webnovel

Chapter five: Tears

Xiayi Pont of View:

Isang linggo na din simula noong naglasing ako. Wala akong gaanong naaalala kundi yung nagkasama kami ni Kean. Ni di ko nga matandaan kung papaano ako nakauwi e. Basta ang alam ko lang, pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na rin nagparamdam pa si Jayzi. Okay na rin iyon dahil di ko rin nga alam kung papaano siya haharapin. Ang alam ko lang ay kailangan ko nang tapusin 'tong nararamdaman ko para sa kanya. Loving him is not worth it anymore. Masyado nang maraming taon ang sinayang ko para sa kanya. Durog na durog na din naman ang pagkatao ko kaya seguro... Tama na...

"Ma'am.." Tawag sa akin ng sekretarya ko. Kaya nawala ang pagninilay-nilay ko.

"Ano 'yon?" Tanong ko habang tinutuon ang pagtingin sa mga bagong gawang summer dress para sa darating na lunching for summer collection ng Boutique namin.

"May bisita po kayo. Si Kean Madrigal daw po." Wika nito kaya naman napunta agad ang atensyon ko sa kanya.

"Papasukin mo at ipagtimpla mo na din kami ng kape." Utos ko dito.

"Black coffee din po ba sa kanya ma'am?" Tanong nito.

"Oo. Pero isang kutsaritang asukal lang yung kanya." Dagdag ko pa. Maaarte pa namang lalaki yun.

"Osige po ma'am."

Pagkaalis na pagkaalis nito ay iniligpit ko muna ang mga gamit sa mesa ko tsaka itinabi.

Pagkatapos kong linisin iyon ay binuklat ko muli ang brochure na ipinadala ni Tita Dinna. Isa sa mga tumulong sakin noong nagsisimula palang ang business naming ito.

*Knock knock*

Napaangat ang tingin ko sa pintuang bumukas at bigla nitong iniluwa ang sekretarya kong si Felicity.

"Ma'am nandito na po siya."

Tumango lang ako sinyales na papasukin ito.

"Pasok na po kayo, sir." Magalang na sabi nito.

"Xiaxia!" Masayang tawag nito sa pangalan ko sabay lapit sa kinauupuan ko. Niyakap ako nito at ginulo ang buhok tulad ng lagi niyang ginagawa.

"Ehem.. Sige po ma'am. Ipaghahanda ko na po kayo ng kape." Paalam ni Fecility bago lumabas ng kwarto.

Hinarap ko si Kean habang masaya parin itong nakayakap sa bewang ko na tila'y isang batang nakita ang kanyang ina. "What's bring you here." Nakapoker face kong tanong habang tinatapik ang isang kamay niyang nakahawak parin sa ulo ko.

"Wala. Namiss lang kita e." Wika nito sabay kindat.

"Tsk. As if.." I rolled my eyes because of what he said. Inakbayan naman ako nito at ngumiti.

"Bakit ayaw mong maniwala pagsinasabi kong namiss nga kita?"

"Naku, Kean! Sa landi mong yan, ako pa ang tataluhin mo." Saad ko sabay pitik sa noo nito kaya natanggal ang pagkakaakbay niya at hinimas ang noo.

"Nakakasakit ka na, Xiayi ah." Parang batang sabi pa nito.

"Tsk." I just said.

"Hehe. Kamusta?" Pagbabago nito ng usapin.

"Ayos lang. Tudo trabaho pero masaya naman." Maayos kong tugon.

"Are you sure?" May di pagsang-ayon akong nababakas sa boses niya pero di ko nalang pinansin.

"Yeah. I am sure."

"Okay. If you says so." Medyo nakangiti niyang sabi.

Di kalaunan ay dumating na din ang kape na inutos ko kay Felicity. Maraming ikunuwento sa akin si Kean tungkol sa pagbalik niya dito sa Pilipinas. Isa si Kean sa mga naging kaibigan ko dito sa bansa bago ako ipinadala sa US. He's been there to help me if I need him especially to the time that I was down and hopeless. Minsan pa nga ay sinurpresa niya ako sa US. I can't even believe that he will go there just to celebrate my every birthday. I can even say that I am so lucky to have him as my bestfriend.

Gwapo si Kean at mayaman. Bukod pa roon ay matalino din ito. Isa na din siya sa mga angat at kilalang tao sa buong mundo. Nakilala siya noong sinumulan niyang imanage ang companyang ipinamana sa kanya ng Lolo niya. Ang 'Madrigal Corporation'. Bukod pa roon ay isa din siya sa pinakabatang successful business man na naitatag sa ikalawang taon ng kanyang pamamalakad dito. Kaya naman masasabi kong napakaswerte ng babaeng magpapatibok ng puso nitong bestfriend ko.

Nawala ang pag-iisip ko ng bigla na lamang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at binasa sabay tingin sa akin at ngumiti na tila ba'y humihingi ng paumanhin.

"Xiayi, sorry. I need to go dahil biglang nagtext si Mommy at pinapauwi daw kami ngayon sa bahay para maglunch. Dadating daw kasi si Lolo." Paalam nito. Ngumiti naman ako dito.

"Oww. Is that so. Sige, hatid nalang kita sa labas." Bukal sa loob kong tugon rito.

"Wag na. I can manage." Pagtanggi nito.

"No. I insist." Nakangiti kong pagpilit sa kanya.

Di na ito tumanggi pa bagkos ay ginulo nalang nito ang buhok ko bago nagsalita. "Okay. If you say so. Hmm.. Ganito nalang, babawi ako sayo bukas. Let's date. Ano, okay lang ba sayo?" He offered.

"Yeah, sure."

"Okay. I'll fetch you up tomorrow for lunch, okay."

"Okay."

"See you tomorrow then."

"Okay." Nakangiti kong sagot dito.

Hinatid ko sa labas si Kean at hinintay na makaalis ang sasakyan niya bago pumasok sana ulit sa loob nang bigla nalang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Bumukas ang pinto nito at iniluwa ang isang lalaking nakakunot ang noo at mukhang galit.

"Why is he here?" He asked right away.

"Why are you here?" Pagbabaliwala ko sa tanong niya.

"I asked you first. Why is he here?" Madiing tanong ulit nito.

"He's here to visit me." Walang emosyon kong sagot dito.

"To visit you?" He said with disbelief tone.

"Yeah. So, why are you here?" I asked back again after answering his question.

Simula kasi noong huli naming pagkikita ay di na ako pa

"I'm here to visit my wife." Kunot noo niya paring saad.

"Your wife? Mr. Sandoval, last time I check, I gave you the devorce paper the day after the dinner in your house, just to fulfill your request. And you even said that, we are just married in paper. Ngayong bumalik na ang kapatid ko, matatapos na din to lahat sa oras na pinermahan mo na ang dokumento at maapprove na iyon ng hukuman. So basically I am not your real wife. Don't pretend as if we are real couple. Because I am just your substitute wife." Lakas loob kong saad rito tsaka tumalikod na nang bigla ako nitong hilahin at hinalikan. I tried to push him but he is too strong.

Kasabay ng mapusok na halik ito galing sa taong mahal ko ay bigla kong naalala ang lahat ng saya at sakit na naranasan ko mula sa mga taong minahal at pinahalagahan ko. Kumurot ang puso ko, na tila ba ay tinutusok ito nga paulit-ulit.

Pinilit kong magpakatatag at di na ako naglaban pa at hinayaan lang siya gawin ang gusto niya. I let him do whatever he wanted to do. Until he stop.

He look at me seriously. I didn't move instead I look at him back too. Straight to his eyes. Until he speak up. "I am warning you. Don't push me to my limit, woman." Seryosong saad niya na may pagbabanta. He released me and turn his back on me.

Umalis na siya nang mapagtanto kong umiiyak na pala ako.

Agad akong pumasok sa shop at dumeritsu sa office ko. Nadaanan ko pa ang sekretarya ko at tinanong pa ako nito kung ayos lang ba ako pero di ko ito pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglalakad bago sinara ang pinto.

Agad akong napasandal sa pintuan ng aking office habang patuloy parin sa pagdaloy ang aking mga luha. I feel so helpless. This pain is driven me crazy. Damn this life.

Gusto kong magwala at sumigaw. Potangina! Ba't ako nalang palagi? Ba't gustong-gusto nilang nakikita akong patapon? Why are they doing this to me? Ano bang kasalanan ko at palaging ako nalang ang nasasaktan ng ganito? Subrang sakit na.. I- I really want to end this life.

*********

04/07/2020

Next chapter