webnovel

The Second Chase

"Baby please, wag mo ng pagpilitang hanapin si kuya. Hindi na ako ang dating kuya na kilala mo. Masyadong delikado para sayo. Start a new life Demi. Kalimutan mo na si kuya. Wala na si kuya. Hindi na ako kailanman maaring bumalik sa dating ako. Mahal na mahal kita baby ko. Mahal na mahal ka ni kuya."

Napabalikwas ako ng bangon. Narinig ko na naman ang boses ni kuya. Bakit kuya? Bakit? Bakit gusto mong kalimutan kita? Ikaw nalang ang meron ako.

Inilibot ko ang paningin ko. Nasa kwarto ko na naman ako. Madilim na sa labas at dama ko ang lamig ng simoy ng hangin dahil bukas ang pintuan ng veranda ko. Lumapit ako doon para isara iyon pero laking gulat ko ng may tumambad sa aking isang pigura mula sa labas.

Dahil sa gulat ay napaatras ako. Huli na para maisara ang pintuan ng veranda dahil nakapasok na siya sa kwarto ko. Kahit medyo madilim ay naaininag ko parin ang nakamaskara niyang mukha.

Dahil sa takot ay mabilis akong tumayo at tumakbo palabas ng kwarto. Halos gumulong ako pababa ng hagdan dahil sa pilit akong kumakawala sa hawak ng estrangherong nanghimasok sa pamamahay ko. Takot na takot ako. Ang tibok ng puso ko'y di normal, parang gusto na nitong kumawala mula sa dibdib ko. Pakiramdam ko, mauulit ang lahat ng nangyari sa akin noon.

Patuloy ako sa pagtakbo hanggang makalabas na ako ng bahay ngunit sa kasamaang palad, sinalubong ako ng dalawa pang lalaking nakamaskara. Mga kasamahan ata sila ng lalaking humahabol sa akin. Huli na para makaiwas pa sa kanila. Agad akong sinunggaban nung isang lalaki at pwersahang tinakpan ng panyong may nakakahilong amoy ang aking bibig dahilan para mawalan ako ng ulirat. Ito na ata ang katapusan ko. Kuya, kung naririnig mo man ako, patawad.

Napasinghap ako at agad na napamulat dahil sa malamig na tubig na pwersahang isinaboy sa mukha ko. Bahagya pa akong napaubo dahil sa pagpasok ng tubig sa ilong ko. Sino ba ang mga taong ito?

"Mabuti naman at gising ka na." Isang matinig at nakakasurang boses ang pumailanglang sa kwartong pinaglagakan nila sa akin. Kilala ko ang may ari ng boses na iyon. Ang walang puso kong madrasta. Matalim ko siyang tinignan.

"Anong kailangan mo sa akin?" Malamig na tanong ko sa kanya.

"Isa lang ang kailangan ko. Ang pirma mo." Malanding sagot niya sa akin.

"Patayin mo nalang ako." Mariin na sabi ko sa kanya. Hinding hindi ako papayag na sa kanya mapunta ang pinaghirapan ng daddy ko. Napaghandaan ko na ang kamatayan ko kaya naman, nagpagawa na ako ng last will and testament sa attorney ni daddy na kung sakaling mamatay ako, lahat ng pagaari ko ay mapupunta sa iba't ibang charity.

"Talagang papatayin kita pag hindi ka pumirma!" Inis na sigaw niya sa akin. Nginisian ko lang siya.

"Sa tingin mo ba, takot akong mamatay?" mapang asar na tanong ko sa kanya.

"Demi!" napatingin ako sa direksiyon ng tumawag sa akin. Tila nabuhayan ako ng loob ng makita ang uncle ko. Pinsan siya ng daddy ko at siya ang tumatayong presidente ngayon sa kumpanya ni dad.

"Hon ang tigas ng ulo nitong batang to. Ayaw pang pumirma eh." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng walang hiyang madrasta ko. Tila lahat ng pag asa ko ay gumuho. Wag mong sabihing magkasabwat sila? Daddy, bakit ang hilig mong kumupkop ng mga ahas?

"Demi, wag nang matigas ang ulo. Wala ka rin namang magagawa eh." sabi niya sa akin gamit ang malambing niyang tono. Lumapit siya sa akin at marahas na sinabunuta ang buhok ko. Gusto ko ng maiyak sa sakit pero ayokong ipakita ang luha ko sa mga ahas na katulad nila.

Hindi ako kumibo. Marahas niyang inginudngod ang mukha ko sa papel na nasa harap ko. Hindi pa siya nakuntento, marahas niyang sinampal ang magkabilang pisngi ko at marahas na hinawkan ako sa baba. Halos bumaon na ang kuko niya sa mukha ko. Inangat niya ang mukha ko kaya napatitig ako sa nangangalit niyang mga mata. Nanatili lang akong tahimik.

"Hindi kita titigilang bugbugin hanggat hindi mo pinipirmahan ito." Malakas na sigaw niya sa mukha ko. Lumayo siya  sa akin ng bahagya at sinenyasan ang mga tauhan niya.

Pinagpasa pasahan ako ng mga tauhan niya. Walang awa nila akong binugbog at pinaglaruan. Halos di ko na maidilat ang mata ko dahil sa pasa at sugat na natamo ko sa kanila. Kaunti nalang at bibigay na ang katawan ko. Ramdam ko na ang pagbagal ng hininga ko at unti unting pagtakas ng buhay sa nanghihina kong katawan.

Kahit hinang hina ay pinilit ko paring dumilat ng maramdamang biglang tumigil ang pangbubugbog nila sa akin. Rinig ko din ang mga daing nila. May nagligtas nab a sa akin?

Kahit malabo ang paningin ko ay malinaw naman sa isipan ko kung ano ang nakikita ko. Puro dugo ang paligid. Lahat ng tauhan ni Uncle ay nakahiga na sa sahig at walang buhay. Sa di kalayuan, nakatayo ang isang lalaki habang sakal ng isa niyang kamay si Uncle. Nakaangat na ang katawan nito sa sahig at nahihirapan ng huminga. Ang walang hiyang madrasta ko naman ay takot na takot na naka upo sa sahig malapit lang sa pwesto ni Uncle.

"P-Pyro…" Narinig ko pang usal ni Uncle bago siya marahas na ibinalibag ng lalaki sa pader.

"Aahhh! Demonyo! Demonyo ka!" Histerikal na sigaw ng walang kwenta kong madrasta.

"Kuya… kaya ba ayaw mong hanapin kita?" Halos walang boses na tanong ko sa kanya. Dahan dahan siyang humarap sa akin. Gusto kong matakot sa nakikita ko. Kulay pula ang kanyang mga mata. May bakas ng dugo sa kanyang bibig at puro dugo na din ang katawan niya. Pero, siya pa rin ang kuya ko. Bakas sa mapula niyang mata ang lungkot. Nginitian ko siya kahit na hirap na hirap na ako. Pakiramdam ko ligtas na ako. Nakangiti kong ipinikit ang mga mata ko.

"I'm sorry baby. Hindi na naman kita nailigtas ng mas maaga. Patawarin mo si kuya." Narinig ko pang bulong ni kuya sabay halik sa aking noo. Sa isang iglap, nawala lahat ng sakit. Gumaan narin ang pakiramdam ko at tuluyan ng nakatulog.

++++

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nasaan ako? Inilibot ko ang paningin ko. Nasa isang hindi pamilyar na kwarto ako. Itim ang kulay ng pader at halatang lalaki ang may ari nito. Mula sa labas ay may narinig akong naguusap kaya minabuti kong manahimik muna at makinig.

"Hero, alam mong hindi ko papayagan yang gusto mo." Sigaw ng isang lalaki.

"Yun nalang ang nakikita kong paraan Miro. Gusto ko ng maging masaya ang kapatid ko at kalimutan ako. Ayokong ilaan niya ang buhay niya sa pag hahanap sa akin dahil parehas nating alam kung gaano kadelikado para sa kanya pag natuklasan niya kung ano tayo." Mahinahong sagot ng isa pang lalaki na napaka pamilyar sa akin ng boses. Si kuya yun. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Gising na siya." Narinig kong sabi nung isa kaya dali dali akong napapikit. Naramdaman ko nalang na bumukas ang pinto kaya nagkunwari akong bagong gising. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong sa akin ng isang hindi pamilyar na lalaki. Siya siguro ang kausap ni kuya kanina.

"Asan ang kuya ko?" Balik tanong ko sa kanya. Kita ko ang lungkot at awa sa mata niya. Naaawa ba siya sa akin?

"Demi ang pangalan mo hindi ba?" Tanong niya ulit sa akin. Hindi ko na naman siya sinagot.

"Buburahin mo na ba ang alala ko?" Tanong ko ulit sa kanya. Nagulat ako ng bigla siyang tumawa.

"Hahaha. Kanina pa tayo nagtatanungan wala namang may balak sumagot. Oh siya ako na ang mauunang sumagot. Si Hero, nasa labas. Tungkol na naman sa alala mo, ayaw ko mang gawin pero kailangan. Delikado ang buhay mo kapag may nakaalam na alam mo ang tungkol sa amin. Gusto kitang tulungan. Hindi ko buburahin ang alala mo pero mangako ka sa akin … hindi mo na ipagpapatuloy ang paghahanap sa kuya mo." Matapos niya akong pagtawanan ay bigla siyang sumeryoso. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kung sakaling pumayag ako, wala ring saysay dahil hindi ko rin makakasama ang kuya ko. Ayoko rin namang burahin niya ang alala ko. Ayokong mawala ang alala namin ni kuya. Yun nalang ang pinanghahawakan ko. Yun nalang ang meron ako.

Bago pa man ako makapag react ay kinitlan na niya ako agad ng halik sa labi dahilan para biglang bumigat muli ang talukap ng mata ko at tuluyan ng hilain ng antok.

+++

Muli akong nagmulat ng mata. Mukha ng isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa akin.

"Nathan?!" Gulat na tawag ko sa pangalan niya. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa ibang kwarto na naman ako. Nasaan na naman ba ako? At bakit nandidito si Nathan? Nasaan si kuya at yung lalakingn si Miro? Wala sa loob kong napahawak ako sa labi ko. Ang huling natatandaan ko ay nang kiniylan ako ng halik sa labi ni Miro.

"Ayos ka lang ba Demi? Dalawang araw ka nang tulog at sobrang nag aalala na ako sayo." Bakas nga ang pag aalala sa tinig niya. Pero teka, dalawang araw akong tulog?

"Ah, Nathan, nasaan ako? Tsaka paano ako napunta dito?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko siyang napabuntong hininga bago pa man siya sumagot.

"Inihatid ka dito ni Miro, yung kaibigan nung kamukha ng kuya Pyro mo? Sabi niya, nakita ka daw niya sa daan na walang malay. Hindi daw niya alam kung saan ka dadalhin kaya dito ka dinala since ako daw ang madalas nilang makita na kasama mo. Nandito ka ngayon sa condo ko." Mahabang paliwanag niya. So, si Miro nga. Teka, natatandaan ko ang lahat. Ibig bang sabihin, hindi niya talaga binura ang alaala ko? Should I comply with his condition? Titigil na ba ako sa pag habol sa kuya ko? NO! I wont stop! Kahit gaano pa kadelikado. Hindi na ako takot mamatay pero gusto ko, kahit bago man lang ako mamatay, malaman ko ang totoo tyungkol sa kuya ko. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman iyon.

Next chapter