webnovel

KABANATA 1

Chapter 1

"Kyla anak, male-late ka na sa school. Gumising ka na dyan. " sabi sakin ni Nanay Risa

"Opo. Babangon na po nay. " sabi ko habang kinukusot yung mga mata ko at nagpatihaya ulit sa kama ko.

"Oh segi tapusin mo na 'yan at baka malate ka pa sa school. "

naligo nako sa banyo tsaka bumaba na at dumiretso sa kusina. Nakita ko namang nagluluto ng agahan si Nanay Risa

" Nay, mauna na po ako.!" Sabi ko ng matapos ako sa pagkain at lumapit sa kanya para humalik sa pisngi niya.

"Segi mag-iingat ka!" Sabi naman niya at umalis na ako.

Ako nga pala si Akira Kayla Candice Dizon ulila na ako namatay ang mama ko dahil sa car acccident. Nawalan ng preno ang sasakyang sinasakyan namin. Nang mga oras na 'yon.

Andito na pala ako sa harap ng main gate ng school. Ang EHU o mas kilala bilang EAST HIGH UNIVERSITY.

Pagpasok ko.

May nag bubulong-bulongan na agad pero rinig ko naman.

'Nag bulungan pa sila... Tss'

"Akala ko ba pina-alis na 'yang nerd na yan dito? "

"'Yon din akala ko e. "

"Di siya nababagay dito. Ang pangit kaya niya"

"Oo nga."

'at kayo hindi?! wow! nahiya naman ako nuh...'

Hay nako! 'Yan lang naman 'yong kaya nilang gawin Kayla. Wag lang paapekto, okay? Okay!

patuloy ako sa paglalakad ng may humintong dalawang clowns sa harap ko. Clowns kasi sa sobrang kakapal ng mga make-ups nila natatakpan na 'yong mga mukha nila. Kulang nalang nilagyan nila ng pulang bilog 'yong ilong nila. At pinahaba yung lipstick sa labi nila. hayyyy....

"Hi nerd. How's your day today?" Clown #1

"Mabuti naman." Sabi ko.

May day na nga... May today pa? Nag-iisip ba'to?

"Hmmp! Ngayon lumalaban ka na ha!" Clown #2

"Ha? Lumalaban? Nakakain ba 'yon? " sabi ko.

Di naman ata ako papayag na nilalait nila ang kagaya ko? Di naman sila ang nagmamay-ari dito. Kaya wala silang karapatan na maghari-harian dito!

"Hmm! You have time! Nerd! Just wait!" Clown#1

"I will!" Sigaw ko sa kanya habang naglalakad.

Pupunta na muna ako sa Deans office para kunin ang section ko.

"Good morning Miss. May I take my section?" Sabi ko na magalang.

"You are in 4-A miss Dizon. Maintain your grades. Siya nga pala Kayla pumunta ka kaagad sa clinic at kailangan ni nurse ng tulong para sa pag-aayos ng bagong dating na mga gamit. Saka may darating nga pala kayong bagong kaklase ngayon" sabi sakin ng dean. Sino naman kaya 'yong bagong kaklase na yun? Bahala na nga... Aapihin rin naman ata ako no'n dahil sa panlabas na itsura ko. 'Yan naman palagi eh. Saka nga pala tumutulong ako dito sa school. Kapalit ang ay scholarship ko.

"Yes! I will Ma'am, thank you" sabi ko at umalis na sa dean office. Nasa hallway na'ko papuntang classroom para ilagay ang mga gamit ko ng....

"Hey nerd! Mukhang ang saya mo ata ngayun? Share naman dyan!" sabi niya at inakbayan ako.

Pero agad ko namang kinuha ang kamay niya at nauna ng umalis pero may sinabi pa ako sa kanya.

"Masaya ako kasi, masaya ako. Wala namang mali pag naging masaya hindi ba? Mike?" Sabi ko at pumasok na sa classroom. Ang iba kong mga kaklase naman ay nagkukulitan. May nakita naman akong babae na nag babasa sa sulok. Hindi siya nerd kundi isa siyang dyosa. Dyosa kasi sa ganda niya.

At si Mike Sendon pala 'yong kasama ko kanina. Palagi niya akong iniinis at tinatawag na nerd. Which is true naman... Sanay na din naman ako dahil sa tatlong taon akong nanatili dito sa EHA di pa ba ako masasanay?

Pero ngayon di ko na man ata papabayaan na aapihin nila ako na parang wala akong pinag-aralan. Three years is enough of bullying. Pero alam ko din naman na di ko sila makakaya kasi lahat nagagawa ng pera pero hindi ang dignidad at dangal ng isang tao.

Pag-upo ko sa upuan ay bigla nalang itong nasira kaya napasalampak ako sa sahig kaya lahat ng nasa loob ng classroom ay nasa akin ang atensyon.

Bigla naman bilang tumawa kaya sinubukan kong tumayo. At tinignan sila ng masama. Lumapit naman sakin sina Tiffany at 'yong mga alipores na na naka cross arms. Habang tumatawa. Siya 'yong nakasalubong ko kanina papuntang dean office.

"'Yan ang napala mo Nerd sa pag sagot sagot mo sakin kanina. !" Sabi niya at tumawa naman ito. nakisama na rin ang mga kasama nya sa pagtawa

Bigla namang nagsigawan ang na sa labas.

"Ahhhhh!!! Andiyan na sila!!" sabi ng babae habang tumatalon talon pa.

"Ahhh!! Ang gwapo talaga nila"

"Ahh!! Ang B8. Bakit kaya sila andito. ?" Girl 1 'yung tumatalon.

"balita ko balak daw nilang mag-transfer dito Whaa. Ang swerte naman. Sana mapansin nila tayo!" Sabi ni Girl 2

"Di ba galing sila sa kabilang School?" Sabi naman ng lalaking na sa tabi ko kaya napatingin ako dito.

"Di ko alam at wala akong paki-alam." Sabi ko kay Mike at lumabas ng classroom dahil ang iingay ng mga tao. Dumiretso nalang ako sa clinic. Naka yuko ako dahil ang sakit ng paa ko dahil nag kasugat ito.

Habang nag lalakad ako naka bangga naman ako sa isang pader. Kaya tinignan ko ito at nakita kong nakabangga ako sa haligi ng school na naka harang sa daan bago ang hagdan narinig ko ng tawa galing kaliwa ko.

"Pangit na nga. Bulag pa!" tumawa ito ng bahagya "'bayan... Nakakahiya na nga ang mukha, tatanga-tanga pa tsk tsk. " Sabi niya at nag patuloy sa palalakad.

'Tsk Suplado! Paki niya? Kilala ko ba siya? Lol niya!

'ano yun? huminto lang sya para laitin ako? baliw ba yun?'

*****

"Ayan Kayla mag iingat ka na sa susunod." Sabi sakin ni Miss Ann. Ang school nurse namin.

"Opo Miss Ann thank you po. At isa pa papunta naman talaga ako dito para tumulong. " nakangiting sabi ko kay Miss Ann. Ang bait niya talaga ang ganda pa.

"Ay! Ikaw talagang bata ka. Mag pahinga ka na muna diyan at saka ka na tumulong may klase ka pa diba?" Sabi nito. habamg inaayos ang ilan sa mga medicine sa lalagyan nito. habang ako naman ay inaayos ang higaan ng mga pasyente

"Opo Miss Ann. Mamaya pa naman po yun e mga 7:30 pa naman po. May 30 minutes pa po ako dito." Sabi ko dito.

****

~~kring~~kring~~

'Ring yan ng bell! 'wg kang ano!'

"Miss Ann Punta na po ako." Pag papamaalam ko dito.

"Segi Kayla mag iingat ka. " sabi nito.

At umalis na ako sa clinic.

********

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND SHARE!

Thank you so much!!!!

^_^v

FOLLOW ME ON:

Facebook PAGE: https://www.facebook.com/viney.racini.divineo9/

Instagram: https://www.instagram.com/divineo9/

Twitter: https://twitter.com/divine_andrade

THANKS A LOOOOOOTTT !!!! ^_^v

d i v i n e a n d r a d eđŸ’Ș

Next chapter