Bilang na lang sa Pilipinas ang lalaking tapat at naniniwala sa pagmamahal. Isa na r’yan si Tyler Vasquez. Bukod sa pagiging tapat at dedicated sa pagiging pulis ay ganoon din siya sa babaeng kanyang minamahal, si Deserie Salvacion. Ngunit mapaglaro ang tadhana at sinubok ang kanyang pagmamahal sa babae. Maiipit siya sa dalawang tao na mahalaga sa kanya. Sino ang higit niyang paniniwalaan sa dalawa? Ang iyong tinuruting na kapatid o ang iyong minahal? Kung titimbangin mo ang iyong pagmamahal, sino sa dalawa ang iyong pipiliin? Sa huli, handa ba niyang panindigan ang kanyang napiling desisyon? Paano ipaglalaban ni Tyler and kanyang pagmamahal kay Deserie? Kaya ba niya muling huliin ang puso ng minamahal at tuluyang ikulong sa kanyang bisig?
Isang magandang balita ang aking natanggap. Halos nag tatalon ako sa kaligayahan nang makompirma ko ang isang bagay. Hindi planado o inaasahan ngunit alam kong ikakatuwa ni Tyler ang balitang sasabihin ko.
"Hindi ako makapaniwala," saad sa aking sarili. "Anak, umaapaw ang tuwa sa puso ko." Napahimas ako sa aking tiyan habang nakangiti na abot hanggang tenga. "Pupuntahan natin ang Daddy mo. Sigurado ako mas doble ang tuwa na mararamdaman niya kapag nalaman niya na ipinag bu-buntis kita."
Nakasakay ako sa taxi papunta sa opisina ni Tyler. Hindi ko na kaya pang hintayin ang gabi para lang makita siya. Gusto ko na siya ang unang makaalam ng aking pag da-dalang tao.
Kaba, kasiyahan at excitement ang nararamdaman ko. 'Ganito siguro ang pakiramdam kapag nalaman mo na magiging isa ka ng ina.'
Agad kong binuksan ang aking cellphone nang tumunog iyon. Nag appear ang name ni Tyler 'Boo'. Dali-dali kong binasa iyon. Habang binabasa ang bawat salita na naka type roon ay naging dahilan upang madurog ang aking puso.
"I don't love you anymore. Let's break up!" iyan ang pinaka tumanin sa aking isipan.
"Hindi! Hindi totoo ito!" sambit sa aking sarili. Naramdaman ko ang lamig ng aking pawis. Ang kanina na kasiyahan ko ay napalitan ng sakit at kirot na dumurog sa aking puso.
Dinayal ko ang number ni Tyler. Nag ri-ring iyon ngunit hindi niya sinasagot. Ilang beses akong nag text ngunit wala akong reply na nakuha.
Tinapik ko ang balikat ng driver, "Manong, pwede niyo po ba paki-bilisan? Parang-awa niyo na po. Kailangan ko na makarating doon." Hindi ako mapakali.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo, Tyler? Bakit? Bakit? Ano ba ang ginawa ko para makipag hiwalay ka sa akin?" kausap ko sa aking sarili. Naramdaman ko na lumalandas na ang mga luha sa aking mga mata.
"Ma'am, malapit na po tayo," pag-aalalang sambit ng driver. "May problema po ba, Ma'am?" tanong niya.
Umiling lang ako habang pinapahid ang mga luha na hindi humihinto sa paglabas sa aking mga mata.
Inabot ko kaagad ang bayad sa driver upang makababa agad at mapuntahan si Tyler sa kanyang opisina. Nasa entrance na ako ng building nang pigilan ako ng guard na pumasok.
"Sir, ako po ang girlfriend ni Tyler. Kilala niyo naman po ako, 'di ba? Parang awa niyo na po. Kailangan ko lang po siya maka-usap." Halos lumuhod na ako sa pagmamakaawa ko upang makapasok sa loob ngunit walang silbi iyon.
Nag hintay ako sa labas ng building ngunit wala akong Tyler na nakita. Mag ha-hating gabi nang mag desisyon akong umuwi at balikan na lamang siya bukas.
Nanlulumo ako habang pauwi sa bahay. Muli na naman sumabay ang mga luha sa aking kalungkutan. Kahit mapudpod na ang daliri ko sa pag te-text at pag da-dial ng number niya ay ayos lang, basta makausap ko lamang siya.
Ilang araw ko sinubukan balik-balikan si Tyler sa kanilang bahay at opisina. Sinubukan ko rin siyang hanapin sa kanyang mga barkada. Pati na rin sa police station kung saan siya madalas nagpupunta, ngunit hindi ko siya maka-usap.
Dumaan ang mga araw na walang kain at tulog kakaisip sa kanya. Buong araw akong umiiyak dahil sa hindi malinaw na dahilan kung bakit kailangan niya akong iwan ng ganun-ganun lang. Hinihintay ko siya at handang tanggapin sa kabila ng pag-iwan niya sa akin sa ere.
Bumagsak ang buong mundo ko na halos lahat ng tao sa paligid ay nagawa kong kalimutan. Ang pamilya ko, ang sarili ko, at ang bata na dinadala ko sa aking sinapupunan. Dahil sa pagmamahal ko kay Tyler wala na akong natira sa sarili ko. Hinangad ko na lang na mamatay kasabay ng pagkamatay ng puso ko.
"Bakit? Bakit mo ko iniwan?" tanong sa aking sarili. Hawak ko ang kutsilyo na nakadiin sa aking pulso. "Pinaramdam mo sa akin ang langit pero nilugmok mo rin ako sa kumunoy. Sa sobrang taas ng binagsakan ko ay hindi ko na kaya pang tumayo at bumangon. Sa dali nang pag bitaw mo sa akin ay unti-unti akong nalilibing kumunoy."
Humagulgol ako sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Gusto ko na kitilin ang buhay ko para hindi na maramdaman ang matinding paghihirap ko ngayon.
"Ate!" tawag ng isang boses.
Kinuha niya ang hawak kong kutsilyo. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Nandito pa kami, Ate!" umiiyak na sambit ng aking kapatid. "Parang-awa mo na Ate Andeng!"
Hindi ako iniwan ng aking kapatid dahil sa takot na gawin ko muling patayin ang aking sarili. Sa dalawang buwan na lumipas, napag isip-isip ko na kailangan kong bumangon. Kailangan kong ayusin ang sarili ko para sa aking pamilya at sa magiging anak ko.
Sinabi ko na aalagaan ko ang aking sarili at ang bata sa sinapupunan ko. Kahit walang ama ay sisiguraduhin ko na hindi siya makukulangan sa pagmamahal. Hindi ko siya iiwan kagayan ng pag iwan ng kanyang ama sa amin mag-ina. Pero huli na ang lahat. Pati ang anak ko bumitaw dahil sa aking pagiging mahina.
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar. Nakatitig lang ako sa kawalan at walang paki-alam.
"Deserie, mabuti naman at gising ka na. Pinag-alala mo kami masyado." Isang boses ng babae ang aking narinig. Naramdaman ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking kamay. Pisil-pisil niya iyon ng mahigpit.
Lumingon ako sa aking gilid nang makita ang malungkot na mukha ng babae. Wala akong maisagot sa kanya. Ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak.
"Magpakatatag ka Deserie."
"Wala na ang anak ko! Naging mahina ako kaya nawala siya sa akin. Naging makasarili ako. Hindi inintindi ang bata sa aking sinapupunan. Kasalanan ko ito! Siya na lang ang dahilan ko para makabangon pero hinayaan ko siyang mawala. Wala na ang anak ko!"
'Paano ba ako makakabangon sa kinalugmukan ko? Paano ako magsisimula at haharapin ang bukas na wala ang mahal ko? Na wala ang anak ko? Paano nga ba ako magigising sa bangungot na ito? Gaano katagal mawawala ang sakit, kirot at pighati sa puso ko? Ano ang kailangan kong gawin para isang iglap lang mawala ang lahat ng pasakit na ito?'
Marami akong tanong sa sarili na kahit kailan hindi ko agad masasagot. May mga pangyayari na hindi agad makakalimutan dahil naging peklat na sa puso ko. Pero isa lang ang pinapangako ko ngayon sa aking sarili at iyon ang dadalhin ko sa araw-araw upang malampasan ang lahat ng ito.
"Move forward and never look back."