343 What To Do?

Minabuti ni Jessie na yayain ang buong pamilya, pati na sila butler Ruffy, Tiny, Fumika at Sato sa isang maliit na chapel sa loob ng hospital at ipagdasal ang kaligtasan ni chairwoman Hanada. Hindi naman nag atubili ang lahat at kusa silang sumama. Si Harumi ang nag volunteer na mag stay at ipinangakong ipapaalam kaagad sa kanila kung matapos na ang operasyon.

Lumapit si Harumi kay Ashley na mukhang nagaatubili na umalis. "Ma'am, wag po kayong mag alala at ipapaalam ko sa inyo kaagad kapag natapos na ang operasyon. Sige na po at sumama na kayo sa magulang mo at ipagdasal nyo na makayanan ni madam ang operasyon." Pakiusap ni Harumi habang may namumuo ng luha sa kanyang mga mata na gusto ng mahulog.

Ngumiti at tumango si Ashley bago huminga ng napakalalim. "I guess, tama ka. Sige, iiwan ko na muna si grandma sa iyo. Ipaalam mo kaagad sa akin kapag natapos ha." Sabay talikod ni Ashley at nauna ng naglakad papaalis.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

avataravatar
Next chapter