253 Why Are You Here?

Ang kawawang tao ay pinagpapawisan na ng butil-butil, hindi siya makapag-isip ng mabilis kung anong klase ba ang kanyang isasagot at tamang ibigay. Hindi niya alam ang buong kwento kung bakit ang pamilya ng kanilang General Manager ay kasalukuyang naninirahan at gumagamit sa penthouse ng kanilang CEO.

Pagkatapos ay dumating pa ang taong nasa harap niya. Kasalukuyang nakakatakot ang dating at parang handa na siyang kainin ng buhay. Habang pinipilit siyang sabihin kung sino ang naninirahan sa Penthouse ngayon. Kaya naman hindi nya malaman kung ano ang gagawin?

Habang nakanganga siya at nagiisip ng kanyang isasagot, nagsalita uli si Koji habang masama na ang tema ng mukha nito.

"So 'ano ang sagot sa tanong ko?" Inulit uli ni Koji ang kanyang tanong. Sa oras na ito, medyo malakas na ang nuon una ay malumanay nyang boses. Sinusubukan niyang takutin ang lalaki sa harap niya at umaasa na gagana ito.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter