulang sa aruga.

May isang gaga at kalahati kasi itong nag-tantrums at hinagis ang notebook.

"HALA OMG SORRY!"Sabi ni Maddy sabay peace sign sa bestfriend syang magugulatin.

"Bat ka lumipat?Kala ko ba gusto mo dito?"Tanong ni Stefan na ngumisi pa. Peste talagang mga lalaki to she thought.

"May utang ka pang siomai sakin ah."dagdag nito. Sa totoo lang nakalimutan nya na yung siomai na usapan nila. Masyado syang occupied ng mga bagay na nalaman nya.

"I'm dangerous Maddy. Very dangerous to the point that I need to secure you on your way home because you are already involved with me."

'Ano bang tinatago mo Tyrion?Kaya ba ayaw mo sakin?'

Tahimik syang naupo habang nakikinig sa teacher nila sa Philosophy. Nang maligaw ang tingin nya sa bestfriend nyang nakangiti. Suot nito ang jacket na regalo nya. Actually di nya expected na babagay ito sa kanya. Maybe because of his super pale skin kaya bumagay yung dark gray. His jacket looks so expensive to him,kahit 169 pesos lang naman yon.

"Hay,bagay talaga sa kanya yung jacket no?"She mumbled. Tinignan siya ni Stefan na Vice President nila sa klase.

"Sayo galing yon diba?" Tanong nito sa kanya na kinamulagat nya. Pano nito nalaman.

"Sinabi nya?"Tanong nya rito. Ngumiti ito ng nakakaloko at bumulong.

"Hindi,tinanong ko nga san galing sabi nya 'its a gift.' So ayon di ko na tinanong,inisip ko sino pwede magbigay ikaw lang naisip ko."Sabi nito. She nodded in agreement.

"Ilan regalo mo sa kanya?"Usisa pa nito. Hay nako,chismoso talaga.

"Lima. Tumbler,Reeses,Dalawang perfume at isang jacket."Nalaglag ang panga nitong nakatingin sa kanya.

"Ahshit,sana all."napailing na lang sya. Di naman sa agressive sya magkagusto,pero trip nya lang talaga na ibaby si Tyrion. Wala kasi syang kapatid.

"Kung ako siguro may ganyang nagkakagusto jinowa ko na."Bulong ni  Ryle a.k.a the nation's fuck boy.

"Magkaiba kayo,kasi ayaw nyang nagtetake advantage ng ibang tao." Sabi nya rito na nakapagpatahimik naman kay Ryle. Napakamot ito ng ulo.

"We'll talk later Maddy. Private matter." Nagulat si Maddy ng biglang nagsalita si Tyrion sa likod nya.Wala syang nagawa kung hindi tumango.

"Goodbye class,see you on friday."Sabi ng teacher nila. At pinapila na sila palabas ng classroom.

"Maddy,"Hinawakan ni Tyrion ang magkabilang balikat nya mula sa likod at iginayak sya papunta sa parking lot ng university nila.

"What is that so important matter Ty?"humalukipkip sya habang pinagmamasdan ang lalaki na may mistulang kinukuha na kung ano sa bag nito.

Maddy's P.O.V

"Invitation. My sister invited you in a charity ball she organized. The half of the funds they'll earn will go to the ones with mental disability who can't afford to have a theraphy."sagot nya sakin. Nako po ano kaya ang rason?

"Why am I invited?"tanong ko sa kanya. Sorry naman. Curious na curious talaga ako bakit ako of all people.

"Because I said you'll be my date in the charity ball."Napakurapkurap ako. Weh di nga?SHET POTANGINA HUWAW.

"WHAT?"nahulog ata yung panga ko sa narinig ko. Juskolord di naman kami mayaman. Anong idodonate ko don?Ganda?Ay charot maganda ba ko?

"Please?"he slightly smiled to me. Tangina sis wait lang marupok ako. Wjsjhwhs

"It's fine if you don't want t---"pinutol ko ang sasabihin nya

"HOY did I told you no already?"I asked him. He shook his head.

"See?Its a yes so shut up."I smiled at him. Ang cute cute nya talaga.

"Hey,where are you going?"He asked me. Lumingon ako sa kanya.

"Home. Well I'll go to SM then home. Why?"

"We'll just drop you off."

"Eh!No need. It will be disturbing lang to Tito Enrico!"tanggi ko.

"I don't take no for an answer too,Maddy."Hinawakan nya ang ulo ko at i-giniuide papunta sa sasakyan nila. Di na ko nanlaban. May palag pa ba ko?Choosy pa ba?Tipid pamasahe na nga eh.

"Hi Tito Enrico!"Ngiting-ngiti kong sabi. Shempre mabait ako eh. Nginitian ako nito at tinanong "Oh Maddy,sasabay ka samin?"

"Opo sana tito heh. Nakakahiya nga lang."napakamot ako ng ulo.

"Nonsense. Bakit ka mahihiya eh bestfriend ka ni Tyrion?Besides you could come over to our house. It's his birthday and his mom will cook dinner."

"Nako!Di po ako nagpaalam sa mama ko wait lang!"I said with peace sign. I fished my phone out of my pocket to call my mom when his father said "No need,I already called your mom. I told her you're staying with us until tomorrow. She already brought your clothes."

Grabe pinapamigay na ko ng nanay ko TT_TT omyghadddd pinapamigay na ko sa future asawa ko,CHAROT!

"So I don't have choice at this point talaga no?Hehe" I looked down on my shoes.

"Savvy wants to see you again. Sab can't go with my wife so she's requesting you. Hope you don't mind." Napangiti ako. That's so cuteee.

"Its okay tito I don't really mind."

Next chapter