webnovel

The Third Chase

"Sigurado ka bang gusto mo nang pumasok ngayon? I mean, ayos na ba ang pakiramdam mo?" muling tanong sa akin ni Nathan habang ipinaparada ang sasakyan niya sa parking lot ng school namin. Bahagyang nakangiti akong tumango sa kanya bilang tugon.

"Pero kasi, pwede kitang ihatid sa bahay niyo para makapahinga ka ng ayos. Kung iniisip mo yung mga dumukot sayo, wag kang mag alala. Ako na ang bahala sayo." Pamimilit pa rin niya.

"Im fine Nathan. Wag ka nang mag alala pa dahil sobra sobrang pang aabala na ang ginawa ko sayo. Isa pa, ikaw na din ang nagsabi, dalawang araw akong tulog. Dalawang araw akong hindi pumasok kaya kailangan kong mag habol sa eskwela." Nakangiti kong tugon sa kanya. Ayoko na siyang abalahin pa dahil sobra sobra na ang nagawa niya para sa akin. Isa pa, gusto ko nang Makita agad si kuya. Kahit Makita ko lang siya.

"Sabagay. Ikaw ang bahala. Basta pag kailangan mo ko, alam mo naman saan ako makikita diba?" sabi niya sa akin matapos makababa ng sasakyan. Tumango nalang ako sa kanya bilang tugon.

Inihatid ako ni Nathan sa room ko at siya na din ang nag dahilan sa prof ko para sa dalawang araw na hindi ko pag pasok. Napaka bait talaga ng lalaking yun.  Ang hindi pag damay sa kanya sa problema ko ang tanging paraan para masuklian ko ang kabaitan niyang iyon sa akin.

Dumaan ang maghapon pero ni anino ng kuya ko o nung kaibigan niyang si Miro ay hindi ko nakita. Tsk. Paano ko malalaman ang mga sagot sa tanong ko kung hindi ko sila makikita?

Walang gana akong nagpasyang umuwi nalang muna. Alam kong hindi pa ako nakakasiguro na ligtas na ako sa bahay pero wala na akong pakialam. Inaasahan ko na din naman na  sooner or later, mamamatay ako.

Dahil wala naman akong dalang sasakyan ay nag commute nalang ako. Dalawang sakay pa bago ako makauwi sa bahay.

Habang nag aabang ako ng masasakyan, di sinasadyang natanaw ko si Kuya Pyro na nakatayo sa  tapat ng isang restaurant, tawid kalsada lang mula sa kinatatayuan ko. May humintong itim na van sa tapat niya at pag andar muli ng van, wala na siya sa kinatatayuan niya. Panigurado, sumakay siya sa van na iyon. Eto na ang pagkakataong inaantay ko.

Agad akong pumara ng taxi at pinasundan ang itim na van na iyon. Mabuti nalang at hindi pa sila gaanong nakakalayo. Sinabihan ko si manong driver na wag masyadong dumikit sa van na iyon dahil alam kong makakahalata sila.

Nang mapansin kong pumasok sila sa isang pamilyar na subdivision ay ipinahinto ko na kay manong driver ang taxi at agad na bumaba. Alam kong hindi rin naman ako makakapasok kung nakataxi ako.

Agad akong lumapit sa guard at nagkunwaring may dadalawin na kaibigan sa loob. Mabuti nalang at hindi masyadong mahigpit dito kaya hinayaan niya akong makapasok.

Mga sampung minuto na ata akong nagpapaikot ikot sa loob ng subdivision na iyon pero hindi ko pa din makita yung van. Medyo pagod na din ako. Okay, another ten minutes. Pag hindi ko pa din nakita, uuwi na ako.

Itnuloy ko na ang paghahanap dun sa van pero lumipas na ang panibagong sampung minuto ay hindi ko pa din nakita kaya napagdesisyunan ko nang tuluyan ng umuwi. Maglalakad na sana ako palabas ng gate ng bigla akong matigilan. Literal na tumigil ang katawan ko. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at para bang may mga kamay na nakahawak sa balikat ko.  Unti unti nang sumiklab ang takot sa puso ko. Ano bang nangyayari?

Dahan dahan akong lumingon sa likod ko, na sana hindi ko nalang ginawa. Isang nakapangingilabot na mata ang sumalubong sa halos maluha luha kong mga mata. Isang pares ng pulang mata ang tumambad sa akin at ng ibaba ko ang tingin ko, nakita ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

Gusto kong sumigaw pero tila tinakasan ako ng sarili kong boses. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak ng tahimik habang ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa takot.

Mas lalo akong natakot ng dahan dahan niyang iniangat ang isa niya pang kamay at gamit ang hintuturo ay unti unti niyang inilapit iyon sa mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin nya kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang pumikit at maghintay sa kung ano man ang gagawin niya.

+++

Nagising ang diwa ko dahil sa impit na sigaw. Tila hirap na hirap ang taong iyon. Gusto kong imulat ang mga mata ko dahil alam kong pamilyar ang boses na iyon pero muli akong binigo ng sarili kong katawan. Unti unti ko na ding nararamdaman ang hapdi sa katawan ko. Masakit ang mga braso ko na para bang nakatali iyon paangat sa magkabilang direksyon.

"Pinalampas ko ang pagsama mo sa dating prinsepe Hero dahil sabi ni ama ay hayaan kita, pero ang kalapastanganang ginawa mo ngayon sa batas natin ay hindi ko na mapapalampas pa. Matapos kang sagipin ni ama noon, matapos ka niyang bigyan ng panibagong buhay para mailigtas mo ang pinakamamahal mong kapatid ay eto pa ang igaganti mo? Simpleng kundisyon lang Hero, pero hindi mo ginawa. Hinayaan mong makita ka nila at pinaka mabigat doon, hinayaan niyo siyang malaman ang tungkol sa katauhan nating mga bampira!" Pasigaw na usal ng isang lalaki. Hindi ko alam kung sino siya o kung sino ang kausap niya pero sigurado akong ang tinutukoy niyang Hero ay si kuya Pyro.

Iyon na ba ang katotohanan? Iyon ba ang nangyari noon? Noong panahong akala namin ay namatay na si kuya? Nakipagkasundo siyang maging isang ba-bampira? Para lang mailigtas ako? Kaya ba hindi siya nagpapakita sa akin? Kaya ba ayaw na niyang hanapin ko siya? Eto ba ang panganib na tinutukoy niya?

Pinilit kong imulat ang mga mata ko sa pangalawang pagkakataon at sa wakas, kahit papaano'y naidilat ko ang mga mata ko. Pinilit kong kilatisin ang lugar kung nasaan ako naroroon ngayon. Isa itong kwarto na may malamlam na ilaw. Katapat ko ang isang lalaking hindi nalalayo ang edad sa amin at kaharap niya ang kuya ko. Ang kuya kong nakagapos ang dalawang kamay paitas sa magkabilang direksyon. Puno rin ng dugo ang mukha nya ganun na din ang damit niya. Gusto kong maiyak lalo na ng tumingin siya sa gawi ko at bahagyang ngumiti.

"Ku-kuya Pyro." Halos walang boses na tawag ko sa kanya na siyang ikinaharap sa akin nung lalaking kausap niya. Kilala ko siya sa mukha. Alam kong estudyante rin siya mula sa eskwelahang pinapasukan ko.

"Gising ka na pala binibini." Nakangiting bati sa akin nung lalaki. Hindi ako kumibo. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Mabilis na lumapit sa akin yung lalaki at marahang hinaplos ang mukha ko. Maya maya pa ay inilapit niya sa akin ang mukha niya. Nagulat ako ng bigla nyang isiniksik ang ulo niya sa may parteng leeg ko at tila ba inaamoy iyon. Napakalakas na ng tibok ng puso ko. Nanghihina na din ang tuhod ko sa ginagawa niya. Bakit? Bakit ganito ang reaksyon ng katawan ko?

Napatingin ako kay kuya at doon ko lang napagtanto na sumisigaw siya. Nagwawala at tila gusto niyang putulin ang mga kadenang nakagapos sa mga kamay niya. Kulay pula na din ang mga mata nya.

Sumisigaw si kuya pero hindi ko nadidinig ang sinasabi niya. Tanging tibok lang ng puso ko ang nadidinig ko at hindi ko gusto ang sensasyon na dulot ng lalaking ito. Parang minamanipula niya ang dapat na maging reaksyon ng katawan ko.

Patuloy lang siya sa pag amoy sa leeg ko at maya maya pa ay naramdaman ko ang dahan dahang pagdampi ng labi niya sa leeg ko, patungo sa ilalim ng baba ko, papunta sa ilalim ng tainga ko, sa pisngi hanggang sa tuluyan niyang sakupin ang labi ko.

Hindi ito maaari! Kusang tumutugon ang mga labi ko sa paghalik niya! Hindi! Ayoko! Kuya Pyro! Tulungan mo ko!

Nararamdaman ko ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko pero ang mga labi ko ay patuloy sa pagtugon sa paghalik sa kanya. Muli niyang iniwan ang labi ko at muling ibinaba ang mukha sa leeg ko habang nagiiwan ng maliliit na halik sa madadaanan ng labi niya hanggang sa …

"Aaaaaahhhhh!!!!" Sigaw ko ng maramdaman ang matutulis niyang pangil na bumaon sa leeg ko.

"Demi!!!" Narinig kong sigaw ng kuya ko. Sa wakas, naririnig ko na siya. Tumingin ako sa kanya, gusto kong magmaka awa sa kanya na tulungan ako para maibsan ang hapdi na nararamdaman ko dahil sa pagkagat sa akin ng lalaking ito.

"Papatayin kita Anthony Alberts!! Napaka walang puso mo!!" Galit na sigaw ni kuya sa lalaking kumagat sa akin. Nakaharap na siya ngayon kay kuya habang may bakas pa ng dugo ang kanyang mga labi na nakangiti pa ng nakakaloko.

Ramdam ko ang patuloy na pag agos ng dugo sa leeg ko at nanghihina na ako. Malapit nang bumigay ang mga mata ko pero bago ko pa man maipikit iyon ay malinaw ko pang nakita ang pagtalsik ng lapastangang lalaking iyon. Bago tuluyang lamunin ng dilim ang paningin ko ay nag aalalang mukha ni Miro ang huli kong nakita at malinaw ko ding nadinig ang pagtawag niya sa pangalan ko bago ako tuluyang mawalan ng ulirat.

Next chapter