1 She is...

Ameri's POV

"And they live happily ever after." Pagtatapos ko sa binabasa kong fairy tale at nakangiti kong hinarap ang mga nagpapalakpakang mga bata.

"O, may tanong ba kayo, mga bata?" Nakangiting tungo ko sa kanila. Ang cu-cute talaga nila. Gusto ko silang pang-gigilan.

"Teaaa-cher Aaaameri princess din po ba kyo?" tanong ng pinakamaliit na bata sa grupo. Si Mary.

"Hahaha! No, Mary, bakit mo naman naitanong?"

"Eh kasi po ang ganda-ganda nyo po at ang puti at mabaet po." The little child smiles at me na parang nahihiya pa.

Ito pa ang gusto ko sa mga bata. Hindi marunong magsinungaling, hehe. Pero mabaet daw ako ?Ewan ko din *Grin

Nakaka-proud dahil isang honest na bata ang nagsabi sa 'kin na maganda ako kahit simpleng T-shirt, jeans at doll shoes lang ang suot ko.

"Ganoon ba ang princess?" nakangiting tanong ko sa kanila.

"Ooooopppoooo…" chorus nilang lahat.

Nakita kong nagtaas ng kamay si Jester, ang pinakamatanda sa grupo, 11 na siya.

"Eh Teacher Ameri sabi sa amin ni Teacher Susan mangkukulam daw kayo tapos ginagayuma ninyo daw po lahat ng mga lalake sa pinupuntahan ninyo. At nagpapalit daw po kayo ng anyo tuwing gabi. Nagiging panget daw po kayo."

"Pero hindi po kami naniniwala!" si Mary.

Nagsimula na silang mag-ingay at magpalitan ng mga opinyon.

"Kids, keep it down." Saway ko sa kanila.

Sanay na ako sa pagtataray ng mga kapwa ko co-volunteer dito sa Laughing Hearts Foundation. Lage silang nagtsi-tsismisan tungkol sa akin pero kiber ko ba sa kanila?

Pero hindi ko matanggap na talagang idadamay pa nila ang mga batang walang kamuwang-muwang sa propaganda nila laban sa 'kin! Naturingan silang mga tumutulong sa mga non-government organization na katulad nito.

"Oy, tahimik daw kayo!" sigaw ni Mary, kahit maliit siya ang tinis naman ng boses.

Mayamaya ay tumahimik na din sila at umupo sa nakalatag na banig.

"Huwag ninyong intindihn 'yon, okay kids? Basta tandaan ninyo na lang ang mga natutuhan nating values sa mga binabasa nating kwento, katulad na lang na ang pagiging prinsesa ay hindi lamang ang mga babaeng magaganda pero mas importante ang kabutihan sa kanyang puso, okay ba?"

"Ooooooppooooo."

"Sige pumunta na kayo sa dining hall para mag-lunch. Form a line ha."

"Gooooodbye and teeeeenk you Teacher Aaaaameri!"

"Goodbye din kids! Ingat kayo sa paglalakad ha." Kinawayan ko pa sila.

Tumayo na ako sa pagkaka-upo sa bangkito na nasa ilalim ng puno.

Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang mga bata. I love kids. Iyan ang dahilan ko kung bakit ako nag-volunteer dito sa maliit na bahay-ampunan na ito para magturo sa mga abused children and orphans tatlong beses isang linggo.

Pupunta na muna 'ko sa opisina ng head ng Foundation para magpaalam bago ako pumasok sa trabaho ko. Mabait si Mrs. Alcantara hindi katulad ng mga nagtatrabaho dito.

"Oo, nakita pa nga daw ng kumare ko na bumibili ng tanglad, buto ng sampalok, paa ng manok at sari-saring weird na bagay doon sa bayan. Siguro iluluto niya iyon sa malaking kawa tapos oorasyunan, malay mo nakakaagnas pala ang recipe niya na yon."

Narinig kong pagkukwento ng isa sa mga nasa umpukan sa hallway bago ako lumiko. For sure, ako ang topic nila.

Pero kailan ako bumili ng mga ganoong bagay? Ang lake ng galit nila sa 'kin at nagawan agad nila ako ng mga creative na tsismis. Ang dame ko talagang haters kahit saan ako magpunta.

"At nakita mo na ba ang bahay niya? Naku, nasa loob ng gubat malapit sa dalampasigan. Yari sa bato pero ginagapangan na ng mga baging ang labas!" sabi pa ng isa.

True. Ganoon nga ang labas, madamo, masukal at sinadya ko talaga iyon para panakot, hehe! Pero kabaligtaran niyon ang loob. Wala pa naman akong naiimbitahang pumasok doon kaya hindi nila alam na sobrang linis niyon.

"Eh ano pa kaya ang loob noon! Di ba may malaki din syang aso na orange at mabalahibo?"

That's my Fiery, iba ang breed niya kaya kakaiba ang kulay, parang apoy at kapag tumayo, halos kapantay ko na.

La talaga silang magawang maganda. Grabe, sikat pala talaga ako kahit dalawang taon pa lang ako sa bayang 'to. Mas gusto ko na lang silang pagtawanan kesa mainis sa kanila.

"Hello, girls!" bati ko sa kanila nang bigla akong lumiko kung saan sila nakatayo.

May nagulat, may nagtaas ng kilay at may ibang parang natatakot. I smiled.

"Hello, Susan kamusta na? Ooops teka lang ha," may kinuha ako na nakakapit sa balikat niya.

Walang bata sa paligid kaya pwede akong mang-trip. *Evil grin

"May falling hair ka kasi."

Tumaas lang ang kilay niya pero mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya.

"Ibalik mo sa 'kin 'yan!"

"Ang ano?" pa-inosente kong tanong.

"Akina ang buhok ko, alam kong kukulamin mo ko!"

Congrats na nakuha niya ang gusto kong palabasin. Bigla niya sa 'king hinablot ang ilang pirasong buhok niya. Eh di sayo na, alangan namang iuwi ko yan.

"Kailan ba kayo maniniwalang hindi ako mangku?" tanong ko lang na napapailing.

Walang sumagot, alam ko namang hindi talaga sila naniniwala na isa akong bruhaha, iba lang talaga ang nagagawa ng insecurity.

Hindi ako nagyayabang na talagang maganda ako. Pero sila ang malalaki ang problema, parang mga wala silang tiwala sa mga asawa nila lalo na pag nakikita ako ng mga mister nila. As if naman papatulan ko sila! May boyfriend na ko no!

Alam kong hindi sila makikipag-usap nang matino sa 'kin kaya dumiretso na ako sa opisina ni Ms. Alcantara at nagpaalam.

Paglabas ko, nakita ko pa din silang nagtsi-tsismisan. Hindi ko talaga makuha ang loob nila. I tried pero sila ang may ayaw, kaya sumuko na ko at nakikisakay na lang sa trip nila.

Is my beauty a blessing or a curse?

Hindi lang dito ko nararanasan ang pagiging outcast, pati sa maliit na baryo na wala ata sa mapa ng Pilipinas kung saan ako nakatira, at mula din sa mga kasamahan ko sa iba't iba kong sideline. Konti lang ang hindi makikitid ang utak at hindi nag-iisip ng masama sa'kin.

I really don't mind.

Minsan nga pinapanindigan ko na lang kung anong sinasabi nila sa 'kin. Katulad na lang ng mga kakaiba at weird kong outfit kapag namamalengke ako sa bayan. May mga umiiwas kapag dumadaan ako, may lantarang nang-aasar sakin,at mas marami ang walang sinasabi pero hindi naman magkaintindihan ang pagtaas ng kilay.

Hindi lang nila alam na tinatawanan ko ang mga reactions nila. Well, it's really funny to get into someone's nerves sometimes.

Ok, I admit, that beyond my princess's looks and elegance, I also got some bitchiness in me. *Wink

Sumampa ako sa motorbike ko at nirebolusyon iyon.

"Miss Ameri, We'll drive you home." Nilingon ko si Mortega, one of my two secret bodyguards.

"No, may pupuntahan pa 'ko."

Sagot ko at sumibad na palayo.

Tumango lang siya. Nakita ko pa syang pumasok sa isang itim na Jaguar at sumunod sila sa'kin. Ugh! I hate bodyguards.

Binilisan ko ang pagpapatakbo. Rice plains are on my both sides. Pagkatapos noon ay kakahuyan na. Walang masyadong trace ng pag-unlad ang bayang ito. But this is where I found my peace of mind. Kaya dito ako tumira in two years time.

Tama ang batang si Mary, I am a princess. No, I was.

That's my biggest secret that no one knew in this city. At wala rin akong balak ipaalam. I am only a princess by born. I am an heiress of one of the old rich clans in the Philippines. But the thought makes me feel sick.

Nakawala na ako sa mundong iyon. I am thankful that I was born wealthy pero wala sa mundo ng mayayaman ang passion ko sa buhay. At naiintindihan iyon ni Lolo Enrico, my only family.

I am living my own life now. Nagtatrabaho ako sa trabahong gusto ko. I became a dishwasher, a cashier, a saleslady at ngayon nga ay volunteer teacher at ahente ng lupa sa loob ng dalawang taon sa edad na twenty four. I love what I am doing now. Ginagastos ko ang sarili kong kinikita.

Hindi pinalayas ang drama ko, kundi talagang pinili ko ang ganitong buhay. Hindi ako napipirmi sa isang trabaho. I want to travel and experience all the simple things in life. Pero kapalit ng kagustuhan kong iyon ay ang pagkakaroon ng dalawang bodyguards.

Nakabihis sila ng parang sa mga ordinaryong mamamayan, hindi sila naka-black suits. Minsan nakapang-magsasaka, minsan vendor o nag-aapply din sila sa mga pinagtatrabahuhan ko. They are Epin Mortego and Tomas Criso. Parehong nasa mid-forties, malalaki ang katawan at halata sa mukha na handang pumatay at magbuwis ng buhay para sa sinumpaang trabaho.

I didn't mind their presence. Sa ibang bahay sila tumutuloy at hindi sila mga pakialamero. Minsan hindi ko sila makita pero alam kong nasa paligid lang sila.

Hindi sila nagrereport sa boss nilang si Vince Laurel Fierro tungkol sa mga ginagawa at kung nasaan ako. They are being paid just to assure my safety.

And who's Vincent Laurel Fierro? Well, he's a well-known billionaire, owner of chain of hotels and cruise liners and different companies. A rude businessman. A strict and arrogant man. Every woman's dream guy. And… my… fiancé…

avataravatar
Next chapter