1 Chapter 1: The Boys and Me

Hi. Ako si Zanleigh. I've been this 'lonely girl' sa school dahil I have no friends, at walang nagkakacrush sakin. Until...

Naglalakad ako papunta sa gate ng school habang nakatingin sa baba dahil ayokong pagtinginan nanaman ako ng mga tao dahil palagi akong ganito. 'Di ko lang namalayan na...

Zanleigh: Ay!

Xian: Ay sorry!

Ito ngapala si Xian. Pretty much the guy I liked. He and his bestfriends are popular sa school namin which is Taft University.

Zanleigh: A-a-ahmmm... Sorry, hindi kita nakita eh. Blind spot ko kasi nakayuko ako. 'Di nakikita sa salamin ko...

Xian: It's alright. You, ayos ka lang?

Zanleigh: O-o-okay lang. Salamat sa pag-aalala.

Oh. My. God. I didn't even know what to say! Ito na!!! Kausap ko na talaga siya!!! Wala na akong magawa kundi tumulala sa napakagwapo niyang mukha.

Xian: Z-Zanleigh?

OMAYGAHD! Alam niya yung pangalan ko!!!

Zanleigh: U-u-um, yes?

Xian: Haha. Kanina pa kasi kita tinatanong kung gusto mo sumama samin with the boys kasi kakain kami sa Krispee, eh hindi ka naman sumasagot.

Zanleigh: Oh, umm. Sure, pero parang mabilis yata. Kakakilala lang natin.

Xian: Kaya nga. I want to get to know you more. Tsaka palagi kita nakikitang naglalakad dito sa school and wala kang kasama. Wala ka bang kaclose dito or something? Are you getting bullied?

Zanleigh: Ah, hahaha. Hindi ko nga din alam eh. Parang 'di lang ako bagay sa topics nila. Pero hindi ako nabubully.

Xian: Good to know.

Zanleigh: Pero what if hindi ako magustuhan ng mga kaibigan mo? Y'know, popular din sila eh. Hindi ba sila snobber or something?

Xian: Hahaha don't worry. Mababait sila. Nakikipag-usap lang talaga kami sa mga lumalapit sa amin and yung mga gusto namin kausap.

Zanleigh: Eh paano ku---

Xian: Shh. Everything will be alright. I'll be with you naman mamaya eh. Saang class ka ba?

Hinatid niya na ako sa classroom ko, pero lahat nang kaklase ko, nakatitig sakin. Ewan, siguro nagulat sila kasi kasama ko yung crush nila. Winner na dis! HAHAHA

Charminique: Zanleigh. Bakit kasama mo siya? Kayo ba?

Tanya: Kayo na ba? May boyfriend ka na?

Luh daming tanong. Ako na ata yung sikat eh HAHAHA. Karma nalang sa kanila dahil lagi nila akong tinataboy noon.

◤RECESS◢

Kinakabahan ako lumabas dahil baka tanungin ako ng mga tao kung bakit ko kasama si Xian kanina... Antay muna ako saglit sa room.

Xian: Boo!

Zanleigh: Ay giatay kang pistiha ka!

Xian: HAHAHAHA magugulatin ka pala.

Zanleigh: Eh pano ba naman kasi, tatawag ka nalang, manggugulat ka pa. Nahulog tuloy salamin ko. Nasaan ba?

Xian: Ito oh. Sorry hahaha.

Zanleigh: Ano nga ba ginagawa mo dito?

Xian: Eh ayun nga. The boys couldn't make it mamaya. Palagi kasi kami gumagala. Pahinga daw muna sila for the day.

Zanleigh: So tayo lang mamaya?

Xian: That's right. Let me guess. Kinakabahan ka 'no? Panigurado tinanong ka ng mga kaklase mo kanina kung bakit kasama mo ko.

Zanleigh: Oo. Ngapala. Labas na kaya tayo? Kanina pa tayo nandito sa room.

Xian: Sabagay, hahaha. Tsaka nagpaalam na ko sa mga kaibigan ko na gusto muna kita makasama ngayon kasi lagi kang mag-isa. The question is, pwede ba?

Zanleigh: S-s-sure.

Hindi ko talaga alam kung kikiligin ako, or kung mahihiya ako dahil sa mga tao eh... Hay nako, bahala na. Mag-eenjoy nalang ako. Minsan lang 'to!!!

◤UWIAN◢

Naglalakad nalang ako sa hagdan namin dahil hihintayin ko pa si Xian sa labas ng room niya. Hanggang...

Zanleigh: Ah!

Christopher: Miss, mag-iingat ka. Muntik ka na mahulog sa hagdan. Buti nahawakan kita. Ano ba ang iniisip mo?

Zanleigh: W-w-wala. Sala---

Xian: Zanleigh?

Zanleigh: Xian?

Christopher: Zanleigh pala pangalan mo. Ako nga pala si Chri---

Zanleigh: Ah, oo. Alam ko na yung pangalan mo. Christopher, right?

Christopher: Ah, hehehe. O---

Xian: Tama na 'yan. Bro, I have plans with Zanleigh. We've got to go. Zanleigh, let's go?

Zanleigh: Ah, su---

Christopher: So s'ya pala 'yun. Well, can I come?

Xian: But you said yo---

Christopher: It's okay, bro.

O-M-G. 2 down, charot. Si Christopher tsaka si Xian? 'Di ko na kaya 'to mga bes!

◤SA KRISPEE◢

Xian: Zanleigh, bakit parang tahimik ka? Kanina ka pa walang imik mula sa school hanggang dito.

Zanleigh: Ah, yeah well... Eh ano ba naman kasi ang sasabihin ko, 'diba? Hahaha. At saka kinakabahan ako baka kung ano ang isipin ng mga tao sa akin kapag nakita nila ako na kasama kayo.

Christopher: Don't worry. Willing kaming ipagtanggol ka at magpaliwanag sa kung sino man ang magtatanong sayo hahaha.

Zanleigh: No, hindi naman kailangan. What I meant to say is masyado akong mahiyain para palibutan ng mga tao tsaka 'yung mga tanong nila. Y'know, medyo naaasar lang ako.

Xian: Don't worry, minsan nararanasan din namin 'yan lalo noong mga first days namin bilang popular guys ng school. Ayos lang 'yan.

Zanleigh: Hmm... Well, if you say so. Pero alam mo ba 'yung feeling na pinalilibutan ka ng mga tao tas puro wala namang kwenta mga tanong?

Xian: Hahaha, that's fine.

Christopher: Yeah, malay mo maging popular ka din sa school.

Zanleigh: FYI, I'm not as talented as you guys. Well, I hope so.

Xian: If you want, we can help you be.

Zanleigh: Chinacharot pa ko nito.

Christopher: I don't think that's a joke. We can really help you. If you only want us to, that is.

Xian: So, gusto mo?

Zanleigh: I don't know. Maybe yes, maybe not.

Xian: Well, you can think about it for as long as you want.

Zanleigh: Yeah, thanks.

Christopher: We'll always be here for you.

Xian: Come on, that's too dramatic. Let's think about good topics nalang.

Christopher: Wasn't that good?

Xian: Yeah, it was. Pero bro, we can't waste time by crying here all along, duh. Hahaha.

Christopher: Alright, fine.

Xian: Dapat good vibes lang, ha?

Christopher: Yes po, tatay. Order na tayo?

Xian: Sure. Waiter! Umm, oorder na po kami.

Zanleigh: Isa---

Tanya: Hi, beshie! Oh, hi sa inyong dalawa! Bestfriend ako ni Zanleigh. Girl, let's go?

Hala s'ya! Kapal ng mukha! Bestfriend ko daw? Alam naman nating lahat na wala ako noon. Gigil ako nito girls. Help. Oh well, I'll always stay with my loves, charot!

avataravatar
Next chapter