367 Wonderful Night [2]

Si Tanaga na nakikinig at nanunuod lang sa tabi ay hindi na nakatiis at nakialam na rin. Inilapit niya ang kanyang mukha sa screen upang makita siya ng lahat. Bago, kumaway. "Kamusta na kayong lahat diyan?" Sabay ngiti ng pagka laki laki.

"Manugang, ayos lang ako, salamat! Paano naman kayo Kumusta ang pakiramdam mo? Siguraduhin mo na alagaan ang iyong kalusugan, ayokong himatayin ka sa harapan ng aming bunso at baka bigla iyang atakihin sa puso." Tanong at paalala ni Fely sa kanya. Sabay naman na magsimulang dumating ang lahat.

" Hey bro, ayos lang kaming lahat dito! Ikaw kamusta na ang pakiramdam mo? Siguraduhin mo na aalagaan mo ang kalusugan mo diyan. Paalala ko lang, sana ay gamitin nyo ang mga oras nyo diyan at bigyan nyo ako ng isang pamanking babae o' dalawa okay na rin!" Biro ni Arnold habang nakangisi.

Napangisi na rin si Tanaga sa biro ng bayaw. Si Ashley naman ay namula ang pisngi at kinurot ang asawa sa kagiliran. 

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter