webnovel

The First Chase

They say that if you survive a tragic incident that almost took your life, you'll change. In his case, it's LITERAL.

+++

"Kuya, pagod na ko. Di ko na kayang tumakbo. Iwanan mo nalang ako dito." Sabi ko sa kuya ko na kasama kong tumakbo palayo sa mga lalaking kanina pa humahabol sa amin.

"No! I will never leave you here. Makakatakas tayo sa kanila ng magkasama." Mariing sabi sa akin ng kuya ko habang marahang pinisil ang kamay kong kanina pa niya hawak. Gusto ko ng sumuko ng mga oras na to pero dahil sa mga salita ng kuya ko, ng nagiisang taong karamay ko sa akin ay tinatagan ko ang loob ko. Nagpatuloy kami sa pagtakbo pero sadyang bumibigay na ang katawan ko. Hanggang sa naramdaman ko nalang ang paglapat ng katawan ko sa malamig at matigas na semento.

"Demi!" Sigaw sa akin ni kuya na medyo malayo na sa pwesto ko. Tumakbo siya papalapit ulit sa pwesto ko pero nakakailang hakbang palang siya ay nakarinig ako ng malakas na putok kasabay ng pagbagsak ng katawan ng kuya ko.

"Kuya! Kuya Pyro!!!" Sigaw ko. Pinilit kong gumapang papalapit sa katawan niya pero may dalawang pares ng kamay na humablot sa akin at marahas akong kinaladkad palayo. Nakita kong may isang lalaking may dala ng baril ang lumapit sa pwesto ng kuya ko at pinaputukan ulit ang nakahandusay na katawan niya.

"Kuya! Kuya!!"

Napabalikwas ako ng bangon at sapo sapo ang dibdib ko. Panaginip. Napanaginipan ko na naman ang malagim na pangyayaring iyon. Dalawang taon na ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon pero malinaaw parin sa alaala ko ang mga nangyari nung gabing iyon.

Matapos nilang barilin ang kuya ko ay kinaladkad nila ako pabalik sa bodega kung saan nila ako muling itinali at paulitulit na pinahirapan para lang sabihin sa kanila kung nasaan ang magaling kong ama. Nagising nalang ako sa isang ospital noon. Ang sabi sa akin ng stepmom namin ay patay na daw ang kuya ko. Ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng kuya ko. Kung hindi raw ako naglayas ng gabing iyon ay hindi ako makikidnapped ng mga lalaking iyon. Hindi ko alam kung papaano nila ko nailigtas o kung sino ang nag ligtas sa akin.

Simula ng araw na iyon, mas naging mahirap ang lahat para sa akin. Mas sumama ang pakikitungo sa akin ng stepmom namin lalo na ang anak niyang patay na patay sa kuya ko. Pero simula din ng araw na yun, pakiramdam ko mas naging ligtas ako.

Bumalik lang ako sa reyalidad ng may marinig kong kumatok. Napakunot noo ako.

"Sino yan?"

"Demi, baby, it's dad." Sagot ng tao sa labas. Tsk. Ang magaling kong ama. Nakabalik na pala siya ulit ng bansa. Siya ang dapat sinisisi sa nangyari sa kuya ko eh. Isa pa, parang wala lang sa kanya ang mga nangyari. Galit ako sa kanya.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya ng pagbuksan ko siya ng pinto ng kwarto.

"Baby, bakit hindi ka pa nakabihis? May pasok ka diba?" Malambing na tanong niya sa akin. Nakakaasar. Kahit galit ako sa kanya ay hindi ko pa din siya magawang bastusin. Bakit? Dahil kahit pagbalibaliktarin ko man ang mundo, siya parin ang ama ko at siya nalang ang natitirang kadugo ko.

"Mag aayos na ako." Sabi ko sa kanya.

"Good. Antayin ka namin sa dining." Sabi niya sa akin ng nakangiti. Tinanguan ko nalang siya at sinara na ulit ang pinto. Nag ayos na ako ng sarili para sa pagpasok.

Matapos kong magayos ay bumaba na ako sa dining para samahan sila sa pagkain. Tahimik akong umupo at sinimulan na ang pagkain.

"Bitch." Narinig kong bulong ni Stacy. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako sa reaksyon niya. Bakit parang gulat na gulat siya? Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy na sa pagkain.

"Baby, I bought you a new car. Here's the key. Drive safely okay." Sabi sa akin ni dad ng matapos kaming kumain. Walang gana kong tinanggap ang susi na inaabot niya. Ganyan siya, binibilihan ako ng kung ano ano kahit hindi naman ako nanghihingi kaya lalong nanggagalaiti sa akin yung bago niyang pamilya eh.

Umalis na ako sa bahay ng hindi sila kinakausap. Baka makipagplstikan na naman sa akin yung mag ina niya. Ganon naman sila eh pag nandiyan si dad eh, akala mo mga hindi makabsag pinggan sa kabaitan pero pag wala na ulit si dad saka lumalabas ang tunay na mga kulay. Kulang nalang palayasin ako sa sarili naming pamamahay. Tama, bahay namin yun ng kuya ko. Iyon ang iniwan sa amin ng tunay naming ina sa amin ni kuya bago siya mamatay. Isa rin yun sa dahilan kung bakit hindi ko magawang umalis doon kahit na gustong gusto ko ng lumayo sa kanila.

Nang makarating na ako sa school ay agad na akong nag lakad patungo sa room ko. Katulad ng inaasahan, ako na naman ang pinaguusapan ng mga babae dito. Kung ano ano kasing maling balita ang ikinakalat ng magaling kong step sister tungkol sa akin. Sikat siya dito sa school dahil siya ang pinaka mamahal nilang Student council President.

Hinayaan ko nalang sila dahil bukod sa wala akong pakialam sa kung ano man ang sabihin nila eh hindi naman nila alam kung ano ang totoo.

Malapit na ako sa room ng magring ang phone ko. Huminto ako saglit para sagutin iyon. Nagdalawang isip pa nga ako kung sasagutin ko ba talaga o hindi matapos kong makita ang caller, si dad. Sa huli sinagot ko na din.

"Hello?"

"Baby, aalis na ulit si dad. Keep safe always okay? Always remember, I love you so much. Mahal ko kayo ng kuya mo."

Gusto ko sanang sabihin na mahal ko din siya kahit nag alit ako sa kanya pero walang lumabas na kahit na ano man mula sa akin. Mahabang katahimikan bago nagslita ulit si dad.

"Alam ko na kung sino ang kumidnap sayo at gumawa nun sa kuya mo. Baby, I want you to listen okay? Kung ano man ang mangyari sa akin ~" hindi na natapos ni dad ang sasabihin niya dahil biglang namatay ang phone ko. Damn it. Nakalimutan kong mag charge. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na ulit papunta sa room.

Kahit na nababagabag pa din ako dahil sa tawag ni dad ay minabuti ko pa ding pasukan ang lahat ng subjects ko pero sadya yatang lutang ang isip ko dahil hindi ko manlang napansin na uwian na pala.

Agad akong sumakay ng kotse at tinahak ang daan pauwi. Bigla akong kinabahan ng makita ang sasakyan ng mga pulis sa tapat ng bahay namin. Dali dali akong pumasok at naabutan ang humahagulgol na stepmom ko.

"What's the matter officer?" Tanong ko sa isang opiyal na nakatayo malapit sa stepmom ko.

"Are you Miss Demi Louis Salvacion?" Tanong sa akin nung opisyal kaya tinanguan ko naman siya bilang tugon. May inabot siya sa aking flashdrive at isang brown envelope. Inabot ko naman iyon.

"Ibinilin iyan ng iyong ama sa lalaking nagdala sa kanya sa ospital." Paunang sabi niya sa akin. Bigla akong kinabahan. Hindi mganda ang kutob ko dito. Hindi maaari to.

"Ikinalulungkot ko Miss Salvacion pero pumanaw na ang iyong ama."

++++

Isang lingo. Isang lingo na ang nakakalipas mula ng mamatay ang ama ko. Ang dalawang walang hiyang babae sa bahay na ito ay lumayas na din dala ang pera at papeles ng kumpanya namin. Ang natira sa akin ay ang bahay na ito, ang dalawang kotse ko, isang bank account na may personal savings ko at flashdrive at brown envelope na iniwan sa akin ni dad.

Masyadong masakit ang mga pangyayari. Iniwan na ako ng dalawang taong mahalaga sa akin. Una si kuya tapos ngayon naman si dad. Wala na. Wala na akong natitirang rason para mabuhay.

Napabaling ang tingin ko sa brown envelope na nakapatong sa side table ng kwarto ko. Hindi ko pa din pala nabubuksan ang isang to. Agad ko iyong kinuha at marahang binuksan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Mga litrato ang laman ng envelope na iyon. Mga litrato ko nitong nagdaang dalawang taon. Mga litrato kung saan nasa di kalayuan ang isang lalaki na inakala kong patay na. Ang kuya Pyro ko. Buhay ang kuya ko. Buhay siya! Pero bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin? Matagal na ba itong alam ni dad? Bakit itinago niya sa akin ito?

Agad kong kinuha ang susi ng sasakyan ko at mabilis na tinungo ang sementeryo kung saan nakalagak ang magkatabing puntod nila mom, dad, at kuya.

"Dad, ang daya mo naman eh. Matagal mo na ba to alam? Alam mo bang halos bawiin ko na din ang buhay ko nung mga panahon nay un dahil akala ko, iniwan na ako ni kuya." Inis na sabi ko sa harap ng puntod ni dad. Hindi ko na din napigilan ang mga luhang isang lingo ko na ding pinipigilan sa pagpatak.

"Aalamin ko kung ano man ang dahilan ni kuya kung bakit hindi siya nag papakita sa akin. Hahanapin ko siya." Dagdag ko pa. Hinayaan ko nalang tumulo ng tumulo ang mga luhang nag uunahan sa pag patak. Kung ano man ang dahilan niya aalamin ko yun.

++++

"Demi, sana mapatawad mo si kuya. Alam kong malungkot ka ngayon dahil pati si dad nawala na sayo. Wag kag mag alala, palagi kitang binabantayan. Wag mo na sana munang hanapin si kuya ah. Hindi pa ito ang oras para magkita tayo baby ko. Mahal na mahal kita."

Ang boses na iyon. Sigurado akong si kuya Pyro iyon. Minulat ko ang mata ko at nagtaka ako ng mapagtantong nasa loob na ako ng kwarto ko sa bahay. Sinong nagdala sa akin dito? Si kuya ba? Dahil sa isiping iyon ay agad akong napatayo at nilibot ang buong bahay pero ni anino ng kahit sino ay wala akong nahagilap. Muli akong bumalik sa kwarto at napaupo sa gilid ng kama.

"Kung hahanapin ko si kuya saan ako magsisimula?" Tanong ko sa sarili. Napatingin ako sa side table ko at nahagip ng paningin ko yung flashdrive. Agad ko iyong kinuha. Binuksan ko ang laptop ko at isinalpak doon ang flashdrive.

Napangiti ako sa nabasa ko. Griffin University. Doon nag aaral si Kuya. Doon ko siya sisimulang hanapin. Napatingin ako sa relo ko, ilang oras nalang at umaga na.

Bumaba ako at nag handa ng makakain ko. Matapos kong kumain ay naghanda na ako. Saktong alas otso ng umaga ng lisanin ko ang bahay papunta sa school ko. Pagdating ko doon ay pinagtitinginan na naman ako. Napangiti ako. Ito na ang huling araw na makikita niyo ako dito.

Agad kong tinungo ang registrar office para mag drop. Buti nalang at kasisimula palang ng school year kaya hindi na ako nahirapan pa. Matapos kong gawin ang mga dapat gawin ay agad kong tinungo ang Griffin Uninversity. Medyo malayo siya sa bahay ko pero ayos lang, kung makikita ko naman si kuya.

Pagdating ko sa GU ay agad na din akong nag enroll. Buti nalang at na refund ko pa ang almost 75% ng tuition ko sa dati kong school.

++++

Ilang lingo na ang nakakalipas simula ang pumasok ako sa Griffin University pero ni anino ni kuya ay hindi ko makita. Nauubusan na ako ng pag asa na makikita ko siya ulit. Sa ilang lingong nagdaan, nakapagtanong tanong din ako sa mga bago kong kakilala sa University pero wala silang kilalang Ian Pyro Salvacion. Mukhang mahirap talaga hanapin ang taong ayaw mag pakita. Siguro naman kung may balak talaga siyang magpakita sa akin, matagal na niyang ginawa.

Napahawak ako sa pisngi ko. Umiiyak na naman pala ako. Tuwing nandito talaga ako sa mini garden ng University namin ay hindi ko mapigilang hindi maiyak. Isang lingo. Isang lingo nalang akong mananatili sa lugar na to.

"Kuya Pyro! Pag hindi pa kita nakita sa buong lingong to pangako titigil na ako! Hindi na kita hahanapin! Titigil na ako sa pag hahanap sa natitirang dahilan ng buhay ko! Titigil na ako!" Sigaw ko.

"Kung ayaw mo talagang magpakita, hindi na kita pipilitin. Susunod nalang ako kila dad dahil napapagod na din ako. Napapagod na akong mabuhay mag isa." Pahabol ko pang sabi pero mas mahina na kaysa sa naunan.

"Miss ayos ka lang?" Napatingin ako sa pinagmulan ng boses. Tinignan ko lang siya saglit at agad na sing ibinalik ang tingin ko sa unahan.

"Miss?" tanong niya ulit sa akin.

"Naranasan mo na bang maghanap ng isang multo?" Tanong ko sa kanya ng maramdaman kong tumabi siya ng upo sa akin.

"Huh? Multo?" Takang tanong niya. Napangiti nalang ako ng mapakla.

"Ako naranasan ko na. Ay mali, nararanasan ko pala." Patuloy kong sabi sa kanya kahit na alam kong hindi niya ako naiintindihan. Nanatili siyang tahimik. Ramdam kong nakatingin siya sa akin.

"Dalawang taon na simula ng mamatay ang kuya ko. Simula ng inakala kong namatay siya. Ako ang sinisisi sa pagkamatay niya. Kasalanan ko. Hindi ko man maamin sa sarili ko pero sarili ko din ang sinisisi ko. Nung mga panahong iyon, ilang beses kong tinangkang magpakamatay pero lagi nalang akong nagigising sa kama ko na buhay pa din at humihinga. Nang tumagal, nawala na rin sa isip kong magpakamatay dahil kahit sinasabi kong galit ako sa dad ko eh siya pa rin ang pinaghuhugutan ko ng lakas para manatiling buhay. Pero kamakailan lang, kinuha na din siya sa akin. Noon ko nalaman na buhay pa pala ang kuya ko. Na lagi niya akong binabantayan. Na all those times nasa malapit lang pala siya. Kaya naisipan kong hanapin siya. Napadpad ako dito dahil sabi dito daw siya nag aaral pero hanggang ngayon hindi ko pa din siya nakikita." Napatigil ako sa pag kukwento dahil naramdaman kong may panyo na dumampi sa pisngi ko. Napatingin ako sa katabi ko at nakita kong binigyan niya ako ng isang sinserong ngiti.

"Lahat ng bagay may rason. Bawat pagtatagpo, may tamang pnahon." Maikling sabi niya. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Masyado kasing malalim pero kahit papaano ay naintindihan ko.

"Napapagod na akong umasa na magppakita pa siya sa akin. Isang lingo, pag hindi ko pa siya nakita, magpapahinga na ako." Sabi ko sa kanya at nginitian siya ng bahagya. Napatitig siya sa akin na para bang binabasa niya ang nasa isip ko.

"Salamat nga pala. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko." Sabi ko sa kanya at tumayo na. Paalis na sana ako ng marinig kong magsalit siya.

"You don't mean by 'magpahinga' is you'll take your life, do you?" Nakakunot na tanong niya sa akin. Nginitian ko lang siya. Isang malungkot na ngiti at naglakad na ulit ako. Hindi pa man ako nakakalayo ay nag salita siya ulit.

"Do you have your brother's picture? I'll help you find him." Sabi niya sa akin kaya dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at mpaharap muli sa kanya.

"Sigurado ka? Marami na akong napagtanungan pero wala silang kilalang Ian Pyro Salvacion." Sabi ko sa kanya. Tumango lang siya bilang tugon sa akin. Lumapit ako sa kanya. Kinuha ko ang pitaka ko sa bulsa ko at kinuha mula doon ang picture ng kuya ko at iniabot sa kanya.

"Sigurado ka bang Pyro ang pangalan niya?" Napataas naman ang kilay ko sa tanong niya.

"Oo naman. Bakit kilala mo ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Pamilyar ang mukha niya pero hindi ako sigurado kung siya ang hinahanap mo." Sabi niya. Parang nabuhayan ako ng pag asa sa sinabi niya.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya ulit. Oo nga pala, hindi namin kilala ang isa't isa.

"Demi Louis Salvacion. Ikaw?" Balik tanong ko sa kanya matapos kong sabihin ang pangalan ko.

"Nathan. Nathan Alvarez." Sabi niya sa akin ng nakangiti. Tinanguan ko nalang siya at umalis na sa lugar na iyon. Habang nag lalakad ako palayo sa mini garden ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Kuya Pyro. Agad akong tumakbo papunta sa pwesto niya pero mabilis din siyang nawala. Kuya, bakit ba ayaw mong magpakita sa akin?

Patuloy akong naglakad sa direksyon na maaari niyang takbuhan mula sa pwesto niya kanina pero nasa may bandang likod na ako ng University pero walang kuya Pyro kong nakita. Maglalakad na sana ako pabalik sa mini garden pero natigilan ako ng maramdamang may humawak sa akin at bigla nalang nila akong pinalibutan.

"Miss, bakit napadpad ka sa teritoryo namin?" Tanong nung lalaki na nakahawak sa braso ko.

"May hinahanap lang ako." Halos pabulong na sagot ko. Nanginginig na ang katawan ko sa takot. Pakiramdam ko, sila yung mga kumidnap sa akin at totorturin ulit nila ako. Di ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha ko.

"Hahaha dude, ang kinis oh!"

"Oo nga. Jackpot tayo diyan."

Natatakot na talaga ako sa kanila dahil panay ang hawak nila sa akin. Kuya. Kuya tulungan mo ko!

"Kuya Pyro!" Sigaw ko dahil sa matinding takot. Nagulat nalang ako ng biglang isa isang tumilapon palayo yung mga lalaking kanina ay nakapalibot sa akin.

"Miss okay ka lang?" Tanong nung lalaking tumulong sa akin. Napatunganga ako sa mukha niya. Agad ko siyang niyakap.

"Kuya Pyro! Akala ko hindi ka na talaga magpapakita sa akin eh." sabi ko sa kanya habang mahigpit paring nakayakap. Tuloy tuloy ang daloy ng luha ko pero hindi dahil sa paangungulila. Umiiyak ako ngayon dahil sa tuwa.

"Miss nagkakamali ka. Hindi Pyro ang pangalan ko." Sabi niya kaya agad akong napabitaw sa kanya. Muli kong tinignan ang mukha niya. Hindi ako maaring magkamali. Siya ang kuya ko. Ang mukha niya, ang boses niya kay kuya Pyro yun.

"Imposible. Hindi ako pwedeng magkamali. Ikaw nag kuya ako. Dalawang taon kuya! Dalawang taon! Hanggang kalian ka ba magtatago sa akin?"

"Miss hindi nga ako si Pyro. Hero Alberts ang pangalan ko." Mariing sabi niya sa akin pero kita ko sa mga mata niyang nag sisinungaling siya. Kuya bakit? Ayoko. Ayokong maniwala sa kasinungalingan niya.

"Demi?" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Nathan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinalikudan ko na si Kuya Pyro at nagsimula ng maglakad palayo.

"Sorry baby ko."

Napatigil ako sa paglalakad. Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin. Hinayaan ko nalang na tumulo ng tumulo ang luha ko. Kuya bakit mo ko sinasaktan ng ganito? Alam mo bang konti nalang bibigay na talaga ako?

"Demi, tahan na." Narinig kong bulong ni Nathan habang hinahagod niya ang likod ko.

Next chapter